Chereads / A Dare / Chapter 6 - Chapter 4

Chapter 6 - Chapter 4

Chapter 4: The Game part 2

Halos ang dilim-dilim pa sa labas ng bahay namin nang makalabas ako, linggo ngayon at ngayon din ang punta namin sa seminar. Alas k'watro pa lamang ng umaga pero heto ako't inaantay na siya, kahapon ay nakapagpaalam ako kina mama at papa na pupunta ako sa isang seminar kasama ang kaibigan ko, nung una'y nag aalangan pa silang payagan ako pero kalaunan ay pumayag din.

Naalala ko pa ang sabi ni papa sa akin kahapon ng gabi na h'wag daw akong kung saan-saan pupunta at baka ako'y maligaw, tinawanan ko lamang si papa kagabi at hindi na sinagot. Naalala ko na naman ang naging usapan namin ni Nathaniel biyernes ng gabi, gusto niyang maglaro kami at ang larong iyon ay magsisimula ngayong araw. Naalala ko na naman ang usapan namin noong biyernes ng gabi.

"Rhian" it was calm and cold.

"Hmm?" mahinang sagot ko.

"Bakit hindi ka pa natutulog? O baka naman naistorbo kita sa pagtulog mo?" tanong nito sa 'kin.

"Hindi naman Nathaniel, hindi pa naman ako natutulog. Ikaw, bakit gising ka pa?" tanong ko sa kaniya.

"I can't sleep" he said.

"Wanna play some games?" he asked.

"What game?" I asked.

"Truth or Dare"

"How would we play it, then?" I asked again.

"Sa araw ng seminar, magkakaroon ng labanan sa pagsusulat gusto kong sumali ka doon pag nanalo ka ay may kakayahan kang tanungin ako ng kahit ano o di kaya'y utusan ako. Pero pag natalo ka, ikaw ang tatanungin ko o di kaya'y uutusan kita. Nakasalalay sa'yo ang magiging kapalaran mo Rhianna" paliwanag nito.

Napaisip ako kung tatanggapin ko ba ang hamon niya o hindi, ngunit narinig ko na lamang ang sarili kong sumagot sa kagustuhan niya.

"Pumapayag ako"

Hindi ko alam kung bakit ko tinanggap ang hamon niya noong mga oras na iyon, wala namang mawawala kung susubukan ko ang larong gusto niya. Kung ano man ang mangyayari ngayong araw na ito ay bukas sa kalooban kong tatanggapin kung ano man ang maging resulta nito, dahil naniniwala akong magiging maganda ang kalalabasan nito. Sa sobrang lalim ng mga iniisip ko ay hindi ko na napansin si Nathaniel na nasa harapan ko na pala at tinititigan lamang ako, nag angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ko ang kaniyang mukha na parang animo'y nagtataka sa aking ekspresyon.

"What?" tanong ko sa kaniya.

Hindi pa din niya ako sinasagot bagkus ay tinignan lamang niya ako, pumitik ako sa kaniyang mukha para naman bumalik siya sa katauhan niya at nagtagumpay naman ako. Nang siguro'y marealize niya na masyado na siyang nakatitig sa akin ay agad itong umiwas ng tingin.

"Tara na, mahaba pa ang biyahe natin" aniya

"Oo sige" sagot ko naman.

Agad kong kinuha ang aking bagpack na nakapatong sa aming upuan sa sala at ang isang envelope kung saan andoon ang ibang papel at kailangan ko sa seminar na ito. Lumabas naman ako ng bahay at dahan-dahang sinarado ang pinto at gate namin, nakita ko si Nathaniel na nasa labas ng kaniyang sasakyan at inaantay ako. Very typical for Nathaniel Zatoan, itsura pa lamang niya'y sigurado kana talagang mayaman ito at napatunayan ko iyon ngayong andito siya sa harapan ko.

"Nakapag almusal ka na ba?" tanong niya sa 'kin.

"Yep, nakakain naman na ako kahit papaano" sagot ko.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok naman ako agad don, nasa passenger seat ako naka pwesto. Nung una'y akala ko'y may kasama kaming driver ngunit wala akong natagpuang ibang tao sa loob ng kotse kundi ako at si Nathaniel na ngayon ay kasasakay lamang sa driver seat. Hindi ko alam na pwede nap ala siyang mag drive ng kotse mag-isa lalo na't malayo ang pupuntahan namin.

