Kabanata III
"Sir Jewrick nandito napo tayo sa new school mo po" Sabi ni Mang Dante at pinagbuksan nya ako ng pinto
Bakas naman sa itsura ng mga estudyante ang paghanga sakin matapos makitang bumaba ako sa isang kotse.Unang araw ngayon ng klase,kailangan ko agad malaman ang schedule ko.
"Sige mang dante,ite-text nalang kita pag magpapasundo ako" Sabi ko at tumango naman siya sabay alis na
Narandaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya naman nang makita kong si mommy ang tumatawag ay agad ko itong sinagot
"Mommy I miss you na please balik niyo na ako diyan and also my credit card please" Sabi ko
"No jewrick.And Hindi namin ibabalik ang card mo hangga't di ka nagtatanda saka ano itong...Jewrick!2 kanto lang ang layo mula sa apartment na tinitirhan mo at sa university!Ano't nagpasundo kapa kay Mang dante?!" Sermon sakin ni mommy
"Eh..Because I'm too lazy to walk mom" i said and i heard her sigh "Saka it's my daily routine,right?when I'm still at East Dawn International School." Sabi ko
"Kahit na Jewrick!You need to be independent!.Dapat nga ay di ka na namin sinusupport ng financial needs mo dahil you're college na." Sabi ni mom at dahil nainis ako ay inend ko nalang ang call
I don't know but simula nung tumungtong ako ng 18 years old ay hindi na ako inispoil ng family ko nakakainis pero need ko masanay
Bumaba nalang ako ng kotse at napapatingin naman sakin ang ibang estudyante.I'm not used to it,sa previous school ko ay pa angasan kami ng kotse
Agad akong naglakad papasok sa University na ito at kinuha ko muna ang schedule ko bago ako magproceed
Habang naglalakad ako ay napapakunot noo ako
Bakit electricfan lang ang gamit nila?dapat aircon
I can't believe na this is happening to me!Anak ako galing sa mayamang pamilya pero eto ako,nag aaral sa public university
Habang badtrip na badtrip ako ay narealize ko na may sumabay sakin sa paglalakad kaya naman lumingon ako dito
"First day of class pero stress kana hahaha" Sabi ni Maureen habang tumatawa
Ningitian ko na lamang muna sya bago sumagot
"Di kasi ako sanay sa gantong environment eh" Sabi ko "Ikaw?Ayos lang ba sayo ang ganito?" Tanong ko sa kanya dahil kung titingnan ay mukhang anak mayaman sya
Tumango sya habang nakangiti
"Oo naman!actually masaya ako kasi finally college na,konting taon nalang at mairaraos ko na sa kahirapan ang pamilya ko" sabi nya na ikinaagaw ng pansin ko
"Scholar kaba dito?" Tanong ko at tumango sya
"Public university toh ah?Diba dapat di ka na nag i scholar kasi lalo kang mai stress" Sabi ko sa kanya ngunit ngumiti lang sya sakin
"Mahirap kasi kami,kahit public university ito,may gastusin padin.Driver at magsasaka lamang ang hanapbuhay ng tatay ko habang labandera naman si nanay kaya ayaw ko sila pahirapan" Saad nya "saka pag scholar kasi bukod sa wala ka nang babayaran ay ikaw pa ang babayaran nila " sabi niya
Napatingin naman ako sa kanya,mukhang sanay na sanay siya.Nakakahanga
"Alam mo,unang meet palang natin nung nakaraan ay narealize kona anak mayaman ka.Tama ba?" Tanong niya at tumango naman ako na ikinagulat niya
"Talaga?bakit dito ka napadpad?dapat nasa isang university ka na pribado hindi ba?" Tanong nya at tumango muna ako bago sumagot
"Sinasanay kasi ako ng parents ko,besides tatagal lang ito ng 4 years so tiisin ko nalang kahit nakakaumay" Sabi ko at natawa
"Ano palang name ng parents mo?"tanong niya sakin
"Vanessa Altamez at Thred Frederick altamez ang pangalan nila" sabi ko na ikinahinto nya
"W-wait...." Gulat siyang napatingin sakin
Ngumiti na lamang ako sa kanya
"They are top 9 business tycoon ah?!" Amaze na pagkasabi niya at tumango lamang ako
"Hala?!!!napakayaman mo kung ganoon,nakakahiya makisalamuha sayo" Sabi niya at dumistansya ngunit lumapit lang ako sa kanya
"Ano kaba ayos lang,ikaw pa nga lang nakikilala ko dito e tapos iiwasan mo na ako dahil nalaman mo ang totoo anyway keep it as secret please" Sabi ko at tumango naman sya
Tiningnan ko ang schedule nya at napatawa naman ako
"Kung ganon ay magkaklase pala tayo sa lahat ng subjects,BS Entrepreneurship student kadin pala.Tara na hanapin na natin section natin" Sabi ko at hinatak ko sya
Nang makarating kami sa section namin which is Bm1mb ay kumatok muna kami.Kasabay nito ay pinagbuksan naman kami ng pinto ng professor
"Student kayo sa section na ito?"Pag clarify ng professor
"Yes po"Sagot ni Maureen
Tumango naman ang professor bago magsalita
"Name?"Tanong niya habang nakatingin sa papel na sa tingin ko ay listahan ng students ng section bm1mb
"Maureen Len Perez Zulueta"pagpapakilala ni maureen
Tumango naman ang professor bago bumaling ng tingin sa akin
"At ikaw?"Tanong nito sabay taas ng kilay
"Vanzen Jewrick"Saad ko at tiningnan naman niya sa list ang name ko
Nagsalit-salitan ang tingin niya sakin at sa list na hawak niya sabay napailing
"Ang weird,Kaparehas mo ng Middle Initial at Surname ang Top 9 business tycoon dito sa bansa natin,Well sure ako coincidence lang since if anak ka nila,dapat hindi ka dito nag aaral"Sabi niya
Hah!Ganoon pala ang basehan?Di ako nainform.
Tinapik naman ni maureen ang balikat ko,senyales na hayaan ko na
Gumilid naman ang professor at sinabihan kaming pumasok na kaya naman pumasok na kami ni maureen
"Introduce yourself,First."Sabi ni prof kaya nagtinginan kami ni maureen
"Mauna kana"Sabi niya sakin pero umiling ako
"Ikaw na,nahihiya ako"Sabi ko pero umiling din siya
"Nahihiya din ako,Dali na baka umusok ilong ni prof"Pabulong niyang sabi
"No way,Mauna kana.Remember,Ladies First."Sabi ko sabay ngisi pero umirap lang siya
"If You have a Quote like that,then there's mine"Sabi niya bago ngumisi "Real Men Know how to do first move."Sabi niya at ngumusi ulit
"Hmm ano kaya meaning nun?"Sabi niya sabay tawa ng mahina
Nagulat kaming lahat nang padabog na ibagsak ng professor namin ang book sa table niya
"ANO?!MAGPAPAKILALA BA KAYO O MAGHAHARUTAN?!"Pagalit nitong tanong
"Fine,Ako na ang mauuna"Sabi ni Maureen
Gumilid ako para malayang makapagpakilala si maureen sa classmates namin
"Goodmorning to all of you,My name is Maureen Len Perez Zulueta.You can call me Len if that's what you want.Thankyou"Pagpapakilala ni maureen at pinalakpakan naman siya
Pagkatapos ni maureen magpakilala ay sunod na akong nagpakilala
"Ehem..Hi!I'm Jewrick"Simpleng saad ko
"Okay since nakapagkilala na kayo,you two can sit at the back"Sabi ni prof at tinuro ang dalawang bakanteng upuan sa bandang likuran