Papunta na ako sa park hindi na nga ako sinundo ni Dave eh kasi saglit lang daw may sasabihin lang daw siya saaking importante.
.
.
.
*PARK*
"Uy Cassy nandiyan kana pala" -Dave
"Anong sasabihin mo ba honey?"
"Gusto ko sanang... Nicole????" -Dave
"Nicole anong ginagawa mo dito?"
"Ang tagal mo kasi babe, bakit hindi mo pa sabihin kay Cassy para hindi na siya umasa pa" -Nicole
"Ano ba talaga honey?"
"Wait lang huwag mo na siyang tatawaging honey dahil kami na" -Nicole
"Ano??! Kayo na? Nababaliw kana ata Nicole. Dave sabihin mo nga sa babaeng yan ang totoo ng matauhan"
"Cassy, kasi ano eh hmm." -Dave
"Ano bakit hindi mo masabi babe? Gusto mo akong magsabi?" -Nicole
"Ka-kasi totoo yung sinabi ni Nicole. Kami na. A-ayaw ko na." -Dave
"Ano?! Ayaw mo na? (Tumutulo na pala luha ko)"
"Oo ayaw na sayo ni Dave kaya tara na babe" -Nicole
"Pero D-Dave ano bang problema?"
"Wala ako ang problema at masasaktan ka lang kaya mabuti pa tapusin na natin ito" -Dave
"Ocge Kung yan talaga ang gusto mo. Hindi na kita pipilitin. Sana maging masaya ka sa pinili mo"
"Pero Cassy alam mo...." -Dave
"Babe tara na nasabi mo natin naman." -Nicole
Umalis na sila, ewan ko ba anong nangyari kay Dave ang ayos palang namin.
Patuloy parin ang pagtulo ng luha ko kasabay ng pagbuhos ng ulan pero hindi ko namalayan na umuulan na pala pero Wala akong pakialam kung mabasa ako at magkasakit.
"Ano bang nagawa kong mali?! Ang ayos naman ng relasyon namin diba?!"
Pagtulo parin ang pag-iyak ko pero hindi na ako nagbabasa ng ulan?
.
.
.
"Cassy anong ginagawa mo diyan?" -Adrian
"Adrian?"
"Napano kaba mukhang kanina kapa umiyak buti nalang pala may dala akong payong basang-bass kana oh" -Adrian
"S-Si Dave kasi *huk* eh. Wala na k-kami."
"Ano?! Sabi ko na nga ba lolokohin ka lang ng gagong yun!!!" -Adrian
"Tama na huwag na natin siyang pag-usapan pagod narin ako Adrian"
"Cge Tara na. Iuuwi na kita" -Adrian
.
.
.
(Adrian's P.O.V)
Hindi ba si Cassy yung kasama ni Dave? Pero sino yung umiyak doon? Palakas na ang ulan lapitan ko nalang kaya.
.
.
.
Paglapit ko nakita kong umiyak si Cassy. Ang lakas ng paghikbi, Baka kasalanan ni Dave to.
"Tama na huwag na natin siyan pag-usapan pagod narin ako Adrian" -Cassy
Kaya inuwi ko na siya, basang-basa nga ang damit niya, ang gago talaga ni Dave hindi niya Ina-alagaan si Cassy. Nagtiwala ako sa kanya noong pinalaya ko si Cassy sa puso ko.
Pagsisihan niyang iniwan niya si Cassy dahil hindi na niya ito makukuhang muli sa akin at lagot siya kapag nakita ko siya ulit. Sh*t! Lagot ka talaga sa akin huwag kang magpapakita, si Cassy pa ang sinaktan mo ang pinakamamahal ko!!!
********************
(Dave's P.O.V)
Sasabihin ko na sana kay Cassy ang lahat-lahat, ang totoo ng nangyari kaya lang dumating si Nicole, wala naman sa Plano to na magpanggap na kami, kaya lang sinabi niya Kay Cassy tapos naisip ko na siguro mas makakabuti narin ito sa kanya para makalimutan na niya ako.
Nagu-guilty nga ako at galit na galit ako sa sarili ko dahil nasaktan ko ang tanging babae sa buhay ko kaya lang wala na akong magagawa ito na ang nakatadhana talaga samin na pins an ko pala siya, tapos bigla akong hinatak ni Nicole palayo sa kanya. Nakita ko pa nga si Adrian papunta kay Cassy kaya sumama na ako kay Nicole, buti nalang Andyan si Adrian para alalayan siya.
"Ano kaba naman babe kung hindi pa ako dumating hindi mo sasabihin kay Cassy na tinatapos mo na ang relasyon niyo" -Nicole
"Hoy! Diba wala sa plano na magpanggap na tayo, sasabihin ko naman kay Cassy ang totoo ha!"
"Sige kung hindi ko ginawa yun pano mo masasabi kay Cassy? Pasalamat ka nga yon lang ang sinabi ko, Hindi ko sinabing pinsan mo siya" -Nicole
"Sige Hindi kapa titigil diyan? Hmm! Pasalamat ka babae ka kung hindi"
"Kung hindi ano?! Tandaan mo Dave hawak ko ang leeg mo at ng pamilya mo" -Nicole
"Tara na nga naiirita na ako sayo"
"Kaya nga kapag nakikita mo na si Cassy umasa Kang boyfriend ko kung ayaw mong malaman niya ang totoo"
.
.
.
*************************************