"Hala! 2 years na pala tayo babe. Akalain mo yun tumagal tayo ng 2 years? I hope that we will last until our hair turns gray" nakahiga kami sa duyan habang nag uusap. I am leaning my head into His chest while he's playing my hair.
"Oo nga e. Hindi ko ma-imagine sarili ko na mag mamahal ng iba kung hindi rin lang naman ikaw" natigilan ako sa mga sinabi nya hindi dahil na-touch ako kung hindi dahil may iba akong naramdaman. Kirot.
"What if we won't last? What if you found another girl na higit pa sa akin? Would you still stay by my side or would you let me slip away?"
My eyes are not crying but my heart does. Why do i have to feel this emotion? Why am I hurting myself sa bagay na hindi naman nangyayari? Am I just overthinking things or what?
Our Relationship lasted for 2 year and 5 months pero bakit isang taon na ang nakakalipas hindi pa rin ako makaalis sa nakaraang sakit na dinanas ko sayo? Is it because I don't wanna move forward or is it because I still love you? Do I really deserve this kind of pain?
Reminiscing the past? Tsh.
"Zyra Shamira! What are you doing? Bakit nakahiga ka pa dyan? Prepárate porque volveremos a Filipinas en unos momentos. Aren't you excited?"
Yes! My name is Zyra Shamira Vermudes, 22 years of age and living with my cousins. Ate Aica the one who interrupted my kadramahan and Kuya Mark Vermudes is her twin. They're already 28 years old. Kinupkop nila ako kasi kaming tatlo nalang magkakasama and we didn't know if nag e-exist pa ba sa mundong 'to yung ibang kamaganak namin.
"Yes ate. My things are already packed na and kayo nalang ni kuya hinihintay ko. And no, hindi nakaka excite umuwi sa pinas sabiendo que lo estaré viendo" pabulong ko nalang sinabi yung huling salita.
"Where's kuya Mark?"
"Inside the car waiting for us" seriously? Bakasyon lang ba talaga 'to? Mukhang for good na pag uwi namin ng pinas ah. Limang maleta ba naman daladala ni ate.
"Are you sure na bakasyon lang gagawin natin doon ate? It's like your bringing the whole house" nakangiwi kong tanong sa kanya. Andami ba namang dala tapos hirap na hirap pa sya.
"Stop asking Shami. Tulungan mo nalang ako dito nabibigatan na ako e"
Malamang naman kasi ate dala mo na yata yung kama mo sa loob nyang maleta mo.
"Matagal pa ba kayong dalawa dyan? The clock is ticking. Baka maiwanan tayo, ano ba?!" Mainitin talaga ulo nito ni kuya kaya ayaw ko i-share sa kanila dinanas ko sa pina-nevermind.
"Help us here! Naturingang lalaking may malaking katawan pero hindi gentleman. Bigat nitong maleta ko e"
"Bakit ba naman kasi dinala mo buong bahay natin? Sasaglit lang tayo doon. 1 month lang bakasyon natin Aica" mag babangayan nanaman sila. Nakakahiya! Makapasok na nga sa kotse. Dito pa sila nag talo. Tsk!
"Ate, kuya! We'll be late. Tigil nyo na pagtatalo nyo dyan"
Susme! Ganyan lagi sila. Thankful ako kasi kahit na ganyan sila parati ay tumayo sila bilang magulang ko and I love them so much at hindi pa naman sila nagaway ng grabe puro petty things lang pinagtatalunan nila.
"Ikaw naman kasi Mark talak ka ng talak dyan. Can't you be more manly man lang? Dinaig mo pa kami ni Shamira sa bibig mong madada e"
"Ate stop it, please? Kuya Mark wag mo na din patulan si Ate Aica dahil hindi ka mananalo sa kanya. It's either we're going or we will move the said vacation"
They are too childish to the point na para talaga silang bata kung mag talo. But when it comes to problems? Nag e-evolve sila into someone na kaya kang protektahan sa lahat ng bagay.
Although, nakakainis sila minsan but I still love them with all my heart. Sila nalang ang pamilyang meron ako tapos iiwan ko pa just because of their childish act? No way! Maybe one day oo, but matagal pa naman yon kasi hindi pa naman ako mag aasawa.
