Chapter 3 - CHAPTER 1

ASTRAEUS POV

Wala akong ginawa kung hindi sumunod sa paglipad ni Amina. Kainis naman mahigit isang oras na kaming lumilipad at unti-unting ng dumidilim ang paligid  pero hindi pa rin kami nakakarating sa misyon ko

"Amina nasaan na ba tayo" tanong ko sa kanya

"Malapit na tayo Astraeus " mahinhin wika nya

"Malapit? Ehh kanina mo pa sinasabi yang malapit pero di pa tayo nakakarating sa pupuntahan natin"

"Iyong istaraktura na yun dun natin sya makikita bilisan muna baka di natin sya maabutan" sabi nya at mas binilisan pa ang paglipad

Nakarating kami sa Isang istraktura na May kamanghamanhang karwaheng lumilipad at may nakaukit na pangalang Philippine Airline.  Kasalukuyan kaming naglalakad sa ikalawang palapag ng biglang huminto at nagsalita si Amina

"Natagpuan na natin sya" sabi niya habang nakatingin sa Isang magandang Babae na kung ilalarawan  ay mayroong mahabang buhok na kulot sa ibaba, Maputi ang kutis nya na parang hindi naaarawan, Matangos din ang ilong nya,  Katamtaman lang ang kanyang katawan pero makikita mo ang hubog nito pero ang pinaka nakakaakit sa kanya ay mga mata niyang nagniningning. Naagaw ni Amina ang atensyon ko nang masalita siya muli

"Iyong lalaki na iyon ang kasintahan niya" sabi nya habang nakatingin sa isang lalaki

"Huh akala ko ba napatay ko na siya" naguguluhang sabi ko

"Nakalimutan mo na bang 3 oras (hours) na mas nauuna  ang oras natin kesa sa kanila. Ibig sabihin  sa ngayon labinglimang minuto nalang ang natitira sa kanya" paliwanag niya

"Bakit di natin pigilan ang mangyayari para di na magkagulo" suhestiyon ko

" Hindi maaari mas lalong gugulo ang lahat Astraeus" sabi ni Amina

"Tama si Amina, Astraeus" sabi ni Athena na biglang sumulpot at sumingit sa usapan namin

"Teka lang Athena paano ka nakarating dito" tanong ko sakanya

" Hindi lang siya ang nandito kasama din kami Astraeus" Tuwang tuwang sabi ni Apollo na kinakaway ang isang  kamay at at ang isa naman  ay naka akbay kay Gideon

"Pinilit lang nila ako" Sabi ni Gideon at kumain nanaman ng gummy niya, Ibinalik ko ang tingin ko kay Athena at tinignan siya ng may pagtataka

" Malamang lumipad  kami, Bumalik natayo sa sinasabi ko. Hindi mo maaaring pigilan ang mangyayari ngayun dahil Mas lalong dadami ang madadamay  sa pagliligtas mo sa kanya sa kamatayan at mas lalong magiging kumplikado ang misyon mo" sabi nya

"Ang ganda pala ng magiging misyon mo Astreaus, Huwag kang mag alala tutulungan kita" sabi ni Apollo na may ngiting asoo

"Balak mo bang gayahin si Zeus na di nakunteto sa mga goddess  at umibig pa ng mortal" natatawang tanong ko

" Alam mo Astareus ganyan talaga ang gwapo at makisig pinagaagawan" at kinindatan ako

"San banda yung gwapo hindi ko makita" sabi ni Athena na umaktong hinahanap ang kagwapuhan ni Apollo

"Diba mo ba makita Athena" sabi ko

"hinde ehh asan nga ba" nagtatakhang tanong niya

" Andun sa imahinasyon niya"

"Amina ohh pinagtutulungan nila  ako" sabi niya sabay gorilla eyes este puppy eyes

" Hahhahaa nabasa ko yung sinabi mo Astraeus "sabi ni Athena

" Tama na yan, Halina kayo paalis na sila kelangan natin silang sundan" Singit ni Amina at nauna na siyang  lumipad pababa para sundan ang magkasintahan.  Walang nakakakita samin kaya kahit lumipad kami ay okay lang. Sinundan namin sila at nakarating sa tapat ng isa nanamang  karwahe

" BABE, Pwede ba ako nalang ang magmaneho ng kotse cutieeplease" wika ng babaeng misyon ko, bakit ganon di ko maialis ang tingin ko sa mga mata nyang nagnining.

