Kabanata 1
Udyok
"Lupi," mabilis na pigil sa akin ni Loraine.
Umirap na lang ako sakanya at tsaka sinamaan ng tingin ang babaeng nakabangga sa akin. Pasalamat sya at narito si Loraine na agad pumigil sa akin. Badtrip pa naman ako. Papasok na nga lang ako ay kagagalitan pa ako ni Mama. Kung maka bilin sila ay kala mo naman kung gumagawa ako ng krimen dito sa school.
Muli nanamang tumaas ang altapresyon ko ng isa nanamang estudyante ang nakabangga sa akin. Halatang junior ito dahil sa kanyang height. Hindi na lang ako umimik at mariing pagpikit na lang ang ginawa ko ng maramdaman ang kamay ni Loraine sa aking balikat.
"Go." Utas nya sa estudyante. "Calm down."
"How? Pangalawang beses na iyon!" Sikmat ko.
Ngumiti lang sya sa akin ng matamis tsaka na kami ulit naglakad sa kahabaan ng hallway. The Junior High and Senior High had sections rooted from several flowers and plants. Nasa kabilang lokasyon naman ang pre-elementary at elementary. Unti-unting kumalma ang sarili ko dahil sa mga tanim na halaman at bulaklak sa paligid ng pasilyo.
Natatanaw ko na rin ang bagong gawang building ng school kung saan ngayon magkla-klase ang grade 10 hanggang sa grade 12.
Napasulyap ako kay Loraine na nginingitian ang lahat ng ngingiti sakanya. Pagdating sa akin ay yuyuko sila matapos makita ang pagtaas ng kilay ko. Hindi naman talaga ako mataray. Pero mula noong grade 7 ako ay nagsilbing defense mechanism ko na ito. Aside from that, I have other reason too.
Pagdating sa classroom ay padabog akong naupo sa pinaka dulong silya sa tapat ng bintana. Sumunod naman sa akin si Loraine kaya nagsalubong ang kilay ko. Pero muli nanaman syang ngumiti.
"Hindi ka pa ba sanay?" Sabay ngisi nya.
Umirap ako at eksakto namang tumama ang paningin ko kay Lumi na naroon sa harapan at nakaupo habang nasa amin ni Loraine ang tingin nya. Sapilitan kong inaayos ang kilay ko. Tipid syang ngumiti. Napabuntong-hininga ako. I know that she's jealous. Simula yata noong grade 9 kami ay bigla na lang kaming naging malapit ni Loraine. Kung bakit ay hindi ko alam sakanya. Pati si Ciprus na isa ko pang pinsan ay naging mas malapit sa akin. Nagsimula iyon nang madalas na akong mangbully dito sa school.
Kahit naman sabihin ko kay Loraine na nagseselos si Lumi ay nagkikibit-balikat lang sya. Kaya naman hinayaan ko na rin sya. Bukod doon ay natutuwa rin ang kalooban ko sa presensya nya o ni Ciprus. Sina Erbel at Aron na pinsan ko rin ay nakakasama ko rin pero hindi masyadong madalas.
"Okay, homework time." Anunsyo ng teacher namin matapos ang discussion.
Mula sa first subject hanggang sa third subject ay panay discussion lang ang nangyari. Nagkaroon ng short break kaya agad kaming lumabas. Lumapit naman sa amin sina Erbel at Lumi. Sabay-sabay kaming naglakad pababa sa canteen dahil nasa ikalawang palapag ng new building ang classroom namin.
"Oh eksakto. Pababa na rin kami." Saad ni Ciprus na nakasalubong namin sa hallway ng second floor. "Kamu--"
Nagsimula na akong maglakad at iniwan sila doon. Hindi ko na rin narinig pa ang boses ni Ciprus dahil yabag na nila ang naririnig ko.
"Nagmamadali ka yata?" Tanong ni Cirpus na nasa tabi ko na.
Hindi ko agad sya sinagot dahil abala akong naghahanap ng table namin. "Doon ta--"
"Lumi! Dito!" Dinig kong sigaw ng kung sino.
Nilingon ko iyon at nakita ang group of friends ni Lumi. Agad na sumama ang mukha ko. Wala akong tiwala at hindi ko talaga type ang mga kaibigan ni Lumi. Mga maaarte at...hay ewan. Ayokong maging judgemental. Hindi ko na hinintay pa ang pagsasalita ni Lumi at agad na akong nagpunta sa nahanap kong table. Panigurado namang sasama doon si Lumi. Narinig ko ang pag-aya nya kay Loraine ngunit tumanggi si Loraine. Sa huli ay si Erbel ang inaya nya.
