KINAGABIHAN katulad ng gustong mangyari ni Daniel ay magkasabay rin silang umuwi. Hindi iyon alam ni Jenny dahil hindi niya nasabi rito.
"Thank you," aniya nang itigil ni Daniel sa tapat ng bahay nila ang kotse nito.
Tumango lang si Daniel habang nakangiti. "Okay lang, mas mabuti na ang ganito, safe kang nakakauwi," sagot pa ng binata.
Kinilig ng lihim si Ara sa narinig. "Oo nga pala, bukas daanan kita dito ah? Sabay ulit tayong pumasok," nasa tono naman ng binata ang paghingi nito ng pahintulot pero deep inside alam ni Ara na wala siyang kakayahan para tumanggi.
"O-Okay," sagot niyang pinanginigan pa ng tinig.
*****
PAGKATAPOS maghugas ng pinagkainan ay pumasok narin si Ara pa magpahinga. Ramdam niya ang pagod nang mga sandaling iyon. Pero dahil excited siyang magsulat sa kaniyang diary tungkol sa lahat ng magagandang nangyari sa kaniya sa araw na iyon ay mabilis na parang nahugasan ang pagod na nararamdaman ng dalaga.
Mula sa loob ng kaniyang bag ay inilabas ni Ara ang kaniyang diary. Nakaupo na siya sa kanyang study table at binuklat iyon nang matigilan. May nakita siyang nakaipit na sobre na ang design ay rose at gitara.
Agad na kumabog ang dibdib ng dalaga saka kinuha ang sobre.
Love letter?
Ang agad na naglaro sa isipan niya.
Pero kanino naman kaya galing?
Nang maalala niya na ipinahawak nga pala niya kay Daniel kanina ang mga gamit niya dahil nagpunta siya ng CR, agad na nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kilig si Ara. Kunsabagay, kilala niya ang penmanship ni Daniel kaya matutukoy niya ito kung sakali.
Dear Ara,
Hindi na mahalaga kung sino ako.
Ang importante, itong nararamdaman ko para sa iyo na hindi ko alam kung saan nanggaling at kung saan papunta?
Napakaganda mo. At para sa akin ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo ko.
Ingatan mo palagi ang sarili mo. Mahalaga ka sa akin.
Always,
…...
Matapos basahin ang sulat ay salubong ang mga kilay na ibinaba ni Ara ang papel na hawak.
Bigo siyang isipin na magagawa niyang tukuyin ang nagbigay sa kanya niyon dahil computerized ang sulat. Wala ring inilagay na kahit initials lang lang gumawa noon at sa halip at anim na tuldok lang. Dahil doon ay malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ara saka umiiling na ibinalik ang papel sa sobra at saka itinago sa isang magandang kahon na nasa drawer ng kaniyang study table.
"Akala ko pa naman si Daniel ang nagbigay," angal pa niya habang bumubulong na binibuklat ang kaniyang diary.
*****
NANG gabing iyon, katulad nang nagdaang mga gabi, hindi naging madali para kay Daniel ang matulog. Kasama man kasi niya sa loob ng maraming oras si Ara ay hindi parin niya mapigilan ang sarili na mangulila sa dalaga.
Hindi man niya aminin pero alam niya sa sarili niyang unti-unti ay nagiging mas malalim na ang nararamdaman niya para kay Ara at hindi niya iyon maitatanggi. Pero sa kabila ng katotohanan na iyon hindi rin naman niya kayang aminin pa rito ang lahat dahil nga wala siyang lakas ng loob na gawin iyon.
*****
"ANONG nangyari sa'yo at bakit ganyan ang mga mata mo? Hindi ka ba nakatulog agad?" tanong ni Danica kay Daniel kinabukasan habang kumakain sila ng agahan.
Sinulyapan lang ni Daniel ang kapatid niya saka tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain kaya naman hindi na siya nagtaka nang marinig na muli itong nagsalita.
"Daniel? May problema ka ba? Bakit hindi mo masagot ang tanong ko?" ngayon ay may halo nang pag-aalala ang tono ng boses ni Danica.
Natawa siya ng mahina sa sinabing iyon ng nakatatanda niyang kapatid. "Handsome problem," sagot niyang nagkibit pa ng mga balikat.
"Handsome problem?" si Danica na natawa narin. "baka torpe problem," tukso nito sa kanya pagkatapos.
