Kabanata II
"Mommy please can you balik my financial assistant please" I pleaded
Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang buntong hininga ni mommy
"Gosh,Can you please stop being so conyo anak?like if you're more comfortable on english language then use it.It's just Masakit sa ears" Sabi ni mom na ikinatawa ko nang bahagya
"Mommy,mana lang me sayo" I said then laugh a little bit at narinig ko ang singhal niya
"Shut up anak,i gotta end this call na.goodbye" she said dahilan para manlaki ang mata ko
"What the hell mom my fin-----" di ko na natapos ang sasabihin ko nang binaba nya na
Argh nakakainis na buhay toh!
Imbes na magmukmok nang sobra ay nagdesisyon akong lumabas ng apartment ko para maghanap ng near convinience store
Habang naglalakad ako ay napapatingin sa akin ang mga kapitbahay ko dito,well wala naman akong balak na pansinin sila.
Laking tuwa ko nang may nakita akong convinience store kaya walang pag aalinlangan na pumasok ako dito
"What should i buy to lessen this stressful life?" Bulong ko sa sarili ko
Habang namimili ako ay naagaw ang pansin ko nang nakita ko ang isang babae na di ko alam pero napatitig ako dito
Ang puti niya,mukhang anak mayaman,Mahaba ang pilikmata,natural Pink ang kanyang labi at ang tangos ng ilong niya
A-ang ganda niya
"Ang mahal naman neto" bulong niya at binitawan niya ang kanina ay hawak niya bago umalis sa way na kinaroroonan ko
Pagkaalis nya ay tiningnan ko ang presyo na kanina lang ay sinabing nyang mahal at halos matawa ako nang makita ang presyo
"Seriously?This is 58 pesos only yet she named it as " Mahal" I said
Di ko alam kung bakit pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na kinuha ang kinder joy egg surprise na kanina lang ay hawak nung babae.Agad ko itong dinala sa counter at nakita ko doon yung babae na hawak ang binili nyang jellyace na nagkakahalaga ng 12.00 lang
Bakas sa labi niya ang saya at galak sa nabili niya,And idk pero naalala ko sa ngiti niya ang ngiti ni mommy
Hayst mom bakit mo ba kasi ako pinapahirapan?
Nang ako na ang magbabayad ay binayaran ko agad ang kinderjoy at bago pa makalabas yung babae ay agad ko itong tinawag
"Ate..Miss!" Pagtawag ko dito at lumingon naman sakin ito
"Uh--ako po ba kuya?" Tanong niya sabay turo sa sarili
Tumango naman ako bilang tugon at lumapit ako sa kanya
"Nakita kasi kita kanina na eto sana ang bibilhin mo" sabi ko sabay pakita nung kinderjoy na itlog
"Alam ko na gusto mo ito bilhin kaso nag alinlangan ka sa presyo,Kaya naman uh eto oh binili ko para sayo kasi mukhang mayroon kang bata na pagreregaluhan nito" Sabi ko sabay kamot sa aking batok
Kinakabahan ako sa magiging tugon niya ngunit nawala iyon nang ngumiti siya sakin sabay abot ng binili niyang jellyace
"Eto kuya oh,Para quits tayo.Exchange items tayo hehe" Sabi niya sabay ngiti
"Gustong gusto ko talaga bilhin iyan kaso 20 pesos lang ang pera ko,Ireregalo ko sana sa pinsan ko na 3 years old at gusto niya talaga makatikim ng kinderjoy eh haha" Sabi niya sabay tawa
Di ko alam pero damn napatitig ako sa mukha nya habang tumatawa siya,Ibinigay niya sakin ang jellyace na binili niya at ibinigay ko naman ang kinderjoy na binili ko
"Salamat kuya ah,Ano nga palang pangalan mo? Saka Bago kalang ba dito?Ngayon lang kita nakita eh haha" Sabi niya
"Uh---I'm Vanzen You can call me Vanz saka yeah bago lang ako dito eh" Sabi ko sabay tawa
"Ano palang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya
"Maureen" sabi niya sabay ngiti
Matapos nun ay nalaman ko na sa kabilang baranggay lang pala sila,Dating Farmer ang tatay niya na ngayon ay Driver daw ng yayamaning pamilya
I suddenly thought about mang dante
Ewan ko ba pero bakit hawig ni maureen si mommy?or dulot lang toh ng pagkamiss ko kay mommy?
Pero baka nga
Agad nalang akong dumiretso sa apartment na tinutuluyan ko bago pinagmasdan ng mabuti itong jellyace na hawak ko
"Ano naman kaya ang gagawin ko dito?"Natatawa kong saad
Habang natatawa ako ay bigla kong naisip si Mang Dante,Mas mabuti sigurong ibigay ko nalang ito sa kanya at baka may pamangkin siya na bata pa
I immediately dial Mang Dante's number para maibigay sa kanya itong jellyace
"Hello po?Sir?"Tawag nito sa akin mula sa kabilang linya
"Uh---Mang Dante may ibibigay lang sana ako sayo,pwede kabang pumunta dito?dalhin mo nalang yung car ko"Sabi ko
"Copy po Sir,I'm on the way na po"Sabi niya
"Okay thanks"Sabi ko sabay end na ng tawag
Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng busina sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko,Nang silipin ko ay nakita ko si Mang Dante na papunta na sa pinto ng apartment ko kaya binuksan ko na ang pinto
"Sir jewrick ano pong iuutos niyo sakin?"tanong niya sakin
Kinuha ko ang jellyace at saka ibinigay ito sa kanya.Kumuha din ako ng 2,000 para di naman nakakahiya kay mang dabte na nagpunta pa dito para lamang sa jellyace
"Eto po Mang Dante,baka may pamangkin or what po kayong relative.Actually wala sa plano kong bumili niyan,may naka encounter lang akong babae na gustong bilhin yung kinderjoy egg pero dahil kulang pera niya ay yang jelly ace nalang ang bibilhin sana"Saad ko
"Ang ginawa ko ay binili ko ang gusto niya bilhin at ibinigay ito sa kanya ng libre,perp di siya pumayag.Sa halip ay ibinigay niya sakin ang jellyace na yan para hindi daw unfair sa akin"Dagdag ko"Dagdag ko
Napangiti naman si Mang Dante sa kinuwento ko
"Ang bait mo sir"Tanging nasabi niya dahilan para mapangiti ako
"Sige ayun lang naman ang dahilan kung bakit kita pinapunta dito"Sabi ko at tumango naman siya sakin bago sumakay sa kotse ko at umuwi na
Nang makaalis si Mang Dante ay nagpaorder nalang ako ng kakainin ko since di naman ako marunong magluto.Isinabay ko na din sa pag onlineshop ang school supplies na posibleng gamitin ko
Habang kumakain ako ay biglang naalala ko iyong si Maureen,Hawig talaga siya ng Mixed face ni Mom at Dad.Pero baka dahil lang sa pagkamiss ko siguro sa kanila kaya nakikita ko yung itsura nila sa face ni maureen