"Anong snacks mo? Ako na ang oorder. Isabay ko na sa order ko." Tanong sa akin ni Loraine.
Sinamaan ko sya ng tingin. "Kaya kong umorder, Lor. Ako na lang ang oorder. Ano ba sayo?"
"Sigurado ka? Hindi mo ba ibubuhos sa mukha ng estudyante ang order mo?" Sinasabi ko na nga ba't wala syang tiwala sa akin. Inilipag ko na lang agad ang isang daan sa mesa.
"Kahit ano basta pagkain." Sabi ko.
Dahil maingay ang table nila Lumi ay hindi ko naiwasang mapatingin doon. Nagsalubong nanaman ang kilay ko dahil ngayon ay may kasama na silang ilang lalaki.
"Dahan-dahan sa pagtitig at baka mapatay mo sila." Saad ni Ezekiel. Ang kaibigan ni Ciprus.
"Eh kung ikaw kaya unahin ko?" Mataray kong tanong sakanya.
Ngumisi lamang sya sa akin at umiling. Sina Ciprus at Aron ay kilala sa buong school. Pati itong si Ezekiel ay kilala din ng lahat. Parte sila ng varsity team pero wala akong pakealam. Maging si Ezekiel ay nakaranas na rin sa pangtri-trip ko. Walang exemption maliban sa mga pinsan at sa mga gusto ko lang iexempt. Pero syempre, pinsan at kambal ko lang ang gusto kong i-exempt.
Habang abala ang buong estudyante sa canteen (canteen dahil canteen naman ang tawag namin) at sina Ezekiel at Ciprus na nag-uusap ay iginala ko ang aking paningin sa buong lugar. Nakangisi ako ng makakita ng mabibiktima. Kunwari ay abala ako sa pagha-halungkat ng kung ano sa bag ko. Nang makita ko sa aking peripheral view na malapit na sa aming table ang dalawang babae na abalang nag-uusap ay tsaka ko pasimpleng ihinulog ang aking maliit na spray alcohol tsaka ako bahagyang umusog at yumuko para pulutin iyon. Eksakto ang naging plano ko dahil hindi nakatingin ang babae kaya natalisod sya sa akin.
"Ouch!" Sigaw ko sabay angat ng tingin.
Nasa sahig malapit sa akin ang kanyang pagkain at sya naman ay nakasubsub rin. Natahimik ang maingay na canteen. Natulala ang kanyang kasama. Nang mag-angat ng tingin sa akin ang babaeng nakasubsub sa sahig ay nanlaki ang naiiyak nyang mata!
"S-Sorry! SORRY PO!" Takot nyang sabi.
"Sorry? Ang sakit kaya ng arm ko!" Sabay hawak sa isang braso. "Sinasadya mo eh. Gusto mo kong sipain?" Sabay talim ng titig ko.
Umiling ng umiling ang babae. "H-Hindi. Hindi ko t-talaga s-sinasadya."
"Lier!" Ops, I think I was pertaining to myself when I said that. Sorry Lord. Nasa sa amin na lahat ng atensyon. Lalo na sa akin. That's good! "Look! Tinapunan mo pa ako ng pagkain!" Turo ko sa kakarampot na spaghetti sa aking blouse.
"N-Naka harang k-ka kasi..." Mahina nyang bulong.
Nanlaki ang aking mata. "What!?" Sigaw ko. Mabilis na nag bulungan ang tao. "Ikaw na nga ang may kasalanan tapos ipapasa mo pa sa akin? At ang lakas mong akusahan ako ah? Here," sabi ko at mahinang sinipa ang natitirang pagkain na natapon sa tabi nya. "You shouldn't acuse Lupi. Understood?" May banta kong sabi.
Umiiyak na yumuko ang babae. Hindi ko marinig ang sinasabi nya but I'm sure that she's whispering something.
"What are you whispering? Gusto m--"
"Enough." Napatiim-bagang ako ng marinig ang tinig ni Lumi.
Naiwan sa ere ang akma kong pagsipa sa tray dahil sakanya. Ayaw na ayaw ko sa tuwing umeeksena sya. Ayaw na ayaw ko dahil alam ko sa sarili ko na titigil ako para pagbigyan sya. Yes. I always stop when the hero comes to save my victims.
"Huwag kang mangialam, Lumi." Banta ko.
"This is wrong. Yo--"
"I don't want to be right." Pigil ko pa sa sasabihin nya. "Be thankful that the hero came." Sabay talikod ko at naupo na sa aking kinauupuan.