"Pero Bellatrix kagaggaling mo lang sa biyahe alam kong pagod ka" ang galing Bellatrix ang pangalan ng misyon ko. Ibigsabin bitiun nya yung makinang na lagi kong napapansin. Bawat nilalang kase sa mundo ay may kanikaniyang bituin at ito ay nakapangalan sakanila.

"Sige na Cutieeplease" at pumayag na ang kasintahan nya na siya na ang magmaneho ng sasakyan nila  habang sinusundan namin ang sasakyan nila napansin ko sa di kalayuan ang  isang mabilis na truck ata ang tawag base sa nakaukit sa harap nito na sasalubong sa kanila. At sakabilang parte naman ay may isang medyo may edad na lalaki na nasiraan ata ng kotse. Kung hindi sila hihinto isa sa dalawang karwahe sila bubunggo. Tulad nang naisip ko kanina bumangga sila ngunit sa kotse ng matandang nasiraan.

"Nakita mo ba Astraeus ang naging bunga ng pagputol mo sa thread" seryosong wika ni Amina

Hindi ko maintindihan pero bigla akong kinabahan sa nangyari at sinundan  ng tingin ang truck na nakabangga

"Amina wala nagmamaneho ng Truck na muntik nakabangga sa kanila o namamalik mata lang ako? " tanong ko sakanya  ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kanya, mukhang namamalikta lang ako

Di mawala ang tingin ko sa dalawang karwaheng nagbungguan. dahil nakokonseya ako sa nangyari dahil may iba pang mortal na nadamay.. Makalipas  ang ilang minuto may dumating na karwaheng tumutunog at lumabas ang mga taong  na sa tingin ko ay mangagamot inilagay nila sa kamang may gulong ang mga mortal  at tila kinabahan ako  para sa kalagayan  matanda na nadamay dahil sa nangyari.. Naagaw ni Amina ang atensyon ko ng magsalita sya

"Astraeus kelangan muna nating bumalik hinahap kana ng iyong ina at ama" sabi ni Amina

"Tama si Amina, Astraeus kinakausap ako ng iyong ina sa aking isip at tinatanong kung nakita ba kita" wika ni Athena

"Sandali, Asaan si Gideon?"

"Hindi ko alam baka ginagawa niya yung trabaho niya dito sa mundo ng mga mortal"

"Maaarimg ganun na nga, Halika na Astraeus kailangan na nating umalis" sabi ni Amina

Nauna na silang lumipad pero sa dimalamang dahilan sinundan ko ang karwahe kung saan nakasakay si Bellatrix ang aking misyon. Dinala sila sa isang malaking istrakturang kulay puti at pinasok sa isang silid na may nakalagay na OPERATING ROOM. Makalipas ang Kalahating minuto inilabas  siya silid na iyon at nilipat sa malawak na silid. Kasalukuyan akong naglalakad  para puntahan ang silid ng matandang lalaki na nadamay

"Mukhang ito na yun room 361"

Sumilip ako sa binta ng pinto at nakita ang matanda na may maraming aparatus sa katawan. Ilang minuto din ang lumipas ng maisipan ko na bumalik sa kwarto ni Bellatrix

Habang naglalakad ako may mabangga akong babae na nakasakay sa upaang may gulong. Laking gulat ko na ito ay si Bellatrix at dahil sa muntik na kong matumba nahawakan ko ang dibdib nya

"NAKU naman Astraeus bat mo naman  hinawakan yung dibdib nyaaaa.. ayyy okay lang pala yun di nya pala ko nakikita nakangiting sabi ko habang kinakausap ang sarili

" Manyakis na nga baliw pa " galit na galit  na sigaw ni bellatrix sakin. Tutulungan ko na sana siyang iayos yung nakatusok sa kamay niya na base sa pagkakarinig ko  ay dextrose ng bigla niya akong pigilan

"Huwag mo kong hahawakan" wika niya at matalim akong tinitigan.

