Chereads / Mary The Last Love / Chapter 3 - KABANATA 2

Chapter 3 - KABANATA 2

Isang masigabong palakpak ang umalingaw-ngaw sa buong building ng matapos kong e cut ang ribbon ng aking cafe. May 20 branches ako sa buong Manila, tinawag ko itong Mary's sweet cafe and cakes. Isa ito sa  malaking pangarap ni nanay at sa wakas ay natapos ko narin. Matagal ko na sanang ipapatayo sa america ang ganitong negosyo ngunit mas gusto ko dito dahil ito ang gusto ni nanay.

Dali-daling lumapit sakin si Grace, Ivony at Jessica wala si Erika dahil bukas na ang sa makalawa na ang kanyang kasal at sobrang busy niya.

"Congrats Maey," niyakap ako ng tatlo at napangiti ako.

"Ang saya namin dahil sa wakas natupad narin ang gusto mo," Si Jessica, napayuko sya bigla.

"Kaya lang hindi kami pwede dito ah kasi loyal kami kay sir Clifford eh, hindi namin kayang iwan yong bar niya." naging malungkot ang mukha ng tatlo. I smiled and hug them again. Isa-isa ko silang pinalo sa braso kaya nagtawanan kami ulit.

"Ano ba kayo, hindi ko naman magagawang mang-agaw ng empleyado kaibigan natin yong tao." ngisi ko at nagkangitian ang tatlo.

"Naku tama na nga yan, may pagkain sa loob oh kain na tayo." anyaya naman ni Jessica na tila gutom na gutom na. Marahan silang pumasok sa loob at humatak sa pagkain na nakahain sa mahabang mesa. Ngayong araw na ito ay libre lahat ng pagkain sa iilang shop ko. Mula sa cakes and Milktea. Nakangiti akong nanunuod sa mga iilang customer na labas pasok at panay congrats sakin. Sobrang lawak ng cafe ko at sinadya ko talaga ito para hindi mag kabangga-bangga ang mga customer namin.

Sobrang sarap sa pakiramdam. Wala akong masyadong kaibigan at kilala kaya tanging mga kasamahan ko lang noon sa bar ang ininvite ko at ang tatlo kong kaibigan.

Napadpad ang tingin ko sa main door ng shop, lumapad ang ngiti ko dahil dumating si Venus at Clark. Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Sis congrats, ang bongga ng cafe mo. Halos traffic doon sa kabilang highway dahil puno at nagsiksikan ang mga tao." wika niyang nakangisi. Napahawak ako saking noo habang ngumingiwi, mukhang malaking problema ito. "Oh see stress ka agad, dont worry huwag kang mag-alala ganyan talaga dito lalo na't sobrang uso ng milktea ngayon and good thing ito ang naisip mo. Ang talino mo talaga mana ka sakin!" nagtawanan kami ni Venus, maging si Clark ay natawa sa sinabi ng kanyang girlfriend.

Naging busy sa cafe, nag-usap narin kami nia Venus at hindi makakapunta si daddy dahil hindi parin ito nakakalakad ng maayos ngunit malakas parin ang katawan niya. Busy ang lahat dahil sa libreng pa milktea, kanina pa ako nakatingin saking phone dahil hindi pa nakakarating si Rocky. Sabi niya sakin ay susubukan niyang makakahabol sa opening ng aking mga cafe ngunit hindi niya nagawa, may importante syang pinunta at hindi ko na iyon tinanong pa. Malaki ang tiwala ko sa kanya at hindi ako nagsisisi sa pinagsamahan namin.

"Mary," napalingon ako bigla kay Clark, tumabi sya sakin at umabot ng iilang cookies sa mesa. Nasa dessert area kasi ako para tignan kong meron pang nakadisplay at marami-rami pa naman. "I am happy for you, I remember our last conversation when you were still a waitress. Sobrang bless mo Mary!" ngiti niya sakin ngayon, napatitig ako kay Clark hindi ipagkakaila na may kaunti silang kahawig ni Matteo, well magkapatid naman sila.

