ASTRAEUS POV
Kasalukuyan ako nasa ilalim ng puno dahil natapos ko na ang parusa ko na maglinis ng buong hardin ng Olympus, Ang ayoko pa naman sa lahat eh yung naglilinis ng hindi ko naman kalat bukod sa pagaaral ng mga history tungkol sa mga Titans, god and godesses tas yung mga naging god wars dahil nangyari na yun bakit kelangan pa naming balikan. Nakakainis naman kasi si Amina ehh kung hindi nya lang ako sinumbong kay ina at ama na pumunta ako sa mundo ng mga mortal edi sana nakakalabas parin ako. Ang saya kaya sa mundo ng mga mortal ang dami pwedeng gawin
"Pwedeng gawin na kalokohan tama ba Astraeus?" Sabi ni Athena na mukha nang kabuti sa laging niyang pagsulpot
"SA GANDA KONG TO MUKHA AKONG KABUTI" Inis na sabi ni Athena. Si Athena ay isang dyosa ng Katapangan at katalinuhan ..... May kakayahang syang magbasa ng isip at makaimbeto ng mga gamit. Kung ilalarawan ang itsura ni Athena masasabi mong goddess talaga sya. Meron syang mahaba at kulay itim na buhok, ang mga mata nya ay kulay ginto , maputi at makinis ang kanyang kutis, Matangkad sya at may hubog ang katawan
"Kabuti ka pala Athena" Asar ni Apollo kay Athena. Si Apollo ay diyos ng musika, liwanag, propesiya at medisina. Siya ay may kakayahan na makakita ng hinaharap, makagamot at makapagbigay ng sakit. Siya ay may kulay ginto at kulot na buhok, matangkad at makikita mo ang kakisigan ng katawan niya.
"Kesa naman sayo mukha kang patatas na tinubuan ng kulay ginto na ugat sa ibabaw" balik na asar ni Athena
Habang nagaasaran ang dalawa biglang dumating si Gideon. Si Gideon ay isang angel ng pagibig siya ang palaging nakakasama ni Eros. At masasabi kong sa lahat ng Angel siya ang pinakaweirdo
"Ohh Gideon Andiyan kapala" Sabi ni Apollo nang mapansin si Gideon ngunit tanging tingin lang ang sinagot nya at sumobo ng Lollipop na nakuha daw niya sa mundo ng mga mortal. Simula nung mga bata pa kami lagi nang may nakasalpak na lollipop sa bibig niya,,, hindi kaya siya nagsasawa Weirdo talaga
"Grabe ka naman makasabi ng weirdo Astraeus" Sabi sakin ni Athena
"Tigilan muna yang pagbabasa mo sa isip ko " haysst makaalis na nga tss, wala ako sa wisyo ngayon para makipag asaran
"Sandali Astraeus saan ka pupunta?" tanong ni Apollo
Hindi kona siya sinagot dahil hindi ko din alam. San kaya ako pupunta nakakainis naman. Habang naglalakad ako papunta sa dimalamang lugar naagaw ng pansin ko ang pinto papasok sa silid ng three sister of fate. Sila ang gumagawa ng mga fate ng bawat nilalang sa mundo. May kaniya kaniyang silang gawain, Si clotho ang siyang naghahabi ng thread ng buhay ibigsabihin dito nagsisimula ang buhay ng bawat nilalang, Si Lahkesis ang sunod, Siya ang sumusukat ng haba ng thread ng buhay ibigsabihin siya ang sumusukat kung gaano katagal mabubuhay ang isang nilalalang at ang huli si Atrophos siya ang pumuputol sa thread ibigsabihin yun na ang kamatayan ng nilalang. Pinagbabawal nila ang pagpasok dito dahil sa isang maling galaw lang ng mga gamit nila magkakagulo ang buhay ng mga nilalang at dahil dun wala pang nakakapasok dito kahit isa.
Sa tingin ko wala sila dito sa oras nato, dahil siguradong kausap sila ngayon ni Zeus,
Dahandahan kong binuksan ang pinto at tama ako wala nga sila dito
"Napaka dilim naman nitong silid nato" itinaas ko ang aking kamay para magbigay ng liwanag sa kawartong ito
Habang pinagmamasdan ang mga gamit nila Clotho, Lahkesis at Atrophos may isang bagay na kumuha ng atensyon ko isang gunting na gawa sa ginto ang hawakan at kumikinang.
