Chereads / You Take Me for Granted / Chapter 3 - YTMFG 2

Chapter 3 - YTMFG 2

"Nakakapagod naman bumiyahe"

sabay naming sabi ni kuya Mark habang nakaupo sa sofa. Finally! Makakapag pahinga narin kami.

"Shami sino pala yung kausap mong lalaki sa airport kanina? Mukhang close na close kayo ah. Boyfriend mo ba yon?"

Napadilat ako nung nagsalita si kuya. Nakita lang nya kaming magkausap ni Aeiou, boyfriend agad? Ang ano ng isip nito ni kuya.

"Bestfriend ko yun since high school days kuya. Baka nga may girlfriend na yun ngayon pero wala namang namamagitan sa aming dalawa kasi hanggang kaibigan lang talaga ang relasyon naming dalawa. Hanggang doon lang yun"

"Ang haba ng paliwanag ah. Hahaha"

Iba ka kasi mag isip kaya kailangan ko pa ipaliwanag sayo para maintindihan mo. Kainis! Pikon pa man din ako tapos ang lakas pa mangasar.

"Ewan ko sayo kuya. Subiré primero solo para descansar, estoy cansado del viaje"

Daladala ko yung bagahe ko papaakyat hanggang sa makita ko ulit yung kwarto ko.

"Gosh! I miss my room"

Tumalon ako habang naka wide spread kamay ko. Goodness! Tama nga si ate nakakamiss nga ang pinas. Parang ayaw ko na tumayo sobrang napagod ako sa biyahe.

----------

Anong oras na ba? Alam ko 6:45am kami nakauwi dito sa pinas at bandang 8am narin kami nakarating dito sa bahay. Oh! 5 hours din tinulog ko, not bad. Makaligo nga muna, amoy pawis na ako.

"Even though it seems like I have everything I don't wanna be a lonely fool"

This is my routine everyday. 5 minutes of singing while dancing tapos sabon ng katawan and shampoo and then, after rinsing mag sasabon ulit ako tapos mag co-conditioner then rinse tapos, tapos na ako maligo. Bale, 1 hour tinatagal ko sa loob ng banyo dahil mas matagal ang pag kanta at sayaw na ginagawa ko.

"Natapos din. So refreshing"

After 15 minutes, bumaba na ako para kumain dahil nagugutom ako. And, there I saw ate and kuya eating. Pare-pareho kaming bagong gising si kuya wala pang ligo.

"Kumain ka na dito Shami. May lakad ka ba mamaya?"

"Lakad? Wala naman kuya why? Aalis kayo ni ate?"

Ganyan kasi sila pag aalis mag tatanong muna kung may lakad ako tapos kapag sinabi kong wala tsaka nila sasabihing may lakad sila.

"Hindi naman. We'll be resting for the rest of this day"

Oh! Okay. Nanahimik na ako at naghain ng pagkain dahil di ko na kaya pang makipag usap dala ng gutom at pagod ko. Nag pray muna ako bago kumain. After ko mag pray kumain na ako.

" Hmm, Ang sarap! Nakakamiss pagkaing pinoy"

Although, nakain naman kami sa Barcelona ng Filipino dishes, iba parin kapag sa Pilipinas ka nakakakain ng lutong pinoy.

"Keep on eating Shamira. I don't wanna see the skinny Shamira before okay? I want you to be healthy and sexy. Gusto ko na magkaroon ka ng confidence sa sarili mo para hindi ka makaramdam ng insecurity"

Aw! Ate Aica's so sweet. She's been like this since the day kuya Mark and her adopted me. Not literally inampon, after kasi mamatay ng parents ko kinuha nila ako dahil wala na akong kilalang relatives ko maliban sa kanila.

"Thank You ate. Thank You for always lifting me up. Salamat kasi hindi mo ako pinagsasalitaan ng masasakit na salita na makakapag pa-trigger ng emosyon ko. Thank You talaga ng marami sayo pati narin kay kuya. I love you two so much"

I hugged them tight while I'm murmuring Thank You many times.

"We love you too Shamira. Always. Hindi kami mag sasawang sabihin sayo ng paulit-ulit kung gaano ka namin kamahal. Tayo-tayo nalang magkakapamilya dito mag iiwanan pa ba naman tayo? Kami na ang tumatayong guardian mo kaya di ka namin pababayaan kahit anong mangyari."

"Hoy! Tama na ang dramang 'to. Ano feeling nyo? Mga artista tayo?"

Natatawa na naiiyak na kasi kaming tatlo kaya um-entry si kuya ng joke para mabawasan naman kadramahan namin.

"Zyra, where you at? Pwede ba akong mag punta dyan?"

Huh? Who the heck has the audacity to text me? Sino ba 'tong siraulong to? Nag dradramahan pa kami dito e. Distorbo! Oh, may panibagong text nanaman galing sa unknown number.

"Forget to mention my name. Aeiou 'to"

Ah! Akala ko kung sino na, si Aeiou lang pala. Tawagan ko nalang sya. Ring lang ng ring ayaw naman sumagot. After 3 rings sumagot din ang langya.