Palihim akong napatiim-bagang ng masulyapan si Lumi na tinutulungan ang babae. Sina Ciprus naman ay titig na titig sa akin. That's Lumi. She always do that. Palagi nyang pinapakita na magkasalungat kami. And I'm sure na isusumbong nanaman nya ako kina Mama.
"Let her friend help her, Lumi. Stop doing that." Malalim ang tinig na sabi ni Loraine.
Hindi na bumalik sa maingay ang canteen. Naging extra careful na sila at wala ng dumadaan malapit sa aming table. I feel frustrated. Kaya naman naperfect ko ang quiz namin. Pero syempre, pagdating sa bahay, si Lumi pa rin ang akala mo kung nakaperfect. Hindi na lang ako umimik at nag-abalang ipakita ang score ko. Isinilid ko na lang iyon sa file case ng quizzes ko.
Nang pumasok si Lumi sa silid namin ay tsaka naman ako lumabas. Matapos ang tagpo sa canteen kanina ay hindi ko pa rin sya kinakausap. Hindi naman sa galit ako. Masama lang ang loob ko. Nagawa nyang ipagtanggol ang babaeng iyon pero ako ay hindi. Kahit sabihin nang ako ang nauna. Ni hindi nga nya ako kinamusta!
"At ano nanaman ang minumuni-muni mo aber?" Pukaw sa akin ng mayordoma naming si Nang Nancy. Umiling lang ako at ngumiti sakanya. Napapikit ako ng maramdaman kong haplosin ni Nana ang aking buhok. "Gusto mo ba ng meryenda?" Ngumisi ako at sabay kaming natawa.
Nasa loob lang ako cooking room. Hindi sa dining dahil paniguradong makikita nila ako doon. Naka-separate kasi ang dining namin sa aming kitchen. Naka-separate din ang cooking room namin. Hindi naman ganoon kalaki ang silid. Sapat para i-accomodate ang ilang taga luto kapag sabay-sabay. Naisipan ito ni Mama dahil madalas ay nagpapa-okasyon sila.
Habang nagluluto si Nana ay panay lang ang kwento nya sa akin tungkol sa kanilang lugar na Cebu. I've never been there. Madalas kasi ay sa ibang bansa kami nagpupunta dahil iyon ang mas gusto ni Lumi. Dahil sya si Lumi, malamang, sya ang masusunod.
Nanoot sa aking ilong ang amoy ng bananacue na gawa ni Nana ng ilapag na nya iyon sa aking harapan. "Thank you Nana!"
"Walang anuman. Basta ikaw." Sabay kindat nya.
Akmang susubo na ako ng matigil ako. "Kuha ka Nana." Alok ko. "Manang, kuha rin po kayo."
Nakita ko ang pagngiti ni Nana sa akin matapos tanguhan ang ilang kasambahay namin. "Kay bait talagang bata eh." Aniya.
Natigil ako sa pagnguya. May kung anong kiliti akong naramdaman sa aking puso. Gusto kong maiyak sa tuwa. Madalas, sina Nana at mga kasambahay ang nagsasabi sa akin na mabait akong bata kahit medyo nagmamaldita ako sakanila pag wala ako sa mood. Nakakatawa diba? Ibang tao pa talaga ang nakakakita sa akin.
Natawa ako matapos kong dumighay. "Salamat Nana. Nabusog ako." Sabay nguso ko.
"Abay dapat lang. Para kung maisipan mong hindi nanaman kumain ng hapunan ay may laman ang tyan mo."
Napakagat labi na lang ako. Nahihiya ako dahil huling-huli ako ni Nana. Totoong madalas ay hindi ako naghahapunan. Lalo na tuwing lilitakan ako ng sermon ni Mama o kaya ay ni Papa. Si Kuya lang ang masugid na nagtatawag sa akin. Kung wala naman si Kuya sa bahay ay walang magtatawag sa akin para maghapunan. Si Lumi? Hindi ko na inaasahan na tatawagin nya ako. Takot nya lang kay Mama kung gagawin nya iyon. Pero sana naman ay may konsiderasyon. Thou meron naman minsan. Dadalhan nya ako ng pagkain. Pero paminsan-minsan lang.
Mabigat ang naging buntong-hininga ko ng marinig ko na ang lagutok ng takong ni Mama sa labas. Nasisiguro kong anumang oras ay magsisimula na ang misa para sa akin.
"Kagagalitan ka nanaman ba?" Nag-aalalang tanong ni Nana.
