>. . .- , ' Lotus After Rain ⨠⨷⨳
⩴ Family
AURIANE LUNE DEBOIS
————Everytime you step outside, the world always seems to be against you, the weather was rather moody, it would rain heavily or lightly or maybe not at all.
Headlights of cars seems to light my way as I walked, it wasn't too late, maybe around 4 or 5 at night, but the sun vanished from my eyes. The sky shows a small amount of orange as the dark colors started taking over. The stars are also starting to show up, shining brightly above.
The city lights was showing off with it's bright colors, which seems to light everything that surrounds them. Despite of the noises coming from their cars, for me it's still quiet, quieter than normal.
I looked up at my transparent umbrella to see how the rain drops falls. The beauty of the night and how the stars shines brightly in this weather. The moon is starting to be visible in my eyes too.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa Villa ay siya ding ikina-hinto ng pag-ulan.
"Rude. Di man lang inantay na makapag-emote ako sa tabi ng bintana" Mahinang sambit ko sa sarili at bumuntong hininga.
Ipinatuyo ko sa isang gilid ang payong ko at tahimik na umakyat sa aking kwarto. Mabuti nalang at hindi ko naabutan sina Papa dito, it's either nasa kompanya pa sila ng Step-mother ko or nasa opisina lang at nagpupuyat nanaman sa kakatrabaho.
Anim na taong gulang ako noong maghiwalay ang mga magulang ko. Based on my father's kwento, Mommy cheated on her. Iyon na ang pinaniwalaan ko dahil never kong nalaman ang side ng story ni Mommy, but based on how I see my mom before, she's not the type to do those kind of things. Pero nagbago din ang lahat nang magpakita siyang muli saamin pagkalipas ng ilang taon.
Matagal-tagal din bago nakapag move-on si Papa, pero hindi na siya naging katulad ng dati, even though nakilala na niya si Tita Clarrise. Nagpakasal sila 4 years ago, hindi arranged marriage ang naganap pero hindi din masasabing dahil sa pagmamahalan kung bakit sila ikinasal. Let's just say na ang complicated lang ng situasyon nila.
Walang anak si Tita Clarrise at sobrang bait niya din saakin, but I still can't let myself to call her mom. Kahit malaki-laki ang ginawang kasalanan saamin ni Mommy ay hindi padin mababago ang katotohanang siya ang nagluwal saakin.
Papa. I just missed him so much. Hindi na siya katulad ng dati na nasaakin lang palagi ang atensyon niya kahit gaano pa siya kabusy.
Pabagsak akong humilata sa kama at nakipagtitigan sa mataas kong kisame.
"Meoww"
Napadilat ako ng mga mata ng maramdaman ko ang paghiga ng alaga kong pusa sa tiyanan ko. Nakatitig saakin ang asul na asul nitong mga mata. I gently scratched the back of her ears, also her chin, that made her purr. Medyo nakakakiliti pa sa tiyan dahil ramdam na ramdam ko ang pagvibrate nito.
Bumangon ako at nag indian sit, inilagay ko din si Belle sa aking kandungan habang patuloy na hinahaplos haplos.
"Belle, bukas na ang first day ko. I'm kinda excited but also...nervous" Sabi ko ngunit wala akong narinig na tugon mula sa pusa, bagkos ay nakatingin lang ito saakin
"It's going to be my first name to socialize with kids in my age after so many years"
Bumuntong-hininga ako at nanlaki ang mga mata nang may maalala.
Right!
I gently placed Belle on my bed at dumiretso sa aking study table. Hinalungkat ko sa isang kabinet doon ang nakatago kong Video camera.
Binuksan ko ito at mabilis na inayos ang sarili, nang makita kong nagsisimula na ang pagrecord nito ay mabilis din akong ngumiti
"Hi! It's still me, Luna Debois. I just got back home, kakatapos lang din ng ulan. Binisita ko ang bestfriend ko and we hanged out for a bit. We did our usual thing, we ate ice cream sa Grandpa's Parlour. Lolo Gran is still the same! He's still the old goofy old man, sorry 'bout that Lolo Gran. It's currently 6:30 pm and I don't know kung kakain pa ba ako ng dinner or mag-skip nalang ulit. Nakakatamad naman kasing kumain ng mag-isa since I'm sure na hindi uuwi ngayong gabi si Tita Clarrise at lalo naman si Papa na halos sa opisina na tumira. I'm worried about Papa, He's overworking himself na para bang sa pagtatrabaho nalang umiikot ang mundo niya. It's like nabubuhay nalang siya para magtrabaho.
