Chereads / Levitating (Montealegro Girls 1) / Chapter 4 - Kabanata 2

Chapter 4 - Kabanata 2

Kabanata 2

Too Young

Alas-diyes na kami ng gabi nakauwi ni lola, gusto pa nga ng Don Montealegro na roon na kami matulog kaya lang may mga gagawin pa kasi ako sa bahay, lalo na iyong mga assignments ko. Kaunti lang naman iyon pero syempre, ayaw ko pa rin. Nakakahiya na rin naman kasi sa Don, kahit pa mabait siya, masama naman na abusuhin iyon.

Nang makarating kami sa bahay, agad na dumiretso si lola sa kaniyang kwarto upang matulog na. Maaga rin kasi siya bukas dahil magtatrabaho pa siya sa mansyon, mas magiging busy siya ngayon, kasi dumating ang mga apo ng Don.

Habang ako naman ay naglinis muna ng katawan bago pumunta ng kwarto at nagsagot ng mga assignments.

Iyong bahay namin, hindi naman kaliitan pero hindi rin ganoong kalakihan. Tama lang para sa aming dalawa ni lola, dati tatlo kaming nakatira dito, kaso pumanaw na si lolo noong nakaraang taon kay ngayon ay kaming dalawa na lamang ni lola ang nakatira dito.

Nasa loob pa rin ng Hacienda Monte ang kinaroroonan ng bahay namin, dati pa raw ito sabi ni lola. Binata palang raw ang lolo ay ito na ang tinitirhan. Sa isip ko, kung ibang may-ari siguro ng Hacienda Monte, baka matagal na kaming pinalayas dito.

Mabuti na lang talaga at napakabait ni Don Montealegro, kahit iyong tatay pa ng Don, mabait rin raw sabi ni lola. Hmm, ewan ko na nga lang sa mga apo ng Don ngayon, mukha naman silang hindi gagawa ng masama, pero syempre iba pa rin ang ugali nila. Iba na rin kasi ang panahon ngayon, marami kaya akong kilalang anak-mayaman na hindi ganoon kabait.

Sana nga mabait sila, kasi kawawa naman ang mga masasakupan nila kung hindi no.

Lalo na iyong isang lalaking apo ng Don, iyong pangalan ay Ambrose. Mukhang arogante ang isang iyon, kaya ngayon palang tinatago ko na sa bato na sana hindi na kami magkasalamuha pa.

Mahirap rin kasi siyang kausapin, misteryoso at minsan pa ay mapaglaro.

Napailing na lamang ako para alisin ang mukha niya sa aking isipan. Bakit ko nga ba pinagaaksayahan ng oras ang isang iyon? Pumalatak na lamang ako at nagsagot na lang muli ng assignments.

Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising, pasado alas-sais pa lamang ay nakabihis na ako. Nagluto na rin ako ng umagahan namin ni lola. Hindi ko na ginising pa si lola at nauna ng kumain. Tapos ay umalis na para pumunta sa hintayan ng mga sasakyan, medyo malayo iyon at kailangan ko pang daanan ang palayan roon.

Habang naglalakad ay may biglang tumigil na sasakyan sa harap ko. Napatigil rin ako at kumunot ang noo, pero nawala rin iyon ng bumaba ang bintana ng sasakyan.

"Raya, sakay ka na!" Sabi ni Mang Tonyo na siyang driver ng sasakyan.

"Po?" nagtataka kong sabi. Agad akong umiling sa kaniya at napatingin sa isang apo ng Don, na sa pagkakatanda ko, ang pangalan ay Demaro. Nagce-cellphone ito habang nasa passenger seat. "Huwag na ho, nakakahiya naman kay señorito," sabi ko sa kanila.

Mukha namang napansin ako ng Sir Demaro, ngumiti siya sa akin ng kaunti.

"No. It's okay, Raya. Right, kuya?" Kumunot ang noo ko pero wala ring nagawa ng bumukas na ang pintuan ng kotse sa backseat.

Binuksan ko iyon, at sandaling napatigil ng makita ko ang isang lalaking sinabi kong ayaw ko ng makasalamuha. Nakasandal ang kaniyang ulo sa upuan habang nakahalukipkip.

Nakanguso akong pumasok tapos ay sinarado ang pintuan ng kotse. Inilagay ko sa aking hita ang bag ko para matakpan iyon, medyo maikli kasi ang palda ng school namin kapag umuupo. Tahimik ako roon nakaupo habang si Mang Tonyo naman ay kinakausap si Sir Demaro.

"Where are you studying, Raya?" biglang tanong sa akin ng Sir Demaro.

"Sa Alegro Institute po, malapit po riyan sa may bayan..."

