Chapter 3 - Chapter I

Unang kabanata,

"Hoy pumasok ka na," naalimpungatan ako sa paggising sakin ni Tiyo

"Salamat Tiyo-" pinutol niya kaagad ako

"Paharang harang ka diyan eh tabi!" sabay tulak niya sa akin palayo. Akala ko bumabait na siya hindi pa pala, hindi naman siya katulad ng asawa at ng mga anak niya pero hindi rin gaanong maganda ang pakikitungo niya sakin.

Maliit lamang ang bahay namin at maging ang mga kwarto ay walang pinto kaya nadaanan ko pa ang mag iinang tulog na tulog pa. Tanging si Tiyo lang ang nagtratrabaho pero pa ekstra ekstra lang sa construction. Working student din ako sa isang fast food restaurant malapit sa school namin para mas madali. Hindi nila alam na kaya ako ginagabi ay dahil sumaside line ako. Baka kapag nalaman nila kunin pa nila ang sweldo ko mahirap na, nag iipon ako para sa pag aaral ko. Kahit naman scholar ako ay mayroon paring mga projects na kailangan ako mismo ang gumasto.

"Alis na po ako Tiya," paalam ko sa kanyang kakagising palang

"Mabuti pa nga at naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo" inis na taboy niya sakin.

Mga kinse minuto ang nilakad ko bago makarating sa University na pinapasukan ko.

"Magandang umaga po manong Carding!" bati ko sa guard

"Ikaw pala Aliessa magandang umaga rin. Bilisan mo at malapit nang magsimula ang mga klase," um-oo naman kaagad ako at binilisan na ang paglalakad dahil panay ang busina sakin ng mga magagarang sasakyan ng mga estudyante rito.

Ako lang yata ang nag iisang mahirap na naligaw sa prestihiyosong paaralan na ito, minsan nagsisisi na ako at dito ko pa pinili kumuha ng scholarship eh marami namang paaralang pampubliko. Doon mas marami ang walang kaya katulad ko hindi gaya rito.

"Ahy!" tili ko nung may bumangga sa akin kaya nahulog ang mga gamit ko,

"Here comes the trash of the university" at nagtawanan ang mga babaeng bumangga sa akin,

Nakatungo ako habang pinupulot ang mga gamit ko pero sinisipa pa nila ito palayo,

"Ano bang problema niyo sa akin Georgia?" hindi ko mapigilang di sumagot, hindi ko sila kaklase sa katunayan kasali ang mga ito sa cheerleading squad namin pero ang hindi ko lang alam ay kung bakit ganoon na lang nila ako kung i-bully.

"Problema namin?" asar ng isa,

"Girls this trash just asked what were our problems hahahaha" napatingin ako sa relo ko at ilang minuto na lamang ay ma le-late na ako, hindi pwede.

"Ikaw lang naman ang problema namin Aliessa?" singhal niya

"Pwede ba Georgia wala akong oras makipag away sa inyo at isa pa hindi ako naghahanap ng gulo?" aalis na sana ako nung muli niya akong itulak,

"Why did the administrators even accepted you! Hindi ka ba nainformed that this prestigious university is for those who have money only? At alam mo naman na hindi ka kasali doon," alam ko pero hindi lang yaman ang maaring ipantapat sa mundo,

"Alam kong prestihyoso ang paaralang ito," sagot ko

"Alam mo naman pala bakit ka pa nandito?" inis niyang sabi

"Kagaya nga ng sinabi mo nandito na ako, ibig sabihin hindi lang ito para sa mapera. Alam mo Georgia hindi lahat ng bagay sa pera umiikot, may utak ako kaya nakapasok ako rito. Pasalamat kayo dahil mayaman ang mga pamilya niyo dahil kung nagkataong hindi, baka walang kayong pag-asang makatapak man lang dito." hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon,

"Ang kapal ng mukha mo," akmang sasabunutan na nila ako kaya napapikit na lang ako, ngunit ilang segundo lang ang lumilipas ay narinig ko nalang na nagtitili sila paalis.

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko ay nakalayo na sila sa akin. Lumingon ako sa likuran pero ako lang naman ang tao rito. Ang weird, bakit kaya sila tumakbo. Nangibit balikat na lang ako at muling pinulot ang mga nahulog na gamit ko saka pinagpag ang gusot gusot at lumang uniporme ko.

Limang minuto na lang bago magsimula ang unang klase ko kaya wala na akong sinayang na oras at tumakbo na papunta sa room namin.

"You are late again Miss dela Vega," humingi ako ng paumanhin kay Miss Geran tama siya palagi akong late sa unang klase dahil ayaw kong sumakay traysikel o jeep man lang sayang kasi ang pamasahe kaya pinipili ko na lang maglakad.

"Go to your sit you're distracting our class!"

"I'm sorry again Miss Geran," bago ako nagmadaling pumunta sa upuan ko,

"Ano ba!" singhal ng katabi ko dahil nasagi ko pa siya bago makapunta sa upuan ko,

"Sorry," bulong ko pero tanging irap ang sukli niya.

"What do we call a very small particle of matter that has a negativecharge of electricity and that travels around the  nucleus of an atom?" walang sinuman ang nagsalita at tanging tunog lang na nanggagaling sa aircon.

"Anyone?"

"Electron," bulong ko. Ilang saglit ay nagtaas ng kamay ang katabi kong nasagi ko kanina,

"Yes?" si Miss Geran.

"Miss we call it electron," napatingin pa siya sa akin habang nakangisi, kung alam ko lang narinig mo lang naman ang sinabi ko.

