Chereads / Mary The Last Love / Chapter 7 - KABANATA 6

Chapter 7 - KABANATA 6

Matteo Point of View

Ngiting tagumpay akong lumabas ng bar. Nag sindi ako ng sigarilyo upang makalma ang sarili. Hindi ko alam kong bakit tumikim ako sa ganitong bagay kong alam na alam ko naman sa sarili ko na bawal ako sa sigarilyo. Gusto ko lang humithit at magpalamig ng aking lalamunan

I looked all around while exhaling cigarette smoke. I can't quite imagine that I'm sick right now and I'm just neglecting myself. Pinapabyaan ko na ang aking sarili dahil sa puso kong wasak ng ilang taon. Until now ay iniisip ko pa rin ang huling sinabi ni mommy.

~Flashback~

Dapat susunduin ko si Mary sa bar ngunit hindi ko nagawa dahil biglang may emergency sa bahay. Pinaghintay ko sya at sobrang sakit para sakin na mahati ang aking isipan at puso ngayon.  Tumawag sakin si daddy at inatake si mommy sa puso. Dali-dali akong nagtungo sa bahay namin na may kaba at pangangamba. Pagdating ko ay naabotan ko si Venus na umiiyak sa gilid ni mommy, habang si mommy ay nakahiga at may oxygen sa ilong. Dahan-dahan akong lumapit ng mapalingon sila sakin lahat.

"Matteo," si Venus habang humagulgol. Tumabi ako sa gilid ng kama ni mommy. Halos hinang-hina na sya at hinahabol ang kanyang hininga.

"Anak," saad niya at hinawakan ko ang kanyang kamay. Gusto kong maluha ngayon at hindi ko magawa, iniisip ko si Mary.

"Mom Im sorry," iyon lang ang tangi kong nasabi. Napluha si mommy at hinawakan ang aking pisnge.

"Matteo sana sa huli kong hininga ay pagbigyan mo ako, anak. Please hiwalayan mo ang babaeng waitress na iyon, hindi mo sya deserve anak." kuyom ang kamao ko sa galit, hindi kay mommy kundi saking sarili. Now my few tears dripped down. Nakakabading pero shit ang sakit. Mommy said that I should stay away from Mary, this is so very sick, ang sakit. "Anak, hindi ko na kaya at mukhang hanggang dito nalang ang huli nating pag-uusap. Anak, mahal na mahal ka ni mommy." napayuko ako at mas lalong napaiyak. Niyakap ko ang  kamay ni mommy. Ramdam na ramdam ko ang hirap niya sa paghinga, ayaw niyang magpadala sa hospital dahil alam niya sa sarili niya na hindi na niya kaya.

Unti-unting pumikit si mommy sabay ng pagsigaw ni Venus. Umalis ako sa kwarto at tumungo sa lobby, doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ngayon.

"Matteo," napalingon ako saking likuran. Namamaga ang mga mata ni Venus, umiwas ako ng tingin. "Kailangan nating sundin ang mommy mo, ang sabi niya sakin ipagpatuloy natin ang kasal." natawa ako sa sinabi ni Venus at hindi ko ginawa iyon, bagkus nadala ako sa galit at sakit at gusto ko ng sundin ang gusto ni mommy.

Hindi ako halos makabangon sa kama, hindi ko magawang kumain. Naalimpungatan nalang ako ng biglang tumunog ang aking phone. Agaran ko yong binuksan sabay ng pag laglag ng aking panga. Sinubukan kong tawagan ang numero ngunit hindi na ito ma contact. Bakit may ganoong larawan si Mary kasama ang isang lalaki sa isang kama. Nakapatong sya sa lalaki habang hubo't hubad ito.

Buong akala ko ay matino at seryoso sakin si Mary, buong akala ko lang pala. Sobrang sakit dahil kahit sang anggulo ng katawan at mukha ay si Mary talaga.

