Chapter 19 - Chapter 19

DosButi na lang pagbaba ko ay naabutan ko pa si Mama.Pinabalik na ulit niya ako rito sa mansion niya at ngayon din ang flight niya papuntang Japan."Morning Ma. Ang aga-aga stressed ka na agad? Anong nangyari?" bati ko kay Mama habang pababa ako ng grand staircase. Sambakol na naman ang pagmumukha niya eh."Shut up! Wag ka ng dumagdag pwede? Yang bastardo mong tatay kahit kailan, tumatandang paurong! May ginawa na namang kabulastugan! Wala na talagang ginawang mati-argh! Aalis na ako Dos! Ikaw ng bahala rito!""Si Daddy? Patingin nga Ma!""Ay hindi! Tumigil ka diyan!" at mabilis na itinago ni Mama ang iphone niya."What does he look like? Gusto kong makita kung anong itsura ni Daddy. Pogi ba? Matangkad? Maputi? O matanda na?"Biglang nag-iwas ng tingin si Mama at bahagyang namula pa. She tried to keep her composure. Tumikhim-tikhim pa siya.Simpleng maharot din tong si Mama eh."Ano na Ma? Ano ng itsura ni Daddy?""P-Pogi ang Daddy mo. Matangkad, matipuno ang pangangatawan at m-mayaman.""Talaga Ma? Buti pinatulan ka! O baka naman Ma...kaya mo pinatulan si Daddy dahil mayama-"Hoy! FYI, tatay mo ang naghabol sakin noon! At hanggang ngayon, patay na patay pa rin siya sakin! Sa sobrang ganda kong-"Umalis ka na Ma. Baka maiwan ka na ng eroplano," pananaboy ko kay Mama dahil concerned lang ako sa kanya."Marunong ka bang magdrive? Sumama ka sakin sa airport," maawtoridad niyang sabi. Kinaladkad na niya ako at pinabuhat ng mga dala niyang maleta. "Bilisan mo! Ayoko ng babagal-bagal!""Pano kayo nagkakilala ni Daddy?" tanong ko kay Mama sa kalagitnaan ng biyahe namin."Sa pangalan.""Napakawalang-kwenta mo talagang kausap Ma.""May mali ba sa sagot ko? Ikaw eh di ka nag-iisip. You ask stupid questions, you get stupid answers kaya bilisan mo na! Malalate na ako sa flight ko!"Binilisan ko na nang may pag-iingat. Nang makarating kami ay agad-agad kong kinuha ang mga bagahe ni Mama habang siya ay walang kadala-dala. Akala mo artista kung maglakad sa airport. Halos napapatingin samin ang lahat ng naroroon.May narinig pa akong nagbubulungan kaya hinabol ko si Mama at sumabay sa kanya."Ma, akala ata ng iba magjowa tayo. May nagbubulungan kasi. Sugar mommy daw kita," sumbong ko kay Mama."Buti na lang akala nila. Kung tulad mo lang din ang magiging sugar baby ko, kadiri! Mabuti pang tumanda na lang akong dalaga," tila diring-diri na sabi niya."Kasi ang gusto mo ikaw ang sugar baby ni Daddy!""Mismo! Nadale mo! For the record, ngayon ka lang tumalino!" sabay hampas sakin ni Mama.Boarding na ni Mama. Ibinigay ko na sa kanya ang lahat ng gamit niya."Ma, kailan ka babalik? 24 na siguro ako pagbalik mo," nalulungkot na sabi ko sa kanya.Matagal-tagal na ulit kami bago magkita. 5 years na naman."Ang sabihin mo kung babalik pa ako.""Hindi na ba?" Pilit akong ngumiti. "Ma," at hinawakan ko siya sa braso. "Pakikumusta mo na lang ako kay Shizuka."Tuluyan nang umalis si Mama.Umuwi na rin agad ako. Hinanap ko pa ang phone eh di ko rin naman pala nadala.Pag-uwi ay back to normal na ulit ako.Mag-isa na ulit dito sa mansion ni Mama.Mag-isa na ulit sa buhay.Matutulog na sana ulit ako nang biglang nagring ang phone ko."Hello Jules? Bakit?""Punta ka rito sa bahay! Birthday ni Mr. Watanabe!"Magsasalita pa sana ako nang binabaan na niya ako.Naligo lang ako saglit at palabas na ako na siya ring dating Ate Yuki.Ngayon ko na lang ulit siya naalala!"Dos! My baby Dos!" masayang bati niya sakin sabay yakap sakin nang napakahigpit!Halos di ako makahinga dahil nakasubsob na ang mukha ko sa malaking dede niya!"W-Wait lang Ate Yuki. H-Hindi ako makahinga."Pinakawalan niya agad ako. "Kumusta ka na baby ko? Kumain ka na ba?""Hindi pa Ate Yuki. Makikibirthday ako ngayon.""Saan? Ipagluluto na lang kita! Tara na!" Wala na akong nagawa at nagpahila na lang kay Ate Yuki.Pagdating namin sa place ni Ate Yuki ay dumiretso na kami sa kwarto niya. Sa parking na kami dumaan saka sumakay ng elevator diretso sa room niya."Maligo ka muna habang ipagluluto kita ng paborito mo." Nakahanda na rin ang damit na isusuot ko."Sige Ate Yuki. Salamat. Sarapan mo ha," biro ko."Mas masarap ako. Nagpapatikim ako. Baka gusto mong itry," Napakapilya talaga ni Ate Yuki."Maliligo na nga ako!" natatawa kong sabi at dumiretso