"Thanks Clark, thank you sa pagpunta. Masaya rin ako para sainyo ng kapatid ko. I hope sa church na talaga ang tuloyan niyan." nagtawan kaming dalawa sa sinabi ko. Napakati sya sya kanyang batok.

"Sana Mary, sana umabot talaga sa simbahan. Gustong-gusto ko ng pakasalan ang kapatid mo kaya lang hindi pa sya ready." ramdam ko ang pangangamba ni Clark. I grabbed his arm at tinapik iyon.

"Huwag mong madaliin ang lahat, mas maganda yong dahan-dahan! Tiwala lang sa process ng tadhana sainyo." ngiti ko, napailing sya habang nakangiti. Kumunot ang noo ko dahil napatitig sya sakin.

"I thought you and Matteo would stay strong together, naaalala ko lang kong pano ka niya protektahan noon. Napakabaliw ng kapatid kong iyon. Mahal na mahal ka Mary, siguro hanggang ngayon." lumuwal ang mata ko sa sinabi niya. He laugh softly! "Sorry Mary naka move on ka na pala. I respect Rocky at suportado ako para sainyo. Sorry for my words" napakati si Clark sa kanyang batok, hindi ko manlang magawang sumagot ngayon.

"Ikaw talaga," biglang dumating si Venus at pinalo sya sa may braso. "Sabi ko naman kasi sayo huwag munang e mention yang kapatid mo kay Mary, maaalala lang lahat eh. Ikaw talaga babe hmhmh." kinurot ni Venus and tagiliran ni Clark, I find them cute at hindi ko maiwasang matawa.

"Mary?" sabay kaming napalingon sa papalapit na si Rocky. Biglang lumapad ang ngiti ko, napahawak ako saking dibdib. Sobrang kalbog ng puso ko ng makita si Rocky.

"Oh ayan na..." bulong sakin ni Venus na nakangiti. Bumalik ang diwa ko ng sinalubong niya si Rocky. "Hi Rocky, buti nakaabot ka pa." nakipag beso-beso si Venus kay Rocky at nakigpag shake hands naman si Clark kay Rocky. "Hindi na kami magtatagal sis, kailangan na naming umalis." lumapit sakin si Venus at hinalikan ako sa pisnge. "Thank you sa foods ang tea, na enjoy ko." wika niyang nakangiti. Lumapit sya lalo sakin at may binulong. "Sobrang gwapo talaga ni Rocky, huwag munang pakawalan sis baka maagaw ko pa." nanlaki ang mata ko sa dugtong niya. Nagtawanan kaming dalawa kay napalingon samin si Rocky at Clark na ngayon ay nag-uusap.

Naunang umalis si Clark at Venus. Napatitig ako kay Rocky na ngayon ay isa-isang tinikman ang variety namin sa menu.

"Masarap lahat ahh, pasok sa panlasa. I like it babe!" sumulyap sya sakin ngayon habang sinisipsip ang isang milktea. Napakagat ako saking labi, ang gwapo ni Rocky habang ginagawa iyon. "Mary are you okay?" bumalik ang diwa ko ng tinawag niya ako. Napailing ako!

"Sorry babe may sinasabi ka?" sagot ko. Bahagya syang nag taas ng kilay sakin. Tumayo sya at tumabi sakin, nagulat ako dahil hinawakan niya ang pisnge ko, hinila niya ako at hinalikan sa labi. Napatulala ako sa ginawa niya, isang mababaw na halik ngunit nanigas ako.

"Ayan bumabalik na ba ang diwa mo?" ngisi niyang may pang-aasar. Napaiwas ako ng tingin.

"Im sorry babe, napagod lang siguro ako." narinig ko ang buntong hininga ni Rocky, inabot niya ang kamay ko at hinalikan niya iyon pagkatapos ay hinilot-hilot ang aking dalawang palad. Napapikit ako sa ginawa niya.

"Ayan naging okay ba ang pakiramdam mo?" tanong niyang ikintango ko. Ang sarap nga sa pakiramdam. "Mas mabuti pa ay ihatid na kita sa condo mo. Kailangan munang magpahinga, ang management titles nalang ang bahala dito sa lahat." sumang ayon ako sa gusto ni Rocky.