~End of Flashback~

Habang iniisip ko yon ay sobrang sakit. Sa mga panahong iyon ay ayaw ko sanang gawin ngunit nagulat nalang ako na nasa kwarto ko si Venus. Kaliligo niya lang galing sa shower ko, kaya wala akong nagawa kundi hayaan sya sa kabaliwan niya. Wala na akong pakialam sa nakapalibot sakin dahil sobra akong nasaktan noon. Hindi ko lubos maisip na pinasundo niya si Mary sa bar upang masaksihan ni Mary kong anong nangyayari sa loob ng kwarto ko. Sobrang pinagsisihan ko ang araw na iyon, dahil nadala ako sa galit at sakit. Nag sisisi ako na sinabayan ko si Venus sa kabaliwan niyang iyon. Sobrang nasaktan ako sa larawan at halos hindi ako makapaniwala sa lahat dahil sabi ng puso ko hindi si Mary iyon, pero sabi ng isip ko, madalang gawin niya iyon dahil sa bar sya nagtatrabaho.

Umalis si Mary at hinanap ko, maging ang dalawa kong pinsan ay hindi mahanap si Mary. Sinubukan kong pumunta sa Gregoria at naabotan ko ang ante at ninong ni Mary doon, lalo na ang bestfriend niyang si Becky. Maging sila ay walang alam kong nasan si Mary. Sobrang nalungkot ako ng wala na akong naabotan na bahay ni Mary. Ang bahay nila na puro abo at usok nalang. Ang sabi ng mga tao roon, ay pinagtripan ng mga tambay ang bahay nila. Sobrang sakit para sakin dahil alam na alam kong nasasaktan ngayon si Mary.

Ilang buwan ang dumaan ay patuloy parin ang paghahanap ko kay Mary. Halos hindi ko na maalagaan ang aking sarili. Halos hindi ko na maatupag ang kompanya ko dahil naging busy ako sa kakahanap kay Mary. Araw-araw akong nagsisisi dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin sya nakakausap tungkol sa larawan na iyon, gusto ko lang iklaro ang lahat. Pero sabi ng puso ko no need dahil hinding-hindi iyon magagawa ni Mary.

Hanggang sa umabot ng dalawang taon ay nanghihina na ako sa kakahanap sa kanya. Ginawa ko na ang paraan at araw-araw kong pinapahanap sa aking mga taohan kong nasang lupalop si Mary. Dahil sa aking kahinaan ay hinayaan ko si Venus na palagi akong dinidisturbo, hinahayaan ko syang magmukhang kabote sa kakasunod sakin dahil nawawalan narin ako ng pag-asa.

Bumalik ako sa Gregoria at nagbabasakaling bumalik si Mary roon, pero bigo parin ako dahil walang Mary ang nahanap ko don. Sa aking pagbisita dun ay laking gulat ko sa ikinwento ni Becky. May habilin si Mommy sa lugar na iyon bago sya nawala, ang bilhin ang lupain ng Gregoria. Inis na inis ako at hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Nahihiya ako sa pamilya ni Mary kaya ginawan ko ng paraan ibalik ang lupa nila at masaya akong pumayag ang kapitan na ibalik sa kanila ang lupa. Walang ka alam-alam si daddy at minabuti kong itago ang mga papelis na iyon.

Hanggang umabot ng tatlong taon pa hina ako ng pahina. Doon ko nalang na diskobrehan ang aking sakit. Nagkaroon ako ng cancer dahil sa hindi ako halos mainitan ng araw at babad ang katawan sa trabaho sa loob ng opisina. Itinago ko iyon ngunit sa palaging sunod sakin ni Venus ay nahuli niya ako, sa tuwing nahohospital ako ay sya ang nag-aalaga sakin at hinahayaan ko lang sya sa ginagawa niya. Huli ng sinabi sakin ni daddy na nasa dugo na namin ang cancer sa balat, at ako ang natamaan ng sakit na iyon.

Hanggang sa umabot ang oras at panahon na napagod sakin si Venus at mas piniling sumama kay Clark na hanggang ngayon ay patay na patay sa kanya. Masaya ako para kay Venus at sa huli ay narealize niyang mas deserve niyang sumaya at deserved niya ring alagaan at mahalin. Ang palagi niyang sinasabi sakin noon, may hangganan ang katangahan. Hinayaan ko sya sa kapatid ko dahil simula noon pa ay alam kong nagugulohan lang si Venus sa nararamdaman niya, dahil alam niyang kay Clark niya mararamdaman ang kanyang pagkababae at saya.

