Dos
Nagising ako sa isang madilim at di pamilyar na kwarto. Hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil sa sakit at ang ulo ko ay parang iniipit.
"Ahh fuck! Shit!" hiyaw ko ng subukan kong tumayo. Buti na lang ay napahawak ako sa isang gilid.
Nanghihina akong naglakad para kapain kung nasaan ang switch at di naman ako nabigo.
Dim lang ang ilaw sa buong kwarto at nakatabing ang mga kurtina.
Naglakad pa ako ng kaunti at nakita ang aking sarili sa salamin. Wala akong pang-itaas at nakabenda ang aking katawan pati na rin ang balikat ko na tinamaan ng baril kagabi.
Habang nililibot ko ang aking paningin ay may napansin akong note sa bedside table.
Dos,
Don't go anywhere. I'll fetch you. We will talk later.
- Shizuka
'Yan ang nakasulat sa note. Kinuha ko ito at nilamukot sabay tapon sa trash bin.
Wala akong pakialam. Pupunta ako kahit saan ko gusto. Ayoko rin makipag-usap.
Lumabas na ako at mabagal na naglakad dahil masakit pa rin ang aking katawan. Mayamaya ay may sumalubong sa aking isang maid.
"Señorita Dos, kumain na po kayo, handa na ang pagkain," at akmang aalalayan na ako nito pero pinigilan ko.
"S-susunod na lang ako. Nasaan ba ang room ko? Magpapalit muna ako," medyo nanghihina kong tanong at buti na lang ay dinala na niya ako sa aking kwarto.
"Ito po ang room niyo Señorita Dos." Nandito kami ngayon sa fourth floor ng mansion at itinuro ang nag-iisang kwarto rito.
Nagpasalamat na ako sa maid at pumasok na sa itinuro niyang kwarto.
Pagkabukas ko ng ilaw ay di ko inaasahan na sobrang laki pala ng kwarto ko. Parang ilang pamilya na ang pwedeng tumira rito.
Sa sobrang laki, iisa lang 'yong kama at mukhang California King bed pa.
Pinilit ko nang maglakad nang mabilis papunta sa bathroom. Tinanggal ko na ang aking pambaba at magbubuhos na sana ako nang biglang kumirot yong balikat ko.
"Shitt, aahhh!" Napadaing ako at kahit sobrang sakit ay pinilit kong maghilamos at maghugas.
Ay ang tanga mo Dos, wala kang dalang towel.
Lumabas tuloy akong mukhang basang-sisiw at tumutulo pa ang tubig sa buong kwarto habang papunta ako sa walk-in closet.
Ang tagal kong natapos dahil inayos ko pa ang aking sarili at naglagay ng bagong benda.
Di na ako nag-abala pang kumain at kinuha na agad ang aking gamit pamasok at umalis na.
***
"Uy Dos, bakit ngayon ka lang? Last subject na natin ngayong umaga. Nagquiz kami kanina at bawal na magretake. Yari ka," bungad agad sa akin ni Jules pagdating ko sa room.
"Dos, ayos ka lang ba? Lately kasi parang kakaiba ang mga ikinikilos mo," segunda naman ni Cami.
"Ayos lang ako guys," tipid kong sabi at ngumiti sa kanilang dalawa.
Magkakatabi kaming tatlo ngayon at ako ang nasa gitna. Nagsimula na ang aming klase at nagsulat na kami.
Habang nagsusulat ay bigla akong nakaramdam ng hilo at parang ang init ng pakiramdam ko. Nabitawan ko na ang aking ballpen at napayuko na.
"Dos, Dos, hoy, anong nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba?" yugyog sa akin ni Jules pero di ako sumagot.
Hinarap na rin ako ni Cami pero di ko siya pinansin. Hindi na sila nakinig sa prof at ako na ang kanilang inintindi. Mayamaya ay natapos na rin ang klase at lunch break na.
"Dos, halika, maglunch na tayo. Teka, kaya mo ba talaga?"
"Oo Jules, t-teka lang," at sinapo ko ang aking balikat dahil kumikirot na naman.
Nang hindi na gaanong masakit ay umalis na kami at pumunta na sa canteen.
Habang naglalakad ay nauna na sila at ako naman ay nakasunod lang sa kanila dahil nahihilo ako at parang ang bigat ng mata ko.
Bigla akong napakapit kay Jules kaya nagulat naman ito at napalingon sa akin.
"Dos, ano ba talagang nangyayari sa'yo ha? Kanina ka pa ganyan, di mo naman sinasabi sa amin kung anong nararamdaman mo," medyo pasigaw na nitong sabi sa akin.
"O-okay lang a--" at ang huling narinig ko na lang ay ang pagsigaw ni Jules bago nagdilim ang aking paningin.