Mag gagabi na kasi kaya isa-isa nang umuwi ang lahat. Kanina pa nakauwi ang tatlo kong kaibigan. Hinatid ako ni Rocky sa condo at ganon parin hindi na ako nagpapasama sa loob dahil alam kong pagod din sya buong araw.

Naging tahimik kami sa loob ng kotse.

"Mary?" napalingon sya sakin, inabot niya ang kamay ko. "Mahigit isang taon na tayo pero hindi ko parin maramdaman ang halik mo," napabuntong hininga sya pagkatapos sabihin iyon, napayuko ako. I dont know pero bigla akong nahiya kay Rocky.

"Rocky nagsisisi ka ba na minahal mo ako?" sa sinabi ko ay bigla syang napamura. Marahan syang umusog at hinawakan ang aking kamay.

"Mary huwag mong sabihin yan, wala akong pinagsisihan sa lahat. Hindi ako nagrereklamo kong ano ang kaya mong ibigay sakin. Tanggap kita Mary at minahal kita ng buong-buo." isa-isang tumulo ang luha ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Hindi naman nagkulang sakin si Rocky bakit hindi ko sya magawang pagbigyan, pero natatakot ako.

"Halikan mo ako," suhestyon ko, marahan syang natahimik at kunot noo. "Kiss me now Rocky," ulit ko, napailing sya ng ilang ulit. Napabuntong hininga ako at hinila ang kanyang labi at siniil sya ng halik. Bawat halik na ibinibigay ko sa kanya ay totoo, bawat kagat ko sa kanyang labi ay may pagmamahal.

Humiwalay ako sa halikan naming dalawa, hinawakan niya ang magkabila kong pisnge.

"Thannk you, kalimutan muna ang sinabi ko. Sorry Mary!" napangiti ako sa sinabi ni Rocky, napagdesyonan kong pumasok na saking condo.

Pahiga na ako sa kama ng biglang tumunog ang aking phone, inabot ko iyon sa gilid ng aking kama at tumambad sakin ang pangalan ni Venus.

"Venus napatawag ka?" kinabahan ako bigla. Napasulyap ako sa orasan at kaka'9pm palang.

"Sis nandito kami sa labas ng condo mo, sumama ka samin sa kabilang bar. Mag cici'lebrate lang tayo sandali." nanlaki ang mata ko sa saad niya. Napakati ako saking noo.

"Venus pahiga na ako sa kama, baka pwede kayo nalang?" natawa sya sa kabilang linya.

"Sis pano kami mag ci'celebrate eh wala ka. Tsaka hinahanap ka ni Clifford at Robi, baka nga pati si Matteo." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Venus, rinig na rinig ko ang maliit niyang tawa sa kabilang linya. "Ngayon lang naman ito, baka pwede mo naman akong pagbigyan oh?"

"Sira ka talaga Venus," tawa ko napabuntong hininga ako at marahan bumaba sa kama. "Sige mauna na kayo dun, susunod nalang ako. Magbibihis pa kasi ako." binaba ko ang linya pagkatapos magpaalam ni Venus. Dali-dali akong nagbihis. Suot ang kulay gray na sleeveless na may glitters sa buong paligid at blue jeans na pinarisan ko ng itim na high heels. Panigurado akong mag rereflect ang damit ko sa lights mamaya.

Matapos kong e text si Rocky at nag paalam ako ay tumungo agad ako sa isang bar na sinabi ni Venus. Malawak ito at rinig na rinig ko ang musika mula sa loob. Pagpasok ko ay agad kong nakita si Venus dahil kumakaway ito sakin. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Oh Mary buti nalang at nandito ka, congratulations sa mga bago mong cafe." napatayo si Robi at sinalubong ako ng halik sa pisnge. Sumulyap ako sa kabila at nakangiti ng kumakaway sakin si Clifford.

"Clifford," lumapit ako sa kanya at nakipag beso.

