Prologue,
Simple lang ang buhay ko, isang scholar na pinalad makapag-aral sa isang pribadong paaralan dito sa Laguna. Wala akong pamilya kung meron man ay hindi rin nila akong itinuturing na kabilang sa kanila.
Mula nung nagkamuwang ako ay sina Tiya Aldin na ang nag-alaga sa akin, sabi niya ay matalik siyang kaibigan ng aking ina.
Pilit ko noong tinatanong ang tungkol sa mga magulang ko ngunit hindi siya nagsabi. Ang tanging paulit ulit niyang ipinaalala sa akin na huwag kong kakalimutan ang pinaka importante sa lahat ay ang kabutihan ng puso.
May asawa si Tiya Aldin at yun ay si Tiyo Nando. Mabait din siya sa akin at itinuring na ring parang tunay na anak.
Masaya na ako doon hindi na ako nagtatanong kung ano ang pinanggalingan ko pero isang araw nadatnan ko na lamang duguan at walang malay si Tiya Aldin. Mula noon ay nagbago na ang lahat. Nagkaroon ng pangalawang asawa si Tiyo at iyon ay si Tiya Gina noong una ay ayos pa naman ang pakikutungo ng mag asawa sa akin hanggang dumating ang araw na inaalila na nila ako, yun ay nung nagkaroon sila ng mga anak. May dalawa silang anak na puro babae.
Ako ang pinagagawa nila ng lahat ng gawaing bahay, may mga oras na hindi nila ako binibigyan ng pagkain at kung ituring ay parang katulong. Hindi ako nagdamdam dahil nanatili sa isip ko ang bilin ni Tiya.
"Ano at ginabi ka na namang sampid ka!" bungad ni Tiya Gina sa akin
"Pasensiya na Tiya may ginawa lang kami sa paaralan kaya ginabi ako" nakatungong sagot ko
"Kung sana ay nagtratrabaho ka na lang may iuuwi kang pagkain! Hindi yung dagdag palamunin ka rito sa bahay" eh wala ngang ginagawa ang mga anak niya kung hindi ang humilata maghapon, high school lang ang natapos ng dalawa at dahil parehas silang hindi pursigido isama mo na ang hindi nabiyayaan ng talino ay hindi sila nakapasa sa mga scholarships.
"Nariyan naman po sina Diana at Ysabel para maghanap ng trabaho-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nung sampalin niya ako,
"Huwag kang mapagmalaki Aliessa!" sigaw niya
"Anong naririnig kong sinabi mo, kami magtratrabaho?" biglang sulpot ng mga anak niya,
"Hoy babae kung magsalita ka parang sinasabi mong wala kaming silbi ah!" napadaing ako nung biglang hinablot ni Diana ang buhok ko,
"Tama na Diana ahhh!" wala silang ginawa kung hindi ang tawanan ako matapos nila akong itulak sa maputik na lupa,
"Dyan ka nababagay sa putik! Pumasok na kayo sa loob, hayaan niyo ang sampid na yan dyan sa labas,"
Napapahid ako sa mga luhang patuloy sa pagpatak. Kung nandito lang sana si Tiya Aldin ay hindi ako maaargabyado ng ganito. Nagpagpag na ako para kahit paano ay malinis ang mga damit kong puno na ng putik. Saka ko na lang nakita na nasugatan ako sa pagtulak nila sa akin, hindi na ako nagtaka kung hindi pula ang lumabas sa sugat ko kung hindi bughaw na likido dahil mula nung nagkamulat ako ganito na ang kulay ng dugo ko. Ilang segundo lamang ang lumipas ay kaagad na rin itong naghilom. Tinatanong ko noong bata pa ako kay Tiya kung bakit ganito at wala siyang sinasabi kung hindi baka nagkataon lang pero ngayon may isip na ako ay nagtataka ako kung bakit. Bakit ganito?
"Kung sana ay alam niya kung sino talaga siya ay hindi na siya maghihirap ng ganito. Hindi dapat ganito ang pagtrato nila sayo Aliessa, hindi ganito ang tamang pagtrato lalo na sa isang dugong bughaw na kagaya mo." tinig ng isang hindi kitang nilalang.
Itutuloy.....