***
Nagising na lang ako nang may malamig na bagay ang dumampi sa aking noo. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Julianne.
"Kumusta ka na Dos? May masakit ba sa'yo? May kailangan ka ba? Kaya mo ba?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Jules.
"Jules, puwede bang kumalma ka? Baka mabiglang lalo si Dos eh. Mabuti pa ay bumili ka na ng makakain natin pati na rin gamot. 'Di bale excuse naman tayong tatlo," utos ni Cami kay Jules at umalis na ito.
"C-Cami, ano bang n-nangyari? Shit, ahh, " nanghihina kong tanong at napahiyaw pa ako sa sakit nang subukan kong bumangon.
"Dos, huwag mong pilitin bumangon, masakit pa ang balikat mo 'di ba? Mataas din ang lagnat mo kaya ka nagcollapse kanina. Namumutla ka pa ngayon. Magpahinga ka muna," sita nito sa akin.
Naguguluhan naman akong tumingin dito dahil paano niya nalaman ang tungkol sa balikat ko. Magsasalita pa sana siya nang biglang dumating si Jules na may dalang maraming pagkain.
"Kumain ka na Dos. Pinag-alala mo kami ni Cami lalo na ako. Buti na lang at kasama mo kami, paano pala kung wala kami e' di nabawasan na tayo ng isang playgirl. Bye bye girls ka na kung sakali," pang-aasar sa akin ni Jules.
Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa kalokohan niya.
Hindi ako makakapayag na hindi na muling makakatikim ng babae. Imposibleng mangyari 'yon. Ang isang Dos pa ba, e' di hindi na sila nakatikim ng sarap.
Inayos na nila ang mga pagkain habang ako naman ay nakatingin lang.
"Dos, kainin mo muna itong sopas para magkalaman ang tiyan mo at makainom ka na rin ng gamot. Sa susunod, huwag ka nang maglilihim sa amin ni Cami, kung di ka pa nagcollapse di pa namin malalaman," pangaral nito sa akin sabay subo ng sopas sa bibig ko.
"Aray ko Jules, ang init init pa no'ng sopas eh. Dahan-dahan lang naman," reklamo ko rito.
Matapos nila akong pakainin ay pinainom na nila ako ng gamot at inayos na ang aking mga gamit. Pipikit pa sana ako nang pigilan ako ni Jules.
"Ops, ops Dos. Alas-cinco na ng hapon, uuwi na tayo. Sa inyo mo na lang ituloy 'yang pagtulog mo," at inalalayan na ako nitong makatayo.
"Cami, ihahatid na natin si Dos sa bahay nila. Ikaw na magdrive ng sasakyan at mauna ka na, susunod na kaming dalawa," utos nito kay Cami at inirapan lang siya nito.
Dahan-dahan akong inalalayan ni Jules hanggang sa makarating kami sa parking lot. Nang makasakay na kami ay agad na itong pinaharurot ni Cami. Habang nasa biyahe ay may bigla akong naalala.
"Jules, puwede bang sa bahay mo na lang ako uuwi pansamantala? Ayoko muna sa bahay," pakiusap ko rito.
"Ha? Sigurado ka ba? May sakit ka, baka hanapin ka. Hindi ba magagalit ang mga magulang mo?" nag-aalala naman nitong tugon sa akin.
"Please Jules, doon na lang muna ako sa bahay mo. Ikaw na munang mag-alaga sa akin, sige na. 'Tsaka wala naman sina Mama kaya okay lang," pamimilit ko pa rin.
Ayoko talagang umuwi. Baka ano na naman ang sapitin ko at di na ako makalabas ng buhay sa mansion na 'yon. Di pa ata alam ni mama na nabaril ako. Tapos ngayon naman ay may sakit ako.
"Cami, sa bahay na namin mo idiretso. Doon daw muna si Dos at ayaw niya raw umuwi," sabi naman nito kay Cami kaya napadrift ito at napabalik kami dahil malayo sa amin ang bahay nila Julianne.
Bumilis ang pagpapatakbo ni Cami at ako naman ay inaantok kaya napasandal ako kay Julianne.
"Dos, wake up. Nandito na tayo sa bahay," tapik sa akin ni Jules kaya napadilat ako. Di ko namalayan na nakatulog pala ako.
Nag-usap muna sila ni Cami sa labas saglit bago ako inalalayan ni Jules papasok sa kanilang bahay. Mayamaya ay umalis na rin si Cami.
Dinala ako ni Jules sa kanyang kwarto at pinahiga na. Lumabas muna ito dahil may aasikasuhin pa. Tiningnan ko muna ang aking phone at mabilis itong ini-off baka mamaya may sumundo na naman sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng lamig kaya napatalukbong ako ng wala sa oras. Nahihilo na naman ako. Di ko na talaga kaya kaya napagpasyahan ko nang matulog.