na sa cr.Pagkatapos ko maligo ay nadatnan kong nakabra't panty na lang na itim si Ate Yuki.Pinasadahan ko ang kabuuan niya.Ang tambok ng pwet.Ang puti at napakinis ng balat.Napalunok ako ng di oras."Dos? Ba't nakatulala ka? Do you love what you're seeing? Libre namang humawak."Bumalik ako sa aking ulirat nang dumampi na ang palad ko sa kanyang malusog na dibdib.Agad kong binawi ang aking kamay."K-Kain na tayo Ate Yuki!" natataranta kong sabi at hindi makatingin sa kanya."Haha! You're so cute baby when you blush," natatawang sabi niya at ipinaghila niya ako ng upuan.Awkward akong umupo dahil hindi ako sanay sa ganitong treatment!Ako kasi ang ganito sa mga babae ko noon.Ngayon nama'y ipinaghahanda na niya ako ng pagkain."Naisip ko para maiba naman, ipinagluto kita ng Japanese foods baka sakaling magustuhan mo. Let's eat na! Baby, say ahh.""A-Ate Yuki a-ako n—"Ahh."Sinubo ko na ang kutsara. "Ano to Ate Yuki?""Omurice. Baby, how was it?" nangingiting tanong niya sakin. Hindi naman ako makasagot.Nadidistract ako sa malaking dede niya!Hindi ko alam kung saan ang masarap lamutakin este kainin."Ang lambot hmm sarap!""Ha? Ng alin baby?""Ha Ate Yuki? Di kita gets.""Stop calling me Ate. Yuki na lang. You said malambot at masarap. Ang alin baby?" She bit her lip."Ah! Yong egg! Egg talaga yon A—Y-Yuki."Sa isip ko lang kasi yong malaki niyang dede! Nasabi ko pala!Ano ba yan Dos!Kumain na lang kami habang sinusubuan pa rin niya ako. Ginawa na talaga niya akong bata.Magana akong kumain kasi masasarap ang luto niya."Ate Yuki," hindi talaga ako sanay na tawagin siyang Yuki lang. "Pwede ka nang mag-asawa. Ang sarap mo kasing magluto eh.""Ikaw na lang naman ang hinihintay ko at magpapakasal na agad ako," seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko."H-Ha?"Tumayo siya at tumabi sakin.She held my chin. "Matagal na kitang gusto. Gustong-gusto kita Dos to the point na hanggang tingin na lang ako sa malayo dahil kay ate. Kung di dahil sa kanya...akin ka na sana ngayon. Nauna lang siya."Di agad ako makaimik. Halos di magsink in sa utak ko ang sinabi niya."This may sound stupid pero hindi kita susukuan." After saying those words, I felt her lips on mine.Humiwalay agad ako.Kung dati, gusto kong mahalikan ng sinumang babae pero ngayon....It doesn't feel right."S-Sorry Ate Yuki pero bawal tong ginagawa natin. Balang araw, ikakasal na ako kay Ki—Shizuka."Natigilan siya."Si Kira? Do you love her?"Ako naman ang natigilan sa unexpected question niya."Do you know her?""Naalala mo na siya, Ryuji?""Ryuji?""Sorry. Hindi ba sinabi sa'yo ni Shizuka? Shizuka Kira is my sister."Shizuka Kira?Yon ba ang buong pangalan ng bestfriend ni Mama?Biglang sumeryoso ang anyo niya. "Anyway, walang bawal bawal sakin hangga't pwede pa."Hindi na ako sumagot. Nawalan na rin ako ng ganang kumain."Is it a yes or a no? I want to know kung mahal mo na si Shizuka."Mahal ko na nga ba si Shizuka?"To tell you the truth Ate Yuki, I can't answer that because it's a matter na kami lang dapat ang nakakaalam.""I'll take it as a no.""But there's one thing that I'm sure of.""What is it?""That I'm only hers since the beginning."Natawa siya nang mapakla."And there's also one thing that I believe in. Gusto mo bang malaman?""Ano y—Biglang nagring ang phone niya."Wait a sec."Dali-dali siyang lumayo upang sagutin ang call pero bumalik din agad siya."I believe na hindi pa huli ang lahat, Dos. I need to go."Dahil maiiwan na lang din ako ay inayos ko na lang ang mga pagkain saka inilagay sa ref."Lady Yu—S-Señorita Dos? Nandito ka pala."Nagulat naman ako nang makita ang nakatopless at nakapajama lang na stripes si Ryota.Batak at bato-bato ang kanyang pangangatawan. Mabilis siyang nagbihis."Ihahatid na kita Señorita.""Anong ginagawa mo rito? Mukhang kagigising mo lang. Kumain ka na muna." Nilabas ko ulit ang mga niluto ni Ate Yuki."Nautusan lang akong maglipat ng gamit. Mamaya na ako kakain. Ihahatid na muna kita baka hanapin ka na Señorita."Napatango naman ako. "Nasaan si Shizuka?""Wala pong sinabi.""Sige kumain ka na. Ubusin mo na lahat yan. Uuwi na ako." Pipigilan pa sana niya ako pero marahas ko nang isinara ang pinto.Pupunta na lang ako kina Jules upang makibirthday.Bigla akong naexcite.Lumpiang shanghai here I come!