"Sakto naman pala, neng. Papunta kami sa may bayan, hatid ka na namin papunta sa school mo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mang Tonyo. "P-Po? Hala hindi na po, kasabay ko po kasi iyong kaibigan ko..."

"Well, we could wait for your friend..." napapantastikuhan naman akong napatingin kay Sir Demaro.

Seryoso ba siya? Kasi si Lisle ang hihintayin namin, madalas pa man din siyang huli na kung kumilos.

"Huwag na po—" napatigil ako nang sumabat si Swñorito Demaro.

"No, it's really okay Raya—"

"Sir kasi—"

"Raya, we insist okay?"

"Pero po—" muli na naman akong napatigil at halos mapatalon pa sa kinauupuan ng may baritonong boses ang nagsalita.

"Demaro, if she doesn't want, huwag mong pilitin. Tch," parehas kaming napatigil at napatingin kay Sir Ambrose.

Natikom ang aking bibig at hindi na nakapagsalita pa. Halos mangunot rin ang noo ko, ramdam ko ang lamig sa kaniyang boses. Napakahirap niya talagang basahin.

Narinig ko ang munting tawa at mura ni Sir Demaro.

"Damn, kuya. But we still insist Raya, aryt?"

Wala na akong nagawa pa, kaya naman pagdating sa hintayan ng nga sasakyan, ay naghintay kaming ilang saglit bago makarating si Lisle. Agad ko siyang tinawag ng makita ko siya.

"Oh shit— hala anong ginagawa mo riyan?" pinagbuksan ko kaagad siya ng pintuan.

Tumingin siya sa mga kasama ko sa loob. At literal na nanlaki ang kaniyang mata at hindi makapaniwala na napatingin sa kaniya.

"Uhm... S-Sakay ka na, Lisle..." iyon lamang ang nasambit ko sa kaniya.

At kahit ayaw ko man umisod ay wala akong nagawa kung hindi ang gumalaw. Kaya naman halos magkabanggaan ang braso namin ni Sir Ambrose, na siyang iniiwasan ko na mangayri.

"Hey, you're Raya's friend? I'm Demaro, and that's Abe, my older brother..." pakilala ni Sir Demaro, nakangisi pa siya ng magpakilala.

Napatingin ako kay Lisle na mukha na-starstruck na. Kaya siniko kaagad siya para mabalik sa reyalidad ang isip.

"I-I know— I mean, I'm Delisle Vista, i-it's nice to meet you, K-Kuya Demaro."

Habang nasa biyahe ay hindi mapakali si Lisle, at paulit-ulit na kinurot ang aking mga daliri ng mahina. Halatang kinikilig siya sa hindi ko malamang dahilan.

Bumuga ako ng hangin at tahimik lamang na pinagmasdan ang harap. Tahimik rin ang buong sasakyan at ang tanging ingay lang ay ang musika mula sa radyo.

Pero ilang sandali lang ay biglang nagsalita muli si Sir Demaro. "You're both in Grade 12, right?"

Marahan akong tumango sa kaniya. "Sabi ni Lola Kuring, 17 years old ka palang..."

Muli akong tumango. "Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?"

Hindi ako agad nakasagot kaya naman nakisabat na si Lisle. "Naku, Sir Demaro, hindi pa nagkaka-boyfriend itong si Raya,"

"Really? Why? Raya's beautiful, doesn't she have any suitors?"

"Kasi po, sobrang istrikto ni Raya sa school namin. Marami ngang natatakot na lalaki sa kaniya roon sa school. Masyado kasing tutok sa pag-aaral," sabi pa ni Lisle. Sinaway ko naman siya pero hindi talaga siya nagpapapigil.

"Oh, they are a coward then," natatawang sabi ni Sir Demaro.

Tunawa rin si Lisle sa sinabi ng señorito. "Why did you ask, anyway? Balak mo bang ligawan ang kaibigan ko, Señorito Demaro?"

"Hmm, maybe, but she's too young for me."

"Aray ko bestie!" sabi ni Lisle kaya agad ko siyang marahan na sinaway.

Bumaling ako kay Sir Demaro na nakangisi pa rin habang nakatingin sa amin. "Pasensya na po kayo sa kaibigan ko, masyado po kasi talaga siyang madaldal."

Mahinang tumawa si Sir Demaro at umiling. "She's fun to talk with,"

Ngunit habang naandar ang sasakyan, muntikan na akong mapasubsob sa sahig ng kotse ng biglang tumigil ang sasakyan. Mabuti na lang at may brasong maagap na pumulupot sa aking beywang.

Dumagundong ang aking kaba sa kamuntikan ko ng pagsubsob, kasabay noon ang malulutong na mura.

"Fuck, Mang Tonyo!" may halong galit na tawag ng katabi ko.

"S-Sorry, sir! May bigla po kasing tumakbo na estudyante, sorry po."