"Ey! What's up? Anong meron? Bakit pupunta ka?"

"Have to tell you something. Text me your Address dyan ko nalang sasabihin sayo"

Binabaan ako? Walang proper goodbye man lang? Like, 'see you later Zyra bye'. Wala parin pagbabago sayo Clark.

I texted him my Address and go outside while waiting for him to come.

Nandito ako ngayon sa hammock. Yung bahay kasi namin dito sa pinas hindi naman kalakihan pero hindi rin kaliitan. Kumbaga sakto lang talaga sya para magkita-kita pa kami sa loob.

This is my usual spot. Swinging under the tree while laying on the hammock. There's no place like home talaga and I miss this kind of happenings in my life where I can relax and-natawag pala si Aeiou. Lintik! Panira ng moment.

"Oh? Panira ka ng moment e"

"Nag mo-moment ka ba? Hahaha di ko naman alam sorry na. By the way, I'm already outside. Care to open the gate for me babi?"

In-end call ko na pagkatapos tumayo ako para pagbuksan ng gate ang langya. Oo nga pala papakilala ko muna ang damuhong 'to kay kuya at ate.

"Ang bilis mo naman makarating?"

Sabi ko sa kanya habang nakataas pa kilay kong sinisipat sya simula ulo mukhang paa.

"Kapit bahay lang tayo babi ano ka ba! Pwede na bang pumasok? Tirik yung araw diba? Ang init kaya!"

Ay, oo nga pala hahaha nakalimutan kong papasok nga pala sya. Ayos na ayos kasi sya e. Mag kapitbahay lang naman pala kami.

"Pasok na pakikilala kita sa mga pinsan ko"

Dinala ko sya sa loob ng bahay. Si kuya at ate naman nag tatalo ulit at nag aagawan pa sa remote.

"Ehem! May bisita po ako ate at kuya"

Natigil sila sa ginagawa nila at sinamaan ng tingin ni ate Aica si kuya.

"Hola, soy Aica, prima de Shamira. Nice to meet you"

Nilahad pa ni ate kamay nya habang ngiting-ngiti. Napangiwi nalang ako sa inasta ni ate sa harap ng kaibigan ko.

"A-ano daw sabi ng ate mo hehe?" Bulong ni Aeiou

"Ate naman mag tagalog ka nasa pinas tayo hindi ka nya maiintindihan"

"Sabi ko, ako si Aica pinsan ni Shami"

Weirdo nito ni ate Aica! Kailangan talaga hinahawi yung buhok habang nag papakilala?

"A-ah! Ha ha ako po si Clark bestfriend ni Zyra since High School. Aeiou Clark po."

Tinitigan ko si ate kung anong susunod nyang gagawin pero lumipas ang sampung segundo puro lang sya pag pipilantik ng pilik mata nya habang nagpapacute sa kaibigan ko.

"Ate, pwede ko na ba makausap kaibigan ko? Tapos mo na ba sya titigan?"

Weirdo na sya dati pero hindi ko alam na may mas ilalala pa pala sya. Natatakot tuloy si Aeiou sa kinikilos nya.

"Dalhin mo na sa labas kaibigan mo Shami at doon kayo mag usap. Ako na bahala dito sa ate mong baliw. Nga pala pre, I'm Mark, Aica's twin. Ikaw yung kausap ni Shamira sa Airport right? Are you courting her?"

"N-no. I'm just her friend. Nothing more nothing less"

Pagkatapos mag usap ni Aeiou at kuya tinaboy na nya kami sa may garden kung saan nandoon ang favourite spot ko.

"So, ano pala sasabihin mo sa akin?"

Medyo tense parin sya sa napagusapan nila ni kuya pero tinatry nya parin maging kalmado sa harap ko.

"Ayun nga! May outing kami sa Limasawa Island this coming Saturday. 3 days from now"

Ano naman ngayon? Haha bakit kailangan i-update pa ako?

"Ah. Okay sige ingat kayo"

"Anong ingat kayo? Kasama ka! Isasama kita."

Bakit kasama pa ako? Wait, baka kasama si Trixcia pero, parang ayoko e. And, I feel something will happen

"Pwede bang wag na ako sumama?"

Katamad naman mukhang di ako mag eenjoy doon kung hindi kasama si Trix.

"Hindi pwede babi kailangan sumama ka. Kakauwi mo lang galing Spain tapos magpapaka KJ ka?"

"Oo na! Oo na! Sasama na ako. Ang kulit mo bagay kayo ni ate"

Tinaas-baba ko kilay ko sa kanya habang nakangisi hahaha

"Psh! Uuwi na ako babi sige na. May pupuntahan pa ako tsaka may nililigawan na ako. Sige na bye"

After namin magusap bumalik kami sa loob para makapag paalam si Aeiou kela kuya. Sabi ni ate doon na daw sya mag hapunan kaso tinanggihan nya dahil nga may pupuntahan pa daw sya kaya nag pasalamat nalang sya tapos umalis na.