Chereads / My Brothers and Their Rival / Chapter 1 - Fight 1: KAMBAL

My Brothers and Their Rival

🇵🇭Janaya_Obuyes
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Fight 1: KAMBAL

SHERLEA

"Oks tapos." Tinaas ko yung dalawang kamay ko sa ere at nag stretching. Ughh takteng professor toh, madaling araw na nagsend ng requirement. Ano kala niya samin di natututlog?

Actually wala na nga pala kaming tulog dahil sakanya so there's nothing new about that. Hayss pero at least tapos na. tumayo ako sa upuan ko at kinuha yung phone ko na nakapatong sa kama.

Bigla naman tumunog yung cellphone ko kaya agad kong tong kinuha at tinitignan kung kaninong pangalan ang nakalagay sa caller id.

Sumimangot na lamang ako at sinagot yung tawag.

"Hello." Walang gana kong sagot. Narinig kong tumawa ng malakas yung kaibigan kong si Felene na nasa kabilang linya. Lord please wag sana mapunta ang usapin namin sa models please lang ho.

"Hello my beautiful Sher! May kakarelease lang na magazine yung bebe ko shet! Sher ang gwapo niya!" Ramadam ko yung kilig niya at nangdiri na lamang ako. Jusko eto lang ba pwede naming pag-usapan kada araw?

Di niya man lang ako tatanungin kung masaya ba ko sa topic na toh? Oh di kaya kung may pake ba ko sa pinag-uusapan namin? Tumingin ako sa relo ko na malapit sa pintuan. Napamura na lang ako ng nakita ko kung anong oras na.

Wala nanaman akong tulog! Bibili talaga ako ng coffee bukas. Gusto ko na sanang iend yung call pero di ko kayang gawin kasi mahal ko tong si Felene at di ako masamang kaibigan.

"I guess nag pre-order ka na agad ng magazine ng sinasabi mong gwapo mong bebe?" Ngumisi ako nung sinabi ko yun. Shems may mood swings ata ako.

"Syempre naman! Ang gwapo niya talaga huhu! Pero anyways bat di ka pa tulog?" Awwe may awa rin pala tong best friend ko sakin. Ang sweet mo naman mareng Felene, kala ko di mo na kakamustahin ang kalagayan ko eh.

"As usual yung prof ko nanaman ang dahilan. Gising ka maaga bukas bili tayo coffee." Sabi ko kay Felene, nag agree naman siya at nagusap pa kami ng konti bago kami nagsabihan ng goodnight at natulog na.

Inoff ko yung cellphone ko at nilagay sa nightstand. Binuksan ko yung lamp sa tabi ko at humiga sa kama. Two hours na lang ang natitira kong tulog goodluck na lang sa akin bukas.

Sa classroom may batas~

Paulit-ulit na nagplaplay yung lecheng music kaya naman nagising ako kaagad. Takte kalian pa naging ganon ang tunog ng alarm ko?! Kinusot ko yung dalawa kong mata at tinignan ang paligid ko.

Bat may katabi na ko? Anong oras nanaman ba toh naka uwi? Jusko amoy na amoy ko yung alak.

Tinitigan ko yung kuya kong si Aedrien na walang suot sa pang itaas at naka boxers lamang. Gusto niyo bang makakita ng libreng six pack abs? Pwede kayong pumunta sa bahay ko tas kunin niyo na rin tong kuya ko.

"Kuya bat ka ba nadito sa kama ko?" Sinipa ko siya at inalog alog ang balikat niya para magising pero tuloy pa rin ang mahibing niyang tulog.

"Ang baho mo! Amoy alak ka! Mag tooth brush ka nga!" Sinipa ko siya ng mas malakas at nakita kong dumilat ang isa niyang mata pero agad naman niyang ipinikit uli.

"Ay bahala ka diyan! Kailangan ko ng maligo." Hinayaan ko na lang siyang matulog sa kama at pinulot yung mga damit niyang naka kalat sa sahig at hinagis sa labahan. Dumiretso ako sa cr at nag toothbrush.

Naghilamos na rin ako ng mukha para tuluyan ng magising yung mga mata ko kasi kanina pa sila bumabagsak at kailangan ko silang nakabukas ngayon dahil may test ako mamayang hapon.

Pagkatapos kong kumuha ng susuotin ko para sa pagpsok ko sa university ay naligo na ako. Nang feel kong mabango na ko lumabas ako ng shower at nagsuot ng pants at fit na mint green t-shirt.

Sinuklay ko yung kulot kong natural brown na buhok at lumabas na sa banyo kasi umiinit na. Pagkalabas ko nakita ko ang kuya ko na sinolo na ang higaan ko. Ummm sa pagkakaalam ko may sarili siyang kwarto?

