...
WARNING!
Paniguradong maraming typos guys kaya kung ayaw mo sa ganoon ay wag mo na lang basahin at huwag mong laitiin na para bang mag-isa lang ako dahil hindi naman ako nag-iisa, marami kaming writers na maraming typos.
...
"Ang guwapo niya talaga Red!" Kinikilig na sabi ni Angel sa gilid ko. Parehas kaming nakatoka sa cashier habang tinatanaw niya si Sir. John mula sa gilid nang Tea Shop, ang manager nang coffee shop na pinagtatrabahuhan naming dalawa.
Ngumiti ako sa customer na nasa harapan ko at ibinigay sa kaniya ang milk tea na inorder niya. Matapos niyon ay sinuklian ko naman siya sa one-hundred na binigay niya.
"Saka he's nice Red!" Animo talaga siyang kinikilig kaya napaismid na lamang ako. Pinalipat ko na lamang ang customer sa akin na pumila sa kaniya.
"Bakit, hindi mo siya i-date Red? Maganda ka naman at guwapo siya, bagay na bagay kayo!"
Napabuntong hininga na lamang ako sa kakulitan niya.
"Alam mo naman na hindi ko type ang tulad ni Sir, masyado siyang perpect para sa akin," aniya ko sa kaniya.
Yan ang laging sagot ko sa tuwing may lalaki siyang inerereto sa akin.
Saka wala akong panahon sa mga ganiyan period! Gusto kong idadag 'yan pero alam kong hindi niya papansinin 'yun at kung ano-ano ang sasabihin.
Matapos ang oras ko sa Tea Shop ay naghanda na akong umalis. Kinuha ko na ang gamit ko sa locker at nagbihis na rin ako habang mas mahaba pa ang oras ni Angel.
Dahil half-day lang ako at fulltime siya.
"Oh Karlie, uuwi ka na?" Tulad nga nang sinabi ni Angel kanina ay nice na tao si Sir John.
"Ah, opo sir," aniya ko naman nang tipid.
"Bakit hindi muna tayo magkape bago ka umuwi." Nakangiting sabi niya at itinuro ang puwesto sa dulo, kung saan hindi masyadong pansinin pero kaharap ang glass wall na kitang-kita mo kung sino ang mga pumapasok dito sa loob at mga nangyayari sa labas nang Tea Shop.
"Ah, hindi na po sir, bawal po akong ma-late nang uwi, magagalit ang tao sa amin." Palusot ko, makaiwas lang sa kaniyang alok.
"Ganoon ba? Sige, sa susunod na lamang kapag puwede ka na." Napangiwi na lamang ako dahil may kasunod pa pala ang pag-yaya niya sa akin. Ngunit hindi ko pinahakata na napangiwi ako.
"Sige po Sir, mauna na ako." Sabi ko at hindi na siya hinintay na makasagot dahil lumusot na ako sa entrance door, nakaharang kasi siya sa exit door.
Hindi pa ako nakakalayo sa Tea Shop pero may nabangga na agad akong pader.
"Shit!" Hindi pala pader, dahil tao pala.
Muntik na akong matumba pero buti na lamang napahawak ako sa braso nang taong nabangga ko.
"Let me go." tipid at malamig na sambit nang lalaki.
Kaya agad akong bumitaw sa kaniya at sinalubong ang malamig niyang mga mata habang parang nagslow-motion ang paligid ko noong makita ko ang kaniyang mukha.
Ang gandang nilalang shit! Mura ko sa isip ko.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya noong makita niya rin ang mukha ko, sa hindi malamang dahilan, parang nakakita siya nang multo kahit hindi naman.
Nawala ang pagkaslow-motion nang paligid ko noong umismid ang lalaki at tumingin sa ibaba kaya napatingin din ako sa paanan namin.
At doon namin nakita ang basag-basag na cellphone na sa palagay ko ay sa kaniya dahil wala naman akong cellphone na touch screen, keypad lang kasi ang akin.
"What the f*ck, shit!" Sandali siyang natulala doon pero maya-maya pa ay napamura na siya at agad na pinulot ang cellphone niyang basag-basag na.
"What did you do!" Parang kulog ang boses niya kaya napaatras ako sa kinatatayuan ko.
"You! Tingnan mo ang nangyari sa cellphone ko!" Aniya at inilapit pa sa mukha ko ang basag niyang cellphone.
Halata naman siguro ano? Hindi na niya kailangang ipalandakan sa mukha ko.
"Because you are not looking at your path, you bumped into me and broke my important cellphone!"
Tumalsik pa ang laway niya sa mukha ko pero infairness, hindi mabaho ang hininga niya, hindi tulad nang iba na mabaho ang hininga.
"Makasigaw ka naman Sir, sorry naman po, hindi po kasi ako nag-iingat." Nakalabi ako noong sabihin ko 'yon. Ang magandang nilalang sa paningin ko ay parang naging demonyo sa harapan ko.
Guwapo sana, huwag lang ibubuka ang bunganga.
"Maiibalik pa ba ang sorry mo?! Andito pa naman ang lahat nang files ko, at hindi ko pa naiipasa sa sd card." Aniya at tiningnan pa patigilid ang phone niya.
Kinuha ko ang wallet ko at kinuha ko doon ang five-hundred pesos na pera ko, isinuksok ko 'yon sa matigas niyang dibdib at saka ko siya tinalikuran at huli na para magsalita siya dahil nakasakay na ako sa jeep.
Ayos nanaman siguro ang five-hundred pesos para sa cellphone niya, saka wala na akong pambayad sa inupahan kong apartment kung ibibigay ko sa kaniya lahat nang pera ko.
Palawalan niya na muna kung kulang. Pasyensya siya dahil wala na ako sa dating buhay ko noon.
Kung sana ganoon ay baka isang milyon pa ang ibigay ko sa kaniya. Manahimik lang siya.
Pangkain ko sana 'yon sa buong linggo ko pero dahil sa tanga ako ay kailangan kong magbayad. Magtitipid tuloy ako ngayon.
"Para po manong!" Kinatok ko ang bubungan nang jeep at kaagad namang huminto ang sasakyan kaya agad akong nakababa. Hindi alam nang driver, hindi pa pala ako nakakapagbayad nang pamasahe.
Anong magagawa ko? Nasa lalaki na ang pera ko, puntahan niya na lang 'yong lalaki at singilin kapag naalala niyang hindi ako nakapagbayad sa jeep niya.
Nuebe lang naman ang pamasahe kaya may matitira pa sa lalaki kahit singilin siya nang driver.
Naglakad pa ako sa iskinita namin at sumalubong sa akin si Rica, ang isa sa mga batang ina dito sa iskinita namin. Maaga kasi siyang nakapag-asawa sa edad na kinse.
"Red mukhang hinintay ka nang babae doon sa apartment mo, saka kamukha mo, mukhang kapatid mo." sabi niya kaya nawindang ako.
Kamukha ko raw? Ibig sabihin andito siya?
Agad ko siyang nilagpasan at hindi nag-abalang sagutin ang sinabi niya.
Pinuntahan ko kaagad ang apartment ko.
At doon ko nga nakumpirma ang sinasabi ni Rica sa akin. Likod pa lamang niya ay kilala ko na siya.
"Anong ginagawa mo dito?"
Sabi ko 'yon habang malalamig ang tingin ang iginawad ko sa kaniya at doon siya humarap sa akin.
Biglang nanubig ang mga mata niya.
Kung noon ay madali akong nadadala sa mga ganiyanan niya, kuwes ngayon hindi na, matapos niya akong iwan noon, babalik siya ngayon at magdradrama sa harapan ko.
...