Ang buong byahe namin papuntang venue ay sobrang tahimik magsasalita lang ang isa sa amin kung may dapat itanong, hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa labas ng hotel. Dito kami pansamantalang tutuloy para sa araw na ito, sa bandang taas ng hotel ay mayroon hall dun gaganapin ang nasabing seminar. Tatagal ang seminar na ito hanggang bukas ng alas nuebe ng umaga, nasa ala una pa ng hapon ang klase namin kinabukasan kung kaya't may oras pa kami para mag byahe pabalik at mag asikaso para pumasok.

Dahan dahang ipinarada ni Nathaniel ang kotse niya sa parking lot sa ground floor ng hotel, malaki ang hotel na tutuluyan namin ramdam ko din na ang ganitong klaseng hotel ay para talaga sa mga mayayamang may pera dahil sa lawak ng parking space sa ground floor nito at sa dami ng nakaparadang kotse.

"Nandito na tayo Rhian, akin na iyang bag mo ako na ang magdadala" sabi ni Nathaniel.

Hindi ko man lang namalayan na nakababa na pala siya at nandito sa side ng kotse kung saan ako nakaupo, pinagbuksan niya ako ng pinto at inabot ang kamay niya. Agad ko namang kinuha ang kamay niya at inalalayan niya akong makababa ng kotse, pagkababa ko ay agad niyang kinuha ang bag ko matapos kunin ay kinuha din niya ang isa pang bag na tingin ko ay sa kaniya.

Matapos siguraduhing naka lock ang kaniyang kotse ay agad niya akong niyaya papasok sa hotel para makapag check in kami, siya ang kumausap sa reception ng hotel hiningi lamang niya ang invitation na binigay ni Ms. Peralta kasama ang guidelines at pinakita sa receptionist ang inivitation naming dalawa.

Matapos ng mahabang negosyasyon nila ay binigyan na kami ng card na magiging susi ng suite namin.

"Naubusan na sila ng room Rhian, sa ngayon ay isang room nalang ang available at kailangan nating mag sama sa iisang room" sabi niya ng makalapit siya sa akin.

Nag aalangan man ay pumayag na din ako, ngayon pa ba ako mag iinarte? Oo may gusto ako sa kaniya ngunit hindi ako umabot sa puntong naisip kong makakasama ko siya sa iisang kwarto, isa pa'y wala akong pera para kumuha ng isa pang hotel room kung kaya't magtitiis nalang ako na makasama siya sa iisang room tutal ay hanggang bukas lang naman ito.

Pagkadating namin sa suite ay hindi ko inaasahang sobrang garbo at ganda nito sa loob, kung titignan kasi sa labas ng hotel ang mga pinto ay parang walang kabuhay-buhay pare-pareho pa sila ng kulay nagkakaiba iba lamang sa mga numero sa bawat pinto.

Maaliwalas ang suite na ito, mayroong malaking sala, kusina, may dalawang bathroom at isang kama. May mga sofa din naman, siguro ay kasya naman ako dun pwedeng dun nalang ako matulog mamaya.

"Pwede kang magpahinga o matulog muna mayroon pa naman tayong dalawang oras bago magsimula ang seminar Rhian" si Nathaniel.

"Uh, okay lang ako. Ikaw nalang ang magpahinga alam kong napagod ka dahil ikaw ang nag drive" sabi ko sa kaniya.

Nilingon niya lang ako at nag iwas ng tingin, hindi ko naman siya pinansin na at nagtungo ako sa balkonahe na andoon. Maaga pa halos mag a-alas sais pa lamang ng umaga, medyo madilim pa ng konti ngunit makikita na din ang unti-unting pagliliwanag mukhang papasikat na ang araw.

Napangiti ako ng unti-unti ngang sumikat ang araw, ang sarap panoodin dahil isa ito sa mga paborito kong gawin tuwing umaga ang silayan ang pagsikat ng araw at aantayin ang hapon kung kalian ito'y lulubog na. Sakto kasi ang pwesto ng suite namin para makita ang pagsikat ng araw, masyado akong na engganyo kung kaya't hindi ko naramdamang nakalapit na sa 'kin si Nathaniel.

"Mukhang gustong gusto mo ang nakikita mo" bulong ni Nathaniel

Napalingon naman ako sa kaniya na agad ko ding pinagsisihan, masyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa isang maling batok lamang samin ay agad na maglalapat ang mga labi namin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, hindi ako agad nakakilos pinagmasdan ko lamang siya at ganon din siya sa akin. Hindi ako naiilang sa kaniya, may kung ano sa sistema ko na gustong gusto ko ang lapit namin sa isa't isa.

