Adohira's POV
"SURPRISE!!!"
Halos lumabas sa aking dibdib ang puso ko sa sobrang gulat. May sumabog na confetti na nahuhulog sa ulo ko at ang taong pasimuno ay si manong. Ang ibang katulong ay lumabas sa isang kwarto patungo sa akin habang hawak ang isang cake at kasama si mommy na abot tenga Ang ngiti sa labi.
"Mommy?" Wala akong ideya kung anong ganap.
Niyakap ako ni mommy "happy birthday anak" bulong Niya.
Sa mga oras na iyon para akong nagkaroon ng amnesia dahil sariling kaarawan ay Hindi ko maalala. Natulala ako habang inaalala Kung anong araw nga ba ngayon. September 6 ngayon, bakit ko nakalimutan ang espesyal na araw na Ito? Tumingin ako ulit sa cake, ang kandila dito ay hinihintay akong hipan siya. Si manong na pasimpleng tumabi Kay mommy at ang sayang pinapakita ng mga katulong dahilan para mapangiti ako.
"Blow your candle na Hira" Sabi ni mommy.
"Mag wish ka muna" Tumingin ako kay manong at kinindatan niya ako.
Lumapit ako sa cake at pumikit. Pagkatapos Kong sabihin Ang wish ko ay hinipan ko na ang kandila. Nagbihis muna ako bago kami sabay sabay na kumain ng mga niluto nilang handa. Pagbaba ko ay naka upo na silang lahat sa kusina at ako na Lang ang hinihintay para makapag simula na kaming kumain.
"Dahil birthday ni cute ngayon ay may regalo ako para sa kanya" inabot sa akin ni manong ang maliit na box na kulay pula.
"Hindi Yan mahal pero espesyal Yan" Wala Naman akong pakialam sa presyo eh.
" Salamat po" agad ko naman itong binuksan at isa itong tali ng buhok na kulay blue at may design na butterfly.
"Ang cute diba kasing cute mo"
"Manong dalaga na po ako"
" Ikaw pa din ang baby ng mommy mo kahit kulubot kana at uugod ugod" Sabi Niya.
Pagkatapos naming kumain ay dinala ako ni mommy sa room niya para ipakita ang regalo niya sa akin "mommy Hindi niyo po ako kailangan bigyan ng regalo, ang makasama lang kayo ay sapat na po iyon" Hindi ko kailangan ng mga Mahal na bagay kasi Hindi Naman ako materialistic na tao.
"Hayaan mo na ako anak, masaya naman ako tuwing nakikita ko na gusto mo ang mga regalo ko sayo" noong Bata pa kasi ako sa dami niyang biniling damit para sa akin ay nalakihan ko na kaya Hindi na kasya sa akin. Sayang naman diba.
Pagdating namin sa kwarto niya ay tinanggal ni mommy ang telang nakatakip sa regalo niya sa akin, isang painting, hindi Lang basta painting dahil ipininta ni mommy ang picture naming dalawa noong graduation ko.
"Ang galing mo talaga mommy, kailan niyo pa po ito ginawa?"
"Kakatapos ko Lang niyan kagabi, akala ko nga hindi ko na Yan matatapos sa araw ng kaarawan mo"
" Ang ganda po"
" Dalaga ka na Hira at salamat sa diyos dahil lumaki Kang mabuting anak" pinipigilan Niya ang maluha.
"sige na, dalhin mo na Ito sa kwarto mo at nagiging emosyonal na ako" niyakap ko siya at hinagod niya ang likod ko.
" I love you mommy"
"Mahal na Mahal kita Hira"
Kanina ko pa pinag iisipan Kong saan Banda ko ilalagay ang painting kung saan ba Ito mas babagay. Sa huli ay isinabit ko na lamang sa pader na kapag babangon ako sa Kama ay ito agad ang una Kong makikita. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago mahiga at matulog.
"Akin na yang bag ko!" Sigaw ko sa lalaking may hawak ng bag ko sa nakataas na kamay para Hindi ko maabot.
"Iyak ka muna" rinig ko ang tawanan nila.
" Mion isusumbong Kita Kay ma'am kapag Hindi ka tumigil!" Sigaw ni Vera.
" Edi magsumbong ka! Diyan ka Naman magaling sa pagsusumbong"
Pinipilit kong abutin Ang bag ko pero Hindi ko makuha "bakit ba ayaw mong ibigay sa akin Ang bag ko? Hindi naman iyon Yan eh!" Tinulak niya ako dahilan para mapahiga ako sa sahig at nagsimula na akong umiyak.
