Dos
Nandito pa rin ako sa bahay ni Jules at hindi pumasok. Masama pa rin ang aking pakiramdam pati na rin ang katawan ko ay humihilab sa sakit. Kasalukuyan akong nakahiga rito sa kwarto ni Jules at iniisip kung anong gagawin.
Paano na kaya ako nito? Wala si Jules tapos di pa ako umuuwi. Bahala na kung ano ng mangyari sa akin.
Iginala ko ang aking paningin sa silid. Isang note sa bedside table ang napansin ko. Kahit hirap na hirap ako sa aking kalagayan ay pinilit kong bumangon para basahin ang note.
Nakasaad sa note ang mga bilin sa akin ni Jules at pati na rin ang mga kakailanganin ko. Napangiti tuloy ako sa pagiging maaalalahanin ni Jules. Thank you, Jules.
Dahan-dahan na akong naglakad palabas ng kwarto habang sapo-sapo ang aking balikat. Dumiretso na ako sa kusina at uminom lang ng tubig. Kumain lang ako ng kaunting pancake na inihain ni Jules para sa akin at uminom na rin ng gamot pagkatapos.
Naghilamos lang ako at nagpunas ng katawan. Matagal pa bago ako natapos sa pag-aayos ng aking sarili dahil sa pagpapalit ko ng bagong benda. Ang hirap kapag may iniindang sakit tapos nag-iisa ka pa. Pero mas okay na ito kaysa ro'n sa mansion ng bestfriend ni Mama.
Alas-diez pa lang ng umaga at heto ako, nakaupo lang sa sofa at nakatunganga. Ang boring, walang magawa. Ayoko namang manood ng tv dahil tatayo pa ako.
Ayoko rin magtingin ng mga gamit dito dahil hindi ko ugali ang mangialam ng hindi naman sa akin. Gusto ko na ulit ng babae. Ilang araw na akong hindi nakakatikim.
Gusto ko ng umuwi sa mansion namin. Namimiss ko na 'yong pag-uuwi ko ng mga babae at pagtakas sa madaling-araw. Ang dami naman kasing alam ni Mama na patirahin pa ako sa mansion ng bestfriend niya at patitinuin. Hindi naman ako bata.
Sino ba kasi 'yong Shizuka na 'yon? Wala akong maalala na gano'ng pangalan. Si Ate Yuki lang ang kilala at pinakaclose ko na kilala rin ni Mama. Minsan ko na lang din makita si Ate Yuki ay naudlot pa dahil sa Shizuka na 'yon.
Ilang minuto pang pagmumuni-muni ay bigla kong naalala ang aking phone. Paniguradong marami ng messages 'yon. Gustuhin ko mang kunin at buksan ay natatakot ako. Connected kasi ang GPS ng phone ko sa intel ni Mama kaya kahit anong gawin ko ay malalaman niya kung nasaan ako maliban na lang kung naka-off ito.
Dahil wala naman akong gagawin dito sa sala at mukhang tengga ako ay bumalik na ulit ako sa kwarto ni Jules. Maingat akong naglalakad baka magcollapse na naman ako at matuluyan na. Huwag naman sanang mangyari 'yong sinabi ni Jules no'ng nasa clinic kami. Hirap kayang mabuhay ng walang natitikmang babae.
Pagpasok ko sa kwarto ni Jules ay dumiretso ako sa couch upang hanapin ang aking phone. Kahit labag sa kalooban ko na buksan ito dahil sa mga posibleng mangyayari ay wala na akong nagawa.
Habang hinihintay itong magbukas ay nagsisimula na akong kabahan at pagpawisan. Napaupo na lang tuloy ako sa couch. Pikit-mata kong tiningnan ang screen at hindi nga ako nagkakamali.
Sabog ng mga messages at missed calls na lahat ay galing kay Mama. Yari na, ito na nga ba ang sinasabi ko. Mas ayaw ko nang umuwi pero hindi naman puwedeng magtatago na lang ako.
Naisipan kong itext si Jules at Cami dahil sabi niya ay bibisitahin niya ako ngayon. Makaraan ang ilang saglit ay tumatawag na si Cami kaya sinagot ko na ito.
"Dos! Kumusta ka na? Huwag ka masyadong nagkikikilos at humiga ka na lang lalo na't wala kami ni Julianne sa tabi mo. Huwag ka mag-alala, sasabay na ako sa kanya sa pag-uwi para bisitahin ka," mahabang saad nito sa kabilang linya.
"Okay lang ako Cami 'tsaka magkakasakit akong lalo kung hihiga lang ako. Huwag na kayong pumasok ni Jules, dito na lang kayo. Kailangan ko rin ng babae pakisabi kay Jules," nagmamakaawa kong tugon. I'm really helpless right now.
"Speaking of babae, hinahanap ka ni Ivy sa amin ni Julianne pero hindi sumagot si Julianne kaya nag-away sila. Sige Dos, I need to go. I love you!" at pinatay na nito ang tawag.
Io-off ko na sana ang aking phone nang biglang may tumatawag. Si Mama. Papikit-pikit kong tinitingnan ang screen at hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko naman puwedeng patayin dahil mahahalata ako. Hahayaan ko na lang.
Ilang saglit lang ay namatay na rin ang tawag at nakareceive agad ako ng isang voice message at isang text message.
Pinakinggan ko ang voice message at halos mapangiwi ako at manlamig dahil para akong nakatanggap ng death threat. Bakit kasi pinakinggan ko pa. Ang tanga mo talaga Dos.
Dali-dali kong inoff ang phone 'tsaka ibinato sa dingding. Pahamak ka talagang phone ka!