But anyways, hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako sa desisyon nila ni Tita Clarrise na pag-aralin na ako sa totoong paaralan after being home-schooled for like....uh...since 3rd Grade? Yes, since Grade 3. Tapos bigla nila akong pagaaralin ulit? I'm kinda sad kasi parang naghahanap si Papa ng way to see me less but I'm also happy kasi makakapag interact na din ako sa wakas sa ibang teens! I've always wanted to have friends, I mean I already have him and he's enough pero I still want to try to make new friends. Right! Yun ang magiging goal ko starting from tomorrow. To make new friends with my bestfriend! Welp, I think That's all for today since I really need to sleep early. 6:35 I know right, but anyways bye! See you again tomorrow!"
I ended the video and took a deep sigh. And nope it's not a vlog or something na i-popost online publicly.
Let's just say it's my own kind of video diary. Bata pa kasi ako simula nang maisipan kong gawin ang bagay na ito. Nung una sinubukan kong gumawa ng actual na diary like the journal one? But I gave up, masakit sa kamay, nakakatamad magsulat, yung tipong ang dami dami mong gustong sabihin pero hindi na ma keri ng kamay mo, and that's when I thought na kung pwede ay mag-video nalang ng sarili habang sinasabi ang mga gusto kong sabihin about my day and stuffs.
"Luna, pinapatanong ng Papa mo kung sasabay ka daw bang kumain sakanya?" Dinig kong sabi ni Aling Cora mula sa sa labas pagkatapos kumatok
Literal na nagulat ako sa itinanong nito. Papa wants me to eat dinner with him?
That's unusal.
"Sige po, I'll be there!" Sigaw ko sa labas. Hindi ko napigilan at napangiti ako ng malaki, Finally! May makakasabay na akong kumain! I wonder kung anong naisipan ni Papa at nagyayang mag dinner together.
Dali-dali akong nagsuklay ng buhok at lumabas ng kwarto. Tinakbo ko na ang daan patungong dining room dahil sa laki banaman ng manor na binili ni Papa.
My Dad is pure-french pero dito siya sa Pilipinas lumaki kaya magaling din siyang managalog, and my Mommy is pure-pinay naman.
Magandang lalaki si Papa, matangkad, matikas, hardworking, nice and sweet but cold.
Pagkarating ko sa kainan ay wala pang tao roon kaya nauna na akong naupo sa katabing upuan ng pinakadulo at taimtim na naghintay ng may ngiti sa labi.
"Anong pong gusto ninyong kainin?" Tanong ng chef namin
"Oh, Later nalang po pagdating ni Papa para siya na po ang pipili ng kakainin namin"Nakangiti kong sagot dito. Tumango siya at nagtungo sa kusina
Siguro mamaya mag s-steak nalang kami or adobo, or pwede namang yung favorite french dish ni Papa which is the Boeuf Bourguignon.
There's nothing more comforting and luscious than Boeuf Bourguignon, a classic French beef stew made with red wine, pearl onions, mushrooms and bacon!
Masarap nga naman ito nang una ko siyang matikman, as far as I can remember ay ito ang madalas na lutuin ni Mommy kay Papa when she's still with us.
What If I learn how to cook that dish? Matutuwa kaya si Papa?
///
Mag bebente minuto na at wala pading lalaking sumusulpot kaya napawi ang ngiti ko at napalitan ng pakakunot ng noo
"Aling Cora, Why is Papa not here yet? May ginagawa pa ba siya? Should I wait a little longer pa?" I asked the lady beside me
Mukhang nagaalinangan pang sumagot si Aling Cora kaya tinawag nito ang taga-luto namin.
"Luna, Sa tingin ko ay ipaluto mo na kay Kuya Bruno mo ang gusto mong kainin para makakain kana, baka matagalan pa ang Papa mo eh" Sagot nito na mas lalo kong iknanunot
"No, I'll just wait for him po"
Bumuntong hininga nalamang si Aling Cora at bumulong ng kung ano kay Kuya Bruno. Ipinagsawalang bahala ko ito at tahimik na nag-antay.
