Chapter 20 - Chapter 20

Dos"Uwian na!" excited kong sabi nang makalabas na ako ng room at tatakbo na sana ako nang biglang may humila sa damit ko."Ops! Tatakas ka pa ha! May practice tayo ng tennis ngayon!" pigil ni Cami sakin."Ha?! Meron?! Akala ko ba wala?! Nakakatamad!" reklamo ko. Parang tinamad na rin akong maglaro at nawala na nga sa isip ko yang tennis.Si Shizuka na lang kasi ang nasa isip ko araw-araw at nong mga nakaraan pa.Hindi na rin siya nagpaparamdam.Ghinost na ata niya ako!"Tama na ang putak! Tara na magpalit ka at magsisimula na tayo," sabay abot niya ng raketa sakin."Di ba namimiss mo na maglaro Dos? Ba't ngayon parang ayaw mo na?" si Jules naman na ngayon hinihila na ako.Papunta na kami ng gym. May indoor tennis court kaya doon na lang kami.Ayoko sa labas dahil mainit!"Nawala na nga sa isip ko maglaro. Parang ngayon mas gusto ko na lang mag-aral. Parang mas mabuting mag-aral na lang muna ako no? Napag-iiwan niyo na ako sa klase eh," katwiran ko sa kanila kasi tinatamad talaga ako!May hinihintay pa kasi akong bumalik kaso ang tagal naman niya. Sabi ni Mama nong nakaraan, nagbakasyon lang daw si Shizuka kaso di naman na bumalik.Nagpapamiss ata siyang lalo sakin!"Nakatulala ka na naman na parang naiiyak. Nagshashabu ka ba?" bira naman ni Cami. "Daig mo pa ang broken. Broken ka ba? Eh wala ka namang jowa!""Eh kung ihampas ko tong raketa sayo ha?!""Gusto niyong kayong dalawa ang hampasin ko? Dalian niyo na para makauwi tayo agad!" Ang sungit agad ni Jules.Pagdating namin sa gym ay nagbihis agad kami ng panlaro. Pinahiram ako ni Jules ng damit."Tangina Camille! Mamaya ka na magpicture nagbibihis pa ako!" sita ko sa kanya pero ang bruha tawa nang tawa. "Idelete potek ka! Ang pangit ko doon!""Pangit ka naman talaga!""Kayong dalawang pangit, tara na!""Luh ganda ka? Single ka naman!"Nagsimula na kaming magtraining habang may tensyon sa dalawang kasama ko. Nagpustahan silang dalawa.Tapos na akong magstretching at warm-up at silang dalawa ay sige pa rin sa pagpapayabangan. Parehas bano naman.Kaming dalawa muna ni Cami ang maglalaban."Ang daya! Dapat si Julianne tanga muna ang kalaban mo eh! Pagod na pagod na ako tapos siya uupo lang! Makakapaghinga siya lugi ako!" reklamo ni Cami pero nagservice na ako. Bahala siya. Putak nang putak."15, love," sabi ni Jules dahil siya ang scorer."Yuck, love daw! Ew!"Service ko na ulit at hindi na naman naibalik ni Cami."30, love.""Yes love?" parang tangang sabi ni Cami. Napakasama na ng tingin ni Jules sa kanya."Patahimikin mo na nga yang malanding yan!" utos sakin ni Jules. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa kanilang dalawa.Naglaro lang kami hanggang sa parehas na kaming habol hininga. Humiga na ako rito sa floor dahil tie na kami ni Cami."Bumangon na kayong mga mahihinang nilalang."Patayo na ako nang bigla akong makaramdam ng kirot sa aking ulo. Hinayaan ko lang dahil wala naman siguro yon.Last ko ng service 'to at mananalo na ako.Pumwesto na ako at ganon din si Cami. Inihagis ko na sa ere ang bola at nang papaluin ko na ay napasapo na ako sa aking ulo. Napapikit na rin ako dahil sa liwanag ng ilaw.Tangina, nakakakita na ako ng liwanag."Dos! Dos! Okay ka lang ba?! Dos?!" nagpapanic na si Jules. Inalalayan niya agad akong makaupo sa bleachers."Anong nangyari Dos?" si Cami na bakas ang pag-aalala."Okay lang ako. Medyo sumakit