Imbes na umayos ang aking pakiramdam ay mas lumala pa. Pinagpapawisan na ako ng malamig at ang lahat ng masakit ay sumakit pa. Bumalik ulit ako sa kusina at uminom ng tubig para mahimasmasan.
Nakatingin lang ako sa bintana nang biglang may humintong tatlong itim na sasakyan sa tapat ng bahay ni Jules. Bumaba ang ilang armadong lalaki at limang nakasuit at nakashades na mga lalaki. Fuck! Ang mga bodyguards na nakasalubong ko sa bar noon.
Sinira ng mga armadong lalaki ang gate 'tsaka sunod-sunod na pumasok. Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mukhang natunton na ako ni Mama.
Mabilis akong yumukyok para hindi ako makita. Mabilis pero maingat akong naglakad ngunit sa pagmamadali ko ay sumakit na naman ang aking balikat. Sakto namang huminto ako sa tapat ng entrance door kung saan kasalukuyan na itong kinakalampag nang malakas.
Huminga ako nang malalim at pag-angat ko ng tingin ay isang kalampag na lang ay masisira na ang pinto. Sapo-sapo ang aking balikat ay agad akong nagtago sa likod ng isang granite tile counter top.
Habol ang hininga ko habang nakasandal at rinig na rinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto at ang mga papalapit na yabag. Nanatili akong tahimik sa aking posisyon at pinapakiramdaman ang mga nangyayari. Isang maling galaw ko lang ay katapusan ko na.
"Search the whole area and be alert. Huwag niyong bibiguin ang ipinag-uutos sa atin ni Shizuka-sama. Siguraduhin niyo rin na hindi masasaktan si Señorita Dos. Maliwanag ba?" maawtoridad na sabi ng isang lalaki. Muntikan na akong mapaubo nang marinig ko ang pangalang Shizuka pati na rin ang pangalan ko.
Patuloy lang sa pag-uutos ang lalaki habang ako naman ay hinihintay ang tamang pagkakataon upang makatakas. Bahagya akong sumilip kung nasa paligid ko pa sila at nang mapansin ko ang isang armadong lalaki kaya agad akong nagtago.
"Ryota-san! Clear po rito. Wala po si Señorita Dos."
"Halughugin niyong maigi. Nandito lang si Señorita Dos dahil 'yon ang nakaindicate sa GPS na isinend sa akin ni Yuriko-sama. Icheck niyo ang mga kwarto sa taas. Dalian niyo!"
Mabilis ng lumayo ang kanilang mga yabag at nang maramdaman kong tahimik na ang paligid ay sumilip muna ako at mabilis na lumipat ng matataguan. Ang dami nila sa labas at mukhang napapalibutan ang buong bahay.
Pinakiramdaman ko muna ang aking sarili dahil nakakaranas na naman ako ng matinding hilo at panghihina. Bahagya muna akong tumayo nang mapansin ko sa bintana ang paparating na sasakyan ni Jules.
Shit. This can't be happening.
Dahil sa aking halo-halong nararamdaman at stress ay bumigay na ang aking katawan.
***
Nagkamalay lang ako nang maramdaman kong may humihila sa akin kaya nagpumiglas agad ako ngunit bago pa ako makalikha ng ingay ay madiin niyang tinakpan ang aking bibig gamit ang kanyang kamay.
"Dos, 'wag kang maingay. Si Cami 'to," bulong nito sa akin kaya napaangat ako ng tingin. Siya nga.
Bigla naman akong nakahinga ng maluwag dahil may kasama at tutulong na sa akin.
"Cami, si Jules, nasaan? 'Tsaka ba't di mo siya kasa--"
"Tumahimik ka muna," at dali-dali na niya akong ipinasok sa isang secret room kung saan ay accessible pala kung itutulak ang wall na pinagsasandalan ko kanina.
Nang makapasok kami ay mabilis niya itong isinara at naging madilim na sa buong silid. Ang tanging nagbibigay sa amin ng liwanag ay ang peephole.
Ikinuwento sa akin ni Cami kung paano nila nalusutan ang mga armadong lalaki ngunit sa kasamaang palad ay nahuli si Jules. Nagpaiwan na raw si Jules at sinabihan si Cami na hanapin ako at ito na ang bahala sa akin kaya wala ng inaksayang oras si Cami at hinanap ako.
Magtatanong pa sana ako nang patahimikin ako ni Cami at inilapit nito ang tenga malapit sa may peephole. Ginaya ko rin ko ito.
"Shizuka-sama, we got Julianne but we lost the other girl named Camille. And for Señorita Dos, we haven't found her yet." Base sa boses, alam kong ang tinatawag nilang Ryota 'yon. "Should we kill her now, Shizuka-sama?"
Bigla akong nanigas sa aking pwesto at hindi makagalaw. No! Dapat ako ang nasa pwesto ni Jules ngayon at hindi siya.
Akmang aalis na ako nang bigla akong pigilan ni Cami. "Dos, baliw ka ba? Magsusuicide mission ka sa ginagawa mo. Paparating na rin 'yong Shizuka-sama na tinatawag nila kaya bumalik ka rito!"
"Naririnig mo ba ang sarili mo ha Cami? Papatayin nila si Julianne ng dahil sa akin! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari 'yon. Kayo na nga lang ni Julianne ang meron ako, tapos mawawala pa ang isa. Hindi kaya ng konsensya ko, Cami."
Bago pa ako makalabas ay nakarinig na kami ng sunod-sunod na putok ng baril. Ilang saglit lang ay tumigil na ito kasabay ang mga papalayong yabag.
Halos takasan ako ng sarili kong kaluluwa nang makalabas kami sa aming pinagtataguan ni Cami at makita ang nakahandusay na katawan ni Jules na duguan.
"Jul...ianne."
Pagkasambit ko ng kanyang pangalan ay nagdilim na ang aking paningin.