Chapter 3 - Entry #3

Aksidente kong natuklasan ang kaharian ng mga tagat o taong dagat. Lagaya nating mga mortal na may iba't ibang bansa ay ganoon din sila... Ngunit ang kanilang tirahan ay tinatawag na kaharian... Mas advance ang kanilang sibilisasyon kaysa saatin...

May mga armas sila na mas nakakaangat kaysa saatin. Ang mga gusali nila ay parang nakikita niyo sa sci-fi na mas malaki at advance. Ang mga nilalang na ito ay isa sa mga tumulong saatin na upang ang sibilisasyon natin ay  umunlad. Isa sila sa nagbigay ng kaalaman para sa kaunlaran...

May  barter ang nangyayari sa pagitan ng mga tao at tagat. Ngunit sasabihin ko, hindi lang tagat ang ating kasosyo sa barter may iba pang nilalang ngunit sila muna ang aking itatalakay.

Isa sa mga kilala kong kaharian nila na maaaring narinig niyo na dahil nakikita niyo sa telebisyon o nabasa niyo na... Ang sikat na kaharian ng Atlantis.

Totoo ang Atlantis, may iba na nasa Greece ito at natuklasan ngunit bahagi lamang ng Atlantis ang kanilang nakita o sabihin nalang natin ang dating Atlantis. Ang Atlantis ay nasa pinakailalim ng karagatan sa bandang bahagi ng karagatang pasipiko. Hindi inilabas sa buong sanlibutan ang malaking bahagi ng karagatan sa mundo,makikita sa mapa na ang pinakamalaking karagatan ay ang pisipiko ngunit hindi... Nakakatawa man pakinggan ngunit totoo ito. Ang dahilan kung bakit hindi inilabas ang malaking bahagi ng karagatang ito ay dahil ito ay sakop na ng mga tagat or merfolks.

Tayo ay bumalik sa Atlantis. Ang atlantis ang isa sa mga pinakamagandang kaharian sa ilalim ng karagatan. Matataas at matatayog ang kaharian, nagliliwanag at mga sasakyan din sila na hindi natin maipaliwanag. Maingay dahil narin sa kasiyahan. Kilala sila sa pagiging mahilig sa kasiyahan, halos gabi gabi ay sumasayaw at kumakanta sila...

Mayroon rin silang barrier na kung tinatawag saatin. Ito ang nagsisilbing shield, maaari depensa ito sa panganib na dulot ng mga kraken at maaaring upang maitago sa mga tao ang kanilang kaharian. Ganun din sa ibang kaharian mayroon silang ganya.

Kung ang isang submarine ay magtangkang pumasok sa kaharian nila... Hindi nika ito makikita ang tanging makikita nila ay kadiliman lamang na dulot ng barrier nila. At kung silay magpatuloy na bumaba ay maikwentro nila ang nakakasindak na "ograton". (Ang ogroton ay isa sa mga nilalang na tagabnatay ng kaharian. Hindi sila mukhang tao kung iyon ang inaakala noyo. Mas malaki sa "The Megaladon Shark" at sa Kraken. Ito ay bilog lamang parang pufferfish kung yung katawan niya ay nakalobo, itim at may malaking bibig, iisa ang mata at ito'y mapupula ang tinig nito ay nakakasindak. )

May nabalitang ang grupo ng mga scientist ang pumunta sa lugar na ito upang tuklasan nila ang kaharian ng Atlantis, binigyan na sila ng babala ngunit sinira nila ang usapan. Habang submarine ay patuloy na bumababa ay biglang itong inihinto ng nagpapaandar nito. Dahil sa naramdaman niya. Hindi lang siya ang nakaramdam nito pati narin ang mga kasamahan niya... Sinabi nilang parang may nagmamasid sakanila...

At tama sila sakanilang hinala, ang ogroton ay nasa likod lamang nila... Nakarinig sila ng isang tunog na nakakabingi parang hiyaw ng isang dragon na pinagsama ang mga dolphin. Nakakabingi at nakakabaliw. Ang kanilang sinasakyan ay yumayanig na tila may gumagalaw nito at iyon ay dahil sa tunog na iginawa ng nilalang na ito. Huminto ang tinig at ganun din ang pagyanig sa loob. Hilong hilo man ay nagawang ikoton ng tagapamaneho ang sasakyan at hindi siya makagalaw sakanyang nakita.

Halos lahat ng nakakita sa bagay na ito ay kung hindi namatay ay nagigibg baliw. Umahon na ang submarine at ang mga nakakita sa mga taong ito ay hindi alam kung bakit sila nagkakaganyan, may mga tanong sa isipan nila. Ano ba nakita nila? Iisa lang ang sinasabi ng mga scientists.

"yesli vy smotrite v bezdnu dostatochno dolgo, bezdna smotrit na vas v otvet."

Sikat na kataga ni Friedrich Nietzsche "if you stare into the abyss long enough the abyss stares back at you. "

Paulit ulit nila itong sinabi na parang mga baliw.

Ang gobyerno na nakakaalam sa nangyari ay humingi ng tawad sa kapaslangang ginawa ng mga taong ito... Ang hari ng Atlantis ay pinatawad din ang mga mortal ay binigyan ng babala. Kung ito'y kanilang ginawa ulit, maaaring may mangyayaring digmaan sa pagitan nila... Ang gobyerno ay natakot sa babala at nangakong wag na wag na gagawin...

Iisa lamang ang hiling mga nilalang na nakatira sa karagatan at iyon ay huwag na ilabas sa buong mundo ang mga uri nila dahil pahamak lamang ang dala natin. Maaaring ang dahilan ay para sakanila ang mga tao ay sakim.

- Sulan-