Hanggang sa dumating ang pinakahihintay kong araw. Nong bumalik si Mary ay abot langit ang aking ngiti, ang aking puso ay araw-araw masigla. Parang feeling ko ay biglang naglaho ang aking sakit. Sa pagbalik ni Mary ay hindi ko lubos akalain na may plano si Venus na pagalitin at paselosin si Mary, huli niyang sinabi sakin lahat na kapatid niya si Mary sa ama. Nong una gulat ako, pero naging normal lang sakin ang lahat. Sobrang liit ng mundo at dito pa talaga sa Manila matatagpuan ni Mary ang kanyang pamilya.

Hinayaan ko ulit si Venus at wala akong pakialam kong sunod sya ng sunod sakin dahil alam ko naman na mahal niya si Clark, at alam din ni Clark lahat ng kabaliwan ng girlfriend niya. Naging focus ako kay Mary sa lahat ng bagay.

Hanggang sa nalaman kong magkasama sila ni Rocky sa america. Dun bumabalik saking isipan ang lahat, pati na ang larawan. Gumugulo saking isipan na baka si Rocky iyon kaya sila lumayong dalawa at nagtanan. Pero hindi, sabi ng puso ko kailangan mong ayosin lahat ito. Dahil nawala sayo si Mary sa maliit na bagay, naghiwalay kayo ni Mary na kahit ni isang eksplenasyon ay hindi ko sinabi sa kanya kong bakit ganon lang kadali sakin na mawala at hiwalayan sya.

Ang tanga-tanga ko. I let my loved one lose me. I let her get hurt and I didn't fight back. I want to prove myself wrong everything I think about Mary and Rocky. I like to think that Rocky really loved Mary as a friend. But I was wrong, Rocky loved Mary more than a friend and I had to make a way for Mary to just come back to me. Sinuyo ko si Mary, ginawa ko ang lahat, gusto kong mag explain sq kanya at sabihin sa kanya ang lahat ng nangyari pero hindi niya ako magawang pakinngan. Mas pinairal niya ang kanyang galit sakin.

Ginawa ko ang lahat, I did my best but my best wasn't good enough for her. Nong malaman kong naging sila dahil nagpursige si Rocky na makuha ang puso ni Mary ay bumalik ulit ako sa pagiging isang Matteo na babaero. Halos lahat ng babaeng gusto akong tabihan ay tinitikman ko, lahat ng mga babaeng mayayaman ay hindi ko pinapalagpas. Naging mahina ako at nawalan ng pag-asa. Ginawa ko ang lahat para makalimutan si Mary pero hindi ko magawa.

Itinakbo ulit ako sa hospital dahil biglang uminit ang aking buong katawan. Halos sunog na ang likod ko at dahan-dahan ng natatabunan ang aking mga balat na kulay sunog.  Halos gusto ko ng taposin ang aking buhay, pero bumabalik lang sa aking diwa na si Mary ang buhay ko at kailangan kong lumaban mabawi lang ang taong mahal ko. Sinunod ko ang aking mga gamot at treatment ng sa ganon ay mapigilan ko ang pagkalat ng kulay sunog saking katawan. Laking pasalamat ko dahil nasa likod lang iyon at hindi kumalat saking mukha hanggang leeg. Inayos ko lahat ng request ni Mary para sa mga gagamitin niyang supplies sa kanyang cafe, alam kong ginagawa niya lang iyon para pagalitin at landiin ako para pagkatapos ay iwan ako ng luhaan ulit. Pero nabigo si Mary dahil sinabayan ko ang sweet revenge niya, sino ba namang hindi papatol sa gusto niyang mangyari kong patay na patay ako sa kanya. Kong sa kanya ay laro lang ang lahat, ang landiin ako at

Lagi kong pinapasundan si Mary at Rocky dahil gusto kong makasigurado kong masaya si Mary sa bisig ni Rocky. Sabi ng aking mga taohan ay palaging umaalis si Rocky dahil may inaatupag itong trabaho hindi ako naniwala at pinapasundan ko sya, kakaiba ang kutob ko. I ordered my men to check Rocky's background and I was right, he was hiding something from all of us. He is keeping a secret from Mary. Kaya kong malaman ko ay nabigyan ako ng chance na bawiin si Mary at hinihintay ko nalang ang darating na kasal ni Erika, isang taon akong nag pagaling at umiwas sa kanila. Tiniis ko ang selos at sakit para hindi kumalat ang sakit na ito, para mabigyan ako ng lakas na mabawi ang taong mahal ko hanggang sa kahuli-hulihan kong hininga.