"You look stunning tonight, Mary. Congratulations. Masaya kami para sayo." pagkatapos niyang sabihin iyon ay itinaas niya ang kanyang hawak na alak.

Tumabi ako sa kanya.

"Balita ko ay ikakasal kana?" natawa si Clifford at lumagok ng alak.

"Totoo nga talaga ang balita, Mary. Kahit nga ako ay hindi ko alam na ikakasal na pala ako." tumawa ulit sya at lumagok ng alak. Naramdaman kong hinawakan ni Robi ang aking braso.

"Huwag munang tanongin si Clifford tungkol dyan, baka maiyak pa yan." halakhak ni Robi, napailing ako sa tawa bago nilipat ang tingin kay Clifford. Naalala ko lang bigla, noon boss ko pa sya ngayon naging parte na ako ng grupo ng kaibigan nila.

"Sis uminom ka," inilahad sakin ni Venus ang isang hrad drink. Napailing ako, this is to hard. Umiling ako habang kinakaway ang kamay. "Bawal tumanggi ngayon sis, nag ci'celebrate tayo para sa success ng opening ng cafe mo." sumasayaw pa si Venus habang pinipilit ako.

Kalaunan ay tinanggap ko iyon at ininom. Natawa si Venus na para bang proud sya na tinanggap ko ang alak. Nagkatuwaan ang lahat at kanya-kanyang lagok ng alak. Hindi ko nalang namalayan na nakakilang baso narin ako ng alak.

Napapikit ako at sobrang busy na ng iba sa dancefloor. Si Robi na ngayon ay may katabi ng babae at si Clifford na lumalagok ng alak. Si Venus at Clark na naghahalikan sa kabilang coach. Napailing ako sa tawa at hindi ko na kilala ang ibang kaibigan nila.

Tinignan ko ang aking phone at wala manlang response si Rocky sa text ko. Ibinalik ko iyon saking sling bag.

"Eyyyy nandyan na pala si Matteo," mabilis akong napalingon sa sinabi ni Robi. I adjusted my seating at humarap kina Venus, nahuli ko ang pagtawa ni Venus kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Hey dude, kumusta ang lakad? Okay na ba? Buti nalang at nakaabot ka pa sa inumin." Si Clifford at panay tingin sakin nito. Bakit nakatingin sila sakin? Kitang-kita sa gilid ng mata ko ang pagtabi niya kay Clifford.

"Naging busy lang ako this past few days," malalim na sagot ni Matteo.

"Busy saan? Sa bago mong chix?" si robi na umalingaw-ngaw ang tawa. Pasikreto akong sumulyap sa kanilang tatlo at nakatingin na sakin si Matteo. Umiwas agad ako ng tingin. Nagtama ang mata namin ni Venus kaya natawa sya sa nakita.

"Venus bakit sya nandito?" usal ko bago umirap.

"Hey sis relax, akala ko ba ay nakapag move on kana? Baka nakalimutan mong he is a friend of our friends." sagot niya na may tawa. Napadpad ang tingin ko kay Clark na ngayon ay nakangiti na sakin.

"I can't afford to stay here, lest Rocky find out." sagot ko at padabog na sumandal sa backrest ng coach. Narinig ko pa ang pagtawa ni Venus.

"Oh Mary, inom ka muna!?" naglahad ng basong alak si Robi, nagtama ang mga mata namin ni Matteo at walang ekspresyon niya akong tingnan. Tinanggap ko iyon ng walang pag alinlangan. "Yun... lets celebrate!" cheer sakin ni Robi na may palakpak. "How about you dude? Oh its your turn." umiwas ako ng tingin at ibinalik ang tingin kay Venus na ngayon ay busy kay Clark. Wala akong nagawa kundi humarap nalang sa mahabang mesa habang nilalaruan ang sling bag.

"Fuck you Robi. I dont drink alcohol anymore, I prefer this." nagtawanan silang lahat. Maging si Venus ay maarteng natatawa sakin. Kumunot ang noo ko at hindi ko magawang lumingon sa direksyon ni Matteo, Im stuck and this is so shit.