Mas lumukas ang tawanan na naririnig ko sa paligid "iyakin! Iyakin! Iyakin!" Sabay sabay nilang sigaw.
"Tama na yan Mion, umiyak na siya" Hindi ko Alam Kung Sino ang nagsalita dahil nakayuko Lang ako habang walang tigil sa pag iyak.
"Ang hina mo naman, eto na bag mo" hinagis niya sa akin ang bag ko bago umalis kasama sila Von at Saki. Tinulungan naman ako ni Vera na makatayo.
Sa pagtayo ko ay biglang umikot ang paningin ko "Hira! Hira! Hira gising!" Ramdam ko ang mahinang tapik sa aking pisngi.
Pagdilat ko ng mata ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Ashia "kanina pa Kita ginigising Hindi ka Naman magising" malungkot na Saad Niya.
" Bakit?"
Pinakita Niya sa akin ang hawak niyang manika "laro Tayo!" Masiglang Aya niya.
"Sige" bumaba ako sa Kama.
Aabutin ko sana ang isang manikang hawak Niya pero biglang lumayo. Inabot ko ulit pero mas lalo siyang lumayo, palayo siya ng palayo.
"Ashia!" Sigaw ko sa pangalan niya at tinakbo ang distansya namin ngunit bago ko siya maabot ay nawala na siya.
"Ashia?" Naging purong itim ang paligid.
"Ashia asan ka?" Para akong nasa ilalim ng balon dahil paulit ulit na bumabalik sa akin ang mga sinasabi ko.
Sa aking pagtalikod ay nakaharap ko ang malaking salamin. Hindi ko alam Kung saan Ito nagmula, nakita ko ang sariling repleksyon pero sa paglapit ko dito ay ramdam ko Ang takot na naghatid ng pagtaas ng mga balahibo ko. Nakikita ko ang sarili ko sa salamin na umiiyak, kinapa ko Ang mukha ko Hindi Naman ako umiiyak. Ano Ito?
Nagulat ako sa biglang pagbukas ng malakas ng pinto "good morning to each and everyone!" Sigaw ni Kibou.
Hindi mawala sa isip ko ang panaginip na iyon.
" Ang aga mo ata ngayon bakla? Anong masamang hangin ang dahilan ng pagpasok mo Ng maaga?" Tanong ni Raza.
"Bagay na Wala sayo pero meron sa akin" rumampa siya at huminto.
"Ang beauty ko" umikot siya pero napaluhod siya at agad namang nagtawanan ang mga kaklase ko.
Dumating si Day at Kit, naabutan nilang nakaluhod pa si Kibou "Kibou Kung luluhod ka dito na lang sa harap ko" Sabi ni Day na may ibang ibig sabihin.
" Kamanyakan mo Day!" Sigaw ni Raza.
Umupo na sila at si Kibou Naman ay tumayo na. Bumalik siya sa upuan Niya habang iniinda ang sakit ng tuhod.
"Napapala ng kaartehan mo bakla, yan tuloy napaluhod ka ng Wala sa oras" pang aasar ni Raza.
" Tumahimik ka diyan, Kita mo na ngang nasasaktan ako eh" tinakpik Lang siya ni Raza sa balikat.
Maaga akong nagising dahil sa panaginip na iyon, panaginip nga ba o bangungot? Iwinaksi ko na lang ang bagay na iyon at itinuon ang atensyon sa pagbabasa.
May tumapik sa balikat ko "girl" si Kibou.
"okay ka Lang?" Itinaas Niya pa ang Isa niyang kamay na naka okay sign.
"Oo Naman, okay lang ako" ngumiti ako sa kanya.
"Sigurado ka?" Tumango ako.
"Kung ganoon bakit baliktad ang paghawak mo sa libro?" Tiningnan ko ang librong binabasa ko, hindi ko man Lang namalayan na naka baliktad pala.
Inayos ko ito at ngumiti sa kanya ng alanganin "akala ko talent mo Yan eh, sige bye" katabi ko Lang Naman siya ng upuan.
Pumasok sina Maya at Natia na nakasimangot "oh bakit ganyan ang mukha ng mga dyosa?" Tanong ni Kibou.
"Aargh!!! It's so nakaka irita!" Sabay na Sabi nila at parehong pabagsak na umupo.
"Ay bad mood" bulong ni Kibou.
"Eh paano naman kasi yung gusto Kong bilhin na lipstick ay gusto ding bilhin ni Natia!"
" FYI ako Ang unang nakakita ng lipstick na iyon!"
