(Dave's P.O.V)
*locker*
"Ano ba Nicole?!! Ayaw ko na nga diba!!!"
"Sige yan ang gusto mo (evil grin)" -Nicole
"Yan dyan ka naman magaling eh! Sa mga banta mo! Basta sasabihin ko na ang lahat total nasaktan ko na din naman siya."
"Tignan lang natin kung anong gagawin ni Cassy sayo, tuluyan mo na siyang di maka kasama pag malaman niya ang totoo" -Nicole
"Wala akong pakialam basta mahal ko parin sya"
Umalis na si Nicole pero may banta siya.
.
.
.
"Babalik ako, di pa ako tapos sa inyong dalawa!" -Nicole
.
.
.
.
.
.
********************************
(Cassandra's P.O.V)
After 3 days buti naman at nalampasan ko ang araw na nag-outing kami kaya eto tuloy-tuloy parin ang pagpapanggap ko na okey lang ako... Sabi nga nila "to lessen the pain we need to pretend"
*school*
Nauna na ako sa barkada na pumasok ng school kasi may kukunin pa akong mga books sa locker ko.
.
.
.
"Ah? Mag kapatid sila?" -Girl 1
"Eh naku -_- Ang bingi mo talaga!" -Girl 2
"Magpinsan sila" -Girl 3
"Ah kaya pala iba na ang kasama niya" -Girl 1
"Oo nga ang balita ako ayaw na daw bumalik ni Adrian sa Ibang bansa para kay Cass.... -Girl 3
.
.
.
"Oo nga ang balita ako ayaw na daw bumalik ni Adrian sa Ibang bansa para kay Cass.... -Girl 3
"Adrian?"
"Uy Cassy andiyan ka pala hehe!! Sige una na kami baka malate pa kami eh hehe!" -Girl 2
"Wait lang!!"
Ano naman kayang kinalaman namin ni Adrian sa usapan nila? Baka naman pinagkalat ni Adrian na kami na?!
Sus hayaan ko na nga sila.
*locker*
Wait parang may kakaiba?!! Bawat madadaanan ko pinag-usapan nila about daw sa mag-pinsan, pero tuwing nakikita nila ako umaalis sila bigla?!
Papasok ko sa locker naming mga girls, may naririnig akong nag-uusap...
"Wala akong pakialam, basta mahal ko parin siya"
.
.
.
"Babalik ako dia ako tapos sa inyong dalawa!!"
"Nicole??!"
Anong ginagawa niya dito ng ganito kaaga?!! Buti nalang hindi niya ako nakita kaya dumeretcho ako para malaman kung sino kausap niya.
.
.
.
.
.
May nakita akong lalaki nakatalikod sya at sinusuntok nya ang upuan at natatandaan ko Kung sino sya.
"Dave?!!"
O.O
Pagharap nya tumulo ang luha ko kasi hindi ako nagkakamali sya nga at nararamdaman ko parin ang sakit. Pala as na sana ako pero.....
"Cassy :(" -Dave
"Bitawan mo ako wala na dapat tayong pag-usapan!!!!!"
"Cassy please, hindi mo kasi naiintindihan eh :(" -Dave
"Ano?! Sige ipaliwanag mo lahat na ganon mo nalang ako kadaling iwanan. Hindi mo nga ako kinausap pagkatapos mo akong iwanan, hindi mo alam anong pinagdadaanan ko!! Dahil hanggang ngayon andyan parin ang sakit dito sa puso ko. Andito lahat yon Dave!! (Turo ko sa dibdib) at hanggang ngayon pilit kong si nasaktan ang sarili ko kasi mahal parin kita!!!"
"Cassy, sorry kasi naging duwag ako akala ko kasi kapag hindi mo nalaman ang totoo hindi na kita lalo pang masasaktan pero nagkamali ako dahil hindi lang ikaw nasasaktan ko, even my self! sorry talaga, i didn't mean to hurt you at nahihirapan din ako sa naging desisyon ko kasi masyado akong naging selfish" -dave
"ano ba?! sabihin mo na nga ang totoo at huwag mo na akong gawing tanga pa dahil wala akong kaala-alam!!"
"he's your cousin Cassandra!! :)" -nicole
"ah?!! cou.cousin?! ganyan kana ba ka-desperada sa kanya Nicole kaya ano-ano naiimbento mo?!"
"bakit? may mali ba sa nasabi ko? Dahil alam ni Dave ang lahat matagan na. Dave sabihin mo sa PINSAN mo ang totoo, diba nakakahiya yon Cassy?! :)" -nicole
"tama na Nicole!! Cassy, totoo lahat yon, at maniwala ka sakin nung awar na kakausapin sana kita sa park dapat sasabihin ko na lahat kaya lang biglang dumating si Nicole" -dave
"ewan ko sa inyo, magsama kayo!! ngayong alam kona at wala na dapat tayong pag-usapan pa Dave!!"
.
.
.
Lumabas na ako sa locker, gusto kong puntahan si mommy sa office nya dito para malaman ang lahat-lahat kung totoong pinsan ko nga si Dave.
.
*OFFICE*
"anak? anong nangyari sayo, bakit ka umiiyak?" -mommy
'ma!, sabihin nyo nga po ang totoo, pinsan ko po ba talaga si Dave? At matagal nyo na po bang alam?!"
