Chapter 3 - Chapter 2

Ella's Pov

Nagising akong sobrang sakit ng ulo at katawan ko at hindi ako makatayo. Nilibot ko ang aking mga mata at mukhang nagising na naman ako sa hindi pamilyar na kwarto. Naulit na naman sa akin ang nangyari nuong isang taon na ang nakakaraan. Pinipilit nya sanang tumayo pero hindi nya magawa. Gusto kong magbihis ay umalis alis agad dahil isa na namang katangahan ang ginawa ko.

"Good morning sweetie." napalingon sya sa tabi nya. Laking gulat nya ng makita ang lalaki. Natulala ako sa kagwapuhan ng lalaki.

"Huwag mo nang subukang tumayo sweetie. Magpahinga ka na lang muna. Igagawa kita ng almusal mo para makakain ka na at makainom ng gamot." sabi ng lalaki sa tabi ko.

"Anong nangyari? Anong lugar ito? At sino ka?" tanong ko.

"Sweetie, Isa isa lang ang tanong. Ako nga pala si Gabriel dela Torre at nasa hotel ka. Kagabi sa club habang pauwi ka ay pinipilit kang isakay ng lalaki sa kotse nya. May pinainom ba siya sayo?" tanong nya.

"Pinainom ako ng juice bago ako umuwi." sagot ko.

"Kaya naman pala. Next time huwag kang tatanggap ng mga inumin kapag nasa ganung lugar ka. Bakit ba pagnagkikita tayo ganyan ka?" sabi nya.

"Ano hindi kita maintindihan. Nalilito ako. Pagnagkikita? Ibig bang sabihin nagkita na tayo dati?" tanong ko.

Tumayo sya mula sa pagkakahiga sa kama. Napatakip ako ng aking mga mata dahil wala syang saplot na kahit ano. Nagbihis sya sa harap ko at balewala sa kanya kung may makita man ako o wala.

"Pwede mo nang alisin yang takip mo sa mata. Para namang hindi mo pa ito nakikita. Mabalik tayo sa usapan natin. Oo nagkita na tayo dati. Ako ang lalaking iniwan mo sa kama isang taon na ang nakakalipas." paliwang nya.

Kung ganon sya pala ang lalaking nakatalik ko. Siya yung isa sa 4 na lalaki na nakuhanan ng litrato nuong pinuntahan ako ni Papa at ate Karen sa apartment ko dito sa Maynila. Kaya pala parang pamilyar ang mukha nya. Siya yung lalaking maputi at matangkad.

"Naalala mo na ba ako sweetie? Isa pa bakit palagi ka na lang naloloko at napapainom ng drugs? Siguro naman hindi ka drug addict." tanong ni Gabriel.

"Hindi noh! Yung una gusto ko lang uminom para makalimot kahit sandali. Tapos yung kagabi, hindi ko naman alam na gagawan ako ng masama ng kaibigan ni Jack." paliwanag ko.

"Sino si Jack? Boyfriend mo? Hindi ko pa pala naitatanong ang pangalan mo." tanong nya.

"Hindi noh! Bakla kaya yun. Kasintahan sya ng kaibigan kong bakla. Ako nga pala si Isabella Garcia. Ella na lang." sagot ko.

"Good. Sweetie dahil simula ngayon akin ka na." sabi nya.

"Ano? Sayo ako? Teka nga hindi purket nagsex tayo ng 2 beses ay pwede mo na akong angkinin." naiiritang sabi ko.

"Sa ayaw at sa gusto mo sa akin ka na. Mapapadeliver na ako para makakain ka na at makainom ng gamot. Huwag ka nang magtangkang tumakas pa." sabi nya. Paano ako makakatakas eh ang sakit ng buong katawan ko. Hindi nga ako makabangon. Pesteng lalaki to.

Lumabas sya ng kwarto. Masakit ang ulo ko kahapon pa ito at mukhang nilalagnat na ako. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay unti unti akong nakatulog.

Nagising ako dahil may tumatapik sakin. Iminulat ko ang mga mata ko.