lang yong ulo ko.""Wag ka munang maglalaro ng tennis baka nabigla ka at nakasama sa'yo. Magpahinga muna tayo saglit bago magbihis tapos uwi na tayo."Si Cami na ang nag-ayos ng gamit namin habang si Jules ay nakatabi sakin. Nakasandal naman ako sa kanya at para akong inaantok."May gamot ka ba para diyan sa sakit ng ulo mo? Uminom ka na."Nakalimutan ko!Mamaya na lang."Jules, kilala mo si Shizuka di ba?""Oo, bakit?""Alam mo ba kung nasaan siya?""Hindi. Sino ba siya para alamin ko."Marahan kong hinampas ang hita niya. "Ang sama mo talaga!""Bakit mo siya itinatanong? Nawawala ba siya?""Hindi ko alam pero matagal na kasi siyang wala." Inaantok na talaga ako rito kay Jules. Gusto ko nang matulog."Busy lang siguro. Okay ka na ba? Tara magpalit na tayo."Pagkatapos naming magbihis ay inihatid na nila ako."Salamat Jules, Cami. Bye guys, ingat kayo sa pag-uwi." Umalis na sila.Pagpasok ko ng gate ay nakakapanibago lang itsura ng bakuran namin. Yong dating puno ng mga itim na sasakyan ngayon ay wala na.Wala na ring mga bodyguards na napakahigpit ng bantay.Kahit kawawa talaga ako noon ay nakakamiss din pala talaga yong mga ganon.Nakakapanibago lang.Mag-isa na naman ako rito sa mansion. Ang laki-laki nga pero malungkot naman!Si Mama talaga kapag umuwi, dala lahat. 'Pag aalis dala rin lahat. Itanong ko nga sa kanya kung magkasama sila ni Shizuka.I tried to video call her.Ringing pa.Himala! Sumagot!"Wala ka ng pera? Ang bilis naman ata? Akala mo ba nagtatae ako ng pera? Hindi pinupulot ang pera Dos!""Ma, nandiyan ba si Shizuka sa Japan?""Ang tagal na niyang nakauwi. Late ka na pala sa balita but check if she's in her mansion," at inend na ni Mama ang call.Hindi na ako nagbihis at dali-daling tumakbo papunta sa mansion ni Shizuka.Di ko tinantanan ang pagdoorbell. Nang makita ako ay agad akong pinapasok."Good evening Señ—"Si Shizuka? Nasa kwarto ba siya?" putol ko kay Chiyo."Nandito po ako sa kusina, Señorita Dos. Mukha po bang alam ko?" pilosopong sagot niya.Nakakagigil talaga!"Eh ikaw ang nagbabantay dito sa mansion syempre dapat alam mo!""Ba't hindi niyo puntahan sa 4th floor nang malaman niyo? Nakakahigh blood ka po Señorita Dos." Nakangiti pa talaga nang nakakaasar.Inirapan ko nga siya at sumakay na ng elevator papuntang 4th floor.Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko nang nandito na ako sa tapat ng pinto ng kwarto namin."This is it." Kumatok muna ako ng tatlong beses bago dahan-dahan pinihit ang door knob.Bumukas!Nakapatay ang ilaw sa kwarto at sobrang lamig dahil sa aircon. Maingat kong isinara ang pinto upang hindi lumikha ng ingay.I switched it on with dim light. Sobrang saya ko lalo na ang puso ko dahil finally, nandito na nga siya!"You're finally home, my Kira," mahinang sambit ko sa kanya. Mahimbing at payapa siyang natutulog.Balot na balot siya ng comforter. Maingat akong umupo sa tabi niya at pinagmasdan ang maganda niyang mukha na matagal ko ng di nasisilayan.May band-aid siya sa bandang ilong niya. May mangilan-ngilan ding maliliit na sugat sa maputing mukha niya.Anong nangyari sa'yo ba't may mga sugat ka?Wala sa sariling hinaplos ko ang pisngi niya."Pwede bang gumising ka na diyan? Miss na miss na kita." Tanging paghinga ang isinagot niya sakin.Napadako ako sa mapulang labi niya.Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at masuyo siyang hinalikan sa noo.Mag-8pm pa lang."Sleep well, my Kira."I took one more glance at her then I turned off the lights. I left our room.Sa wakas, nandito na ulit siya. Hihintayin ko na lang ang paggising niya. Napagod siguro siya sa business trip niya.Masaya akong bumaba."Chiyo! Nagugutom na ako!""Anong gusto mong gawin ko Señorita Dos?" Namimilosopo na naman siya."Malamang ang pagsilbihan ako! Baka nakakalimutan mong katulong ka lang rito! Hindi ka kinuha para manood lang dito! Kailan pa dumating si Shizuka rito?" Ang ganda ng upo niya sa sofa habang naka-netflix pa."Baka nakakalimutan mo rin na graduate ako sa Paris. Kumuha ka na lang ng pagkain mo doon Señorita. Busy ako. Itambak mo na lang diyan pagkatapos mo. Ako na lang magliligpit."Naiiling na lang ako sa kakapalan ng mukha ni Chiyo. May itinatago pala siyang attitude.Nanguha ako ng kung ano-anong panandok. Kung anong makuha ko, ilalagay ko agad sa lababo. Bahala na siyang maglinis."Chiyo, subuan mo nga ako," utos ko nang makatabi ako sa kanya."Ano ka chicks? Hindi ako tinatablan ng kahit na anong kalandian maliban na lang kung ikaw si Christian Grey.""Libog mo Chiyo!" sabay tawa ko nang malakas. Ang talim na ng tingin niya sakin.In fairness ha, sobrang sarap ng luto niya. Daig ang chef tapos iba-iba pa lagi ng dishes.Nang matapos akong kumain ay gumawa na ako ng assignments ko about programming at nagpractice na rin."Ano bang katangahan yang ginagawa mo Señorita Dos? Di ka pa ba matutulog? Mag-aalas dose na. Matulog ka na, bukas na yan," pukaw sakin ni Chiyo at nakinood sa laptop ko."Nagcocode ako, wag kang magulo. Ba't di ka pa matulog? Mamaya pa ako." Nagulat naman ako ng may inilapag siyang platito ng cheesecake at juice. Kinindatan pa ako ng walang hiya. "Gaya ng cheesecake na yan, ganyan ako kasweet. Wag kang kiligin, di kita kayang saluhin.""Bumabanat ka ba? O baka gusto mong banatan kita? Matulog ka na nga!" pananaboy ko sa kanya.Istorbo!"Effective ba Señorita? Sinasabi ko na nga ba, nafafall ka na sa isang tulad ko. FYI, mahigpit ang bilin samin na hindi kami pwedeng mauunang matulog hangga't hindi pa natutulog ang amo namin saka lang kapag natulog na sila kaya dalian mo na diyan dahil mapupuyat na ako." Siya pa ang may ganang diktahan ako!Pambihirang uri ng katulong to! Mas marunong pa sa amo niya!Tumayo na ako."Sa wakas matutulog na siya," masayang sabi niya."Hindi. Ichecheck ko lang si Shizuka. Babalik din ako.""Punyeta. Haharot pa eh natutulog na si Master. Abala ka pa sa mahimbing at masarap niyang pagtulog.""Sino? Si Shizuka? Isusumbong kita para hindi ka na sikatan ng araw. Kanina ka pa eh at wala kang pake. She's mine kaya may karapatan akong humarot sa kanya.""Hindi mo sure," sabay halakhak ng demonyo. "Kidding aside Señorita, magpahinga ka na. Ako ng bahala sa mga gamit mo and don't worry alam ko ang mga pinaggagagawa mo. Samahan mo na si Shizuka-sama at wag mo lang siyang gagalawin.""At bakit naman hindi? Akin siya kaya pwede kong gawin ang kahit na anong gusto ko.""Dati ka bang rapist, Señorita Dos?""Chiyo!""Oyasuminasai, Señorita Dos."Pagpasok ko sa kwarto namin ay mahimbing pa rin siyang natutulog. Nagpalit na ako ng damit. Napagpasyahan kong dito na lang ako sa gilid matutulog para hindi siya maistorbo't magising. Okay lang naman kahit saan ako matulog basta komportable siya."Goodnight, my Kira," and I kissed her on the cheek.