Chereads / Lotus After Rain / Chapter 2 - TEASER

Chapter 2 - TEASER

AURIANE

Hindi ko nakita buong araw si Keigan.....

Itong nakaraang buwan, pansin ko ang pagbabago ng pakikitungo saaming lahat ni Keigan. Mula sa pala-asar at masayahin niyang sarili ay naging medyo malamig at palaging nakatulala na parang ang dami laging iniisip, at sa tuwing magkukuwento o babanggitin ko si Zade, which is a normal thing for them, ay nagagalit siya. It's either mag-wa-walk out siya or he'll snap at me.

Nung una ay hinayaan ko lamang dahil baka may problema lang ito, I tried to talk to him multiple of times para naman maramdaman niyang may mapagsasabihan siya ng problema but everytime I try, he'll ignore me o kaya naman ay sasabihin niyang wala lamang iyon at pagod lang siya.

Ako man ay napapaod din, not physically but my love for Zade. Nakakapagod din pala? Pero kahit ganoon ay hindi ko hinayaang mabago ang sarili ko. I confessed yesterday and he turned be down. Ano pa nga ba ang inaasahan ko hindi ba? Obvious naman na kapatid lang talaga ang tingin niya saakin. I got hurt yes, pero hindi naman kasalanan ni Zade iyon dahil tama nga naman, you can't dictate your heart kung sino ang mamahalin mo. Besides, he looked so happy with Prim and who am I to take that happiness away from him? Isa lang naman akong hamak na 'kaibigan'

Naputol ang aking pag-iisip nang mahagip ng mga mata ko ang nakaasungot Keigan. Palayo ito saakin at kapansin-pansin ang mabibigat nitong mga hakbang. Sa di kalayuan naman ay nakita ko din ang pagsalubong ni Zade kasama si Prim. I felt a pang of jealousy. Now that I'm seeing them together, medyo narerealize kong bagay nga sila. A confident and brave girl with a sweet, gentlemen and perfect man.

"KEI-" Naputol ang pagtawag ko sakanya at napatakip sa bibig nang ambangan niya ng suntok si Zade. Napasigaw din si Prim at agarang tinulungang patayo si Zade habang ako....nagtago sa isang kanto at pinapanood lang sila.

"What the heck dude! What's your problem!?" Medyo kalmado ngunit iritadong tanong ni Zade at pinunasan ang gilid ng labi. Ano bang ginagawa ni Keigan!?

"What's my problem? What is YOUR problem!? Narinig ko na nireject mo si Luna yet hell your with this girl! Naisip mo man lang ba ang mararamdaman ni Luna pag nakita ka niyang nakikipaglandian sa babaeng 'to pagkatapos mo siyang ireject!?" Sigaw niya.

I widened my eyes at unti-unting may namumuong mga luha saaking mga mata.

What are you doing Keigan?!

"So what kung makita niya kami? It's not like me and Prim are together! Bakit siya magseselos eh hindi naman kami ni Prim at lalong lalo na hindi kami ni Auriane!"

"A little bit of consideration naman Zade! Kaibigan kita pero hindi ko kayang makita na nasasaktan si Luna dahil sayo!"

Stop it Keigan.....

"Ano bang gusto mong gawin ko Keigan!? I-date ko siya kahit wala naman akong nararamdaman para sakanya? For what? For her own happiness? THEN WHAT ABOUT MY OWN HAPPINESS KEIGAN! I told her....she's like a sister to me, at hindi ko talaga kayang masuklian ang pagmamahal niya sakin. Keigan please understand. Sinubukan ko naman eh. I tried"

Z-Zade.....

"Pinaasa mo siya Zade. You acted so lovey-dovey to her tapos wala ka naman palan-

"STOP IT KEIGAN!" Sigaw ko at lumabas na sa pinagtataguan. Walang hinto ang pagagos ng mga luha ko. Lahat sila ay nagulat sa biglaang pagsulpot ko.

Lumapit ako sakanila at marahang tinulak si Keigan.

"A-Auri

"What are you doing Keigan?!" I cried

"What am I doing? Luna, ginagawa ko lang ang bagay na alam kong hindi mo kayang gawin kasi natatakot ka! Tama naman ako diba!? He's giving you hopes but in re -

*SLAPPP*

Napahikbi na ako ng tuluyan nang tumama ang palad ko sa kanang pisngi ni Keigan na ikinagulat nung dalawa.

