Dear Diary,
Ako to si Chaka. Today, naisipan kong mag start gumawa ng diary pero tinatamad ako mag sulat gamit yung ballpen tsaka papel. Tapos naisip ko, "what if sa Webnovel nalang kaya ako mag sulat ng ganap ko sa buhay?". Then ito na. I know diary should be keep personally, pero konti lang naman readers ko tsaka mga minor na ganap lang naman yung isusulat ko. Wala din namang kwenta mga ganap ko sa isang araw.
Sana talaga sipagin ako mag update ng mga istorya ko. Bakit ba kasi nawawalan ako ng gana? Hayst. I know I really love writing, pero iba pala talaga kapag biglang nawala inspirasyon mo while you're writing no? Yung siya yung bida sa bawat nobelang isinusulat mo, pero bigla syang nawala kaya hindi mo na alam kung paano pa ipagpapatuloy ang naumpisahan mo.
Ang dami kong tanong na hanggang ngayon wala pang sagot. Naku! Gaya nalang kung makakapasa ba ako ng Final exam ko bukas? Jusko naman parang isang libro yung binigay na pagsusulit sa amin. Hindi pa ba sapat mga ipinapagawa niya sa amin weekly? Haha. Oo, para to sa professor namin na andaming pinapagawa.
Masakit ulo ko ngayon kaya minamadali ko nalang to i-type to kasi inaantok ako. Tapos nag chat pa si Kyle. Bahala ka dyan! Haha Maldita ako ngayon.
Wala naman akong masyadong ginawa today. Like gumising lang ako na cute. Nag luto, walis walis, at ligpit kalat. Tapos kaninang hapon nag luto ako lumpiang kalabasa, grabe nakakapagod. Ako lahat gumawa kaya anong oras ko na nahawakan phone ko. Hindi ko tuloy napag handaan pagpunta ni Kyle dito sa bahay kanina. Ang haggard ko nung dumating siya. Hayst! Kinuha niya flashdrive niyang pinahiram sa akin noong Disyembre pa. Haha. Nagtaka ako kung sinong boses palaka yung tumatawag sa akin, huli ko na napagtanto na siya pala. Antagal ko na rin kasi siyang hindi nakita. Huling beses ko siyang nakita nung ipinahiram niya sa akin flashdrive niya. Haha
Wala na akong maikwento.
Malapit na pala birthday ko. Pero hindi naman ako maghahanda. Walang pera kasi kulang pa sa babayaran sa eskwelahan. Maging okay lang ako tsaka mga mahal ko sa buhay eh okay na yun. Yey! Bente uno na ako. Hindi ako natutuwa! Charot lang. Kelan kaya ako mag kakajowa?
Dami kong tanong. Pang ilang words na kaya to? Dapat maka one thousand ako para cute pa rin ako. Ipagpapatuloy ko lang to kahit walang may pake. Jowain ko kaya unang makabasa neto?
May shooting pa pala ako this week. Hindi ko pa na contact mga alalay ko. Hindi pa ako naka pag sulat ng script. Paktay! Sino na naman kaya iguguest ko? Mass Communication kasi kurso kaya parang busy sa shooting chuchu. Bakit ako director tsaka writer eh gusto ko maging artista. Charot! Haha. Cute naman ako ah. Biro!
Pwede na ba matulog? Masakit na eyes ko ih. Pero parang kulang pa to. Kailangan ko pang mag daldal para humaba to.
Hindi ako masyado nag ML ngayon kasi busy nga sa gawaing bahay kasi matured na ako. Haha Nah claim lang ako ng rewards kanina.
Tapos pamangkin ko na hiram nang hiram ng cellphone sa akin tapos manunuod ng 5 Minutes Craft na ako din naman gagawa. Hay nako!
Ay sige na. Parang okay na to. Good night! Thank you sa blessings Lord. Sana bumukas laptop ko bukas para gagawa ako sideline tsaka schoolwork. I love you. Muaaaaah!
-
-
-Chaka