"Hindi ko naman sinasadya iyon ehh. Patawad"

" Hindi sinasadya? I'm not stupid para maniwala sayo, Pervert" ang sungit humingi na nga ng tawad ehh nakuhh, Kalma lang Astreaus tandaan mo malaki ang kasalanan mo sakanya.

Tinanggal niya yung dextrose na nakakabit sa kamay niya at pinaandar niya gamit ang isang kamay ang sinasakyan niyang upuang may gulong  papunta sa isang may edad na babae hinawakan niya ang kamay nito pero bigla nalang siyang sinampal hindi lang isa kundi dalawa.

" YOU KILLED MY SON" galit na galit na sigaw ng babae

"Hindi pa po siya patay tita, pupuntahan ko po siya" sabi niya at tila bubuhos na ang luha  niya ngunit pinilit niyang ngumiti

"Dont call me tita, wag mo din akong ngitian at eto ang tatandaan mo  wala kang karapatan na makita ang anak ko. Matapos mo siyang patayin may gana ka pang magpakita ibang klase ka rin nohh.... Mabuti pa Umalis kana bago pa ko may magawa sayo"

"Tita aksidente po ang nagyari di ko po magagawa sa kanya yun, and i want to see him Please tita" umiiyak na sabi niya at pilit hinawakan ang kamay ng babae

" How many times do i have to tell you dont call me tita" at biglang hinila ang kamay mula kay bellatrix, dahil sa paghila niya sa kamay niya natumba si bellatrix, Hindi parin siya nagpatinag at patuloy na nagmakaawa sa babae  para payagan lang syang makita ang kasintahan nya.  Bigla nalang tumingin sa direksyon ko ang babae at dinuro ako "YOU"

"Hala siguradong lagot ako nito"

One

Two

Threee

Takbooooooooooooo. Tumakbo ako at nagtago sa tabi ng isang basurahan

"Astraeus  Anong ginagawa mo dyan kelangan na nating umalis" sabi ni Amina

"Hala magtago kayo baka makita niya kayo" turo ko Dun sa babae

" Ano bang kalokokohan yan Astra7eus hindi nila tayo nakikita" sabi ni Apollo

Ehh bakit dinuro niya ko kanina tas sinabihan pa akong 'YOU' " panggawa ko sa ginawa ng babae

"Si manong guard yung tinuro niya ayun ohhh  yung nasa likod mo kanina naku naman Astraeus, Ganyan ka na ba kabaliw" tawang tawang sabi ni Athena

"Tska Astradeus  sa dami ba naman ng pagtataguan mo sa gilid pa ng basurahan na siguradong kitang kita ka namam" naapir sila ni Athena at sabay na tumawa ng parang baliw, nakitawa narin yung dalawa Maubo sana kayo

"Kung nakita mo lang sana yung itsura mo na parang malaking gorilla na nagtatago sa maliit na basurahan Hahahahhaa tas namumutla kapa" at lahat sila tumawa ulit 

"  Tama na yan Hali na kayo" tawag ni Amina sa amin

Lumipad na kami pabalik ng palasyo at patuloy akong inaasar ni Athena at Apollo dahil daw sa mukha akong gorilla na mumutla . Kainis talaga kahit kailan yang kabuti at patatas na may gintong ugat na yan. Naagaw lang ang atensyon nila ng biglang magsalita si Amina

"Astraeus, Athena, Apollo at Gideon Siguraduhin ninyong tayo lang nila Eros ang makakaalam ng Misyon na ito"

"Bakit naman Amina" tanong ni Apollo, talaga namang inunahan pakong magtanong

" Lahat tayo mapaparusahan kung malalaman nila ito, lalo na isang napalaking paglabag sa rules ang nagawa mo at dahil kinusinti ka namin siguradong napakalaking parusa ang matatanggap natin " Sabat ni Gideon

" Wow, Nagsasalita ka na ang galingg" pangaasar ko kay Gideon, Si Gideon ang tipo ng tao minsan lang magsalita pero may punto