15 hours and 19 minutes is the exact time mula Barcelona Spain to Manila Philippines. Aish! tagal din pala buti nalang nakarating na kami.
"Gosh! Nakakamiss ang polluted air ng Pilipinas lalo na ang kahabaan ng traffic sa edsa hahahaha akalain nyo yun? After long years of waiting nandito na ulit tayo sa ating bansang sinilangan hahahaha I miss you Philippines!"
Ano ba itong si ate Aica nakakahiya naman! Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa lakas ng boses nya. Kailangan talaga ipagsigawan pa yung pagkamiss nya sa polluted air and yung kahabaan ng traffic sa edsa? Naka taas pa yung dalawang kamay nya habang umiikot e. Nag tawanan tuloy yung mga nakarinig sa kanya.
"Mahiya ka nga Aica! Ano ka ba naman? Talagang sinisigaw mo pa e, noh? Nakatingin na yung mga tao dahil dyan sa bibig mong walang preno. Alam mo ba yon? Minsan iniisip ko kung bakit may sayad sa utak kapatid ko e. Tara na nga!"
Sa Spain palang nag tatalo na silang dalawa hanggang dito parin ba sa Pilipinas? Ay! Bahala kayo iiwanan ko kayo dyan bahala kayo mag talo. Hindi ko na sila inintindi at naglakad na ako palabas habang nakatungo. Paano ba naman kasi, nahihiya parin ako sa inasal ni ate Aica. Akala mo laking Spain at ngayon lang nakatapak sa Pilipinas.
"Ouch" Lintik! Ang sakit ng balikat ko muntikan na akong mabuwal dahil nagkabanggan kami ng lalake. Matipuno siguro sya, ang tigas ng katawan e. Masakit sa braso langya talaga. Wala pa nga akong isang oras puro na kahihiyan nangyayari sa akin.
"Sorry Miss, hindi ko sinasadya nag mamadali kasi ako dahil may susunduin din ako sa airport. Pasensya na talaga babawi nalang ako sayo next time"
His voice sounds familiar to me kaya hindi na ako nag atubiling tignan kung sino yung lalaki na nakabangga ko.
"Aeiou? I-ikaw ba yan?"
Aeiou Clark Belmonte is my Boy Best Friend since High School days at alam nya ang kwento ng love life namin ni Kye Alessio Ramos my ex boyfriend.
"Wait! How did you know my name? Can we talk some other time? Ngayon kasi uwi ng Bestfriend ko kailangan ko sya masundo"
"Aeiou my friend this is me, Zyra Shamira your Bestfriend hahahaha"
Bago nya ako yakapin tinignan nya muna ako from head to toe. "Ikaw ba talaga yan Zy? Seriously? Y-you look better now. You look good. Y-you look way better than before and for sure baka maging kayo ulit ni Kye"
"Oh, come on Aeiou alam nating pareho na wala na kami. And we have to face reality for us to be strong. Let's just not talk about him okay?"
Hearing his name makes my heart flutter in a hurtful way nga lang. To be honest, I still love him and I really do but I have to move on and keep on moving forward.
"Uh, yeah! Haha so, kumusta ka naman? Wala na akong balita sayo after you moved into-"
"Spain. I moved into Barcelona Spain with my cousins"
Maybe before 30 days ends magkikita kami and I hope that day comes, makaya ko nang tignan sya sa mata nang hindi nasasaktan.
How I wish! Stop reminiscing the past and face what is coming on your way Shamira. Life is hard, I know. But you can't do anything about it but to fight. Masakit man pero kailangan kong indahin at kailangan kong masanay na hindi na talaga sya babalik pa sa akin.
"Spain? Silent S? Pain? Hahahaha kidding aside, gumanda ka babi and I love the new you. Feeling ko wala namang nagbago sayo ganun ka parin katulad dati. Mahiyain na masungit pero mabait."
Siraulo parin talaga. Makulit at bully parin ang langya hindi ko nga alam kung paano kami naging mag best friend. Knowing na introvert ako and extrovert naman sya. How come na pwede pala magsama ang magkaibang ugali. Siguro makikipag bond nalang ako sa kanya some other time. For now, mag papahinga muna ako jetlag pa kasi.