Naramdaman kong may umupo sa tabi ko, pero di ko ito pinansin at mas ginusto ko pa ring titigan lang ang mga pictures. Tiyaka ano naman kung may umupo sa tabi ko bawal ba silang umupo kung san nila gusto?
Nang dumating na yung professor namin ay tinago ko agad yung camera ko at nilabas ang notebook at libro. Tahimik ang klase at may sari-sariling mundo ang iba habang ako naman ay seryosong nakikinig sa professor at nag tatake ng konting notes. Kailangan pag butihan ang pag-aaral at mahirap na kung bumugsak ka sa mga tests.
Napansin kong nagbabasa lang ng libro yung katabi ko pero di ko pa rin siya tinignan at tuloy pa rin akong nagsusulat sa notebook ko.
Natapos na ang klase at pag tingin ko sa tabi ko ay wala na yung katabi ko. Inayos ko yung mga gamit ko at nilabas yung camera ko para isuot sa leeg ko. Tatayo na sana ako ng makita kong may itim na leather wallet ang nakapatong sa table ng katabi ko kanina.
Naiwan niya ang wallet niya. Hala pano siya uuwi mamaya? Kinuha ko agad yung wallet at tumakbo sa labas baka sakaling kakaalis niya pa lamang at baka maabutan ko pa siya.
Pero shunga shunga pala ako kasi hindi ko naman alam kung anong itsura at suot niya. Napakamot na lang ako sa ulo ko at pinasok sa bag ko yung wallet niya.
Maghahapon na ng biglang may nagchat sa gc namin na absent yung prof naming kaya pwede na raw kaming umuwi. Napangiti naman ako ng di oras at tinext si Felene na mauuna na ko kasi nangangailangan na talaga ako ng tulog.
Pumunta ako sa bus stop at umupo sa bench. Ibabalik ko na sana ung camera ko sa loob ng bag nang mapansin ko yung wallet na naiwan ng katabi ko kanina.
Kinuha ko ito at binuksan, napanganga na lang ako ng nakita kong puro isang libo ang laman ng wallet. Siguro pag kumuha ako ng isang piraso hindi naman niya malalaman noh?
Sinampal ko yung sarili ko. Pusa Sher anong kagaguhan yang binabalak mo? Magnanakaw ka na ngayon?
Hinalungkay ko ang bag niya para tignan kung meron ba siyang calling card dito o kahit ano na pwedeng makatulong sakin para maibalik toh sakanya.
Nakita kong may isang black card na nakasuksok sa lalagyanan ng mga card kaya kinuha ko toh at tinitigan. Walang pangalan na nakalagay dito at number lamang.
Napagisipan kong tawagan siya para di siya mag-alala kung san napunta yung wallet niya. Lalaki siguro yung katabi ko kanina base sa wallet niya. Dinial ko yung number na nakalagay sa card sa phone ko.
Nakakailang rings na pero di pa rin niya sinasagot yung tawag kaya inend ko na lang. Since katabi ko naman siya kanina ibig sabihin makikita ko rin naman siya bukas.
Dumating na yung bus at pagkapasok ko naghanap agad ako ng mauupuan kasi ramdam ko na yung antok ko. Umupo ako sa may banda likod at tumingin sa bintana. Maya-maya naramdaman ko na yung pagdalaw ng antok ko.
Pag gising ko tumingin kaagad ako sa bintana kasi baka lumagpas na yung bus sa dapat na babaan ko. Napabuntong hininga ako ng nakitang dalawa pang station bago makarating yung bus sa stop ko.
Pagkarating ko ng bahay nagulat ako ng bumungad sakin si Kuya Aedrien na nanonood ng romance na palabas.
"Kuya kala ko may photoshoot kayo?" Tinanggal ko yung sapatos ko at ipnasok sa shoe rack.
"I'm lazy. Sabi ko kay Kelson na sabihing may sakit ako." Walang ganang sagot ni kuya habang sumusubo ng potato chips.
"Pwede ba yun?" Tanong ko sakanya at umupo sa tabi niya.
"Duh. VIP ako." Mayabang na sagot ni kuya habang nakangisi sakin.
Biglang ko na lamang narinig nag ring yung cellphone ko sa loob ng bag ko kaya kinuha ko ito at nakitang unknown number ang tumatawag pero sinagot ko pa rin.
"Aedrien babes! You wanna go eat outside? I brought my friends with me!" Isang mataas at malanding boses ng babae ang nagsalita sa kabilang linya.
Inalis ko yung cellphone ko sa tenga ko at tumingin ng masama kay kuya.
"What?" Naguguluhang tanong sakin ni kuya ng mapansin niya yung tingin na ibinigay ko sakanya.
Hinagis ko kay kuya yung cellphone ko at sinalo naman niya. Tinignan niya ko ng para bang nagtataka at sinabing kong sagutin niya ang tawag. Pero imbes na sagutin niya inend niya yung call at binalik sakin yung phone.
"Kuya girlfriend mo yun! At bat number ko nanaman yung binigay mo?!" Naiinis kong sigaw sakanya.
