Chereads / Gentle Ferocious / Chapter 2 - Simula

Chapter 2 - Simula

Simula

Sabi nila, kapag kambal, magkapareho na. Sabi nila, kapag kambal, magkaugali na. May iba rin na nagsasabi na kapag kambal, magkaiba, magkasalungat, at hindi magkasundo. Sabi pa nila, kapag kambal, pareho ang trato na matatanggap. Pero parang hindi yata.

Dahil sa bawat anak, kambal man o hindi, mayroong special treatment. Mayroong lamang. Mayroong sobrang lamang at mayroong napapansin lang sa tuwing may maling nagagawa. At isa ako sa libo-libong bata na napapansin lamang sa tuwing may maling nagagawa.

Sa aming dalawa, ako ang palaging mali. Sya ang palaging tama. Sa aming dalawa, ako ang masama at sya ang mabuti. Sa aming dalawa, ako ang ayaw at sya ang paborito.

It sucks, right? I know. Iyong tipong magkambal kayo pero isa lang ang paborito. Iyong tipong anak ka rin nila pero mali lang ang nakikita sayo. Iyong tipong mas marami kang nagawa na tama pero mali pa rin ang nakita nila. Mali. Palaging mali.

Pagpasok ko pa lang sa bahay ay naramdaman ko na agad ang bagsik ng aura ni Mama. Pero hindi nagbago ang ekspresyon ng aking mukha. Inaasahan ko naman na ito.

Tamad akong naglakad palapit sa sofa at tsaka naupo. Habang ang kambal ko naman ay dumeretso kina Mama at humalik. Pasimple akong napangiwi. Lalo nang makita ko ang pagpungay ng mata ni Mama. Sapilitan na lang akong ngumiti.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na bumait ka naman na!" Singhal ni Mama.

Napasulyap ako sa kambal ko pero nag-iwas lang sya ng tingin. Ganito madalas ang eksena. Iyong uuwi ka galing sa eskwelahan, pagod pero bubulyawan ka pa rin.

"Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo!? Bakit hindi mo na lang gayahin ang kambal mo na mabait! You are disgracing us!" Sabay duro sa akin ni Mama.

I play my tongue inside my mouth. Parang adik kung saan ang dila ay nilalaro ko sa loob ng aking pisngi. Well, it's my mannerism to calm myself because Mama is just starting.

"Answer me!" Galit nyang sigaw ngunit hindi ako umimik. "Ang bait-bait ng kambal mo pero ikaw? Hindi ko maintindihan ang ugali mo!"

Hinding-hinding nyo maiintindihan ang ugali ko dahil nakatuon lamang kayo sa ugali ng kambal ko. Muli akong sumulyap sa kambal kong tahimik lang. Mabait ba iyong kambal na nagsusumbong sa magulang? Mabait ba iyong kambal na pinapanood lang ang kambal nyang pinagsasalitaan na ng masakit? Sa mga mata ng magulang ko, oo. Mabait ang ganong klaseng kambal. Pero sa akin? Hindi ko alam.

Minsan ay napapatanong na lang ako kung kambal ba talaga kami. Kung anak ba talaga nila ako. Hindi ito ang unang beses na sinumbong ako ng kambal ko. Maraming beses na nya itong ginawa. Maraming beses na rin akong pinagsalitaan ni Mama o ni Papa minsan. At sa bawat salita nila, hindi bilin ang naririnig ko. Kundi, mga salitang pang-iinsulto.

"Nakakahiya ka. Hindi porket pag-aari iyon ng Tito mo ang eskwelahan nyo ay gaganyan ka na! Hindi kita pinalaking masama!" Galit na galit na sabi ni Mama.

I want to laugh. But I know that it's not good. Kaya naman itinikom ko na lang ang bibig. Gusto kong matawa dahil salungat ang sinabi ni Mama sa ginawa nya. Pinalaki? Sa pagkakatanda ko, ang kambal ko lang ang madalas na alagaan nila. Noong medyo mas bata pa ako siguro ay naaalagaan nila ako. Pero mula nang mangyari ang isang aksidente sa kambal ko ay nagbago na ang lahat.

Naglalaro lang kami noon sa may hagdanan ng aksidente syang madulas at mahulog. Limang baitang din ang kinahulugan nya. Wala akong ginawa sakanya. Pero ako ang sinisi nila. Ako ang pinagalitan at pinarusahan. Bata pa lang ako pero natikman ko na ang bigat ng palad ni Papa. Walang nagawa si kuya at hindi nya ako naipagtanggol. Samantalang ang kambal ko ay hindi man lang sinabi na wala akong kasalanan.

"Nakikinig ka ba!? Stop being a brat! Stop acting like a lost child! Mahiya ka naman at dala-dala mo ang pangalan namin ng Papa mo. Pasalamat ka at hindi ka pa nae-expell sa eskwelahan nyo kahit ganyan ang ugali mo." Hinihingal na sabi ni Mama. "Pasalamat ka at laging nandyan ang kambal mo para isalba ka! Gayahin mo sya! Mabait! Mabait palagi at masunurin! Mahinhin at hindi malandi!"

Muli akong sumulyap sa kambal ko. Masaya ang magkaroon ng kapatid. Masaya ang magkaroon ng kambal. Not until your parents and everyone starts to compare the two of you. Palagi nila akong kinokompara sakanya. Na kesyo ganyan at ganito. Wala pang pagkakataon na nakita nila ako bilang ako. Madalas ay nakikita lamang nila ako sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon na salungat ang ginagawa ko sa ginagawa ng kambal ko. But do I care? No.

Magalit na ang mundo pero hinding-hindi ako aanyo sa anyo ng ibang tao. This is me. Accept it or leave it.