"Shit...!" wala sa sariling napatingin ako sa katabi ko. Bumaling siya sa akin, kita ko ang pagkakakunot ng kaniyang noo. Halos ilan na rin lamang ang pagitan ng aming mukha. "Are you okay?"

Nangunot rin ang noo ko tapos ay unayos na ng upo. "O-Okay l-lang po ako," hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis.

Iyong pagkakatanong niya kasi sa akin, parang may halong inis.

Umayos na rin siya ng pagkakaupo, muli niyang ipinikit ang kaniyang mata. Kunot pa rin ang mga noo.

Iniwas ko na lamang ang titig sa kaniya at napailing, hindi ko talaga siya maintindihan. Hanggang sa tumigil ng marahan ang kotse sa tapat ng school namin ni Lisle. Agad kaming bumaba at nagpasalamat, hindi na rin akong tumingin pa kay Sir Ambrose.

Si Lisle naman ay bigla atang naging tahimik ng wala sa oras. Pero alam ko kahit tahimik siya, may naglalaro naman sa kaniyang isipan. Kilalanko na talaga ang isang iyan.

Nakarating kami sa klase namin, magkatabi kami kaya nang makaupo ako ay agad niya akong iniharap sa kaniya.

"OMG! Like oh my gosh! Ang swerte mo talaga girl!" naguguluhan naman akong tinignan siya.

Ano na naman kaya ang sinasabi ng isang ito? Minsan talaga ay hindi ko siya maintindihan, lalo na kapag ganiyan ang sinasabi niya. Ni hindi ko nga minsan masundan abg mga kwento niya kasi hindi talaga ako makarelate.

"Una, sa Hacienda Monte ka nakatira, pangalawa libre mong nakikita araw-araw ang mga nagagwapuhang apo ni Don Montealegro, pangatlo sinakay ka pa nila sa kotse, at argh— ang pinakahuli sa lahat, like omg! Nakita ko iyon! I saw it with my two eyes, bestie!"

Napanganga na lamang ako sa sinasabi niya.

"Huh?"

"Anong huh ka riyan?! I saw how Ambrose, circled his arm on your waist! Omg, ang sweet lang, para hindi ka mapasubsob omg!"

At gaya ng dati ay para na naman akong tanga na nakatitig sa kaniya, ni hindi malaman at maintindihan ang mga pinagsasabi.

Ano naman ngayon kung pinulupot ni Sir Ambrose ang braso niya sa beywang ko? Ginawa niya lang naman iyon para hindi ako mapasubsob sa sahig. Mukha siyang kinikilig, pero ano ba ang nakakakilig sa ginawa ng tao?

Kinagat ko ang labi ko ng maalala ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa kanina, hindi sinasadyang pumula ang pisngi. Nakita iyon ni Lisle kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kaniya.

"Kita mo na? Kahit ikaw rin kinikilig no! Wala na, ship ko na kayo ni Ambrose! Kayo sana ni Demaro kaya lang, hindi kayo madyadong bagay,"

Umiling ako sa kaniya at kinuha na lamang ang gamit ko sa bag. Kahit naman sabihin ko na hindi ako kinikilig, hindi pa rin siya maniniwala. Kaya hayaan ko na lang siya.

"Alam mo, kaysa kiligin ka riyan, kopyahin mo na iyong assignment. Alam ko na hindi ka na naman gumawa," pagpapangaral ko sa kaniya.

Masyado kasi siyang adik sa mga pinapanood niyang mga K-drama kaya minsan hindi na siya nakakagawa ng assignment e.

As usual, sa buong araw sa school, usap-usapan na naman ang pagbabalik ng mga apo ni Don Montealegro. Halos lahat nga ng kababaihan sa school namin gustong makita ang isa sa kanila ng personal. At dahil alam nila na sa Hacienda Monte ako nakatira, kinukulit nila ako na isama papunta roon.

Pero hindi naman iyon pwede, kahit naman kasi bukas ang hacienda sa mga tao, bawal pa rin na pumunta roon lalo na kung busy ang hacienda. Kaya naman umiiling ako sa kanila kahit anong pilit nila sa akin.

Pagkatapos ng klase ay agad kaming umuwi ni Lisle, sasama sana siya sa akin papuntang hacienda, kaya lang ay biglang tumawag ang daddy niya. Magkakaroon raw sila ng salo-salo mamaya. Kaya busangot ang kaniyang mukha ng maghiwalay kami.

Dumiretso ako sa bahay upang magpalit ng damit, nagpalit ako ng kulaybputing bestida, halos kaperehas lamang iyon ng suot ko kahapon. At katulad ulit kahapon, namigay muli ako ng kakanin. Nakuha na pala ni lola iyong naiwan kong bilao sa may tabing ilog. Kumpara kahapon, mas marami silang ginagawa ngayon, ilang buwan na lang rin kasi ay malapit ng magharvest, kaya talagang pinapalago nila iyong mga pananim.