Mas marami pa atang tumatawag na girlfriend niya sa cellphone ko kesa sa mga kaibigan ko. Ano ako assistant niya? Taga sagot ng tawag ng mga babaeng balak na niyang itapon?
"May service charge po tong ginagawa ko. Isang libo kada isang sagot ko sa tawag ng mga girlfriend mo." Kinuha ko na yung mga gamit ko na nilapag ko sa sofa at umakyat na papunta sa kwarto ko.
"Sows isang libo lang pala." Habol ng siraulo kong kuya habang tumatawa pa. Baliw?
Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko nagshower agad ako at nagpalit ng komportableng pangtulog at humiga sa kama. Napagisipan kong subukan ulit tawagan yung may-ari ng wallet.
Dinial ko uli yung number sa phone ko at naghintay na sagutin niya Nakakasampung ring na ata pero di pa rin niya sinasagot ng ibaba ko na sana yung tawag biglang huminto yung
Akala ko hindi niya na ito sasagutin kaya di ako nakasagot agad.
"Hello?" Ako ang unang nagsalita.
"..." Katahamikan lang ang narinig ko sa kabilang linya. Baka aksidente niya lang naisagot yung tawag?
"How did you get my number?" Malalim na boses ang sumagot at rinig sa boses niya na hindi talaga siya interesadong malaman.
"Umm you left your wallet on the table a while ago, so I called you just to let you know." Tinakpan ko yung bibig ko gamit yung kanan kong kamay. Shet englishera na ko ngayon?
"What?" Naiirita niyang tanong. Ha bat siya nagagalit ako na nga tong nakapulot ng wallet niya hello. Pag ayaw mo pwede mo naman sabihin matutuwa pa ko sa rami ba naman ng perang laman nito.
"Your wallet. You left it on the-"
"Yeah you just said that." Pinutol niya ko habang nagsasalita at napanganga ako. Anak ng-
"Pakshet ka ikaw nga tong nagtanong tanong ng what! Dahil mabait ako inuulit ko lang naman yung mga simpleng words na di mo naintindihan." Nanggigil kong sabi sa lecheng lalake na ang kapal ng mukha.
"Too loud." After niyang sabihin yun agad na nagend yung call.
Ilang segundo ata akong nakatitig sa cellphone ko bago nagprocess sakin lahat ng mga sinabi niya.
Ang kapal ng mukha mong lalaki ka! Nanggigil ako shet! Kalma Sher alalanin mo ganyan rin yung isa mong kuya kaya mo yan.
Pero what the heck? Ako na nga tong nag magandang loob na tawagan siya para ibalik yung wallet niya sakanya tas ganyan lang yung ibabalik niyang pasasalamat sakin? Dirtbag.
Pabagsak kong hiniga ang likod ko sa kama at tumititig sa kisame. Wala na nawala na yung antok ko.
Bumaba na lang ako baka sakaling maalis sa isip ko yung taong yun at naabutan ko si kuya Aedrien na nakahiga sa sofa at may kausap sa cellphone niya.
"Of course. Do you want me to accompany you tomorrow? We could cuddle and all." Narinig ko ang malambing na boses ni kuya pero sa totoo yung mukha niya ay nakasimangot lang at parang walang pake sa buhay.
Nilagpasan ko lang siya at dumiretso sa kusina. Wala sila mama at papa dahil madalas silang late na nakakauwi dahil sa trabaho kaya ako lagi ang nagluluto ng hapunan.
Nagsaing ako ng kanin at nagluto ng omelette at isda.
"Ughh.." Nakitang kong tinakpan ni kuya yung mga mata niya gamit ang kanyang braso kaya naman nilapitan ko siya at tinignan.
"Ano problema mo?" Tanong ko sakanya.
"Callan." Gigil niyang sagot.
"I hate that guy." Pagpapatuloy niya.
"At bakit naman? Inagaw niya ba girlfriend mo?" Natatawa kong sabi sakanya.
"What the heck Sher? Hindi of course! Most of all never ko pa siyang nakitang may kasamang babae." Tumayo siya at dumiretso sa kusina kaya naman sinundan ko siya.
"Eh yun naman pala, so what's your problem with him?" Kumuha ako ng baso at nilagyan toh ng paborito niyang gatas.
"He's just too full of himself and way too arrogant." Binigay ko sakanya yung baso at ininom niya ito agad.
"Oh parehas pala kayo ng ugali eh." Tinignan kaagad ako ng masama ni kuya.
"What? Just stating facts tho." Nangaasar kong sabi sa kanya.
"Whatever. Basta pag nakita mo yun layuan mo agad." Seryosong sabi ni kuya.
"Oo na." Binalikan ko na yung niluluto ko at inayos na yung hapag kainan.
Magna-nine na ng makabalik si kuya Kelson. Pagkapasok niya sa bahay agad naman akong niyakap nito at sinabing. "Huhu Sher I'm so tired imasahe mo naman likod ng kuya mo." Nag inarte pa siya na parang naluluha na sa pagod.
