Chereads / Control-V / Chapter 1 - Prologue

Control-V

🇵🇭notwintery
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Mahaba ang oras na tinakbo ko para lang makasabay sa kanya. Aminado naman akong hirap ako humabol dahil malayo ang agwat namin, Ang sabi ko sa sarili ko magawa ko lang ang pinag-uutos sa akin ng ate ko okay na ako roon, hindi ko sukat akalain na itong lalaking ito ay may soft side rin pala, akala ko puro kahambugan lamang ang laman ng kokote niya, may dahilan naman pala siya para doon, nagkamali ako sa paghusga.

"Iwan mo na siya Corinne diba may kasunduan tayo." angil nito habang nakangisi ang mga labi sa akin. Tinitigan ko ng maigi ang pagmumukha at napakunot ang noo ko sa inis.

"Huwag mo sabihin sa akin na may gusto ka sa kanya?" pinagkrus nito ang kamay niya sa kanyang dibdib at umikot sa kwarto ko. Hindi ako nakasagot, hindi ko alam ang sasabihin ko.

Lumapit ito at naramdaman ko ang mga kamay niya sa buhok ko.

"Ate, nasasaktan ako." saad ko.

"Masakit pala eh, dapat matuto kang lumugar." mas hinigpitan nito ang mga hila sa buhok ko kaya mas nakaramdam ako ng sakit.

"Inutusan lang kita, hindi ko sinabing magkagusto ka sa kanya." mga bulyaw nito sa akin habang sinasabunutan niya ako. Hindi na ako nakatiis at lumaban ako sa kanya, sa unang pagkakataon ito ang ginawa kong tama.

"Aba talagang inuubos ang pasensya ko Corinne!!" sigaw nito at kita sa kanya niya ang pamumula ng kanyang mukha. She's like a flaming lava wanting to outrage.

"Ginawa ko naman ang sinabi mo Ate!!!" lumapit ito sa akin at nakatikim ang kanang pisngi ko ng malutong na sampal mula sa kanyang palad.

Shemay, masakit pala talaga.

"Oo alamin mo ang limits mo! Akin si Saviel!!" Dalawang mag asawang sampal mula muli sa kanya. Dati okay lang sa akin na ganituhin nila ako, parang namanhid na nga ako pero bat ngayon nararamdaman ko nanaman.

Hindi ko naman sinadya na magkagusto sa lalaking iyon, sinusumpa ko pa nga ang taong iyon pero lahat ng sinabi ko kinain ko. May mga bagay rin pala sa lalaking yon na mabuti.

"Makipaghiwalay ka sa kanya at sabihin mong hindi mo siya mahal iyon ang utos ko." she quoted before leaving my room.

Paano ko naman gagawin iyon? Siya ang taong nagparamdam sa akin na hindi ako iba, na pwede palang may magmahal sa akin. Sa buong buhay ko lahat ng bagay wala naman sa akin eh siya lang ang meron ako. Dapat ko ba talagang i-give up iyon?

Sa buhay hindi natin lubos maisip na may mga tao palang talagang pwedeng kumontrol ng mga buhay natin. May mga taong gagawin ang lahat makuha lang ang mga gusto nila.

what they see, what they get.

----

A/N: hello, this story is only fictitious, any names, places, events are only writings of the author. Please bare for the typos, grammars. I'm not a pro. But trying to revised later. Thank you so much. <3