" Pero alam din ng Three sister  ang ginawa ko " sabi ko kay Amina

" Hindi nila alam Astraeus, Gumawa Ko ng illusyon  sa utak ni Atrophos na naputol na nya ang thread na iyon" paliwanag nya "Kaya Astraeus tapusin mo ang misyon mo sa loob ng anim na buwan dahil  sa oras na iyon mawawala na sa isip niya ang illusyon na ginawa ko at kung hindi mo matatapos ang misyon mapaparusahan tayong lahat.. Maliwanag ba"

" maliwanag" sabay sabay na sabi namin habang nakasalute. Syempre maliban kay Gideon. Matapos ang mahabang paglipad nakarating narin kami

" Astraeus anak saan ka nanggaling?" salubong ni ina sa akin pagpasok ko sa tirahan namin. Bigla kong Naalala ang sinabi ni Amina habang pauwi kami

"Sa balkonahe lang po ina" pagsisinungaling ko. Sa aking silid may isang sekretong lagusan papunta sa balkonahe kung saan makikita ang mga bituin ng bawat nilalang

"Mabuti yan anak,,, sige Magpalit kana nang iyong damit at tayo'y maghahapuna na" gaya ng nakasanayan sabay sabay na naghahapunan ang lahat ng mga god at goddess. Habang nagaayos ako ng sarili bigla nanaman  bigla ko naalala ang nangyari kanina. Nung oras na nakita ako ni bellatrix imposible kaya iyon mangyari o baka nagiimahinasyon nanaman ako, Mukhang nababaliw na talaga ako gaya ng sabi ni Athena Masama na ito. Mamaya sasabihin ko kay ina na nababaliw na ang anak niya para mapagammot ako agad at hindi na lumala pa. Natigil ang aking pagiisip ng biglang sumulpot si kabuti

"Sabi ng hindi ako kabuti ehh" inis na sabi ni Athena

"Ehh bakit kaba nandito siguro gusto mong makita ang katawan ko nohh,, naku Kabuti wag muna mang pagpantasyahan ang katawan at kagwapuhan ko" pangaasar na sabi ko

" Ewan ko sayo. Ikaw gwapo saan banda ehh mukha ka ngang butot balat" tumawa ng malakas akala mo mangkukulam

"Mas mukha kang mangkukulam. By the way sabi pala ni Amina kelangan mo daw munang maparusahan bago gawing ang misyon mo sa mundo ng mga mortal" sabi nya

"Saan mo naman nakuha yung salitang bay da wey, tsaka anong parusa? Tas kailan magsisimula ang misyon ko at may makakasama ba ako sa misyon?" tanong ko

"Teka lang ang daming tanong. Yung by the way narinig ko lng sa isang mortal. Yung parusa paglilinisin ka nya ng buong palasyo. Ang misyon mo naman ay magsisimula sa susunod na buwan dahil maraming kailangang gawin ngayong buwan na ito . Yung makakasama mo syempre ako . Ayos ba? masayang sabi niya

" Teka lang maglilinis at isang buwan Nakuuu naman atska Anong ayos dun kung ikaw ang makakasama ko at iyang mukha mo ang makikita ko palagi" sa dinami dami ba naman ng parusa paglilinis pa tas idagdag mo pa na siya ang makakasama ko sa misyon  Aminaaa anong klaseng pagpapahirap to?

"Parang ayaw mo kong kasama ahh pero Ayos yun araw araw kang makakakita ng dyosa" sabay kindat sakin napa facepalm nalang ako sa ginawa nya " Hahhaha biro lang Pero ang Sabi ni Athena depende daw sa amin kung makakasama kami sayo" nahinto ang usapan namin ng dumating ang isang anghel

"Astraeus Athena hinahap na kayo sa kainan" sabi niya

Pumunta na kami sa kainan ni Athena ng bigla kong  maalala ang parusa sa akin Hay sa dinamidami ng parusa bat paglilinis pa ng palasyo ehh napakalaki nito siguradaong kalbaryo nanaman aabutin ko nito  kainisss