Chereads / Ways To Find True Love / Chapter 5 - ~ The Last Step ~

Chapter 5 - ~ The Last Step ~

5. Pagsapit ng alas-tres ng hapon dalhin ang larawan at ang dilaw na kandila sa lugar na nabuo sa isip. Humanap ng isang magandang pwesto para maghintay. Sindihan ang dilaw na kandila at itabi sa larawan.

Katulad ng inaasahan ay traffic ngayon dahil sa rami ng mga magkasintahan na namamasyal. Inaasahan ko na rin na maraming tao ngayon sa lugar na napili ko. Sa isip ko nga lang noong ginawa ko ang apat na procedure ay walang ibang tao kundi ako lang.

Ilang minuto na lang at mag-aalas tres na. Mukhang sasablay nanaman ako sa panghuling procedures. Malapit na rin naman ako kaya nagpasya na akong bumaba ng jeep.

Tumakbo na lamang ako para masigurong bago mag alas tres ay naroon na ako. Hingal akong napahawak sa upuan ng lugar na ito. Halos makaramdam naman ako ng hiya ng makita kung gaano karami ang tao ngayon dito.

"Saan ako pupuwesto rito? Ang daming tao," tanong ko sa isip.

Iginala ko ang paningin at muling tinignan ang oras. Sampung minuto na lang.

Naglakad ako at sa 'di kalayuan ay may nakita akong bakanteng upuan. Sa dami ng tao rito ay ipinagtataka ko kung bakit walang nauupo roon. Nilapitan ko ito, wala naman akong makitang kalat o sira sa upuan na 'to. Naupo ako at muling iginala ang paningin. Lahat ay abala sa kanilang ginagawa. Ang iba ay maririnig mong nagtatawanan, nagkukuwentuhan at ang iba ay palakad-lakad lang.

Isang minuto na lang at alas tres na. Inilabas ko na ang Yellow na kandila at ang litrato. Tumingin nanaman ako sa paligid. Mukha namang walang papansin sa akin dito, kaya itinuloy ko na ang huling dapat gawin.

Sinindihan ko ang kandila at itinabi sa larawan na katabi ko rin lang. Pinagmasdan ko na lamang ang dagat at naghintay.

NAGPASYA na lamang akong umuwi ng maubos ang kandila no'n at walang dumating. Mayroon sa akin ang sinisisi ang sarili ko kung bakit hindi ko nagawang bantayan ang mga kandila noon.

Dalawang araw na rin mula ng gawin ko ang huling procedure. At heto ako naglalakad mag-isa sa lugar na iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit may nag-uudyok sa akin na bumalik doon.

Mula sa malayo ay tanaw ko ang lalaking nakaupo. Ang kanyang mukha ay nakasubsob sa kanyang palad. Hindi ko mawari kung bakit bigla na lamang bumilis ang tibok ng aking puso. Patuloy pa rin ako sa paglalakad at hinihintay na lumingon siya sa gawi ko.

Dalawang upuang kahoy na lang ang layo ko sa kanya ng lumingon nga siya sa gawi ko. Napahinto ako sa paglalakad at tila ba nanigas ang katawan ko sa nakita.