Nangalatak si Daniel saka tuluyang tinapos ang pagkain. "Nagtatanong ka tapos hindi ka naman maniniwala. Kayo talagang mga babae," aniya. "aalis na ako," paalam pa niyang tuloy-tuloy na naglakad palabas ng kabahayan. Nasa parking space na siya at pasakay na ng kaniyang kotse nang marinig ang mgakakasunod na pagtawag sa kaniya ng kapatid niya.
"Hindi ko pa nga pala nasasabi sa'yo, aalis ako. Uuwi ako ng Cebu mamaya mga one-week siguro ako doon," pagbibigay alam sa kaniya ng kapatid niya.
Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Daniel sa narinig. "One week? Saka anong gagawin mo doon?" ang makasunod niyang tanong.
"Bibisitahin ko lang iyong bahay natin doon. Sa isang buwan kasi aalis na ako papuntang New York, gusto kong makasama muna kahit sandali lang ang mga kaibigan ko pati narin ang iba pa nating relatives sa Cebu," paliwanag sa kaniya ni Danica.
Oo nga pala, kamuntik na niyang makalimutan na sa isang buwan na ang alis ni Danica para sumunod sa nanay nila sa New York. Sandaling panahon nalang pala ang pagsasamahan nila ng kapatid niya at maiiwan na siyang mag-isa sa malaking mansyon na iyon. Sa huling naisip ay ay malungkot na nagbuntong-hininga si Daniel na umabot naman sa pandinig ng kapatid niya.
"Ano ka ba, hindi naman magtatagal at pupunta ka narin doon hindi ba? Kung si Mama nga lang ang masusunod gusto niya doon mo ituloy ang pagka-college mo eh," konsola sa kaniya ni Danica sa mabait nitong tono.
Noong umangat ang sulok ng labi ni Daniel para sa isang pilyong ngiti. "Akala ko ba hindi ka assuming? Eh bakit ngayon iniisip mong nalulungkot ako kasi aalis ka?" pambu-bully pa niya dito.
Napailing sa sinabi niyang iyon si Danica. "Sira ulo ka talaga!"
Tumatawang binuksan ni Daniel ang pintuan ng kaniyang kotse. "Joke lang," niya. "Ikumusta mo nalang ako sa mga nandoon," aniyang sumakay na saka nilingon ang backseat kung saan nandoon ang kaniyang gitara.
"Ah, pati ba kay?" ang makahulugang tanong ni Danica habang yakap nito ang sariling mga braso.
"Tsk, moved on na ako sa kanya," ang tanging sinabi niya. "sige na pupuntahan ko pa si Ara," aniyang kinindatan ang kaniyang nakatatandang kapatid bago itinaas ang bintana sa kotse.
Totoo iyon, moved on na siya kay Lilet, matagal na, dahil ngayon bukod sa pamilya niya isang espesyal na babae ang talagang nagiging dahilan ng pagising niya sa bawat umaga, at iyon ay walang iba kundi si Ara. At masaya siya sa lahat ng mayroon silang dalawa.
*****
KATULAD ng mga normal na empleyado, bilang student assistant ay mayroon din naman silang day-off minsan sa isang linggo kung saan wala silang schedule ng duty. At masaya si Ara para sa araw na iyon dahil hindi lang sa libre siya but most especially, same sila ng araw ng rest day ni Daniel.
"Good morning!" si Daniel nang pumarada na sa harapan ng bahay nila ang kotse nito.
"Hello," ang nahihiya niyang sagot saka matamis na nginitian ang gwapong binata.
"Halika na?" anitong umakma pang bababa ng kotse.
Alam ni Ara kung ano ang gagawin ni Daniel kaya mabilis niyang pinigil ang plano nito.
"Huwag ka nang bumaba ng kotse, okay lang," aniya saka na umikot at sumakay sa may gawi ng passenger seat.
"Rest day mo ngayon hindi ba?" ang binata na pinatakbo na ang kotse.
Magkakasunod na tumango si Ara bago sumagot. "Oo, ikaw din di ba?" balik niyang tanong kay Daniel.
"Yeah, anong oras ang out mo? Gusto mo bang tumambay sa roof deck mamaya?" tanong sa kaniya ng binata.
Sa narinig ay mabilis na nakaramdam ng excitement si Ara, kasabay noon ay ang pagbabalik sa isipan niya nang eksena noong makita niyang tumutugtog ng gitara doon si Daniel.
"Oo naman, walang problema," ang walang pagdadalawang isip niyang sagot.