"I KNOW KEIGAN I KNOW! SO STOP SAYING IT BECAUSE IT HURTS!" I screamed at napaluhod na nang tuluyan habang nakatakip ang aking kamay sa mukha

"A-Auriane, g-get up there madumi ang d-"

"Tumigil ka na din Zade please? Hindi mo alam na sa ganitong simpleng pagaalala mo saakin ay tumataas ang pag-asa kong mahal mo din ako so stop it!"

Napayuko si Zade at kita ko ang paghaplos ni Prim sa likod niya habang malamig na nakatingin saakin.

"Keigan. Ano bang ginawa mo? I told you, ayos lang sakin! Tanggap ko naman na kapatid lang ang tingin sakin ni Zade eh" I said, mas mahinahon na sa pagkakatong ito.

"We both know you're lying Auriane, alam natin pareho na naghahangad ka parin na mag-iba ang tingin saiyo ni Zade" He said coldly.

Nanatiling tahimik sina Zade at Prim at taimtim na nakikinig saamin. I don't care

"So what? Ano bang pakealam mo sa nararamdamn ko Keigan!? Bakit ka ba nangengeal-

"DAMN IT! BECAUSE I FU*KING LOVE YOU OKAY! MAS BULAG AT MANHID KA PA PALA KESA SA INAASAHAN KO. I LOVE YOU AURIANE LUNE! I LOVE YOU SINCE WE WE'RE 10! BAKIT BA HINDI MO ALAM IYON!" He snapped.

I froze at my place at napatulala sakanya. K-Keigan.....loves me?

"Y-You never said a thing to me Kei-

"Pero pinaramdam ko sayo Luna, walang araw na hindi ko sinubukang ipaparamdam sayo na malalim na ang nararamdaman ko. Na mahal kita. Pero kasalan ko bang tanga at bulag ka?" He said harshly at marahas na pinahid ang luha niya

Nanatili akong tahimik at taimtim na nakatitig sakanya.

A-all this time he was hurting....because of me. Becuase of my love for Zade. Keigan was always there for me kahit na bukang bibig ko palagi si Zade without knowing that he's hurting....

"I-I'm sorry Keigan....I'm so so sorry" sabi ko sa gitna ng mga iyak ko

"I never needed your sorry Luna, All I ever needed was your love *scoffs* but I think It'll remain as an impossibe dream to reach for me" He said sadly at unti-unting naglakad papalayo.

"Auriane...." Rinig kong pagtawag sakin ni Zade ngunit binalewala ko iyon dahil ang isip ko ay tanging nakay Keigan padin. H-he's walking away. Naglalakad lang naman siya palayo pero bakit naiisip kong may iba pa iyong kahulugan? Why am I thinking that once na mawala siya sa paningin ko ay tuluyan na din siyang mawawala sa buhay ko....I don't want to

He was there for me.....He was always there for me, and here I thought na nandiyan din ako para sakanya but in reality. I'm the cause of his sorrow, I'm the reason why he's walking away from me in this rain.

Keigan was always there for me....

"Auria-

"KEIGAN! W-WAIT!" Hindi ko pinansin ang pagtawag sakin ni Zade at humabol kay Keigan. I can't lose him...Not him too.

Hindi ko alintana ang pagpatak ng ulan at tumakbo papalapit sakanya. Hindi niya ako nilingon pero huminto siya sa paglakad.

"K-keigan w-wait please"

Sinubukan kong hawakan ang braso niya ngunit marahan niya iyong inilayo sakin. Nanatili siyang nakatalikod saakin kaya niyakap ko ng patalikod, I feel him tensed. Idinikit ko ang pisngi ko sa likod niya at ipinikit ang aking mga mata

"K-Keigan, It's raining baka magkasakit ka. Umuwi muna tayo hmm?" I said softly

Mas lalong lumalakas ang ulan at tanging ang pagpatak lamang nito ang naririnig ko, kasama ang malalim na paghinga ni Keigan. Wala naman talaga akong pakealam kung basang-basa na ako ngayon. Nag-aalala lang akong baka magkasakit si Keigan, at para na din makausap ko siya ng kaming dalawa lang. We need to clear this thing as soon as possible....if not then I might lose him.

"Why do you care?" He said coldly.

"M-Magkakasakit tayo pareho Keigan at hindi ako uuwi magisa nang hindi ka kasama"

Tumahimik siya ng ilang segundo at maya-maya pa ay umalis ito sa pagkakayakap ko at nauna nang naglalakad papunta sa bahay ko. Mas lalong nanikip ang dib-dib ko dahil doon. Kahit ayaw niya akong makita ngayon ay sumunod padin siya saakin dahil ayaw niyang magkasakit ako at alam niyang hindi talaga ako uuwi nang hindi siya kasama.

He still cares for me. He always do, I'm just too blind to see it.