"Hoy Corinne!" naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Nakatulala nanaman ba ako? Palagi nalang sumasagi sa isip ko ang isang pangit na panaginip, palagi iyong nag paplay sa utak ko.
"Nakatulala ka nanaman girl, epekto ba yan ng walang tulog?" tanong ng isa sa mga kaibigan ko si Sophie. Hindi ko nalang siya pinansin, lumipat siya sa harap ko kasama ang isa pang malapit sa akin si Janna.
"Hay naku halata naman sa mata niyan na puyat yan eh, tingan mo ang eyebags napakalaki." saad nito. Unti-unti kong tinakpan ang mata ko. Nakakainis naman nahalata ba nila yon?
Nag-uusap sila sa harapan ko, para akong lantang gulay dahil sa puyat kagabi ang daming pinagawa sa akin sa bahay, at hindi pa nga nakatulog ng maayos dahil sa panaginip kong hindi maganda na palaging sumusulpot.
"Pinagawa ka nanaman ba ng assignment ng magaling mong kapatid na si Cheska?" tanong nitong si Sophie.
"Malamang sa alamang ganun ata ang nangyari! Nakakainis ginawa ka pang bookmark." sabi naman nitong si Janna.
bookmark? ano raw? naguguluhan ako sa kanila.
"Makapal talaga yung face ng kapatid mo 'no! Ang kapal katulad ng make up niya!" gigil na saad nitong si Sophie.
Una pa man wala naman akong magagawa dahil hindi ako totoong anak ng mga Torres, Hindi nila pinapaalam sa publiko ang totoo dahil ayaw nila masira ang kanilang pangalan bilang sikat na entrepreneurs. Sinabi nila iyon sa akin noon pa, pinag-aaral nila ako rito sa magandang school kaya dapat lang siguro na sundin ko kung ano ang gusto nila, lalo na ang ate ko na si Cheska.
"Alam niyo kayong dalawa pwede, manahimik na kayo! kapatid ko pa rin ang pinag uusapan niyo." tumayo ako sa harap nilang dalawa. Mabuti at lunch time na wala na kaming lecturer.
"Eh..friend. Hindi naman sa ano ha, hindi ko makita kung bakit mo naging kapatid yun!? Ang layo naman ng mukha niyo sa isat isa." tanong ni Sophie sa akin.
"Sinasabi ko na nga ba ampon siya!" sabat naman ni Janna. Nagpantig ang tenga ko sa salitang ampon, that hurt so much.
"Walang ampon sa amin! Tara na nga sa cafeteria nagugutom na ako." iyon nalang ang sinabi ko. Kahit sa kanilang bestfriends ko hindi ko man lang masabi ang totoo kahit ayoko naman magsinungaling sa kanila.
Nung makarating kami sa cafeteria kaagad kaming umupo sa bakanteng lamesa malapit sa mga table ng mga sikat rito sa campus, oo may ganung lugar rito ang mga sikat lalo na yung mga tinitilian ng mga babae. Habang kumakain kami napatingin kami sa kabilang table. Nandyan na si Saviel Kin Hernandez or short for Viel. Isa sa mga sikat na lalaki sa campus namin. Edi siya na ang gwapo, cool at hearthrob sa school kaso masyadong mahangin ang ugali. Mas gwapo pa rin sa paningin ko si Jester. Tahimik lang pero astig!
"Hoy, baka matunaw naman yan." pagsiko sa akin ni Sophie nag-v pose siya parang kilala ko na ang tinutukoy niya.
"Hindi 'noh, sure ka ba siya tinitingan ko! Asa naman," pagtanggi ko. Hindi ko naman tipo ang lalaking tinutukoy niya.
Tumawa muna ito bago nagsalita ulit, "Ah, alam ko na edi kay letter J ano?" muli itong bumaling sa akin ng tingin. Napataas ang kilay ko baka may makarinig marami pa namang nagkakagusto sa mga iyon.
"Sheesh.. Can you please lower down your volume, ang lapit lang nila girl." sita ko kaagad.
"Huwag mo naman akong agawan kay Jin," singhal pa ng nasa tabi ko, Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa. Unbelievable!
"Bakit siya lang ba ang letter J dyan? Utak mo naman Janna." umiling ako at kinuha ang juice sa tapat ko.
"Utak ko nasa loob ng ulo ko malamang, baliw ka pala eh." sabat pa niya. Hay naku!
"Kaya nga paganahin natin ah," Napasapo nalang ako sa ulo, ngumisi lang ito sa akin mukhang nakuha na niya ang punto ko. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain dumating ang ate ko lumapit ito sa table namin. Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha nila Sophie halatang kinaiinisan nila ito. Blanko lang ang pinakita ko sa kanya.
"Hey there, May ipapagawa ako sayo mamaya Corinne. After ng klase mo umuwi ka kaagad." utos niya.
"Oo na!" reply ko kahit labag sa kalooban ko. Wala naman akong magagawa hindi ko pwedeng tanggihan iyon.