"Ang lola po pala nakita niyo?" tanong ko sa isa sa mga trabahador doon.

"Ay oo, nasa mansyon, sa wari ko'y nagluluto ng ulam doon."

"Ganoon po ba? Salamat po," matapos magbigay ng mga kakanin ay muli akong pumunta sa gubat roon.

Katulad ng dati ay kumuha ako ng sangay ng puno, may natirang dalawang kakanin roon, siguro ay kakainin ko na lamang pagdating ko sa may ilog. Medyo napabusangot ang mukha ko ng maalala ang nanagyari rito kahapon.

Sana lang talaga ay wala sila rito ngayon, dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag nangyari na naman ang nangyari kahapon.

Hanggang ngayon talaga ay hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon, kahit naman sinong makakakita ng ganoon, hindi talaga makakalimutan. Napailing ako na naglakad papunta sa maliit na batuhan doon.

Umupo ako at pinagmasdan ang kalmang ilog, nang makaramdaman ng gutom, nilabas ko ang lutong kakanin ni lola, sapin-sapin ang tawag doon.

At habang nakatunghay sa kawalan, nakarinig ako ng mga yabag, agad akong tumingin sa bagong dating. Napamaang pa ako ng makita si Sir Ambrose, seryoso ang kaniyang mukha habang nakatayo, hindi kalayuan sa kinaroroonan ko.

Umiwas ako ng tingin ng maalala ang nangyari kanina sa kotse. Bakit ba kumidlit iyon sa utak ko?

Nakaramdam ako ng inis, kaya hindi ko na lamang siya pinansin at tahimik na kumain ng kakanin.

Narinig ko ang paglakad niya palapit sa kinauupuan ko, at hindi ko mapigilan na kabahan. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kahit wala naman siyang ginagawang dapat kong ikakaba. Humigpit ang hawak ko sa aking palda ng maamoy ko ang panlalaki niyang pabango.

"B-Bakit ka nandito?" hindi ko na napigilan pang tanong sa kaniya.

Ngunit hindi siya sumagot at nanatiling tahimik, ngumuso ako at tumingin sa kaniya. Nakita ko siyang nakatayo malapit sa akin, malayo ang tingin sa ilog, parang may iniisip na malalim.

"H-Hoy! B-Bakit ka nga nandito?" nakagat ko ang labi sa naging tono ng aking boses.

Nakita ko ang pagtingin niya sa akin, nakataas ng bahagya ang isang kilay. "Ang i-ibig kong sabihin, magkikita ba kayo ng girlfriend mo rito ngayon?"

Kumunot ang kaniyang noo sa tanong ko. "Girlfriend?" ang kaniyang tono ay parang hinuhusgahan ang mga binitiwan kong salita sa kaniya.

Tumango ako sa kaniya. "Iyong kasama mo kahapon, iyong a-ano, kahalikan mo..." seryosong pagkakasambit ko.

Pero naguluhan naman ako ng ngumisi siya na parang nakakatawa ang sinabi ko. Marahan niyang ini-lebel ang kaniyang mukha sa akin, halos nakaupo na siya sa lupa roon.

"Girlfriend, huh...?" may panunuya niyang sabi sa akin. "...little girl, just so you know, I don't do girlfriends, I just fuck and leave." Wala naman akong naintindihan sa mga sinabi niya.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Mas lalo siyang ngumisi sa akin, inilapit niya lalo ang mukha sa akin. "You're really too young..." nakita ko ang marahan na pagbaba ng tingin ng kaniyang berdeng mga mata sa aking labi tapos ay tumingin muli sa aking mata. "...and a baby," lumapit muli ang kaniyang mukha sa akin tapos ay itinagilid, halos isang dangkal na lang rin ang layo.

Mas malapit ito kaysa sa nangyari kanina sa kotse nila. Dumagundong ang aking dibdib, hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o ano, pero halos mawalan na ako ng hininga. Amoy na amoy ko na rin ang mabango niyang hininga, nanuot iyon sa aking buong sistema.

Halos mabuwal pa ako ng dumantay ang hinlalaki niya sa gilid ng labi ko, nabitawan ko na rin ang plastik na kinalagyan ng kakanin. Nakita kong kayat ng kinain ko ang pinahiran niya.

"Bata ka pa nga," sabi niya at isinubo ang kaniyang hinlalaki na may kayat galit sa aking labi. Lumaki ang mata sa kaniyang ginawa.

Ngumisi lamang siya at tumayo, tapos ay tuluyang umalis roon na hindi ako nililingon. Naiwan ako roon na gulat na gulat sa mga nangyari.