Dear Diary,
Naku naman muntikan ko na makalimutan na kailangan ko pa pala mag update bago matulog. Nakapikit na yung mga cute kong mata para matulog tapos bigla kong naalala. Hay naku!
So for today, early ako kanina nagising kasi matured na nga ako diba? Nag walis, nag saing, nag hugas pinggan, tapos naligo para fresh. Baka may bigla na namang tumawag sa akin. Dapat ready ako rumampa.
After ko gumawa ng gawaing bahay, nag phone muna ako. Sinubukan ko mag download ng Detective Conan na series pero isa lang nakaya ko, kaya yun nalang pinanood ko kaninang hapon. Bukas naman yung iba pag naka download na. Complete series na to, data pang download nalang kulang.
Diary, guess what? Hulaan mo kung ilang beses ko tinype yung word na "guess" kasi nakalimutan ko yung spelling. Hayst! Pero hindi yan. Mas worst pa dyan yung kwento ko. HINDI KO GINAWA YUNG EXAM NA DAPAT IPAPASA KO NGAYON!
Okay next!
Nag pa print si Madhel dito kanina. Ako nag lay out kasi cute ako. Pang design yun sa cake na order sa kanya. Kaya napaisip rin ako kung mag magpapagawa kaya ng cake para sa akin sa birthday ko? Syempre wala.
Ito pa, after two months kanina ko lang natapos yung movie na Raya and the Last Dragon. Dami kong realizations. Gusto ko maging si Raya pero mukha akong dragon. Hehe. Its about trust! Hirap talaga mag tiwala nowadays. Kaya naiintindihan ko si Raya kung bakit hirap sya mag tiwala kasi naman bata palang siya ay may nag traidor na sa kanya at sa tatay niya. Hayst! Bakit pa kasi may mga traidor?
Tapos ngayon gabi ka chat ko isa kong classmate. Kaka break lang daw nila ng jowa niya. Hindi ko alam iaadvice ko kasi hindi pa naman ako nag ka jowa. Kawawa naman siya. Hayst! Bakit ba kasi may mga lalaking hindi makuntento sa isa?
Ka chat ko rin si Kyle tapos topic namin is about tinapay. Tumutulong daw siya sa bakery sa kanila. Sabi ko gusto ko ng pandesal niya, nag send ba naman ng picture ng tinapay. Haha. Nagpapa inggit! Gusto ko tuloy kumain ng loaf bread. Ugh! Nagpaparinig nga ako sa kanya. Hayst! Bakit ba kasi may mga ka chat na antagal mag reply?
Ay ayaw mag paawat. Saktong nag reply, kumain daw pala siya. Sana all nag uupdate!
Wala naman na akong gusto ikwento. Wala naman nangyari today. Iniisip ko pa rin yung shooting ko. Pero inaantok na ako kaya matutulog na ako maya maya kasi antagal mag reply ng mga ka chat ko. Kailangan ko rin magising nang maaga para mag download ng Detective Conan at magbabantay ako sa tindahan bukas. Hayst!
Good night Diary! Matutulog na ang cute. Sana bukas may jowa na ako tapos mayaman na din. Sana healthy kaming lahat bukas. Thank you Lord sa blessing.
-
-
-
- Chaka