Kabanata 1
Ambrose Nicolous
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin na lamang sa maliit na usa. Hinaplos ko ang ulo non para maibsan ang kaba sa aking dibdib.
"What are you doing here, little girl?" muli niyang ulit sa kaniyang tanong.
"P-Pasensya na po sa pang-aabala, naligaw kasi ako sa pagpunta rito." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanila.
Narinig ko ang pagpalatak noong Abe kaya napatingin ako sa kaniya. Kita ko ang kunot niyang noo at nagngingitngit na panga, para bang nagpipigil siya na sigawan ako. Nakaramdam man ng takot, pinilit kong maging matapang, lalo pa't wala naman akong ginagawang mali.
"Hindi ka magaling magsinungaling, do you think that I will believe your excuses?" sabi niya na parang naghahamon sa akin ang tono.
Napakagat ako sa labi ko at hindi nagawang iwasan ang kaniyang tingin. "Nakarinig po kasi ako ng mga boses kanina, madalas naman po kasing walang tao rito kundi ako lang..." paliwanag ko habang nakatingin sa kanila. Hindi na nakaya pang pagtakpan ang sarili.
Muli siyang pumalatak at umahon sa ilog para lapitan ako. Naiwan iyong babae kanina roon sa tubig, inabala ang sarili sa paglangoy, at hindi na kami pinansin pa. Bumalik ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harap ko, wala siyang suot na pang-itaas at tumutulo pa ang tubig mula sa kaniyang katawan.
Umiwas ako ng tingin ng hindi ko sinasadyang mapasadahan ng tingin ang katawan niya.
"You should mind your own business, if you heard someone, you should left, hindi iyong pupuntahan mo pa iyong may-ari ng boses..."
Inayos ko ang aking buhok at tinignan ang kaniyang mga mata. "...Or maybe you just want to peep on us, huh?" tumaas ang sulok ng kaniyang labi, mapaglaro na ang kaninang seryosong mga mata.
Gusto ko man ikunot ang noo ko ay hindi ko na lamang ginawa. "Hindi po ako namboboso. Hindi ko naman po kasi a-alam na naghah-halik-k-kan k-kayo!" sa dulo ay hindi ko mapigilang makaramdam ng inis.
"Really? Hmm?"
"Sa susunod po kasi, huwag po kayong makikipaghalikan sa lugar na pwede kayong makita ng ibang tao!" sabi ko at mabilis na tumalikod para makaalis na roon.
Namumula ang pisngi ko na tumakbo paalis sa lugar na iyon. Habol ko pa ang hininga ng makarating sa mansyon, hindi kasi ako tumigil sa kakatakbo hanggang sa makarating sa mansyon ng mga Montealegro. Sa may likod ako ng kusina dumaan, kaya agad na bumungad sa akin si lola na abala sa pagluluto
Gulat na napatingin siya sa akin, kita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo. "Oh bakit tila hingal na hingal ka riyan, apo?"
Inabutan ako ni lola ng tubig na agad kong ininuman, ilang sandali lang ay kumalma na ang aking paghinga. Inayos ko muna ang aking suot na bestida, pinagpag ang kaunting dumi na nakita ko roon. Tapos ay sinuklay ng maayos ang kulot na buhok ko.
Kinuha ko ang isang apron na nakasabit sa likod ng pintuan at isinuot iyon. "Sorry la, kung ngayon lang ako, natagalan po kasi ako sa pagbibigay ng kakanin sa mga trabahador." Alibi ko na lamang para hindi na siya magtanong pa.
"Ganoon ba? Naubos naman ba ang mga kakanin na niluto ko?"
Ngumiti ako kay lola at tumango sa kaniya. "Oo naman lola!" may pagmamalaking sabi ko.
Pero pansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "Kung gayon, nasaan pala ang aking bilao?"
Natigilan ako sa tanong ni lola. Ang bilao? Teka nasaan ang bilao? Akala ko dala-dala ko ng tumakbo ako!
