Chapter 3: The Game part 1
Ilang araw na magmula nang magkita kami at magkasabay ni Nathaniel. At mula ngayong araw dalawang araw nalang bago ang event, 'ni hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Nathaniel.
Walang malinaw na sagot akong nakuha sa kaniya nung nakaraang araw na magkasama kami, hindi niya sinabi kung sasama ba siya o hindi. At sinabi ko sa sarili ko na kapag hindi ko pa siya nakita ngayong araw ang ibig sabihin lang niyon ay hindi na talaga siya pupunta.
Biyernes ngayon at sa lingo gaganapin ang nasabing event, dahil nga'y biyernes ngayon kung kaya't maraming pinapagawa ang mga teachers. Wala kaming pasok bukas dahil kuhaan ng card for the first semester, hindi na ako kinakabahan sa mga gradong makukuha ko dahil hindi naman mataas ang expectation nang mga magulang ko pag dating sa mga grado ko ang mahalaga'y hindi ako bumabagsak.
"Rhian, tapos mo na ba yung project kay Mr. Salazar?" tanong sa 'kin ng isang kaklase ko.
Agad kong kinuha ang proyekto namin kay Mr. Salazar, isa itong group project at kailangan namin gumawa ng isang powerpoint ng specific lessons. May kani-kaniya kaming task at natapos ko na ang akin.
"Ah, oo. Eto oh, ikaw na ba ang bahala?" balik tanong ko, tumungo lamang ito at umalis na.
Halos alas tres na nang hapon pero andito pa din ako sa campus, tapos na ang klase kaninang 2:30pm. Ngunit heto ako't hindi makauwi dahil sa tambak na gawain, isa pa'y inaantay ko si Irene para masimulan namin ang isang proyekto namin sa English inutusan kasi siya ni Ms. Peralta kung kaya't nauna na ako sa kaniya. By fairs naman ang proyekto namin sa English at si Irene ang kapareho ko, kailangan namin gumawa ng isang tula o di naman kaya'y isang kanta. May espesipikong tema para sa tula at musika na gagawin namin, kailangan naming gumawa ng tula na kung saa'y ang unang stanza ay ang magiging huling stanza din.
Nakapaloob dito ang kwento ng buhay mo o nang ibang tao, tungkol man sa pinagdadaanan mo o hindi. Napagkasunduan naming gumawa na lamang ng tula sapagkat iyon ang mas gamay naming dalawa kesa sa pagbuo ng kanta, parang tula din naman ang kanta ngunit wala kaming materyal para makagawa nang tono tulad nang gitara.
May nabubuo na akong ideya nang biglang dumating si Irene na para bang hinihingal. Agad ko itong tinignan na puno nang pagtataka dahil sa kasalukuyan nitong ayos. Inantay ko muna siyang makapag adjust bago ako mag salita sa kaniya, ngunit inunahan na niya ako.
"Si Nathaniel, hinahanap ka. Andon siya sa faculty kasama si Ms. Peralta" aniya
Nang marinig ko iyon ay dali-dali akong umalis, sinabi ko kaniya na antayin niya ako't babalik din ako agad. Pag dating ko sa hallway papuntang faculty ay nakasalubong ko si Nathaniel, tapos na silang mag usap ni Ms. Peralta. Agad ako nitong hinila at dinala sa likod ng mga buildings.
"Sorry" sabi nito sa 'kin
"Bakit naman? Tinanggihan mo ba yung offer para sa event?" tanong ko dito
"Hindi, tinanggap ko ang offer para sa event at kasama ka don" sagot nito
"Kung ganoon, bakit ka humihingi ng paumanhin sa 'kin?" takang tanong ko dito
"Sorry kung ngayon lang ako nagpakita, may inasikaso lang ako nitong mga nakaraang araw" paliwanag nito.
"Oh, okay lang naman 'yon. Pero akala ko talaga tinanggihan mo yung offer" sabi ko pa sa kaniya.
"Pwede ko bang makuha ang phone number mo?" tanong nito
"Sure, eto oh" sabi ko sabay bigkas ng mga numero.
"Ayan, save ko ito para itetext nalang kita sa lingo dahil sabay tayong pupunta nang event. 'Wag kang mag alala, wala kang gagastusin sa araw na iyon" sabi nito sabay ngiti
Pagkatapos niyon ay agad na siyang umalis, ilang sandal matapos niyang umalis ay ako naman ang sumunod na umalis. Pinuntahan ko si Irene na hanggang ngayon ay nasa bench pa din at gumagawa ng ibang projects mula sa iba't ibang asignatura namin. Agad ko itong nilapitan at nakita na gumawa siya ng project para sa Filipino, yung powerpoint na natapos ko na kanina pa. Nang nakita niya akong nasa harapan na niya ay tinigil niya ang kaniyang ginagawa.