Napatitig ako sa babaeng kasama ko ngayon, sana ay mapatawad niya ako sa ginawa ko. Alam kong masama at sobrang mali itong ginawa ko, pero sya lang din naman ang may gusto ng lahat ng ito. Gusto niya lang ng aliw sa buhay, kaya binigay ko ang gusto niya. Walang nangyayari samin, gusto niya lang maranasan magkaroon ng boyfriend na tulad ko.

"Love okay na kaya ito?" si Daisy na nakangiti sakin ngayon. Tumango ako habang nakatitig sa hawak niyang high heels.

"Piliin mo yong san ka komportable, yong hindi ka masasaktan." tanging naisagot ko at napasimangot sya. Niyakap niya ang heels ng panandalian at ibinalik iyon sa pwesto kong san niya kinuha.

"Thanks love, tama ka. Hahanap nalang ako ng iba, yong hindi masyadong mataas so that I can grab the flower easily. Malay mo ako ang makakasalo sa boquet na itatapon ni Erika." humagik-ik sya sa harap ko ngayon na tila kinikilig. Napailing ako at natawa.

Lumabas ako sa saglit dahil natatawa ako saking sarili habang kaharap ang iilang heels sa loob. Napasandal ako sa salamin habang nakapamulsa. I can't quite imagine that I'm here in a mall and accompanying the fake girlfriend to shop for her stuff. I was angry with myself because I hadn't done this to Mary before, yung feeling na she went shopping with me at sasamahan syang mamili nang kong ano-ano.

"Love, I already choose sandals. Lets go!" mabilis akong napsulyap kay Daisy na ngayon ay bitbit ang iilang paper bags na naglalaman ng mga sandals. Ipinulupot niya ang kanyang kamay saking braso na may  ngiti.

"I thought it was one? But seems like you bought everything huh?" usisa kong taas kilay. Natawa sya sa sinabi ko at maarteng humalukipkip saking braso.

"Oh my gosh...they are here!" dali-daling lumapit si Daisy sa papalapit samin. Naki pag beso-beso sya sa dalawa. Marahan akong lumapit sa kanila.

"Hey dude," nakipag shake hands sya sakin. "Daisy was very lucky and you accompanied her, buti at hindi ka nainip sa kakahintay nito." saad niya sakin at nagtawanan sila.

"Wala akong nagawa, napilitan lang din ako." mabilis lumingon sakin si Daisy na halos lumuwal ang mata. Mahina akong natawa at ganon din ang dalawa. Ibinaling ko ang aking tingin sa kasama niyang babae. "Pwede ka bang makausap sandali?" suhestyon ko at nagkatinginan silang tatlo. Tinignan ko si Daisy at tumango lang ito.

Nauna akong naglakad at ramdam ko ang pag sunod niya. Tumungo kami sa malawak na pwesto at hinarap ko sya.

"Ano na ang balak mo?" tanong niya, napabuntong hininga ako.

"Gaya ng sabi ko, ako na ang bahala sa lahat. Ang kailangan mo lang ay magtiwala sakin." sagot ko at napabuntong hininga rin sya.

"Isang taon ko rin itong itinago sa kanya, gustong-gusto ko ng sabihin ngunit ayaw kong masira ang plano mo. Hahayaan kita Matteo, basta siguradohin mong hindi masasaktan si Mary. Naniniwala ako sayo at noon paman alam kong hindi ka sumuko sa kanya para bagohin at ayosin ang nagawa mong gulo!" salaysay niya. May ngiti saking labi ngayon, at bukas na bukas ay mangyayari na iyon.

"Leave it all to me, Erika. I will do everything for your friend." saad kong may tagumpay. Bilib ako kay Erika dahil nagawa niyang itikom ang kanyang bibig. Simula nong malaman ko ang lahat tungkol kay Rocky ay ako rin mismo ang unang sinabihan ni Erika sa nakita niya, hindi niya alam na may alam narin ako tungkol don. Pinigilan ko sya at ginawa niya naman, dahil alam niya sa sarili niya na dadaan sa proseso ang lahat!