Tricia Mae POV
Nasa opisina ako ngayon ni Ninong , si ninong ang dean ng aming paaralan pinapasukan, nagpalipat ako ng section
Nagtanong pa ito sa akin , anong dahilan , kasi daw dati rati lagi ko itong pinupuntahan upang mgsabi na pagsamahin kami sa section ford, pero ngayon bakit ang pinapakiusap ko ay paghiwalayin kami ng section
Inasar pa nito ako na may LOVE QUARREL daw ba kami, ngumiti ako ng pilit dito
Ng pinayagan ako nito na makalipat na ng ibang section agad na akong nagpaalam dito at nagpasalamat aalis na at dumretcho na sa aking magiging bagong silid aralan
Section B ang napuntahan ko
Ng nasa pinto pa lamang ako , lahat ng mga babae ay nakatingin sa akin at ganoon din ang mga kalalakihan nakatingin sa akin,nagtataka sila bakit ako nandoon, anong ginagawa ko sa section nila
Ngumiti ako ng matamis at dumretcho ng tumuloy sa loob ng silid aaralan at dumetcho ako sa likod ng may makita akong isang bakanteng upuan dahil walang nakaupong bag doon kaagad pumunta doon at nilagay ko ang aking bag , bago ako umupo nakita po silang lahat nakatingin sa akin, yung mga kakakihan nakita ko ang kanilang paghanga sa kanilang mga mata habang ang mga kababaihan dito nakita ko yung iba may ingit sa mata at yung iba masaya
Nasanay na ako sa ganoong tingin , kasi nga Campus Queen ako dito yung ganda at kaseksihan na tinitingala ng iba , ganoon din cheerleader din ako yung talentong kinaiingitan ng iba at sa loob ng paaralan ndi naman ako pahuhuli Dean lister ako Number 1 ako
Sabi ng iba pinagpala daw ako maliban sa may kaya ang pamilya namin, busog din sa pagmamahal ng ama, napaganda , napakseksy , napakatalino at ang dami ko pa daw na talento , ano pa daw ang mahihiling ko, tanong nila sa akin, ang pipi kong sagot ang magustuhan ng akin BESTFRIEND , lahat ng meron ako kaya kong iwan para sa kanya, dahil siya lang ang gusto ko, ang gusto ko na kailan man ay ndi ko maabot
Ng maalala ko nman ito , prang gustong lumabas ng aking luha sa mata pero agad ko itong pinigilan baka anong isipin ng mga matang nakatingin sa akin , baka pagkamalan pa akong baliw
Kaya agad ko binaling ang aking mata sa kanan ko nabigla ako sa aking nakita si Aron, bakit nandito si Aron , kala ko ba sa ibang bansa ito nag-aaral, yun ang dati kong balita dito , paanong narityo ito ngyon, pinaglalaruhan ba ako ng aking mata
"ARON" sabi ko dito na may pagtataka sa aking mga mata, agad naman itong tumingin sa akin at ngumiti ng matamis
Sa sobrang tuwa ko nayakap ko ito, na kinatingin ng ibang studyante sa amin, paanong ndi ka sasaya kung makikita mo ag kaibigan mo na matagal nawalay sayo, halos sabay sabay kaming lumaki nina ford at aron , pero nawalay kmai kay aron ng pumunta ito sa ibang bansa , doon na sila tumira kaya sa paglaki si Ford ang naging BESTFRIEND ko
Kung ito ba ang nasa tabi ko simula pagkabata ko , possible ba kaya sa kanya ako nainlove at ndi kay FORD, parang gusto kong malaman ang sagot sa aking tanong
Gumanti ito ng yakap at ganoon nalang ang bigla ko ng bigla niya akong halikan sa noo, naku simula ng bata kami lagi niya itong ginagawa pati ba ngayon sa pagtanda namin
Nakita kong kinilig ang mga bagong kaklase namin sa kanilang nakita , may iilan na napaakip ng kanilang bibig dahil sa gulat, yung ibang babae nagpapacute kay Ford at nakita ko sa gilid ng aking mata ang mga tingin ng mga kalalakihan na pagkamangha na may halong ingit
Agad ko itong tinanong kung nagtransfer ba ito galing amerika agad itong tumango , ksi daw kakabalik lang nila sa pilipinas at dito nila itutuloy ang kanilang business, natuwa naman ako sa sinabi nito at kanina daw galing tio sa bahay at nakausap nito si yaya at nagtanong daw ito kay yaya anong section kaya nag enrol ito sa section, buti pala nasabi ko kay yaya na magpapalipat ako sa section B