"That's right!" taas noo namang umupo si Nikkie

"But coming from you? Interesting," nanlaki ang mga mata niya na ikinangisi ko naman. Sa tingin ko ay narinig ni Miss Geran na sakin nanggaling ang sagot,

"W-what do you mean Miss?" utal niyang sagot

"Nothing Nikkie, by the way can you explain how electron works? And if you know what electron is, it means you also know what is proton." halos maluha na siya dahil pati ang mga kaklase namin ay tinatawanan na siya.

"Nikkie I'm waiting," muli na namang sabi ni Miss Geran

"Sorry Miss hindi ko po alam," pag amin niya, maaawa na sana ako ngunit nung nilingon niya ako ay masamang tingin ang ipinukol niya.

"Stand dela Vega and explain," kung kanina ay si Nikkie ang pinagtatawanan nila ngayon ay ako naman ang tinitingnan nila ng masama marahil iniisip na naman nilang pabida ako. Initsa ko na lang sa isipan ko yun at tumayo na.

"If there are negatively charged there are also positive and those are called protons. Proton is an elementary particle that is identical with the nucleus of the hydrogen atom, that along with the neutron is a constituent of all other atomic nuclei, that carries a positivecharge numerically equal to the charge of an electron." pagkasabi ko nun ay umupo na ako.

Wala na ring sinabi si Miss at nagpatuloy na sa pagtuturo.

"Prepare a summative test tomorrow and dela Vega this is a warning. Class dismissed," akala ko ay nakalimutan na niya tungkol sa pagkalate ko, nung tumingin ako sa paligid masamang tingin ang pinukol sakin ng mga kaklase ko pero nagbuklat na lang ako ng libro at nagsimulang magbasa.

Lumipas ang oras at lunch break na pala namin mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko at inunahan na ang paglabas. Hindi para pumunta sa cafeteria dahil wala rin naman akong pambili kung hindi para magpunta sa library.

Hindi pa ako nakakalayo ay paparating ang grupo nina Georgia, nakakaamoy ako ng gulo kaya pinili kong lumiko na lang. Ngunit bago pa ako tuluyang makaliko ay nahablot na niya ang buhok ko.

"Masakit bitawan mo ako!" palag ko

"You're a monster bitch!" nalula ako sa sinabi niya, bakit niya ako tinawag ng ganun?

"Nasasaktan na ako Georgia bitawan mo ko!"

"Get away from that monster girl baka saktan ka niya" may bahid ng takot ang isa sa mga alipores niyang sumigaw. Paano ko siya sasaktan eh siya nga ang nanakit sakin!

Binitawan na niya ako kaya napasalampak ako kasama ng mga librong hawak ko,

"Sino ka ba talaga ha! Ano ka halimaw?" kanina pa ko naguguluhan sa mga sinasabi nila, bakit ba nila ako tinatawag na halimaw?

"Anong pinagsasabi niyo?" singhal ko pabalik,

"Nagmamaang maangan pa," sabat ng isa pa

"Maybe halimaw din ang parents niya kaya ganyan siya," sa lahat ng sinabi nila doon lang nagpantig ang pandinig ko.

"Huwag niyong idamay ang magulang ko sa pagiging isip bata niyo!" hindi ko napigilang sabihin sa kanila to,

"Bakit kasi totoo hahahaha" hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, biglang bumilis ang pintig ng puso ko.

Nakaramdam ako ng bahagyang pag init ng katawan ko na tila ba ay may nagkukumawalang kung ano sa loob ko. Naramdaman ko na ito noon nung nadatnan kong walang buhay si Tiya Aldin ngunit may pumigil sa akin. Sa pagkakataong ito ay unti unti ko nang hinayaang kumawala ang pwersang nararamdaman ko.

"Aliessa huwag!" naramdaman ko ang biglang paghila pabalik sa loob ko ang naramdaman kong kakaibang pwersa dahil sa sigaw na iyon.

"Miss Geran?" nagtama ang mata namin at basang basa ko ang kaba mula rito kaya napaiwas kaagad siya ng tingin

"What are you girls doing?" seryosong baling niya kina Georgia na ngayon ay mababakas ang kaba sa mga mukha

"Ah M-Miss Geran," hindi sila halos makapagsalita maging ako dahil sa seryosong seryosong mukha ni Miss.

"Go to the guidance office now!" mabilis pa sa alas kwatrong sinunod ang sinabi niya, kahit sino ay matataranta kapag ganito na kadiin ang pagsasalita niya. Hindi ko lang mawari kung bakit?

"And you dela Vega ikaw na naman?" napayuko ako nung sinabi niya sa akin iyon,

"I'm so disappointed with you. You are causing much distraction in this university lalo na at scholar ka pa naman," kahit na ganoon ay nanatiling mahinahon ang kanyang boses,

"Sila po ang nauna Miss-" hindi na naman natapos ang sasabihin ko dahil sumanat siya kaagad

"Kahit na, you have your own mind dela Vega! Matalino ka bakit mo sila pinapatulan?" bakit ganito na lang kagalit si Miss sakin,

"Sorry po," yun na lang nasabi ko

"I'm afraid that your scholarship will be lifted," asik niya na nakapanlumo sakin,

"Po!" tumaas ang boses ko kaya huminga muna ko ng malalim dahil professor ang kausap ko,

"Matatanggal po ang scholarship ko? Please Miss Geran pinapangako kong hindi na ito mauulit," halos maluha na ako nung umiling siya

"One more time Aliessa. Isa pang pagkakataon talagang hindi ka na tatapak sa unibersidad na ito," nakahinga ako ng maluwang sa sinabi niya dahil doon ay muntik ko pa siyang mayakap pero hinarang niya ang kamay niya,

"Pasensiya Miss nadala lang ako," ngiting sabi ko

"Tandaan mo ang sinabi ko, you can go back to your class" wala na akong sinayang na oras at dagling umalis baka bawiin niya pa eh mahirap na.

***