"Okay bye, weirds." lumingat muna ito kila Sophie bago umalis sa harap namin at saka nagroll eyes. Agad itong nagtungo sa table nila Saviel, tch. Ano nanaman kaya ang ipapagawa niya sa akin? Palagi na lang niya kasi pinang bo-blockmail sa akin na ampon ako at sasabihin sa marami ang sekreto ng pamilya. Napabuntong hininga ako sa inis. Talaga bang wala akong magagawa pa rito? Kontrolado niya ang buhay ko.
"Saan ba pinaglihi yang ate mo Corinne, ang sama ng ugali eh." naiinis na aniya ni Sophie.
"Pabayaan niyo nalang, ganun talaga yon eh."
"Mas matanda siya sayo dapat umasta siyang ate. Masyadong spoiled naman 'yon ng parents mo."
Siguro oo ganun nga, syempre siya ang totoong anak malamang ibibigay sa kanya ang lahat. Palagi lang akong nakatago sa likod niya, dapat siya ang una sa lahat, dapat siya lang ang napapansin. Tinanggap ko naman lahat ng iyon. Mabuti nalang at mabait ang tinuturing kong ama, at tanggap niya ako bilang anak kaso nasa ibang bansa siya naka base at hindi na niya alam ang nangyayari sa akin ngayon. Masaya pa rin ako dahil siya ang kakampi ko kahit malayo siya sa kin.
Natapos ang araw at dumiretso kaagad ako para umuwi dahil iyon ang gusto ni ate.
"Ang tagal mo naman umuwi Corinne siguro naglakwatsa ka pa ano?" bungad niya sa akin, nakatayo siya sa may hagdan mukhang inaabangan niya ako. tss. Tinitigan ko ang relos sa wall, alas singko pa lang naman.
"Ano ba ate 5pm pa lang, masyado ka naman talaga! Nagmamadali ka ba?"
"Aba sumasagot ka na talaga ngayon? I'm gonna tell mom huh akala mo ba," naiiritang sabi nito.
Sumbungera talaga siya kahit kelan. Kung ano ang sinabi niya kay mom maniniwala ito. Kaya nga kahit madalas mag sinungaling si ate naniniwala pa rin siya. At ang ending ako nanaman ang masama sa aming dalawa. Anong magagawa ko siya ang tunay na anak eh. Yung tinuturing kong tatay lang naman ang naniniwala sakin.
"Huwag naman! Fine, sorry." mamaya kung anu ano nanaman ang sabihin nito ako nanaman ang masama sa amin, "Ano ba kasi ang kailangan mo?" dagdag ko pa.
"Tulungan mo akong pumili ng maisusuot ko." banggit niya, umakyat kami sa itaas at nagtungo sa kwarto niyang napakalaki. Sa aming dalawa sa kanya ibinigay ang malaking kwarto, ayoko rin naman ng malaking kwarto pakiramdam ko malulungkot lang talaga ako. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"Ang dami mo namang kalat ate?" aniya ko buhat nung makapasok ako, pansin ko ang mga kalat sa paligid puro ito damit mayroon sa lapag at meron sa kama niya mismo. Unbelievable!
"Huwag mo nga pansinin yan, sina manang na bahala mag-ayos niyan pag alis ko!" saad niya.
Matagal kong iniscan ang mga damit, marami namang maganda at hirap na hirap siyang pumili ng isusuot. Haaay!
"Ano na!! Dapat maganda ako ngayon dahil may date ako." Hindi naman makapaghintay ang isang 'to. Gusto niya agad-agad talaga.
"Anong date ba pupuntahan mo? Formal? " out of blue tanong ko sa kanya.
"Hmm... I don't know! Basta ang alam ko lang...dapat maganda ako ngayong gabi." ganito talaga siya, mas pinagtutuunan niya ng pansin ang mga panlabas kaysa sa kalooban.
We shared same last name but we surely different in personality even on prospective in life. I preferred simple yet happy life.
"Oh etong dress na dilaw! " sabay abot ko sa kanya. Isang dilaw na dress na may puffed sleeves but v-neck ang lining tama lang ang length ng palda nito.
Kumunot ang noo nito sa inis. "What are you serious Corinne? "
"Wala namang mali rito ah?" saad ko habang hawak ko ang dress.
"Meron!! I don't like yellow! It's not suit on me. Nagmumukha akong maitim jan! Alam mo ba yun," reklamo niya kaagad. Ano ba yan!
"Arte naman talaga! " I mumbled.
"Ano? May sinasabi ka ba? " naku mukhang narinig pa ata! huwag naman sana kasi baka mag-alburuto naman siya sa inis. tss.
"Wala! " singhal ko at naghanap muli ng dress na bagay sa kulay niya.
"Akala ko may sinasabi ka eh, ayusin mo ugali mo Corinne malalagot ka talaga kay mommy sinasabi ko sayo." nairitang saad nito, ayan nanaman siya umiling lamang ako at hinayaan ito.
"Eto dress na kulay mint green, mukhang bagay yan sa kulay mo ate." sabay abot ko sa kanya. Tinitigan niya ito ng mabuti lumapit at sinukat sa may salamin.