Pinabayaan ko na lang siya at kinuha na ang sling bag kong nakasabit sa may upuan at ang ilang mga libro na kakailanganin ko mamaya. Pinatay ko rin ang mga ilaw sa kwarto ko at dahan-dahang isinira ang pinto paglabas ko.

Pagkababa na pagkababa ko, ang agad na bumungad sakin ay isang yakap. Wah buti pa si kuya Kelson ang bango! Niyakap ko naman siya pabalik at nginitian.

"Good morning kuya! May photo shoot kayo ngayon?" Masaya kong tanong sakanya at sinilip kung ano ang mga pagkain na hinanda ni mama. Wah favorite ko!

Agad kong niyakap si mama habang nagluluto siya at hinalikan ang pisngi niya. Nakita ko naman sumimangot si kuya Kelson ng umalis ako sa yakapan namin.

"Pinag-palit mo tong gwapong mukha na toh para sa matandang babae?" Nahulog yung panga ko sa sahig ng narining ko yung sinabi ng kuya ko kay mama.

"Pagbilang ko ng tatlo dapat di ko na makikita yang mukha na yan." Seryosong sabi ni mama na tumigil na sa pagluto at hawak hawak pa ang kutsilyo. Natawa na lang ako ng Makita ko ang takot sa mukha ni kuya.

"Ma eto naman di mabiro syempre san ba nanggaling yung gwapo kong mukha? Sayo lang naman. Hindi naman gwapo si tatay eh." Kinamot ni kuya yung batok niya at umupo sa dining chair.

"Tama. Di ako gwapo kasi ako ang pinakagwapo! Naalala ko nung mga araw na isa sa members ng fan club ko yang nanay niyo." Malaki ang ngiti ni tatay habang nanonood siya ng cooking show.

Tumawa ng napakalakas si kuya habang sinubo niya ang pancake na nakalagay sa harap niya, habang si mama naman ay nakasimangot pa rin at tinuloy na lang ang pagluluto niya.

"Onga pala kuya di mo sinagot tanong ko kanina." Kumuha ako ng baso sa cabinet at nilagyan ito ng tubig since nag promise ako na bibili kami ni Felene ng coffee sa may café malapit samin.

"Yup pero mamaya pang five baka late na kami makauwi." Sagot ni kuya na naglalagay ng napakaraming syrup at butter sa pancake niya. Di ba siya mauumay niyan?

"Anyways nasan yung kambal ko? Galing kami sa party kagabi pero nakarami ata siya ng inom." Akala ko si kuya Aedrien lang ang galing sa party kasi siya lang ang amoy alak kasama niya rin pala si kuya Kelson.

Actually ang weird nilang magkambal kasi ang opposite sobra ng ugali nila. I mean parehas naman silang sweet sakin. Wait joke lang yung sinabi ko si kuya Kelson lang pala ang sweet sakin.

"Ewan ko pero pag gising ko katabi ko na." Tinignan ko ang orasan ko at nakita kong malapit na ang oras na dapat magmimeet kami ni Felene sa café kaya binilisan ko na ang pag kain ko.

"Hatid kita sa school niyo." Nakangiting sabi ni kuya sakin at kinuha ang plato ko ng nakita niyang ubos na ang pancakes ko.

"Ako na maghugas kuya." Aagawin ko sana yung mga platong hawak niya ng tinalikuran niya ko at dumiretso na sa lababo.

"Ako na toh mag review ka na lang para sa exam mo mamaya." Tumango na lang ako at umupo sa sofa. Binuklat ko ang libro ko at nagsimula ng mag review.

Ilang minuto ang lumipas ng sinabihan ako ni kuya na aalis na raw kami. Niligpit ko ang mga gamit ko at tumayo na sa sofa. Nagpaalam ako kanila mama at papa at sinabing may bibilhin lang ako sa café.

Binuksan ko ang pintuan ng napakakintab at napakagandang Mercedes ni kuya at umupo sa tabi ng driver's seat. Pumasok na rin si kuya at pinaandar na ang kotse. Sinabihan ko rin siya na may bibilhin lang ako sa café at tumango naman siya.

Tinext ko si Felene na malapit na ko sa café at sumagot naman siya na nandon na raw siya. Pagkarating namin sa café pinark ni kuya yung kotse sa may parking lot.

"Dito ka na lang sa kotse kuya. Baka may makakilala pa sayo don sa loob. May gusto ka bang ipabili?" Tanong ko sakanya. Sikat na model ang magkambal at kung nagtataka kayo kung bakit ayaw pa nilang lumipat ng bahay eh dahil tamad raw sila kasi marami pa raw aasikasuhin blah blah.