Ten minutes at pag wala pa si Papa magagalit na ako
"Ms. Luna, pinapasabi po ni Sir na mauna na daw po kayong kumain"
Napalingon ako at nakita ang isang katulong namin na nakayukong nagsasalita
"What? Why? Don't tell me hindi nanaman siya sasabay?" I exclaimed
"Ganoon na nga po, pasensya na daw po. Excuse me po babalik na ako sa trabaho" Sabi pa nito at nagmamadaling umalis
I scoffed.
Nag expect ba ako? definitely! Of course he won't eat with me! Sa sobrang busy banaman nun.
"Aakyat nalang po ako" Matamlay kong sambit
"Ha? Kumain ka muna, sasbayan nalang kita"
"Hindi na po, busog panaman ako eh, I just thought Papa and I will eat together this time"
Of course hindi ako busog! I'm hungry lalo na at halos 30 minutes akong nagantay para sa wala!
Akmang maglalakad na ako paalis nang magsalitang muli si Aling Cora
"Pagpasensyahan mo muna ang Tatay mo Luna ha? Alam mo namang para sayo din ang mga ginagawa niya"
Lumingon ako sakanya at binigyan siya ng isang maliit na ngiti
"I know po, but don't worry, It's not like it's the first time" I answered with a bitter laugh at tuluyan nang umakyat pabalik sa aking kwarto
Tss. Sayang ng 30 minutes kong pag-hintay, andami ko na sanang nagawa sa oras na yun.
Nahinto ako sa paglalakad nang madaanan ko ang isang portrait namin ni Papa kasama si Tita Clarrise. Pinagmasdan ko ito at marahang hinaplos
In this exact spot. Our old family portrait with Mommy was placed here. At kung ikukumpara ang itsura ko sa litratong iyon sa bago ay ibang-iba.
I'm wearing a dark blue cocktail dress in this picture habang si Papa at Tita ay parehas ding naka Blue but with a darker shade than mine. Papa is seating on a single chair at pormal na nakaupo ng mayroong maliit na ngiti sa labi, Tita Clarrise is on his right side na nakatayo lamang at malawak ang ngiti. While I'm also standing on Papa's left, standing still like a doll with a blank face. Sa litratong ito, genuine ang kasiyahan ni Tita habang si Papa ay pilit and me....I chose not to pretend and let the camera shot my unhappy expression.
Then Our old family portrait crossed my mind.
Kumapara sa litratong ito, mas colorful at buhay ang picture na iyon. Puti ang background at ang theme ng damit namin ay yellow and white. Mommy is sitting elegantly on the right side while Papa is on the left. Nakatayo lamang ako sa likod nila pero kita ang labis kong kasiyahan habang nakayakap sa leeg nilang dalawa. In that picture, all of us have a genuine smile and happiness, and it is made out of pure love and affection.
Tumingin ako sa paligid.
Ang bilis lang ng panahon, paran kailan lang ay naghahabulan kaming dalawa ni Papa sa hallway na ito habang panay ang tawa ni Mommy at nagvivideo. Pero ngayon, mabibingi ka nalang sa sobrang katahimikan ng manor.
I took a deep sigh at tuluyan nang pumasok sa loob ng kwarto.
Dumapa ako sa kama at inabot ang cellphone ko. I dialed my bestfriend's number at tatlong ring palang ay sinagot na nito agad
[Yow what's up?] Masigla nitong pagbungad
"Hey Kiggs"
[What's wrong? You sound....uh, awful?] Tahimik naman akong natawa sa sinabi nito, I can imagine his face na ngumingiwi
"Papa"
[Of course it's that old man again! What is it now?]
"hey! He's not that old! and it's not that bad naman. He said kasi he'll join me eat dinner tapos nagantay lang ako sa wala huh!"
[oh. Tapos?]
"Anong tapos! Edi di na ako kumain"
[nanaman?]
"Nanaman!"
Nagtaka ako nang wala akong narinig na sagot, chineck ko ang cellphone ko dahil baka binabaan ako pero hindi naman.
"Uy, still there?"
[Ha? Ah teka hinahanap ko susi ng kotse ko]
"Kiggs! I'm in the middle of ranting tapos....Argh!"
[Shut up, ayun! Sige wait, iready mo na balcony mo pupunta ako diyan]
Iyon na ang huli niyang sinabi at narinig ko na ang pagbaba nito. Gaya ng sinabi nito ay binuksan ko ang pintuan sa balcony ko at bumungad saakin ang malamig na simoy ng hangin. Bahagya pa nitong inililipad ang mahaba kong buhok.