"Kaso mukhang maikli yata ang palda niyan ate." nag-aalalang tono ko.
"It's fine, get out now!!!" sigaw nito sa akin. Hindi man lang nag thank you sa pagtulong ko. unbelievable! Nagpunta na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.
Makalipas ang ilang oras kumatok si Manang Teresita sa kwarto at sinabing handa na raw ang hapunan. Pagkababa ko dumiretso ako sa dinning area at nakakapagtaka tahimik lang ang bahay.
"Kumain kana munting Corinne, late raw uuwi ang mommy niyo kaso si Miss Cheska naman umalis hindi ko alam kung nagpaalam iyon." saad nito sa gilid ko. Kaya pala isa lang ang plato rito.
"Manang huwag mo na akong tawaging munting Corinne hindi na ako bata eh."
"Pasensya na, nasanay lang ako siguro para sa akin isa ka paring bata na dapat alagaan." ngumiti ito sa akin. Mabuti pa sila mabait sa akin. Hinaplos nito ang buhok ko. "Kain ka na,"
"Manang sabay na ho kayo sa akin kumain." nagbabadya ang luha sa mga mata ko, kung sana ganito rin sina mommy at ate sakin.
"Pero hindi pwede iyon Corinne," pagtanggi niya.
"Nakakalungkot lang kasi kumain mag isa. Halina ho kayo, tawagin niyo rin sina Ana nang makasabay, wala naman sila mommy rito hindi nila malalaman." gusto kong bawasan ang lungkot na nadarama ko ayoko malunod sa ganito kaya nananatili lang akong nakalutang.
"Sige pero hindi na pwe..pwede ang ganito ha, mananagot talaga ako kay maam Isabelle nito. Kinakabahan talaga ako sayong bata ka!" aniya niya habang paalis at tinawag ang mga kasama ngumiti lang ako, it feels warm.
Kalaunan sabay sabay kaming kumain sa hapag. Masaya talaga kapag may kasalo.
"Miss Corinne pasensya na po kayo ha masyadong maingay." singhal ni Ana sa katabing si Freya.
"Ayos lang yun, masaya nga eh."
"Alam niyo po maam ang bait-bait niyo po, sa inyong pamilya kayo po talaga ang napapansin kong mabait e," si Freya, habang nahihiya ito pero sinabi pa rin niya.
"Ganun lang talaga yan si ate Cheska nasanay kasi yan na lahat ng gusto nakukuha palagi, pagpasensyahan niyo na!" saad ko. Tapos na kami kumain at si manang ang nagliligpit ng pinagkainan namin.
"Basta miss kung may problema kayo huwag kayong mahiyang lumapit sa amin ah," saad nila, tumango ako.
After nun bumalik ulit ang pakiramdam ko na mag isa. Ganito ba talaga kalamig? Maganda ang bahay pero parang walang tao, ano ba yun. Nakakalungkot.
Madaling araw naalimpungatan ako paikot ikot na ako sa higaan ko at wala pa rin, hindi na ako ulit dinalaw ng antok, nakakabanas! Napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto dahil nakaramdam ako ng gutom sa katawan ko, hirap pa namang matulog ulit kapag gutom ka, habang papunta ako sa kusina nakakarinig ako ng isang hagulgul, sino naman kaya yun? sa ganitong oras talaga?
Nakapatay na lahat ng ilaw sa buong bahay maliban sa kusina, iyon lang ang bukod tangging nakabukas pero yung dim light lang ang ginamit. Habang palapit ng palapit ako mas malakas na ang naririnig ko. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko, huwag naman sana multo dahil takot ako doon.
Lumapit ako at unti-unting sumilip sa pinto ng kusina. Nanlaki ang mata ko nang makita kong nakaupo doon si ate Cheska kumakain ng isang pint ng ice cream sa ganitong oras talaga?! Pero napansin kong lumuluha ito habang kumakain. Tuluyan akong pumasok at nagulat siya sa presensya ko, kaagad nitong pinunasan ang mga luha na tumutulo sa mga mata niya, kahit itago niya iyon nakita ko na kanina, what's the reason behind this?
"Ate anong nangyari sayo?" kaagad kong tanong sa kanya. Biglang nawala yung gutom ko dahil sa kanya. Tahimik ito at hindi pinansin ang sinabi ko, tss gusto ko lang naman malaman baka sakaling maging mabait siya sakin kahit kaunti.
Tinapik ko ang balikat nito, lumingat ang mga tingin sa akin. Ang kalat ng make up niya ngayon dahil sa pag iyak niya. Matalim ang mga tingin niya. Biglang nag iba ang ihip ng hangin.
"May ipapagawa ako sayo at dapat mong magawa iyon!!" she even gritted her teeth on rage. Napalunok ako, biglang bimilis ang pintig ng pulso ko, nakakatakot.
"Hah?" I said even though I'm still nervous.
"Kailangan mong kontrolin ang buhay ng Saviel na 'yon!!!"
Namilog ang mata ko sa mga sinasabi niya, Napailing ako.
"ANO?!"
---