"Matulis kaya ito?" tanong ko sa sarili at lumapit sa sinulid na di na gaanong makinang at ginupit. Agad na naglaho ang sinulid pag tapos kong putulin. Bigla akong nakarinig ng mga naguusap at siguradong sila na iyon
" Hala lagot kailangan ko ng makaalis" Ibinalik ko sa lalagyan ang gunting at Ginamit ko na ang aking papakpak para makaalis ng mas mabilis.
Nang makalabas ako ng kwartong iyon bigla ko nalang nakita si Amina. Si Amina ay Apprentice ni Ina at ang pinili nila para magturo sa akin ng tungkol sa mga bituin. Isa din siyang guro ng history
"Hay naku naman oras na ulit ng pag aaral ehh alam ko naman na ang mga dapat kong malaman" sabi ko sa sarili ko at nakitang papalapit na siya sa akin
"Astraeus, kung Saan-saan kananaman nag pupunta. Sumunod kana sakin kelangan mo ng mag aral" mowtaridad na sabi ni Amina
Habang naglalakad kami napansin kong sa ibang dereksiyon kami papunta. Kung saan sa isang silid na nagagamit ang mga kapangyarihan ng mga god at goddess
"Amina bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong ko sakanya
"Para makausap kita ng walang nakakarinig"
"huh? bakit?"
"Dahil sa ginawa mong pagpasok sa silid ng three sister" naiinis na sabi nya "Hanggang kailan mo ba paiiralin yang katigasan ng ulo mo? Kakatapos mo lang maparusahan kanina may bago ka nanamang kalokohan, tandaan mo 6 na buwan nalang ituturing ka nang god of stars "
" Ehh nabobored kasi ako kanina ehh tas iyon pumasok ako dun sa silid nila tas sinubukan ko lang gamitin yung gunting ni Atrophos yun lang naman yun ginawa ko ehh" paliwanag ko
" Anong yung lang dahil sa paggamit mo sa gunting ni Athrophos may isang mortal na namatay " seryosong sabi niya "at dahil sa ginawa mo may kaparusahan at misyon kang dapat gawin.
" Anong misyon at kaparusahan naman " tanong ko. Hayy naku panibagong sakit sa ulo nanaman ito.
" Tulungan mong magmahal muli yung mortal na babae na kasintahan nang napatay mo bilang misyon at may tatlong puso kang pagdudugtungin bilang kaparusahan" sabi nya
"Mortal ibigsabihin pupunta ako sa mundo ng mga mortal?" ngiting ngiti kong sabi. Naging matalim ang titig sakin ni Amina
"Tama ka pero hindi kalokohan ang gagawain mo dun kung hindi isang misyon at parusa" sabi nya
"Ehh pano kung hindi ko nagawa ang mga iyon?" sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri
"Ano bang ginagawa sa mga Titan , god at goddess na nagkakasala?"
Base sa mga naririning ko ang mga Titan, god or goddess na nagkakasala ay Mananatili sa isang lugar habang buhay ng walang nakakakita kahit isa o di kaya magkakaroon ng napakasakit na kamatayan
" Ehh paano ko siya tutulungan magmahal muli ehh ni hindi ko nga alam ang ibig sabihin ng pagmamahal na yan ehh tska paano ko malalaman kung sino yung mga magkakadugtong ang mga puso. Pwede naman kasing si Eros ang gumawa nun ehh tutulungan ko nalang siya" frustate na sabi ko hayy naku nakakatakot kaya yun manatili ka sa lugar na walang makakita sayo o hindi kaya magkaroon ng napakasakit na kamatayan
"Ikaw ang nagkasala ikaw ang gagawa at tska mag bobonding sila ni Psyche habang ginagawa mo ang misyon mo kaya ikaw ang gagawa ng lahat" Nakakinis naman ehh pano natoooo
"Pero kakamatay lang ng kasintahan niya paano siya magmamahal muli? at ibig sabihin din nun hindi sila ang nakatadhana para sa isa't isa? " naguguluhang tanong ko
" Hindi lang tungkol sa pagmamahalan ng dalawang tao ang tinutukoy ko Astreus, Kailangan mo din siyang tulungang mahalin muli ang mundo"
"Hindi ba niya mahal ang kanilang mundo?
" Malalaman mo din, Umayos kana pupunta na tayo sa mundo ng mga mortal para hanapin ang magiging misyon mo"
binuka niya ang kaniyang pakpak at nauna nang umalis. Hay naku sana maganda yung babae para naman matuwa naman ako kahit konti
"Amina Hintay" Sigaw ko at ibinuka narin ang pakpak