Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Sister's Husband Child

🇵🇭Lady_ROXIE23
--
chs / week
--
NOT RATINGS
8.6k
Views
Synopsis
Karlie Red Saavedra, o mas kilalang Red. Ulila nang lubos at may dalawang kapatid na parehong babae. Namatay ang mga magulang niya dahil sa hindi inaasahang Car Accident kasama ang isa pa nilang kapatid na babae. Mula noon ay nagkahiwalay hiwalay na silang magkakapatid dahil para silang naligaw dahil nawala ang liwanag. Pero kung paano, dumating sa bahay niya ang isa sa dalawa niyang kapatid, na panganay sa kanilang magkakapatid. At paano kung humingi ito ng pabor. Hiniling nitong makipagsiping siya sa asawa nito hanggang sa mabuntis siya. Mapapayagan niya kaya ang hiling nito? Yung tipong hindi mo nga binalak na magkaanak ngunit ito at hinihiling ng kaniyang nakakatandang kapatid.
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1

...

Kung noon ay madali akong nadadala sa mga ganiyanan niya, kuwes ngayon hindi na, matapos niya akong iwan noon, babalik siya ngayon at magdradrama sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito? Ate?"

Pinagkadiinan ko pa ang salitang ate matapos kong ulitin ang sinabi ko.

Nilagpasan ko siya at kinuha ang susi mula sa bag ko at sinusian ang padlock nang pinto nang nasabing apartment.

"Red, I miss you so much," wika niya.

"Wala tayo sa drama kaya please Ate, huwag kang umarte," pinigilan kong ilabas ang inis ko para sa kaniya dahil baliktarin man ang mundo ay hindi ko mababago ang katunayan na magkapatid kami.

Binuksan ko ang pintuan ng apartment ko at sumunod naman siya kaagad papasok.

"Pagod ako kaya sabihin mo na ang gusto mong sabihin," malamig na aniya ko at kumuha nang juice sa ref na talagang kasama na sa inupahan namin ni Moms.

Maliit lang naman itong apartment ko, sakto para sa kusina, kama at banyo. Talagang pang-isang tao lang talaga pero dahil gipit ay pilit naming pinagkakasya ang maliit na apartment na ito.

Nagsalin ako sa dalawang babasagin na baso na pinakatago-tago talaga ni Moms para hindi ko magamit, para lang daw kasi 'yun sa bisita.

Binigay ko sa kaniya ang isang baso habang ang isa naman ay sa akin. Hinawakan lang nito ang baso gamit ang dalawang kamay niya habang kinahalahati ko naman ang akin.

"Sagutin mo ang tanong ko, ano ang kailangan mo? Alam kong hindi ka pupunta dito na walang kailangan." Alam kong masasakit ang mga sinabi kong iyon pero balewala iyon sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin.

Kinagat niya ang labi niya.

"I-i need your help R-red."

Napapikit ako nang mariin at napangisi. Inaasahan ko na ito pero hindi ko mapigilang magulat na akala mo'y ngayon ko lamang ito nalaman.

Nalaman na nandiyan siya dahil may kailangan siya. Hindi dahil sa namimiss niya ako. Dahil may kailangan talaga siya.

"I know, sabihin mo na, nahihiya ka pang diretsuhin, e," mapakla kong sabi.

Kita ko ang panginginig nang kamay nito na kahit pigilan niya ay talagang mangingig 'yon.

"I want to carry a baby in my womb but I can't," panimula niya. Nanubig nanaman ang kaniyang mga mata.

Ang tungkol sa sinabi niya, alam ko nang mangyayari sa kaniya 'yan. Bata pa lang ay alam na naming may sakit siya sa puso ngunit hindi alam nang mga magulang namin 'yon dahil ayaw niyang sabihin sa mga magulang namin kaya nanatiling lihim 'yun sa amin.

Namana niya ang sakit ni Mama habang ako naman ay healthy hanggang sa pagtanda. Ngunit kadikit ko naman ang kamalasan.