Inilatag ko ang kumot sa sahig at binuksan ang maliliit na ilaw na parang christmas lights. Inilabas ko din ang maliit na table just in case. Malawak din ang balcony ko kaya kung minsan ay dito kami parating nagbo-bonding ng kaibigan ko.
Bumalik ako sa loob ng kwarto para kuhanin ang laptop ko, baka maisipan niya kasing mag movie-marathon. Pagbukas ko nito ay agad na tumambad saakin ang litrato naming dalawa ni mommy, hindi ko napansin na napatitig na pala ako rito ng matagal kung kaya't pumunta na ako sa netflix para maghanap ng mapapanood.
Siguro suspense o mystery nalang ang papanoodin namin.
Maya maya pa ay nakarinig na ako ng mahinang pag sitsit. Mabilis akong napabangon at sumilip sa baba ng railings sa balcony.
Malawak ang ngiti nito at kumaway-kaway, bahagya din nitong itinaas ang dala dala niyang mga supot.
Nginitian ko ito pabalik at tumango.
Nagtungo siya sa isang gilid at may kinuhang ladder, iyon ang madalas niyang gamitin sa tuwing pumupuslit siya dito. Dahan-dahan siyang umakyat dahil na din sa dami ng dala niya, nang malapit na siya saakin ay inuna kong kuhanin sa kanya ang mga plastic bago siya tulungang umakyat.
"Wow readying ready ha" Bungad nito saakin at pinasadahan ng tingin ang paligid
"Syempre, we need a good spot to eat"
"Ouch, kala ko panaman pinaganada mo 'to para sakin" Pagdrama nito at humawak pa sa bandang puso
Sabay kaming umupo sa inilatag kong kumot at inalabas ang mga pagkain na dala niya sa isang table na hinanda ko.
"Naisipan kong dalhan ka ng pagkain, panigurado kasing hindi ka nanaman kakain ng hapunan. Ang thoughtful ko 'no?"
Pabiro ko itong inikutan ng mata at tumawa ng mahina
"Salamat" I sincerely said
"No prob, anyways sabay tayong pumasok bukas ha?" sabi niya at sumubo sakanyang malaking burger
"Of course"
Habang kumakain ay nanonood din kami sa laptop. Ang pinili niyang movie ay ang Fantasy Island. Pagkatapos noon ay hindi pa kami nakuntento kaya nanood ulit kami ng The Call. We tried our best para hinaan ang mga boses namin habang tumatawa at nagkukuwentuhan dail mahirap na kung mahuli pa nila akong nagdadala ng lalaki sa kwarto. Well, wala naman talagang problema since kaibigan ko naman ang lalaking ito.
Marami kaming napagkuwentuhan ngayon, para ngang hindi kami nauubusan ng kwento gabi gabi sa tuwing napapadpad siya dito.
Nang sumapit ang alas-dose ay naapgpasyahan na naming magligpit
"Alas dose na, kailangan ko ng umuwi bago pa maging pumpkin ang kotse ko" Sabi nito at nagstertching pa dahil sa haba ng oras naming pagkakaupo
"Ano ka si Cinderella?"
"Pwede, gwapo naman ako"
Binalweala ko nalang ang sinabi nito at iginaya sa ladder na naka tayo padin sa ibaba
"Go home na, mag-ingat ka" Paalala ko
"Opo, matulog ka na din, dadaanan kita dito ng mga 6:30. Goodnight" Dagdag pa nito sabay halik sa noo ko. Walang malisya, It's a normal thing for us since mga bata palang kami ay ginagawa na niya saakin ang bagay na ito
"Night"
Nang magababa na siya ay kumaway itong muli saakin bago pumasok sakanyang sasakyan. Mabuti nalang at sa ibaba ng balcony ko ay diretsong labas na kaagad ng Manor kaya hindi siya nahihirapang maglamas pasok dito
Pagkaalis niya ay pumasok na din ako sa kwarto ko, sinigurado kong nakasara ng maayos ang pintuan ng balcony pati na din ang mga kurtina ko. Tiningnan ko si Belle at napansing tulog na tulog na siya kaya hindi ko na inistorbo, humiga ako sa kama at hinayaan ang sarili na malamon ng kadiliman
At kasabay noon ang unti-unting pagpatak ng ulan.