Hindi pa nagtatagal na pumikit ako ay naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko na mas lalong nagpaantok sa akin.
"Dos, kumain ka muna ng dinner at uminom ng gamot bago ka matulog," malambing na sabi sa akin ni Jules.
Hindi na ako sumagot dahil hindi ko kaya. Hinayaan ko na lang siya na asikasuhin ako.
May ganitong side pala si Jules. Akala ko puro lang siya kalokohan tulad ko pero maalaga pala siya at maalalahanin kahit na napakarami ng babae ang napaiyak niya.
Buti na lang may kaibigan akong tulad nila na maaasahan at masasandalan ko sa oras ng problema.
"Dos, ubusin mo na 'tong lugaw. Last ng subo please para wala na," pilit sa akin ni Jules pero umiling ako dahil ayoko na at wala akong panlasa.
Niligpit na nito ang aking pinagkainan at nanguha ng damit pampalit ko. Bumalik rin agad ito na dala ang aking mga kakailanganin. Inalalayan na niya ako papunta sa bathroom para makapaglinis ng aking katawan.
Nang huhubarin na sana niya ang aking damit ay bigla akong sumuka.
Fuck this feeling.
"Dos, dahan-dahan lang, may masakit ba?" nag-aalalang tanong nito sa akin matapos akong linisan at bihisan.
"Okay lang ako Jules," mahina kong sambit.
Bumalik na ulit kami at humiga na sa kama habang siya ay nagbukas ng tv at umalis para maligo. Nanood muna ako habang hinihintay siya at ilang saglit lang ay tumabi na ito sa akin.
Hinahaplos niya ang aking buhok habang kami ay nanonood ng tv.
Ang sarap sa pakiramdam, parang hinehele ako. Ngayon na lang ulit may gumawa sa akin ng ganito.
"Dos? Saan mo nakuha 'yang tama mo sa balikat? May nananakit ba sa'yo?" seryoso nitong tanong at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"W-wala, tumama lang ako kung saan," nauutal kong sagot. Ayokong malaman niya baka ano pang mangyari.
"Kilala kita Dos pero hindi na kita pipilitin kung ayaw mong sabihin. Magpagaling ka muna at marami tayong pag-uusapan." Hindi na ako sumagot pa.
Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone nito.
"Hello Cami?" sagot ni Jules. Hindi ko na pinakinggan ang kanilang pag-uusap.
Mayamaya ay bumaling sa akin si Jules.
"Teka lang Cami, ito na si Dos," sabay abot sa akin ni Jules ng phone.
"H-hello Cami?" mahina kong tanong dito.
"Hoy Dos, kumusta ka na? Inaalagaan ka ba ng maayos ni Jules? Isumbong mo sa akin kung hindi," nag-aalala pero medyo malokong sabi nito sa akin.
"Oo, gusto ko na nga rito kina Jules eh. Alagang-alaga niya ako. Punta ka naman dito," pabiro ko namang sagot.
"Bukas kita bibisitahin 'tsaka huwag matigas ang ulo Dos, baka naman pumasok ka na agad niyan bukas. Kukutusan ka talaga namin ni Jules," pananakot naman nito sa akin.
"Tingnan natin, sige Cami salamat sa pagcheck sa akin. Magpapahinga na ako," paalam ko kay Cami at iniabot na kay Jul ang phone.
Pipikit na sana ako nang biglang magsalita na naman si Jules.
Ayaw mo ba akong matulog ha Jules? Kanina pa nauunsyami 'yong pahinga ko.
"Dos, nagriring 'yong phone mo. Sasagutin ko ba?" tanong nito habang pinapakita sa akin ang aking phone.
Bigla akong napabangon ng wala sa oras at parang nawala 'yong sakit ko dahil sa sinabi niya.
"Jules, huwag mong sasagutin. Bakit mo binuksan, patayin mo dali," kinakabahan kong sabi sa kanya.
Yari na, nakalimutan kong kakausapin pala ako kung sinong Shizuka 'yon pero hayaan na nga. May sakit ako 'tsaka ayoko magpakita.
Kahit naguguluhan ay sinunod na ni Jules 'yong sinabi ko at tinapon 'yong phone ko sa couch dito sa kwarto niya. Mabilis itong lumapit at tumabi sa akin.
"Dos, sana dito ka na lang. Goodnight and sleep well," bulong nito sabay yakap nang mahigpit sa akin.
"Goodnight din Jules," pipikit na sana ako nang bigla siyang pumatong sa akin at hinalikan ako sa labi. Matagal ito bago siya humiwalay sa akin.
May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig.
"Dos, gusto kita."