" Para sa lipstick lang nag aaway kayo?" Sabat ni Day.
" Oo nga Naman, ang daming lipstick sa pilipinas" segunda Naman ni Kit.
" FYFI it's limited edition! And FYFI stands for " for your fucking information."
" Ano daw 'tol?" Tanong ni Day at nagkibit balikat lamang si Kit.
" Isa na lang ang natirang shade sa boutique! Kukunin ko na Sana pero may humawak din, hihilain ko na Kung Hindi Lang si Natia ang nakahawak kaya binitawan ko pero binitawan din ni Natia kaya ayun nabili ng iba" Paliwanag ni Maya.
" Mga babae talaga..." Umiling iling si Kit.
Magsasalita pa Sana sila pero dumating na ang teacher namin. Ang subject namin ngayon ay English, mabait si Sir. Allan kasi kapag may tanong siya sa amin kahit na walang sasagot ay siya na lang Ang sasagot sa tanong Niya. Mataas din siya magbigay ng grades kahit minsan ay Hindi siya nagtuturo kaya swerte ng mga Hindi araw araw pumapasok kasi Hindi sila babagsak sa subject ni sir.
Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko na tahimik na nakikinig. Sa totoo lang mababait Naman sila pero dahil nga sa paraan nila ng pagsasalita ay aakalain mo na laging nagtatawag ng away. Ang iba ay mukhang masungit pero mukha lang daw nila Ang masungit. Ang mga boys na minsan ay nagiging bastos pero Kung kailangan naming mga girls ng tulong ay Hindi sila magdadalawang isip na tumulong.
Hindi ko alam Kung bakit sa araw araw na kasama ko sila at nakaka usap ay palayo ako ng palayo na para bang andiyan Lang Naman sila, malapit lang pero Hindi ko sila maabot.
"Ms. Imette?" Napabalik ako ng tingin sa harap.
"Sir?"
"Mukhang Hindi ka nakikinig"
" Nakikinig po"
" Ano ang huli Kong sinabi?"
" Sinabi, sir" nagtawanan sila kaya napayuko ako.
"Hanep ka Hira!" Iyon Naman talaga Ang huli niyang sinabi.
Matapos magturo ni Sir ay wala ang teacher namin para sa second subject kaya Alam Kong magiingay na naman sila.
"Guys may joke ako" Sabi ni Day.
"Ano yon?" Tanong ni Raza.
"Natia" tawag niya Kay Natia pero hindi siya nito pinansin.
"Natia!" Sumigaw na siya.
"Oy Natia pansinin mo na si Day baka hindi Yan makatulog" Sabi ni Kibou.
" What!?" Mataray na tanong nito.
" Match ka ba?"
"No"
"Putcha! Match ka ba!?"
"Bakit!?"
" Kasi posporo Tayo" biglang tumahimik ang buong section.
" Ahm... Tatawa ba kami Day?" Hindi siguradong tanong ni Maya.
"Tang inang Yan! Hindi na Kita kaibigan. Lumayo ka sa akin gago" pang aasar ni Kit.
" Ew so baduy"
" Hoy Natia..." Tumingin siya sa amin.
"joke nga eh kaya tumawa kayo!" Ang iba ay sapilitang tumawa.
" Ha Ha Ha" tinutusok ni Kibou ang bewang niya at sarkastikong tumatawa.
"Tang ina niyo! Tandaan niyo ang araw na Ito."
" Sino namang makakalimot sa Natia Match ka ba kasi posporo Tayo?" Mas lalong sumama Ang mukha ni Day sa halakhak ni Raza.
Natapos ang klase na puro katuwaan ang nangyari "andito na ako!" Sigaw ko nang makapasok sa bahay.
"Nagpapahinga ang mommy mo sa kwarto niya iha." Sabi ng katulong.
" Bakit po? Saan po siya galing?"
" Sa trabaho, ikaw din magbihis ka na"
" Sige po"
Habang sinusuklay ko ang mahabang buhok ko na ngayon ay abot na sa balakang ko ay nakatitig lang ako sa salamin, sa aking mukha. Hindi ko maintindihan Kung bakit parang may kulang sa buhay ko, matagal na panahon na ang lumipas pero sa tuwing titingin ako sa salamin ay Ang batang ako nakikita ko. Napatigil ako sa pagsuklay at tahimik na umiyak.
Hindi ko mahanap ang sarili ko.
__________________________________
Love, like everything else in life, should be a discovery, an adventure, and like most adventures, you don't know you're having one until you're right in the middle of it.