"What's that?" natatawang tanong ni Clifford. Umalingaw-ngaw ang tawa nila saking tenga.

"Oh my gosh, diba yan ang milktea ni Mary?" turo ni Venus sa hawak nu Matteo. Dahan-dahan akong humarap sa kanya at napadpad ang tingin ko sa hawak niyang milktea.

"Yan ba yon?" si Clifford na ngayon ay nakatingin sakin sabay turo sa hawak ni Matteo. Hindi ako sumagot!

"Hmhmmhm how sweet I think Matteo really like it." maarteng sambit ni Venus at sakin nakatingin. Taas kilay ko syang sinamaan ng tingin.

"Yahh its delicious, but maybe the owner is also delicious." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Matteo. Nagtawanan silang lahat habang ako ay napahilot saking ilong. Naiinis ako sa sinasabi ni Matteo ngayon!

"Nakakatawa, my gosh." maarteng rekasyon ni Venus. "Oh my God....alis muna tayo dito Clark, lets dance on the dance floor." hinila ni Venus si Clark paalis saming grupo.

"Oh mukhang nandyan na ang girlfriend ko sa labas, sunduin ko muna ahh." si Robi na ngayon ay dali-daling umalis rin. Nakaramdam ako nang pagkakailang ngayon.

"Mary and Matteo, restroom muna ako saglit." si Clifford at dali-daling tumayo at umalis rin. Nag taas ako ng kilay nang magtagpo ang mga mata namin ni Matteo. Tumagilid ako!

Ilang segundo kaming natahimik at alam kong nakatitig sakin ngayon si Matteo.

"Congrats on your new cafe, Mary." napalingon ako sa una niyang salita.

"Thanks," sagot kong ikli.

"You are my favorite now," mabilis ko syang nilingon. Sinamaan ko sya ng tingin!

"Excuse me? Anong sabi?" sambit ko at gusto kong iklaro yong narinig ko, dahil sa malakas na tugtog sa dance floor.

"Did I say something?" ngiti niya sakin at head to toe akong tinignan. Umismid ako at nag-iwas ng tingin. "Ahhh itong hawak kong tea? Sinasabi ko lang na ito na ang paborito ko." dugtong niya, hindi ko sya nilingon. "Did your boyfriend know you were here?" marahan ko syang sinulyapan sa tanong niya.

"He knew and he allowed me. Why?" pabara kong tanong. Nakanumber 4 syang nakaupo ngayon habang nasa bibig niya ang ang straw ng tea, at kanina pa sipsip ng sipsip. Its annoying!

"Okay just asking, dont be mad." sagot niyang nakangiti. Inayos ko ang aking upo at humarap sa mesa, nasa gilid sya sakin ngayon at may distansya. Natahimik ulit kaming dalawa. "Mary how are you? You look better now, mas lalo kang gumanda." mabilis akong napalingon sa kanya na ngayon ay nakatitig sa dance floor. Ang mahaba niyang ilong ay nag rereflect sa lights kahit dame ang buong paligid.

"I'm with the right person, thats why. Rocky loves to take care of me properly." sagot kong ngiti. Hindi niya magawang tignan ngayon na para bang may iniisip na malalim.

"Okay, its better that way. Masaya ako para sayo." natahimik ako sa ssgot niya. Dahan-dahan syang napatingin sakin, naglaban kami ng titig. "I missed you Mary!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, mabilis akong tumayo at hinarap syang nakakuyom ang dalawang kamao.

"Hey babe," sabay kaming napalingon sa babaeng palapit samin, dali-dali syang umupo sa hita ni Matteo at siniil ito ng halik. Umiwas ako ng tingin, napahawak ako saking buhok at dali-daling umalis.

May galit akong naglakad at sumulong sa dagat ng dance floor. Kuyom parin ang dalawa kong kamao. Napahinto ako at napaatras ng mauntog ang noo ko sa isang matigas na bisig. Napahimas ako saking noo at dahan-dahan itinaas ang aking noo, tumambad sakin si Rocky na sobrang lalim ng tingin.