"Kumain ka na para makainom ka na ng gamot." sabi ni Gabriel. Inalalayan nya akong makaupo at sumandal sa headboard ng kama. Sinubuan nya ako ng pagkain at pinainom ng gamot.  Pagkatapos nya akong pakainin at painumin ng gamot ay inihiga nya ulit ako sa kama. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay nakatulog ako.

Nagising ako dahil nakaramdam ako gutom. Nagmulat ako ng mata at ang una kong nakita ay ang mukha ni Gabriel.

"Kamusta na ang pakiramdam mo sweetie?" tanong nya.

"Medyo masakit pa ako ulo ko at katawan." sagot ko. Inalalayan nya akong makaupo at sumandal sa headboard.

"Mabuti na lang at bumaba na ang lagnat mo. Dalawang araw ng sobrang taas ang lagnat mo. Hindi na kita dinala sa ospital dahil kaya naman kitang alagaan." sabi ni Gabriel.

"Dalawang araw? Asan ang cellphone ko? Naku malamang hinahanap na ako nila Jordan at Alex." natatarantang sabi ko.

"Sino sila Jordan at Alex?" tanong nya. Teka galit ba to?

"Si Jordan ang kaibigan kong babae at si Alex ay ang kaibigan kong bakla na karelasyon ni Jack. Teka bakit ba ako nagpapaliwanag sau?" sabi ko.

"Natural boyfriend mo ako kaya kailangan ka magpaliwanag." sabi nya. Wow ha demanding.

"Boyfriend? Sinagot ba kita? Nanligaw ka ba? Feeling mo." sabi ko

"Doesnt matter. Kahit anong sabihin mo akin ka na." sabi pa ni Gabriel. Hindi ko na lang sya pinansin pa. Bahala sya sa buhay nya.

"Ipaghahanda kita ng pagkain at eto ang cellphone mo." inabot sakin ni Gabriel ang cp ko at saka lumabas ng kwarto.

Tinawagan ko agad sila Alex dahil malamang ay nag aalala na ang mga yun.

"Hello" sabi sa kabilang linya.

"Hello Alex. Pasensya na hindi ako nakauwi. Ipapaliwanag ko na lang pag uwi ko." sabi ko.

"Peste kang babae ka pinag alala mo kami ni Jordan. Alam mo ba na naghihisterical si Jordan. Kung ano ano na tumatakbo sa isip nya. Asan ka ba? Gusto mo sunduin kita? Ano ba nangyari?" sunod sunod na tanong nya.

"Ipapaliwanag ko na lang pag uwi ko. Teka paano yung trabaho ko." tanong ko.

"Huwag ka ng mag alala ako nang bahala dun. Hindi rin naman kita matitiis kahit pinag alala mo ako. Oh sya mag ingat pag uwi. At please umuwi ka na ha." sabi ni Alex.

"Salamat Alex, kaya naman love na love kita eh." sabi ko.

"Nambola ka pa. Pasalamat ka love kita. Oh siya sige bye na." sabi nya tapos binaba ko na ang cellphone ko.

"Ehem!!!" nagulat ako. Hindi ko manlang narinig na pumasok ito ng kwarto.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko. Ang seryoso naman nito masyado. Kanina nakangiti tapos ngaun masungit. Napaka moody.

"Ahm Gabriel, pwede na ba akong umuwi? Hinahanap na kasi ako ng mga kaibigan ko." paliwanag ko.

"Sige ihahatid na kita." sagot nya.

Inayos nya ang mga gamit ko. Konti lang naman ang mga gamit ko kaya sabi ko ako na lang pero mapilit sya. Actually wala naman akong ibang dalang gamit. Binilihan nya ako ng mga damit na pamalit ko simula nung magkasakit ako. Pati na ang mga gamot kumpleto na at may vitamins pa. Binigay nya sakin ang reseta para daw alam ko kung anong oras ko iinumin.