"anak, a...ano kasi eh... oo pero balak ko naman talagang sabihin sayo kaya lang tinitignan ko kung talagang totoo at nakausap ko nadin parents ni Dave sila nga... sila ang mga tita at tito mo na nasa ibang ban...." -mommy
"so ako lang pala ang walang alam dito?! ma naman eh, alan nyo kung gaano ako nasaktan mula iwan ako ni Dave"
"sorry anak" -mommy
Lumabas na ako sa office at gusto ko nang umuwi... wala muna akong gustong makausap!!!
Buti naman at pinalabas ako kasi naghingi ako ng excuse letter ko sa clinic para pauwiin ako, sabi ko may sakit ako at kilala ko na naman yung nurse doon kaya naniwala naman sya.
.
.
(Dave's P.O.V)
Nagulat ako nung lumabas si Nicole, pinagsusuntok ko yung upuan naiinis na talaga ako pero mas nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko at si Cassy yon..
"Cassy?"
Yan ang una kong nasabi kase nakita kong umiiyak sya. Sh*t! gusto o syang lapitan to hug her pero alam kong galit parin sya sakin hanggang ngayon.
Nagulat din ako sa biglang pagbalik ni NIcole akala ko umalis na sya. Sya din ang nagsabi ng totoo kay Cassy na magpinsan kami. Walanghiya talaga ang babaeng ito!
""ewan ko sa inyo, magsama kayo!! ngayong alam kona at wala na dapat tayong pag-usapan pa Dave!!" -cassy
Yan ang huli kong narinig mula kay Cassy at tuluyan na syang nakalabas ng locker room.
Papunta ako ngayon sa bahay nila dahil nalaman kong umuwi na da sya, means nag-cut sya ng class
.
.
.
.
*RIIING!!*
"HELLO?"
"hello dave" -Tita keight
"ay tita, napatawag po kayo? papunta po ako ngayon sa bahay nyo, alam na po kasi ni Cassy ang lahat"
"oo nga hijo, tatanong ko nga sana sayo kung paano nya nalaman. Nag-aalala ako ngayon eh, at hindi ako pwedeng umuwi madaming trabaho dito sa school" -Tita keight
"opo tita, don't worry po ako ng bahala sa kanya. Kakausapin ko po sya at ipapaliwanag ang lahat"
"oo ikaw nalang nga kumausap anak, kase galit din sya sa akin, bakit hindi ko daw agad sinabi sa kanya" -Tita keight
"tita sorry po, alam ko nasaktan ko si Cassy dahil hindi ko agad sinabi sa kanya at lumayo ako ng basta-basta"
"ni hijo, walang may kasalanan dito, ako nga dapat ang sisihin eh. Kase mas pinili kong ilihim sa kanya noong nalaman ko, ang gusto ko kase kayo mismo ang mag-usap" -Tita keight
"basta sorry po tita, sige po nandito napo ako. Bye po"
"sige din hijo, sana maayos nyo yan" -Tita keight
.
.
Kakatok pa sana ako kaya lang bukas naman ang gate at pinto nila....baka nakkkalimutan nya kakamadali nya.
(Cassandra's P.O.V)
"Magsama-sama kayo! Mga MANLOLOKO!!!"
Pag-uwi ko agad na akong pumunta sa room ko.
"nakakainis! di'ba nila alam na masasaktan ako?!! Even my Mom, hindi nila agad sinabi sa'kin. Ano bang nagawa kong mali?!"
Pagtatanong ko sa unan habang yakap-yakap ko, as if naman sasagot to'. Bahala na basta galit ako sa lahat.
"I REALLY HATE THEM!!! Buti sana kung sinabi nila agad maiintindihan ko pa pero hindi eh, ginawa nila akong tanga ... I HATE YOU DAVE!!!! I HATE YOU DA...."
"Cassy, andyan kalang pala pinag-alala mo'ko, akala ko ano ng nangyari sayo. Iniwan mong bukas yung pin...." -dave
"Sh*t lang Dave!! anong ginagawa mo dito?! Diba sabi ko sayo wag kanang magpapakita?! TAPOS NA TAYO!!!!"
Oo hindi kona sya pinatapos pa sa mga sinasabi nya agad ko na syang sinabihan na tapos na kami.
"At kalimutan mo na ako dahil mali ito! MAGPINSAN TAYO!"
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. T.T
"Sige kung yan talaga ang gusto mo, hindi lang naman ikaw ang nasasaktan. Akala mo ba naging madali ang pag-iwan ko noon sayo?! Nasasakal ako kay Nicole, at oo masakit talaga kase nagseselos ako tuwing magkasama kayo ni Adrian!!! Wala akong magawa kase sa tuwing pumappasok sa isip ko na mag-pinsan tayo, nasasaktan ako. Ikaw lang ang babaing minahal ko pero tama ka nga, we should stop this tutal matagal nading wala ito diba?! Kung iyan ang gusto mo, sige aalis nalang ako. Thank you sa lahat ng binigay mong pagmamahal." -dave
Umalis na sya at naiwan naman akong tulala sa mgga sinabi nya. Na....sasakal sya kay Nicole?
.
.
.
Ninejegirl ;)