"Sige after nating kumain. Sabi nila mama mauna na raw tayong kumain at anong oras na raw sila makakauwi." Umupo ako sa dining chair.
"Kamusta photoshoot mo Kelson?" Tanong ni kuya Aedrien.
"You mean photoshoot natin? Ugh pinagod nila ko tiyaka sobrang busy nila kasi malapit na raw bumalik si Callan." Sumimangot si kuya Kelson nung binigkas niya yung pangalan ng kaaway niya.
"Psh sana di nalang siya bumalik." Naiinis na sabi ni kuya Aedrien"
"Ang laki talaga ng galit niyo sakanya noh." Kinuha ko yung sandok at naglagay ng kanin sa plato ko.
"Sino ba naman di maiinis sa ugali niya!" Umupo sa tabi ko si kuya Kelson at kinuha yung sandok sa kamay ko.
"Can we please stop talking about him now." Umupo si kuya Aedrien sa harapan ko at nagsimula na ring kumain.
Nang matapos kaming kumain hinuhgasan ko ang pinagkainan namin at iminasahe yung likod ni kuya. Pagkatapos non nag shower na ko at humiga sa kama ko.
Kinuha ko yung cellphone ko na nakalagay sa beside table at pinagisipan kung susubukan ko bang tawagan uli yung siraulong lalake na nakausap ko kanina.
Ughh bat ko ba siya kailangan tawagan pa uli eh kung makikita ko rin naman siya bukas? Iinisin ko lang sarili ko pag tinawagan ko siya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at natulog.
"Gising huy!" Naramdaman kong may tumama sa mukha ko na isang unan kaya napadilat agad ako.
Nakita ko si kuya Aedrien na naka full display ang abs ata nakapamewang pa sa harap ko.
"Bat maaga ka nagising kuya?" Inaantok kong tanong at kinusot ang aking mata.
"Since di ako pumunta sa photoshoot kahapon pinapapunta ko ngayon ng manager ko. Aga aga eh." Naiinis niyang sagot sakin at umalis na ng kwarto ko.
Nagsuklay ako ng buhok at inayos ang kama ko bago ako bumaba.
Pagkatapos kong kumain at magpaalam kanila papa at mama ay hinatid na ko ni kuya Aedrien sa university ko since dadaanan naman din daw niya yung university ko papunta sa agency niya why not ihatid na rin daw niya ko?
"Bye kuya! Ingat!" Nag wave lang sa akin si kuya at umalis na agad.
"Oh em gee ghorl! Ang gwapo talaga ng kuya mo! Bad boy talaga ang dating!" Nagulat ako ng biglang bumungad sa harap ko si Felene.
"San banda?" Tinignan ko siya ng kakaiba.
"Sa lahat ghorl!" Tumalon talon pa yung bestfriend ko na parang bata.
"Pero anyways babalik na raw si Callan! Yung mortal enemy ng magkambal mong kuya." Dirediretso lang ang lakad namin ni Felene habang naguusap.
"Pano mo nalaman na magkaaway sila?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Everybody knows! Silang tatlo ang pinakasikat na models ngayon! And at the moment si Callan ang number one and susunod sakanya yung dalawang kapatid mo! Gosh magopen ka nga ng social media or manood ng TV. Hindi ba nagkwekwento sayo yung dalawa mong kuya?" Napahinto si Felene habang ang mukha niya ay gulat na gulat na wala akong kaalam alam sa nangyayari sa internet.
"Anyways enough of that! Papakita ko na lang sayo latest picture ni Callan! Shet ang gwapo niya talaga no wonder siya yung number one model ngayon!" Nilabas ni Felene yung cellphone niya at pinakita sakin yung picture.
Nakaupo yung lalaki sa isang stool habang may hawak na kape. Nakasuot siya ng salamin at yung damit niya ay naka unbutton kaya kitang kita yung abs niya. Yung buhok niya na kulay black ay magulo pero gwapo pa rin siyang tignan. Maputi siya at makikita mong matangkad siya dahil sa haba ng legs niya.
"Oh ano natunganga ka na diyan? Naku pag nakita ng magkambal na yun na naglalaway na yung kapatid nila at sa kaaway pa nila kamo." Tinago na ni Felene yung cellphone niya at kinurot yung dalawang pisngi ko.
"Oo gwapo siya pero di ako na love at first sight baliw." Inalis ko yung kamay niya sa pisngi ko dahil nasasaktan na ko.
"Weh kunwari ka pa." Natawa si Felene ng nakita niyang hinaplos ko yung pisngi ko.
Nagpaalam na ko kay Felene at sinabing magkita na lang kami after ng class namin. Ikwekwento ko sana sakanya yung tungkol sa lalaki na nakaiwan ng wallet niya.
Napagisipan kong wag na lang ikwento sakanya at baka tawanan lang din naman niya ko. Dumiretso na ko sa loob ng classroom ko at umupo malapit sa bintana sa may harap.
Since wala pa naman yung professor nilabas ko uli yung camera ko at kinuhaan ng litrato yung mga puno sa sa labas mg bintana.