Masama? Hindi ako masama. Nagpapaka-sama lang ako para hindi ako madikit sa mabangong pangalan ng kambal ko. Malandi? Hindi ako malandi. Sadyang hindi lang din ako mahinhin para hindi maikompara sa kambal ko. Pero kahit ano palang gawin ko ay maikokompara at maikokompara ako sakanya.

"Where are you going?" Mala-anghel na tanong ng kambal ko nang imbes na dumeretso sa aming kwarto ay lumiko ako patungo sa guest room.

Tamad ko syang hinarap. "Dito ako matutulog."

"Ayaw mo ba akong makatabi?" Sunod nyang tanong.

Tuluyan ko na syang hinarap. "Anong pakiramdam na pinagalitan nanaman ako at wala ka man lang ginawa?"

I felt my heart ache. Ngayon pa lang ako nagtanong sakanya ng ganito. Kahit maraming beses na nya akong sinusumbong kina Mama ay hindi ako nagagalit sakanya dahil pilit kong sinisiksik sa kukute ko na kambal ko sya. Na kadugo ko sya. Na kakampi ko sya. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko na makayang manahimik lang.

Ako ang madalas na umintindi sa aming dalawa. Sya iyong kapag hindi nakuha ang gusto ay magagalit na. Samantalang ako, kapag hindi napagbigyan ay hindi na kumikibo. Ako ang madalas na umintindi sakanya sa tuwing nag-iinarte sya sa school. Pero ako, ni minsan ay hindi nya ako inintindi. Na kahit sabihin kong huwag syang magsumbong ay hindi sya nakikinig. Sya iyong maraming kaibigan na babae at lalaki. Ako ay halos walang kasama pero ako pa ang nasasabihan ng malandi. Sya ang may mali, pero ako ang kinagagalitan nila.

"Nevermind." Sabi ko at tinalikuran na sya.

Sa loob ng silid, muli nanaman akong umiyak. This has been my routine since I was kid. Hindi ako iiyak sa harap nila, pero kapag mag-isa na ay bumubuhos na ang luha ko. Ang sakit lang kasi. Ginagawa ko naman ang lahat pero hindi pa rin nila ako ma-appreciate. Ayaw kong mag-selos sa kambal ko pero hindi ko maiwasan. Pero kahit ganoon, mas pinipili kong ipapaalala sa sarili ko na kadugo ko sya. Kaya kahit masakit ay hindi ako kailanman nagtanim ng sama ng galit sakanya.

"Here. Drink this." Sabay abot ko ng gamot sakanya kasama ang isang bagong tubig.

"Thank you." Pasasalamat nya.

Tumango ako at kinumutan na sya. Tsaka ako humiga sa tabi nya. Kahit todo alaga na sakanya si Mama ay inalagaan ko pa rin sya. Pero kapag ako ang may sakit ay ibang tao ang nag-aalaga sa akin.

"Pagagalitan ka nanaman ni Tita nyan." Saad sa akin ni Loraine. Ang pinsan ko.

Umirap lang ako. "Sanay na ako."

Napabuntong-hininga sya. "Do you really need to this kind of thing? Kailangan mo ba talagang maging masama sa paningin ng iba kahit hindi ka naman ganoon?" Sinamaan ko sya ng tingin. "Come on, Lupi. Hindi mo ako kambal pero alam ko ang tunay mong ugali. And please, stop bullying everyone!"

"You can't stop me, Lor." Saad ko at tumayo na sa aming table para maghasik ng lagim.

"Lupi! I told you to stop diba?" Singit ng kambal kong si Lumi. Ang hero sa paaralang ito.

Napabuga ako ng marahang hininga. Palagi na lang nabibitin ang eksena ko sa tuwing sisingit na si Lumi. Palagi na lang nyang pinagtatanggol ang iba laban sa akin pero ako ay hindi nya magawang ipagtanggol.

Tumalikod na lang ako at iniwan sila doon. Tuwing eeksena na si Lumi ay tumatalikod na ako at humihinto. As much as possible, ayaw kong kami ni Lumi ang mag-away. Kaya kahit naiinis ako sa ginagawa nyang pagkontra sa akin ay hindi ko na lang sya pinapatulan. I don't want to fight with any of my family or relatives. I treasure my family the most thou they don't treasure me. Kasi alam kong sa huli, pamilya pa rin ang matatakbuhan ko. Pero hindi pala.

Dahil kahit pala kadugo mo ay tratraydurin ka. Kahit kapamilya mo ay sasaktan ka. Kahit kambal mo ay tutuklawin ka.

Sya na nga ang paborito ng lahat pero nagawa pa rin nyang kunin ang nag-iisang pag-aari ko. Pagkatapos ko syang isalba mula sa isang malaking problema ay tratraydurin pa rin pala nya ako.

"Stupid! Stupid! Stupid ka!" Sigaw ko habang may hilam na luha.

"Watch out your mouth, Lupitra!" Sigaw ni Papa.

"Malandi sya! Malan--"

"Oh my god!" Singhap ng mga Tita at pinsan ko matapos kong matanggap ang malakas na sampal ni papa.

Ako na nga ang nagsalba at trinaydor, pero ako pa rin ang mali sa mata ng magulang ko. Ako iyong kawawa pero sya pa rin ang kinampihan nila.

They never choose me. They never love me. But someone will do.

Someone who knows my flaws but still choose me. Someone who claps in my achievement, cheers and support me silent ways. Someone who dearly appreciate me.

"From now on, you'll never have to be envious to her. You want attention? I'll give you. You want support? I'll give you. You want appreciation? I'll give you. You want love? I'll willingly give you. I know that you don't like me. But I like you. I like you more than anyone else. I love you. I love you more than your flaws and imperfection."