"Anong gagawin ko? Manghila ng bata sa daan?" Hindi ko mapigilang maging sarkastiko. Alam kong sumusobra na ako ngunit hindi ko mapigilan dahil sa galit.

Noon, iniwan niya ako sa dilim kahit na alam niyang takot ako sa dilim. Iniwan niya ako kahit alam niyang puwede akong mapahamak at muntik nang mangyari ang kinatatakutan ko kung hindi lang dumating si Moms ay baka matagal na akong sumuko.

Baka nga patay na ako ngayon kung nagahasa ako ng mga lasinggero.

"H-hindi, gusto kong kadugo ko ang magiging Anak ko."

Nanginginig nanaman ang kamay niya.

"Hindi kita makuha Ate. Anong gusto mong gawin ko?" naiinis na tanong ko sa kaniya.

"G-gusto kong magbuntis ka ng-" hindi ko na siya pinatapos dahil hinampas ko na ang mesa sa pagitan namin. Gulat ang naging reaksyon niya.

"Nababaliw ka na ba?!" bulalas ko.

"Alam mong hindi mangyayari ang bagay na 'yan kaya mabuti pa lumayas ka dito at huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin." Tuluyang pumutok ang galit ko.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan ng apartment ko.

"P-pero Red."

"Hindi sabi ako papayag! Hindi ako tanga para pumayag sa gusto mo!" nagagalit na sabi ko sa kaniya.

"Please nagmamakaawa ako sa'yo, ibibigay ko sa'yo ang gusto mo basta gawin mo lang ang hinihiling ko." Pinagdikit niya ang dalawang palad niya habang isinasambit ang mga 'yon.

"Hindi kita kailangan! Umalis ka dito at huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin!" Ako na mismo ang humila sa kaniya at inilabas siya mula sa apartment ko. Agad kong isinara ang pinto.

Nanghihina akong napaupo at hindi napigilan ang pagbuhos ng mga luha na namuo mula sa mga mata ko.

...

"Red... Red... Red..." Nagising ako mula sa mahimbing na tulog noong maramdaman ko ang mahinang pagtampal sa pisngi ko.

"Moms, ikaw pala," ani ko noong makita ko siyang nakatayo mula sa gilid ko.

"Bakit dito ka natulog? May kama naman tayo, dito ka natulog," aniya at tinuro ang kama na pang-isahan ngunit pareho naming pinagsasaluhan kahit na halos mahulog na kami.

"Saka, teka anong nangyari diyan sa mga mata mo? Umiyak ka ba? Mayroon kang problema ano?"

Nakatikwas ang kilay na tanong niya at hinawakan ang namamaga kong mga mata.

"Ah, wala ito Moms, nanood kasi kami kahapon ni Angel, medyo nakakaiyak kaya naiyak ako." Palusot ko, mukhang naniwala ito dahil naupo na ito sa harap ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa mesa.

At saka ko lang napansin na may mangkok pala sa harapan ko at doon ay kita ko ang isang mangkok na pansit at kanin sa dalawang plato.

"Oh, kumain ka na," aniya at inilapit sa akin ang isa pang plato. Tumango ako at kinuha ang kutsara mula sa plato.

"Sorry Moms, dapat ginising mo ako, ako na sana ang naghanda ng kakainan natin," sabi ko.

"Kumain ka na, huwag ka nang kumuda. At sabihin mo na lang sa akin ang problema mo kapag handa ka na." Hindi ako nakakilos noong sabihin niya iyon. Hindi rin ako nakapagsalita sa sinabi niya.

Akala ko naniwala na siya...

Isa rin pala siya sa nakakakilala sa akin.

"Magpahinga ka muna, huwag ka munang pumasok sa kahit anong trabaho mo. At namumugto 'yang mga mata mo."

Dagdag niya pa kaya tuluyan akong hindi nakapagsalita.

...