"Nathaniel" bulong ko

Hindi ako nakakuha ng sagot sa kaniya, mas lalo lamang niyang tinitigan ang aking mukha. Matangkad ako kung kaya't walang kahirap hirap sa kaniya na pantayan ang mga tingin ko, nalilito man ngunit ipinagdadasal ko na sana'y hindi na matapos pa ang sandaling iyon.

Ngunit ako din mismo ang nag iwas ng tingin sa kaniya, ngayon ko lang naramdaman ang pagkailang na dapat ay kanina ko pa nararamdaman.

"Gusto mo bang mamasyal?" tanong niya maya-maya

"Ayos lang ba? Hindi ka pa nagpapahinga Nathaniel" sagot ko sa kaniya.

"Ayos lang naman ako. Gusto ko din sanang maglibot dito para maging pamilyar satin ang mga dadaanan natin mamaya, magkaiba kasi ng hall ang papasukan natin baka mamaya'y maligaw ka dito" paliwanag niya.

Hindi na ako tumanggi at sumama nalang ako sa kaniya, ayaw ko din namang maligaw dito bukod sa wala akong alam sa mga lugar dito ay wala din akong kakilala maski isa maliban kay Nathaniel. Inilaan namin ang isang oras para mag libot-libot sa buong hotel, pinuntahan namin ang nasabing canteen o cafeteria ng hotel kung saan pwede kang kumain.

Napuntahan din namin ang hall kung saan gaganapin ang seminar napagalaman ko na may dalawang klase ng kalahok ang kasali sa nasabing seminar at iyon ay ang mga manunulat ng tula o akda at ang isa'y manunulat ng tula na may tono. Kalahok ako sa manunulat ng tula o akda dahil iyon naman ang ginagawa ko at si Nathaniel ay kalahok ng tula na may tono kung saa'y tuturuan ka kung paano gumawa ng sarili mong kanta. Minsan ko na ding sinubok na gumawa ng kanta ngunit hindi naman ako nag tagumpay, mas nakuntento ako sa mga cover songs at natuon ang atensyon ko sa pag gawa ng mga akda at tula.

Magkaiba ng papasukan ang dalawang klase ng kalahok ang daan papasok na tatahakin ko ay nasa gawing kanan habang ang daang papasukan ni Nathaniel ay nasa gawing kaliwa, doon niya pinaliwanag na sa oras ng seminar ay magkakalayo kami kung kaya't tinuturo na niya sa 'kin ang mga dapat kong malaman para maiwasan kong maligaw sinabi pa niyang sasamahan niya ako hanggang sa makapasok ako sa entrance ng hall kung saan ako papasok bago siya pumunta sa gawi niya. Gusto ko mang tumanggi ay hinayaan ko nalang siya dahil alam kong ako din naman ang higit na magkaka benipisyo dito.

Matapos ang paglilibot na umabot ng isang oras ay sabay kaming bumalik sa suite para makapag handa sa seminar, nag order na din kami ng kakainin namin para sa umagang iyon at pina deliver nalang sa loob ng kwarto namin, naligo na ako kanina bago pa man pumunta dito ngunit naligo ulit ako dahil pakiramdam ko'y pinagpawisan ako. Dalawa naman ang banyo kaya hindi kami nahirapan dalawa, sa loob na din ng banyo ako nagbihis. Matapos maligo ay inasikaso ko naman ang mga dadalhin mamaya sa hall, nasa guidelines naman kung ano ang mga dapat at hindi dapat dalhin sa loob ng hall nilingon ko ang banyo kung saan naroon pa din si Nathaniel marahil ay naliligo pa.

Matapos mag ayos ng mga gamit ay lumabas ako ng kwarto at pumuntang balkonahe ng hotel, mas lalong gumanda ang tanawin sa labas ng silid namin dahil na din sa sikat ng araw mas lalo kong nakita ang mga nagtatayuang building sa labas. Sumilip ako sa ibabang bahagi at nakita ko ang mga sasakyan na paroo't parito, ang mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada at ang mga puno ng niyog na matayog na nakatanim sa magkabilang gilid.

