June 3, 2019
8:45 pm
Dear Diary,
I said that I'll practice to write diaries often. I decided to stop na. This helped me to control my feelings. Dito ko binuhos noon 'yung nararamdaman ko.
Kahit ganoon, I'll still keep this. This diary is part of my childhood. I know, D, na biglaan ang pagdesisyon ko. Maybe it's about the issue or maybe I'm just stress. D, it's final. I wanted this diary to stay with me together but I can't stay due to my hectic schedule.
I'll stop writing diaries but there's one thing that I'll promise. Alam mo naman, D, na hindi ako perfect. Marami akong nagawang kalokohan at pagkakamali, sinabi ko 'yan sa 'yo. Kaya nga nila ako hate eh. I took advantage of my freedom. Masyado akong reckless, ginagawa ko kung ano ang gusto ko. I'll change for the better. Gagawin ko makakaya ko.
The issue shut down because of PILOT. Gumawa ng paraan si Lolo Bastien the may magical ball sa ulo para mawala ang issue. Wala nang makikitang leaked info tungkol sa fam ko sa social media pero kahit ganoon pa man, hindi na nila mababawi ang mga sinabi nila sa akin. I know that I can get through this, D. Kailangan kong mag-relas at ipakitang kalmado lang ako. For sure kasi na maaapektuhan ang Espierro kapag matamlay ako. Masyado na kaming naging close.
I'll make this message short. Titigil na ako sa pag-d-diary pero babalik din ako. No, I want one of my daughters or granddaughters to be with you, D. Baka kasi maaga akong mawala, gusto kong sila ang magpatuloy na magsulat sa mumunti at lumang notebook na ito. Importante ito sa akin kaya I'll keep this in a safe.
This is my diary. This is Marcella's Diary. Hanggang sa susunod na henerasyon, D. Thank you for all. Thank you for being with me. Sadly, aalis na ako. Ipagpapatuloy ito ng angkan ko, ng sarili kong kadugo.
In the loving memories of
Marcella
I yawned and stretched my arms. Kakaunti lang sinulat ko pero nangalay agad ako. Nang lumingon ako sa listahan ng gagawin ko, mas lalo akong nangalay.
I'm already tired, I can't handle this, but I should. Hindi puwedeng atrasan ang responsibilidad na pinagkatiwala sa akin.
Earlier, I just heard the elders talking about Espiero Group, our family business. Nasabi nila na sa oras na manghina sila Lolo Hugo and Maxime, ako na daw ang mamana ng kompanya.
The others disagreed, of course. Ampon lang kasi ako. Hindi naman na masakit dahil sanay na ako. Then bigla kong naalala na kailangan ko pa lang magpa-rank-up muna dahil maglalaro kami mamaya ni Izar kaya hindi ko na narinig ang iba pa nilang pinag-usapan.
After that, my mom, Svetlava, entered my room. "Marce, dear, may I talk to you?"
Pagkarinig at pagkarinig ko ng boses niya ay lumingon agad ako. I smiled. "Of course, Ma! Do you need something?" Tinigil ko muna ang paglalaro dahil patay naman na ako sa battleground. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.
She genuinely smiled and caressed my cheek. "I want you . . . to be the next chairwoman of Espiero Group, Marcella Astrid." In that moment, I suddenly felt that golds and diamonds are right after me.
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko. "Ma," I said. " . . . I want to be a doctor."
Mama was stunned but she immediately recovered. Her smile faded for a second and made another curve on her lips. "Think wisely, dear. Remember, you are a diamond who has golden connections. Never waste those golden roses our family has." After that, she left.
Hindi ko na inisip pa iyon bagkus ay bumalik sa paglalaro.
I don't think na mag-b-boyfriend ulit ako. I'll focus on my studies instead. Lalo naʼt may kailangan akong patunayan. I'm still an Espinosa after all. I'm like a royalty.
That was what I thought before, because I was never expecting that I will meet someone named Jurdikris Rigel Rasalas.