Lumaki ang mata ko ng mapagtanto na naiwan ko pala sa may tabing ilog iyong bilao. "Hala lola, naiwan ko po pala sa may tabing ilog!"
Napailing siya sa akin bago tumingin sa kaniyang niluluto. "Oh siya, bukas mo na lamang kuhanin ang bilao. Halika't tulungan mo na ako maghanda, dadating na ang iba pang apo ng Don."
Tumango ako kay lola at nagsimula na kaming magluto ng ibang putahe. Ang sabi ni lola, nakarating na raw ang dalawa sa apo ng Don kanina pang umaga, habang ang iba ay mamayang mga alas-sais pa ang dating.
Nakangiti akong nag-ayos ng hapag, nakita ko pa ang ibang katulong roon na nag-aayos ng buong mansyon. Pati na rin si Batseng na tahimik na nagpupunas ng mga picture frame. Napatigil ako sa paghahanda ng hapag ng makita ko siyang may hinawakan na isang litrato roon.
Lumapit ako sa kaniya ng walang ginagawang ingay kaya hindi niya napansin na nasa likod niya na ako. Bata pa si Batseng, kinse anyos lang siya at napakahinhin na bata. Halos parehas lang kami ng ugali sabi ng ibang mga trabahador dito.
Pansin ko na hinaplos niya ang litrato ng isa sa apo ng Don, may kakaibang ngiti pa siya sa kaniyang mga labi at halata ang ningning sa kaniyang mga mata. May gusto ba siya sa lalaking nasa litrato?
"May gusto ka ba sa isa sa mga apo ni Don?" tanong ko sa kaniya na ikinagulat niya.
Nabitawan niya ang hawak at tarantang ibinalik iyon sa kinalalagyan.
"A-Ate Raya! K-Kanina ka pa ba riyan?"
Bahagya akong napanguso habang napatingin sa mga litratong naroon. "May gusto ka nga sa kaniya," sabi ko, tinutukoy ang litrato ng isa sa mga apo ng Don.
Namula ang kaniyang pisngi sa sinabi ko at hindi na makatingin ng diretso sa mata ko. Mahina akong napatawa, halatang natataranta siya sa akin.
"C-Crush lang naman ate," sabi niya. Namumula pa rin ang kaniyang pisngi.
Nagkibit balikat ako at sumulyap muli sa nga litrato, tapos ay sa kaniya. "Wala namang masama sa pagkakaroon ng crush. Pero bata ka pa, Batseng. Kinse anyos, di hamak naman na malaki ang tanda sayo ng crush mo," tukso ko kaniya na mas lalong ikinapula ng pisngi niya.
Tumatawa akong napailing sa kaniya. "Halika na nga, tulungan mo na lamang ako ihanda ang hapag. Mamaya may salo-salo, sumama ka sa akin ah. Ang Don Montealegro kasi niyaya si lola, wala akong makakasama mamaya."
Agad siyang napatunghay sa akin. "P-Po? Isasama niyo po ako mamaya sa hapag? Pero katulong lang po ako rito," sabi niya pa pero halata naman ang ningning sa kaniyang mga mata.
Tumango ako sa kaniya at pinisil ang namumula pa rin niyang mga pisngi. "Katulong lang rin naman kami ni lola dito e, at saka mabait naman si Don Montealegro. Kilala ka na rin naman, huwag ka ng mahiya."
"S-Sige po," napangiti naman ako.
Hinigit ko na siya sa may kusina para ihanda ang mga lutong ulam doon sa malaking hapag ng mansiyon. Sobrang laki ng mansyon, at literal na nakakaligaw minsan. Mabuti na lamang at gamay ko na ang bawat pasikot-sikot dito kahit papaano.
Ang kusina nga dito sa mansyon, halos kasing laki na ng bahay namin. Kumpleto rin ang bawat kagamitan nila rito, hindi na rin naman na ako nagtaka.