"Sorry, tinatapos ko lang kailangan na daw kasi nila mamaya eh." Sambit nito
"Ayos lang, uumpisahan ko na din yung tula natin. Tapusin mo na 'yan" sabi ko sa kaniya
Tinuloy naman na niya ang ginagawa niya at ako naman ay nilabas na ang kapirasong papel at nagsimula nang mag sulat ng tula. Halos umabot ng isang oras ang pag gagawa namin, inabot na kami ng alas kuwatro sa campus. Ako ang unang natapos saming dalawa at tinulungan ko siya sa ibang detalye sa kaniyang powerpoint. Nang matapos siya't nai save na niya sa kaniyang flash drive ay agad naming niligpit ang kani-kaniyang gamit at agad naming hinanap ang leader ng grupo nila Irene para ibigay ang flash drive dito.
Matapos naming maibigay ay agad kaming nag tungo sa faculty, hanggang alas singko ang mga guro dito sa campus kung kaya't alam kong andito pa si Ms. Peralta. Pagpasok ko sa loob ng faculty ay agad kong nakita si Ms. Peralta at inabot ang proyekto naming dalawa ni Irene, ngumiti naman sa akin ito at kinuha ang aming akda.
"Ms. Argueza, ito pala yung mga guidelines sa event na gaganapin sa linggo. Nabigyan ko na kanina si Nathaniel. Magkaiba kayo nang guidelines dahil tungkol sa musika ang kaniya at tungkol naman sa tula ang sa iyo. Good luck sa inyong dalawa, galingan ninyo" sabi nito.
Agad kong kinuha ang nasabing guidelines ni Ms Peralta at agad lumabas nang faculty. Sinalubong naman ako ni Irene, nasa labas kasi ito at ako lang ang pumasok kanina sa loob ng faculty.
"Tara uwi na tayo?" tanong niya
Tumango lang ako at nilagay sa loob ng bag ko ang guidelines na binigay ni Ms. Peralta kanina, hindi naka iwas sa tingin ni Irene ang papel na nilagay ko sa loob ng bag kung kaya't matapos kong ilagay sa bag ko iyon ay agad niya akong inusisa ng tanong.
"Ano iyan?" takang tanong niya sa akin.
"Iyon yung guidelines para sa event na gaganapin sa darating na linggo" sagot ko sa kaniya.
Nag umpisa na kaming bumaba ng building habang nag uusap pa din. Ito ang mahirap kay Irene eh, kapag talaga gustong malaman ang isang bagay hindi ka tatantanan hanggat hindi mo nasasabi yung gusto niyang malaman sa'yo. Patuloy pa din siya sa pag tanong sa 'kin tungkol sa sinabi kong event ngunit patuloy ko din siyang hindi pinapansin hanggang sa napikon na ito't pumunta na sa pinakang harapan ko.
"Hoy ano ba? Hindi mo naman ako pinapansin eh" maktol nito sa harapan ko.
Kung nasa ibang lugar kami at hindi naka uniporme mapagkakamalang batang nag mamaktol itong si Irene, ang liit liit kasi niya hindi nabiyayaan ng katangkaran kaya ayan mukhang bata.
"Event 'yon na sinabi ni Ms. Peralta, nabanggit ko na ang isang 'yon sa'yo diba?" sagot ko sa kaniya.
"Oo nga. Pero sabi mo hindi ka pupunta doon dahil wala kang pera at hindi mo gustong gumastos sa ibang bagay, mas gusto mong pagkagastusan ang mga mas importanteng bagay kaysa doon." Sambit niya
Sa wakas ay umalis na ito sa harapan ko't nagpatuloy na kaming maglakad pauwi, patuloy pa din kami sa pag uusap na dalawa.
"Ito ang pinagkasunduan namin ni Nathaniel, pupunta siya kung kaya't pupunta din ako. Wala naman akong gagastusin dahil siya ang gagastos ng lahat." Sagot ko.
"Hoy ikaw Rhian, umamin ka nga. Ano na bang mayroon sa inyo ni Nathaniel ha? Nag de date na ba kayo?" malakas na sabi niya.
"Hoy, hindi ah!" agad kong depensa sa kaniya.
"Sus, ikaw ha! Mukhang magkakaroon kana ng lovelife haha" natatawang sambit pa nito sa akin.