"Iced amercano lang." Ngumiti ang gwapo kong kuya. Bat kaya wala pa tong girlfriend? Pero yung kambal niya naka higit isang daan na ata.

"Okay." Lumabas na ko ng kotse at pumasok na sa loob ng café. Kakaunti pa lang ang mga tao sa loob dahil maaga pa pero marami ng mga estudyante ang nakatmbay dito. Gusto siguro nilang magchill muna bago pumasok.

Pagkapasok ko hinanap ko kaagad yung bestfriend kong adik sa mga models niyang bebe. Nakita kong kumakaway sakin si Felene na nakasuot ng tube at fit na leggings. Model ba toh? University pa ba pupuntahan namin?

"Balita ko bibili lang tayo ng coffee tas papasok sa university?" Tinitignan ko yung buhok ni Felene na kulay red at straight kung straight. Pero in fairness ang ganda niya ho. No comments.

"Of course kailangan kong magpaganda noh. It's always part of my routine and will always be." Sinuklay-suklay niya pa yung buhok niya akala mo naman dumagdag yung kagandahan niya. Actually oo dumagdag nga. Ughh bat ba ko ganto? Wag kang mainlove sa bestfriend mo Sher.

"Sige sabi mo eh bahala ka diyang mag oorder na ko naghihintay pa si kuya sa parking." Dumiretso na ko sa pila at tinignan yun menu.

"Nandiyan kuya mo? Alin don? Yung good boy o yung bad boy?" Sabay kindat ni Felene sakin at nilagay niya yung isang braso niya sa balikat ko.

"Yung una mong sinabi." Hindi ko siya pinansin at tumingin lang ako sa harap.

"Aww sayang mas gwapo yung isa mong kuya eh. Pero syempre gwapo pa rin yung goodie boy mong kuya." Sabi ni Felene.

Nang ako na yung oorder agad agad ko naman binigkas yung order namin at binigay sa barista yung pambayad. Umupo muna kami ni Felene malapit sa hintayan ng orders at nung narinig kong tinawag ang pangalan ko ay kinuha ko agad ang mga inumin namin.

Binigay ko kay Felene yung order niya at dumiretso na kami sa parking lot. Sumakay ako sa harap tas si Felene naman solo yung likod.

"Kuya oh." Binigay ko kay kuya yung kape nagsabi lang siya ng thank you at pinaandar na agad yung sasakyan.

"Sana ako na lang kapatid niyo. May libreng view na nga ko may libre pang tagahatid at sundo." Nakangiting sabi ni Felene kay kuya.

"Do you want me to ask Aedrien if his willing to be your personal driver?" Natatawang sabi ni kuya na nakatingin lang sa daan.

"Papayag ba siya kuya Kelson?" Nakasimangot na tanong ni Felene kay kuya.

"Please lang Felene wag si kuya Aedrien. Masasaktan ka lang don." Inayos ko yung ulo ko sa pagsandal sa head rest.

"Ang caring naman ni Sher. Don't worry okay lang ako sa laro laro." Kumindat si Felene sakin.

"Umm hello tiyaka sa tingin mo ba gusto kong magdate ang best friend ko tiyaka isa kong kuya." Sabi ko kay Felene.

"Sus arte nito. Bagay kaya kami." Ngumisi sakin sa Felene na parang nang-aasar. Pano ba kami uli naging magkaibigan?

Thirty minutes ang lumipas bago kami nakarating sa university. Gustong gusto ko na nang lumabas sa sasakyan dahil kanina pang bukang bibig ni Felene ay ang mga gwapong lalaki raw niya.

"Thank you kuya." Nagpasalamat ako at nagpaalam na kay kuya.

"Sorry ah di na kita masusundo mamaya may photoshoot pa kasi kami." Malungkot na sabi ni kuya.

"Oks lang." Tuluyan na kong lumabas ng kotse at kumaway kay kuya.

Dumiretso kaming dalawa ni Felene sa loob ng maingay na unibersidad. Marami ang naglalaro at nakatambay lang sa may damuhan habang naglalaptop at umiinom ng kape.

"Text-text na lang pag tapos na yung class." Naglakad si Felene patungo sa klase niya at ako rin dumiretso na sa klase ko.

Ang major ko ay photography. Noon pa lang mahilig na talaga akong kumuha ng mga litrato. Natutuwa ako pag nakukunan ko yung magagandang view o di kaya pag pinipicturan ko yung mga taong mahahalaga sakin.

Nilabas ko yung camera ko sa bag ko at inayos yung lens. Tinignan ko rin yung mga pictures na kinuha ko nung dati pa. Sa sobrang focus ko sa mga litrato hindi ko napansin na may tumabi na pala sakin.