Pinuntahan ko sa sala si lola, naroon siya at may kausap na isa sa mga apo ni Don Montealegro. Bagong dating lang ata sila, napansin ko ang dalawa na nakaupo sa malaking couch na naroon. Nakapikit ang mga mata at halatang pagod sa biyahe.
"Your granddaughter, Lola Kuring?" dinig ko na tanong ng kausap ni lola. Umiwas ako ng tingin sa kanila at tumayo lamang sa isang tabi.
"Oo, Demaro, ang ganda ng apo ko no?" may pagmamalaking sabi ni lola na ikinapula ng pisngi ko.
Si lola talaga kahit kailan.
"Yeah, how old is she, by the way?"
"Naku, bata pa ang apo kong iyan. Magdidisi-otso pa lamang sa susunod na dalawang buwan, at wala pang nagiging nobyo..." si lola parang binubugaw na ako.
Hindi na ako nakatiis pa kaya lumapit na ako, ni hindi ko sinulyapan ang kausap ni lola. "Excuse me po sir..." sabi ko bago bumaling kay lola. "...lola, okay na iyong hapag. Tatawagin ko na po ba si Don Montealegro?"
"Ay hindi na apo, ipapatawag ko na lang kay Loriel iyon. Teka, halina kayo sa hapag, alam kong mga gutom na kayo." Sabi ni lola sa mga apo ng Don, nauna na akong bumalik sa may kusina, nakita ko roon si Batseng na naghuhugas ng mga pinaglutuan.
Tinulungan ko na siya sa paghuhugas para mapadali na at makapunta na kami sa hapag. Pasado alas-siete na rin ng gabi kaya alam kong nagugutom na rin si Batseng.
Habang naghuhugas kami roon ay nagkekwento si Batseng, tuwang-tuwa naman ako sa mga kinekwento niya dahil tungkol iyon sa mga kapatid niya. Bata palang kasi ako ay sabik na ako sa nakababatang kapatid, malas lang talaga at wala na akong naging kapatid pa.
Napatigil kami sa pagtatawanan ng may biglang pumasok sa kusina. Tumingin si Batseng sa bagong dating, nakita ko ang biglang pagpula ng kaniyang pisngi at napayuko habang naghuhugas ng pinggan.
"Where's Abe anyway? Akala ko ba nauna na siyang umuwi rito? I haven't seen him yet," sabi ng isang boses panlalaki.
"Maybe, he's banging girls," walang ganang sabu ng kausap.
Hindi ko iyon naintindihan kaya nagpatuloy na lamang ako sa paghuhugas ng pinggan.
Narinig kong may tumawa sa mga iyon. "Damn dude! Wala talagang patawad ang isang iyon..." sabi ng lalaki kanina. "Hey! Oh come on, Yaeb! That's my beer!" hanggang sa makalabas sila ay nanatiling nakayuko si Batseng.
Ilang saglit pa bago siya bumalik sa dati.
"Hindi lang naman ata crush ang nararamdaman mo e," sabi ko kay Batseng.
"A-Ano ate, kinabahan lang ako kasi biglang pumasok si Sir Yaeb..." pagpapaliwanag niya pa sa akin.
"Hmm, basta Batseng, alagaan mo iyang bata mong puso. Bata ka pa, iyong katulad ng apo ni Don, matatanda na sila at marami ng alam sa mga bagay-bagay dito sa mundo. Huwag kang basta-basta mahuhulog kay Sir Yaeb," paalala ko na ikinatango naman niya.
Ngumiti ako sa kaniya at sabay naming tinapos ang gawain. Hinubad ko ang suot kong apron at inayos ang sarili bago lumabas ng kusina. Si Batseng naman ay nasa likod ko habang nakakapit sa aking bestida. Nahihiya talaga siya na makisalo sa mga Montealegro, kahit ako rin naman e.
Si lola ang bumungad sa akin, pinaupo niya ako sa tabi niya, habang si Batseng naman ay nasa aking tabi at nakatungo ang ulo.
"Dalaga natalaga ang apo mong si Soraya at napakaganda pa ano, Korina...?" sabi ni Don Montealegro, muling namula ang aking pisngi.