Hindi ko nalang siya muling pinansin, nagpatuloy pa ang pang aasar niya sa akin at patuloy ko lang dinedepensahan ang aking sarili.
Walang kung anong namamagitan sa amin ni Nathaniel, we're just friends for pete's sake. Pero alam kong hindi maniniwala ang isang ito, dahil unang una'y may gusto ako kay Nathaniel. At dahil unti-unti na kaming nagiging malapit nito'y hindi na din malabong magkagusto din si Nathaniel sa akin, pero mahirap umasa kung kaya't kung anong nararanasan ko ngayon iyon nalang ang pag tutuunan ko nang pansin.
Nakarating na ako sa bahay, kapit bahay ko lamang si Irene kaya kami ang lagi magkasabay sa pag uwi. Nakilala ko si Irene dahil nga mag kapit bahay kaming dalawa, at dahil wala akong masyadong kaibigan sa loob at labas ng paaralan si Irene ang kinaibigan ko. Naalala ko pa nung una kaming mag kita ni Irene, ang tingin ko talaga kaniya ay mataray at hindi marunong ngumiti ngunit nang maging kaibigan ko na'y kabaligtaran pala ang ugali nito. Madalang siyang mag seryoso, palagi siyang nakangiti na aakalain mo'y may saltik o may diperensiya sa pag iisip pero mabait.
"Oh anak, nandito kana pala. Ano't natagalan ka ata ngayon?" salubong na tanong ni Mama sa 'kin.
"May tinapos po akong mga projects sa school, magkasabay naman po kaming dalawa ni Irene kaya okay lang po Ma." Sagot ko
"Oh siya, sige. Magpalit kana ng damit at kakain na tayo" sabi ni Mama.
Pumunta ako sa aking silid para magpalit ng damit, yung unang pambahay ko lang ang kinuha ko't sinuot. Masyado akong tatagal kung mag hahalukay pa ako ng damit na pwedeng isuot, baka magalit pa si Mama dahil ang tagal ko masyado.
Nang makapag bihis na'y lumabas na ako't sinalubong sila sa hapag, nakita ko pang naghahanda si Lola ng mga plato sa mesa at si Mama nama'y naghahanda ng ulam namin. Agad akong lumapit para tulungan sila sa paghahanda, matapos mag handa'y nagdasal muna kami bago kumain.
Pagkatapos kumain ay agad akong nagligpit ng mga pinagkainan namin at nag hugas ng mga pinggan, nang matapos na ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko para I charge. Nalowbatt ito kanina nung nasa eskwelahan ako kaya kinuha ko ito sa bag ko at nai charge sa loob ng kwarto, matapos kong I saksak sa outlet ang charger ay binalikan ko ang bag ko at kinuha ang guidelines na binigay ni Ms. Peralta.
Hindi ako makapaniwala na makakadalo ako sa isang event na tungkol sa pag susulat, hanggang ngayon ay gulat pa din ako. Nung una kasi ay inakala ko talagang hindi na pupunta pa si Nathaniel kung kaya't nawalan na din ako ng pag-asa pero ngayon ay ito at hawak ko na ang guidelines para sa naturing event na gaganapin ngayong linggo. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya nilapitan ko ito at tinignan kung sino ang nag text.
From: Nathaniel
Hi Rhian! Si Nathaniel ito, i save mo ang number ko ha?
Si Nathaniel lang pala ang nag text, agad akong nagtipa ng mensahe para sa kaniya.
To: Nathaniel
Naka save na po, no need to worry
Nang nai send ko na ay bibitawan ko na sana ang cellphone ko nang bigla nanaman itong tumunog, binuksan kong muli ang mensaheng nanggaling sa kaniya.
From: Nathaniel
Can i call?
Hindi pa man ako nakakapag tipa ng mensahe ay agad na itong tumawag sa akin. Sinagot ko ang tawag na nagmula sa kaniya ngunit hindi ako nagsasalita. Hinayaan kong siya ang maunang magsalita, ngunit lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa din siya nagsasalita. Balak ko na sanang patayin ang tawag nang bigla itong magsalita.
"Rhian" it was calm and cold.
"Hmm?" mahinang sagot ko
"Bakit hindi ka pa natutulog? O baka naman naistorbo kita sa pagtulog mo?" tanong nito sa 'kin
"Hindi naman Nathaniel, hindi pa naman ako natutulog. Ikaw, bakit gising ka pa?" tanong ko sa kaniya
"I can't sleep" he said
"Wanna play some games?" he asked
"What game?" I asked
"Truth or Dare"