Maraming nakakaalam na limang persyento lamang ang natutuklasan sa buong karagatan ngunit itinago saatin ang katotohanan... Matagal na nilang natuklasan ang kabuuhan nito...
Kung inaakala niyo tayo lang ang nakatira sa mundong to, nagkakamali kayo, kung may "tao" sa lupa may mga "tagat" o taong-dagat naman sa karagatan.
"Merfolks" kung tawagin saiilan ang mga nilalang na ito... Hindi lamang sa pilipinas sinasabing nakakakita nito ngunit sa ibang panig din ng mundo...
"Sirena", "chokoy", "blue men" "Mermaid", "Merman", "Sirens", "kappa" at marami pang iba... Iba iba man ang tawag , iisa lang ang kahulugan... Kalahating tao at kalahating isda...
Totoo ang mga ito, sa totoo nga ay mayroon silang sariling sibilisasyon... Kung iniisip niyo ay maganda sila nagkakamali kayo, hindi ko rin sinasabing mga pangit at kahindikhindik ang itsura nila... Sadyang kakaiba lamang, siguro kung makita niyo sila masisindak kayo. Kasi iba sila sa mga nakikita natin araw araw...
Iba't iba ang uri nila... May iba na ang itsura nila ay kalahating tao sa bandang ulo hanggang bewang at buntot ang nasa ibaba... Kung iniisip niyo si Ariel ng "Little Mermaid" tama kayo. Ngunit hindi gaano ka tao ang itsura nila... Walang mga buhok, halos lahat balat at ganun din ang nasa ulo nila... Kung titingnan ay puting buhok na parang itinirintas lamang sa maraming beses ngunit iba... Ito'y balat lamang-kung ihahambing ko siya sa nakikita natin araw araw sa mundo natin katulad nito ang taba ng baboy... Ganun ang itsura...
Buong katawan ay puti at ang mga kamay nila ay katulad sa nakikita niyo sa t.v parang paa ng mga palaka... Madulas ang balat nila at ang kanilang mga mata ay puro itim... Ang laki nila ay nasa 5ft hanggang 6ft, kasing tangkad lamang ng mga tao
May iba din na kakaiba, ganun din kagaya sa nauna ngunit ang mga buhok nila ay parang mga palikpik ng isda, may mga buto silang nakaangat sa kanilang likod at ang ngipin nito ay napakatalim at mahahaba na halos lumalabas na sakanilang bibig... Mas maliit sila sa nauna 3-ft hanggang 4ft lang ang laki nito
Ang pangatlo naman ay ang buong katawan ay kulay asul na may bahid na pagkaberde. Ang ulo nito, ulo ng isda ngunit ang katawan ng tao... Isa sila sa tagabantay ng kanilang kaharian... Mas malaki ito sa nauna 9ft to 13ft ang laki nito...
May iba naman ang pangtaas ay tao ngunit sa baba nito buntot ng octopus. Tama kayo si "Ursula". Kagaya ng nauna ang mga buhok nito ay parang taba ng baboy na pinagsama at ang kulay ng balat nito ay kakulay ng mga octopus na nakikita niyo... May mga malalaking mata na animo'y kasing laki ng "tennis ball".
Ito ang mga nilalang na naninirahan sa ilalaim ng dagat. Marami pang iba ang hindi ko pa naiilathala ngunit iyang apat lamang muna ang aking ibubunyag... Dito muna nagtatapos ang entry na ito...
Nagmamahal,
Sulan