Chereads / Marcella's Diary / Chapter 23 - Day 819

Chapter 23 - Day 819

May 30, 2019

8:37 pm

Dear Diary,

Isang buwan ang lumipas at marami ang nangyari. My houses are already finished. Hindi muna ako tumira dahil nagbakasyon kami ni Hestia sa Palawan. I got my own yacht and island there. 'Yung isla doon ay binigay sa akin ni Mama. May rest house nang nakatayo doon at may ilan pang mga kubo. Another thing, niregaluhan ako ng jetski ni Izar at red sports car ni Papa kahit hindi ko birthday.

Until now, sabog pa rin ako at hindi man lang halos naka-relax. Zabielski, Zabielski, Zabielski family ang laman ng utak ko. I kennat…

Okay move on, kung pag-uusapan ko ang tungkol doon ay mas lalo lang lalala. Binigyan na naman ako ng panibagong kotse from my grandfather, Lolo Daegio. 'Yung Dean of Medicine ng knows mo na, D. Putting hammer truck ata tawag doon. Basta ganoon. May bonus pa, may Chanel products pa sa gilid pati sa likod ng kotse. Ohmy, well appreciated.

Wala pa ring information about Hestia. Alam ko na rin ang birthday niya dahil kung sinuswerte ka nga naman, naaalala niya birthday niya. I hope she could celebrate it with me. Mukhang Korean ang bata, mukha lang naman. Nakakaintindi ng tagalog pero hindi masyadong nagsasalita. I really need to act like a teacher just for her to learn. For now, inenroll ko muna siya sa paaralang pinagtatrabuhan ni Kuya Lucifer. Kuya Lucifer decided to stay lowkey kaya hindi siya sa EIS magtuturo. Another thing, doon kasi ang gusto ni Hestia kaysa sa EIS. Wala akong ibang magawa, bata eh.

About Yoshiro, palaki nang palaki, patakaw nang patakaw. Hindi naman siya masyadong mataba pero okay na rin iyon. He spends most of his time playing with Tia. Selos na ata ako narn, charot.

And kay Seidree, minsan lang kami nag-uusap pero tuwing nag-uusap kami, naandon pa rin ang closeness. Swerte ko ata na nagkaroon ako ng bestfriend na tulad niya. Sana naman tumagal pa 'yong friendship. Sana mahaba din ang buhay ng gagang iyon 'di katulad kila Murie at Cora. Hayst.

Another update, D. Maaga magsisimula ang classes namin. So sa Monday, first day of class na naman. Again. I think magsusunog na lang ako ng atay bukas with Izar, Heather, Paige, and Celeste. Last naman na. Sa Monday, kilay na naman ang susunugin ko. Fourth year pa naman na ako this school year.

I wrote diary this early pala cuz I'll read books. Magbabasa na naman ako ulit since may mga bago akong biling libro. Marupok talaga ako sa amoy ng libro. Naalala ko, sinabi ko lang na may titingnan ako but I ended up buying those fucking books.

Scammer,

Marcella