Nung una'y hindi mo siya mapapansin marahil walang masyadong tao ang pumupunta roon ngunit dahil sa ganda ng pagkakatanim dito'y talagang mapapalingon ka. Para siyang isang pribadong parte ng hotel dahil nga walang taong pumupunta doon, malinis at maayos ang mga lamesa sa magkabilang gilid at tila'y may mga maliliit na dekorasyon sa bawat lamesa. Medyo malayo ang suite namin ni Nathaniel sa ibabang parte ng hotel kung kaya't nahihirapan akong tignan kung ano pa ang ibang detalye ng party na iyon. Nasa kalagitnaan ako ng pag mumuni-muni ng biglang tumunog ang cellphone ko na agad ko din namang kinuha at sinagot ang tawag.

"Hello?" sagot ko.

"Rhiaaaaaaaaaan!" sigaw ng kabilang linya.

Bahagya ko pang nailayo ang telepono ko dahil sa lakas ng sigaw ni Irene, nang humupa ang ingay ay dahan dahan ko namang nilapit sa tenga ko ulit ang telepono.

"Irene, masyado kang maingay" mahinang suway ko sa kaniya.

"Omyyyy, akala ko ba hindi ka na tutuloy?" tanong niya

"Tumuloy ako kasi tumuloy din si Nathaniel"

"So magkasama kayo ni Nathaniel?"

"Obviously"

"Hala, iba na yan ha?"

"Irene, wag ka ngang masyadong assuming. Alam mong walang gamot pagdating sa ganiyan, at saka isa pa hindi ko na maatim na masaktan ulit dahil sa lalaki 'no." mahinang sagot ko, natatakot na baka marinig ni Nathaniel ang mga sinasabi ko.

"Sabagay, pag nasaktan kana talaga dahil sa pag ibig ang hirap na ulit umibig kasi pakiramdam mo anytime gagawin ulit niya yung naranasan mo dati."

Sasagot na sana ako ako sa kaniya nang biglang lumabas si Nathaniel sa kwarto at tila hinahanap ako, hindi ako masyadong makikita dahil nandito ako sa labas ng balkonahe.

"Hey Irene, kailangan ko nang ibaba itong tawag pupunta na kasi kami sa venue nung seminar. Balitaan nalang kita mamaya okay?" sabi ko.

"Hay, ano ba iyan? Pero sige text mo nalang ako mamaya pag tapos mo, baka tawagan ulit kita mamaya ayos lang ba iyon?" tanong pa niya.

"Well, di ko lang sure pero text nalang kita mamaya if pwede okay?"

"Okay, baba ko na ito. Ingat kayo, babye!" sabi niya sabay baba ng tawag.

Agad naman akong lumabas ng balkonahe at naabutan ko si Nathaniel na nanggaling sa kusina, nasa ayos na din siya ang gwapo niyang tignan talaga kahit anong damit ang suutin niya. He's wearing a navy blue long sleeve na tinupi hanggang siko at isang ripped jeans naka black converse shoes din siya, he looks perfect and damn I think I'm falling real hard.

"Hey" aniya.

Agad akong bumalik sa wisyo ng bigla siyang nag salita, kaya naman ngumiti ako at sumagot din para mawala ang mga iniisip ko tungkol sa kaniya kanina lang.

"Oh, hey. Uh, aalis na ba tayo?" tanong ko para mapakalma ang nagwawala kong puso dahil sa presensya niya.

"Yup, iyan naba ang susuutin mo?" tanong niya sabay pasada sa damit kong simple.

Agad uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya, I'm not really the girly type of girl. I'm just simply wearing a white blouse na plain at isang pants, and also wearing a high cut black converse shoes. Okay I get it, hindi ako tulad ng mga mayayamang babae na madalas niyang nakakasalamuha pero do he really think that I would wear expensive dresses?

"Uh yes. I don't have any clothes at tingin ko naman ay maayos pa ito since this looks formal" I said plainly.

"Oh, okay. Shall we?"

"Yes"

As soon as we entered the venue I know that the game is now starting, yesterday I told myself that whatever happens I will accept it kaya habang humahakbang ako sa loob ng venue at nakita ko ang lahat ng kasali ay tila alam ko na ang magiging resulta. Well Rhian, its either you win or lose. Umupo ako sa assignated seat ng mga participants ay natanawan ko na din si Nathaniel na umuupo sa kaniyang upuan sa kabilang dako ng hall, as soon as our eyes met alam ko na. The Game is now officially starting.