Ngumiti ako sakanya. "More like, iinsultuhin?" Sabay tawa ko.
Muli kong naramdaman ang paghaplos ni Nana sa aking buhok. "Huwag mo na lang dibdibin ha. Wala ka rin namang dibdib."
"Nana!" Sabay nguso ko pero tumawa lang sya.
"Oh sya, ubusin mo na itong juice mo nang sa ganon ay busog kang pagagalitan mamaya."
Napailing na lang ako kay Nana. Kung ako ay sanay na, lalong-lalo sya. Minsang napagbuhatan ako ng kamay ni Mama ay si Nana ang sumagip. Laking pasasalamat ko kay Nana ng oras na iyon.
Kusa na akong lumabas ng cooking room dahil hindi naman ako habang buhay makakapagtago doon. Hindi naman sa nagtatago ako. Tinatamad lang talaga akong makininig sa sermon ni Mama. Pagdating sa sala ay hinanda ko na ang aking tenga lalo na ang aking dibdib. Pero laking gulat ko ng wala akong marinig kay Mama na sermon. Bagkus ay inabutan nya kami ni Lumi ng tig-isang paper bag mula sa isang sikat na clothing brand.
"Thank you...Mama." Pasasalamat ko. Maging ako ay yumakap kay Mama.
"You two are much welcome." Matamis ang ngiti na sabi ni Mama.
Ito ang iilang rason na pinanghahawakan ko kung bakit hindi ko magawang magalit sakanila ng tuluyan. Bagaman madalas ay iba ang trato nila sa akin, mas nangingibabaw pa rin sa akin itong mga ganitong pagkakataon. Kahit papano ay nararamdaman ko ring ini-spoiled ako...ng kaunti.
"Malapit na ang graduation diba?" Tanong ni Papa habang nasa hapunan kami.
"Opo Pa." Sagot ni Lumi.
"Moving up po Pa." Pagtatama ko.
"Ay ganon ba? Mayroon na bang date?"
Umiling ako. "Last final exam pa daw po tsaka nila kami ia-update about sa moving up."
Tumango-tango sila ni Mama. Napansin kong mariin ang titig sa akin ni Lumi. Nagtaas ako ng kilay. Iyong nagtatanong. Ngumiti lang sya. Kung saan-saan na napunta ang usapan at hindi na akk nakarelate pa. Hanggang sa mapunta iyon sa kung saan kami magsa-summer vacation.
"Sa Greece Papa." Galak na suhestiyon ni Lumi.
Dahil nagsuggest na sya ay hindi na ako umimik pa. Alam ko namang hindi rin nila papansinin ang suhestiyon ko. Kaya sa huli ay sa Greece kami. Napangiwi na lang ako. Oo nga't mayaman kaming maituturing. Pero sobra naman na ata iyong sa ibang bansa pa kami magsummer vacation taon-taon. Pwede namang dito lang sa Pilipinas. O kaya ay dito lang mismo sa Calamba. Marami namang pasyalan dito. Sayang ang pamasahe tsk.
"Are you nervous?" Napatingin ako kay Lumi nang itanong nya iyon.
Umayos ako ng higa sa aking kama. "Saan naman?"
"Sa final exam." Umiling ako. "I will top the examination again. Para ako ang maging first sa with high honors."
Tumango na lang ako. Mula noong grade 8 ay hindi ko na sineryoso ang final examination ko. Mula noong grade 8, sinisigurado kong sa huli ay si Lumi ang mataas. Kasi ayoko iyong mataas ako pero hindi naman nila ako mapapansin. Nagiging mataas lang ang score ko kapag naiinis ako tapos biglang may quiz o exam. Kung bakit, hindi ko alam.
Napatitig ako sa mukha ni Lumi habang natutulog. Tsaka ko nasulyapan ang file case ko na naglalaman ng mga scores ko na kailanman ay hindi nabigyang pansin. Nakaramdam ako ng udyok sa aking kalooban. Iyong udyok na sa pagkakataong ito ay aayusin at seseryosohin ko ang exam namin. Iyong sa pagkakataong ito ay makikipag-kompetensya ako kay Lumi. Pero natatakot ako. Natatakot na baka kahit maging una ako ay si Lumi pa rin ang papalakpakan nila.
Napapikit ako ng mariin. Natatakot ako pero malakas ang udyok na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ngunit mas nangibabaw ang udyok sa pakiramdam ko. Dahil sa likod ng isipan ko ay naririnig ko ang palakpak ng ibang tao sa tagumpay ko.