Bumaba kami at lumabas ng hotel. Dirediretso lang kami. Nagcheckout na ba to kanina. Sabagay wala namang pumigil samin. Inalalayan nya akong makasakay sa kotse nya. Tapos sumunod na syang pumasok sa driver seat. Ang ganda ng kotse nya mukhang mamahalin. Wala akong alam sa mga kotse haha. Buong biyahe namin ay tahimik lang sya. Mabibingi ka sa katahimikan. Naku hindi pa naman ako sanay ng tahimik ang kasama ko. Sanay akong maiingay ang nasa paligid ko dahil kina Jordan at Alex.

Itinuro ko kung saan ang apartment namin at makalipas ng isang oras ay nakarating kami. Lumabas sya ng kotse samantalang ako ay inayos ko pa ang mga gamit na dadalhin ko. Pinagbuksan nya ako ng pinto. Ang gentleman naman nito. Bagay na bagay sa itsura nya.

"Salamat sa pag aalaga mo sakin. Salamat din sa mga gamit at gamot na binigay mo. Hayaan mo babayaran kita pagkasahod ko." sabi ko sa kanya.

"Isa lang naman ang gusto ko kabayaran nyan eh." sabi nya.

"Huh? Ano yun?" tanong ko.

Lumapit sya sakin at hinalikan ako. Nanlaki ang mata ko sa pagkagulat ngunit napapikit ako dahil sa sensasyon na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan na hindi tumugon sa mga halik nya. Tinigil nya lang ang paghalik sa akin dahil pareho na kami naghahabol ng hininga.

"Bayad ka na. Sige na pumasok ka na at magpahinga." sabi nya. Tumango lang ako at nagsimula nang maglakad papasok ng apartment namin. Pero bago ko buksan ang pinto ay nilingon ko muna sya. Nakatingin pa din sya sakin at ngumiti. Pakshet makalaglag panty ang ngiti nya. Binuksan ko na ang pinto at agad na pumasok sa loob. Tinignan ko muna sa bintana si Gabriel at nakita ko itong sumakay sa kotse nya at saka umalis. Napangiti ako dahil naisip ko yung paghalik ni Gabriel.

"Ehem! Para ka ng baliw sa kakangiti dyan. Baka gusto mong ipaliwanag samin kung anong nangyari sayo at king sino ang lalaki na kahalikan mo." sabi ni Jordan.

"Nakita nyo yun?" nahihiyang tanong ko.

"Malamang eh nasa labas kayo eh. Langya ka girl, saan ka nakabingwit ng ganyan kagwapo. Ang yummy ng papabols mo!" kinikilig na sabi ni Alex.

"Umupo ka na dito at simulan mo nang magpaliwang samin ng nangyari sayo." seryosong sabi ni Jordan.

Patay ako nito. Sasabihin ko ba sa kanila ang buong pangyayari. Naupo ako at sinimulan ko nang ipaliwanag sa kanila ang lahat lahat. Napag isip isip ko na hindi na sila iba sakin. Parang mga kapatid ko na ang mga ito. Buong kwento ko ay nakanganga sila dahil malamang ay hindi sila makapaniwala sa nangyari sa akin.

"Sis alam mo pamilyar sakin ang lalaki na yun teka tignan natin sa internet. Sabi mo Gabriel dela Torre." tumango lang ako.

"Pakshet ka girl. Sabi ko na nga ba eh. Kilalang magaling na doktor ang Gabriel mo at may ari ng hospital." sabi ni Alex. Lumapit sa kanya si Jordan at tumingin din sa cellphone ni Alex.

"Oo nga pakshet ka Ella. Isang Dela Torre yan. Kilalang kilala ang angkan nila. Naku patay ka. Balita ko napaka possessive daw ng mga lalaki sa pamilya nila. Naku kung nabasa mo lang ang article ng isang magasin tungkol kay Don Emilio dela Torre ay sigurado akong kikiligin ka.

Hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasasabi ng dalawa. Wala naman akong pakialam. Tingin ko naman hindi seryoso si Gabriel. Malamang maraming babae yun kasi sikat. Pumasok na lang ako sa kwarto ko at iniwan sa sala ang dalawa. Nahiga ako at unti unting nakatulog.