"Aba'y syempre, Rado! Sa akin ata nagmana ang apo kong ito ano,"
Ang mga apo ni Don Montealegro ay tahimik lamang na naroon habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni lola at ng Don. Napabaling ako kay Batseng na nakatungo pa rin at pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri.
"Narito rin pala ang apo ni Henya, kumusta na Batseng?" tanong ni Don Montealegro kay Batseng.
Nahihiyang tumingin si Batseng kay Don Montealegro. "O-Okay l-lang po, Don..."
Ngumiti ang Don sa kaniya tapos ay tumingin sa kaniyang mga apo. "Nga pala, ito ang mga apo ko. Si Galan, Yaeb, Demaro, Seymour, Sinaio— nasaan naman ang isang apo ko?"
"Abe's late again, lolo..." sabi ng isa sa mga apo ng Don.
Pero napatingin ang lahat sa kakarating lamang na lalaki. Kahit naman na inaasahan ko ang pagdating ng lalaki na nakasalamuha ko kanina sa may ilog, ay hindi ko pa rin mapigilan na mapaawang ang labi.
Walang emosyon ang kaniyang mukha, walang sabi na umupo sa mismong harap ng kinauupuan ko. Lumunok ako ng magtama ang aming tingin, lalo na ng tumaas ang gilid ng kaniyang labi.
"Sorry, I'm late. Got stuck in Nimpo..." malamig niyang sabi habang nakatingin pa rin sa akin.
"—that's Abe, pinakamatigas ang ulo sa lahat ng apo ko," may kasamang tawa na pakilala ni Don Montealegro.
"Mga apo, si Soraya, ang apo Korina, tapos si Bathseeba, apo naman ng isa sa mga kaibigan ng lola niyo rito sa hacienda,"
Kahit ayaw ko man ay napilitan akong ngumiti sa kanila. Ngumiti naman sa akin pabalik ang ibang apo ni Don Montealegro.
Bago ako magsimula kumain ay tumingin muna ako kay Batseng na nakayuko pa rin. Minsan ay pasimple rin siyang napapatingin kay Sir Yaeb, kaya hindi ko rin mapigilan na mapatingin sa crush niya. Tahimik lang iyon na kumakain, minsan ay napapatingin kay Batseng ngunit bilang lamang iyon. Siguro ay nagtataka kung bakit ganito umasta si Batseng.
Tinapik ko ang balikat ni Batseng at nginitian siya.
Hindi nagtagal ay naging maingay rin sa hapag, pero sila-sila lang rin naman ang nagkakaintindihan dahil tahimik lang kaming kumakain ni Batseng. Nang matapos lahat ang kumakain, ako na mismo ang naghugas ng pinggan kahit pinigilan ako ni lola.
Ayaw ko na rin naman kasi magtagal pa sa hapag, lalo pa't wala naman akong balak makipagsalamuha sa mga apo ng Don.
Tahimik lamang akong naghuhugas ng mga pinagkainan sa may kusina ng biglang may pumasok.
Imbes na pansinin ay nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa. Ngunit napatigil rin kalaunan ng may biglang naglapag ng baso sa gilid ko. Tumigil ako sa paghuhugas at napatingin sa naglapag noon.
Nakita ko ang apo ng Don na nangngangalang Abe, iyong lalaking nakasalamuha ko kanina sa ilog. Tahimik lamang siya na nakatuon ang isang kamay sa may lababo habang nakabaling sa akin.
"Soraya huh, nice name for a little girl like you..." sabi niya nang nakangisi sa akin. "...Ambrose Nicolous,"
Bumuga ako ng hangin at bumaling sa kaniya. "Magandang gabi sa iyo, Sir Ambrose..." may hilaw na ngiti kong sabi sa kaniya.
Ngumisi lamang siya bago tuluyang umalis doon.
Napapailing naman ako na nagpatuloy, hindi talaga maikakaila na isa siyang Montealegro. Mapaglaro at mahilig sa babae.