Chereads / My Best Friend (Ford) / Chapter 21 - Chapter 21

Chapter 21 - Chapter 21

Tricia Mae POV

Nagising akong may tumatapik sa aking mukha

Pagmulat ng aking mukha ang aking nabugaran , ang pinagwapong nilalang na kilala ko, ang nag-iisang lalaki hawak ang aking puso , ndi na ako magtataka kung bakit ito na nasa loob ng aking kwarto dahil malaya itong nakakalabas masok sa loob at ganoon din ako sa kanilang mansyon

Taglay nito ang mapupungay na mata, mapupulang labi, matango na ilong, balat na kay puti , makakapal na kilay na sinisimbolo ng kanyang pagiging lalaki at katawan na napakaganda , na lahat ng babae ay kakabaliwan at hahangahan

Ayyy, kaya nga ako nagkagusto dito, Ayy mali pala, kaya pla minahal ko ito

Ibubuka ko na sana ang aking mga labi upang magtapat ng bigla itong nagtanong kung kumusta na ako

Agad akong ngumiti dito, ndi pa rin maikakaila na nag-aalala pa rin ito sa akin, ninamnama ko ang bawat salitang binitawan nito kasi baka ndi ko na kailan man maririnig dahil magiging akward na ito sa amin sa susunod na mga araw

"may sasabihin pala ako sayo" sabi ko dito

Agad itong tumingin sa akin at nagtatanong ang kanyang mga mata, kahit kinakabahan ako nagawa ko paring magsalita

"Matagal ko na itong dapat sinabi sayo" sabi ko dito ,pinutol ko muna ang aking sasabihin para tignan ko ang kanyang mukha at nag tumingin ito sa akin at mukhang naghihintay na ituloy ko ang aking sasabihin

"ma----matagal na akong may gust---" nauutal ako ng una pero nagawa ko parin magsalita ng nasa dulo na ako , nabigla ako ng may palad na sumampal sa akin, masakit ang pagkakasampal sa akin, napabaling ang aking mukha sa kaliwa

At ganoon nalang ang paglalaki ng aking mata ng makita ko kung sino ang sumampal sa akin,,, si Mylene, pati pala ito ay nasa loob ng akingkwarto bakit ndi ko man siya napansin dahil ba ang aking buong atensyon ay naka ford

Masakit palang sumapal itong si mylene, feeling ko bumakata ang kanyang mga daliri sa aking pisngi at ganoon nalang bigla ng bigla itong magsalita

"sabi ko na sayo ford malaki ang tama ng BESTFRIEND mo sayo, diba sabi ko sayo nakita ko yung mukha niya ng sabihin mo sa kanya na GIRLFRIEND mo na ako" sabi nito kay Ford habang dinuduro ako nito

Gusto kong baliin ang daliri niya na nakaturo sa akin na apra bang gusto nitong ipagdildilan na inaagawan ko ito

Nakita kong tumingin sa akin si Ford na may pagtataka at ilang saglit ay naglaho yung mukha nitong nagtataka at napalitan ng pagkalito

Gusto ko sanang magpaliwanag pero umalis na sila, hinila na ni Mylene si Ford Palabas ng aking kawarto ,agad kong sinubsob ang aking mukha sa unan upang doon ibuhos lahat ng sakit na aking nararamdaman at inayahan ko ang aking luha na lumndas sa aking pisngi at ndi ko namalayan tinangay na akong antok at nakatulog ako sa aking pagluha