SAM POV
"Kuya Gio gising na! samahan mo akong mag laro sa Park" gising ko sa kanya. Nasa kwarto nya ako ngayon madalas din kase na pag u-umaga ay nandito ako at ginigising sya. Sa kabilang bahay lang din kase kame nakatira kaya madali akong nakakapunta sa kanya.
By the way my name is Samantha Wang sabi ni mommy may 1/4 daw akong blood ng Chinese tapos 3/4 na ay pilipino hehe ang galing no? At ito namang tulog na to si kuya Gio, Gio Perez sya ang kuya ko hindi man kame tunay na magkapatid pero para sakin kuya ko sya.
Anak sya nila Tita Brenda at Tito Gino na bestfriends ng parents ko.
Sabi ni mommy nung ipanganak daw ako ay nandito na si kuya Gio. Madalas pa nga raw ayaw aalis ni kuya sa tabi ko at gusto nya na ina-alagaan ako. Natatawa pa nga si mommy habang kinukwento yun kase ang liit-liit lang daw ni kuya nun tapos hindi pa makabuo ng tuwid na salita pero gustong gusto na lagi akong kasama.
Sabi din nila mommy na kaya daw ganon si kuya kase wala daw itong kapatid, kaya ng ipinanganak nila ako inisip ni kuya na ako ang little sister nya.
Ay oo nga pala two years older sakin si kuya Gio.
"Kuya gising na punta tayo sa Park" pangungulit ko sa kanya kase hanggang ngayon ay hindi parin sya gumigising. Nagtatalon na ako sa bed nya at inuga-uga sya pero tamad parin syang gumising.
"Sam ang aga pa. Matulog pa tayo" sagot nya habang nakapikit parin. Pero dahil makulit ako hindi ako nag patinag
"Kuya nga wake up, gusto ko ng mag laro" pangu-ngulit ko parin, pero ang ginawa lang nya ay hinila ako pahiga sa tabi nya at niyakap ng mahigpit, ini-anday nya din ang mga binti nya para hindi ako makakilos. Ginawa nya yun habang nakapikit parin.
"Pero gusto ko ng maglaro" pout na sagot ko kahit na alam kung di nya nakikita.
Maya-maya lang ay iminulat nya ang kanyang mata at tumingin sa orasan sa may side table. At tumingin saakin, kita ko ang antok parin sa kanyang mata.
" Sam! 6am palang wala pang nag lalaro ng ganitong oras tsaka 14 years old kana dapat hindi ka na nag lalaro" kunot noong sabi nya at niyakap ulit ako ng mahigpit at pumikit para bumalik sa pag tulog.
Maaga pa ba ang 6 am? E pag late ko naman syang inaaya ayaw nya, kase tanghali na daw at mainit na para mag laro. Ngayon na man ayaw nya kase ma-aga pa, anong oras ba niyang gustong maglaro? Gabi?
Tsaka ano naman kung 14 years old na ako? Bata pa naman din ako kaya pwede pa akong mag laro. Sya kase ang gusto nalang parating nilalaro mga video games e ayaw ko naman nun mas gusto ko paring maglaro sa park. Kase don merong slides, siso tsaka swing tapos madami pa kaming pwede makalaro. Tsaka dati naman gustong-gusto nya kapag naglalaro kame sa park pero ngayon halos aayaw na nyang pupunta dun. Napa-papayag ko lang sya kapag umiiyak ako o kaya nagtatampo, kapag ganon na kase wala na syang nagagawa kundi sundin ang gusto ko. Kaya love na love ko yan e kase hindi nya ako kayang tiisin.
Hindi ko na sya kinulit ulit kase mukhang tulog na sya, kaya ang ginawa ko nalang dahil hindi ako makaalis sa pagkakayakap nya ay matulog na lang din, nakaramdam na rin kase ako ng antok dahil masyadong napaaga ang gising ko.
GIO POV
"hmm" gising ko ng maramdaman ko ang sikat ng araw na nagmula sa labas ng bintana ng kwarto. Pagmulat ko, natutulog na Sam ang nasilayan ko. Himbing na himbing ang kanyang pag tulog habang mahigpit na nakayakap at ang paa nya ay nakapatung sa aking mga hita. Natagpuan ko ang aking sariling nakangite habang pinagmamasdan ang maaamo nyang mukha, napatawa naman ako ng isipin na para syang kuting kapag tulog pero kapang gising naman ay daig pa nito ang lion sa sobrang kulit. Dahan dahan kung hinawi ang mangilan-ngilang hibla ng buhok na bumabagsak sa kanyang mukha at muli ko itong tinitigan. Napakaganda nya, kung titingnan angat ang ganda nya sa karamihan, matangkad din sya hindi tulad ng iba. Madalas kapag kasama ko sya hindi maiwasang hindi ko mapansin ang mga tingin ng pag hanga sa kanya, ngunit ng dahil sa akin walang sino mang lalaki ang magawang lumapit sa kanya dahil narin siguro sa takot. Masyado rin kase pala-kaibigan si Sam kaya marami ang humahanga at gusto sya. At ang pinaka nagustuhan sa kanya ay ang pagka-isip bata nito.
Na sobrahan pa nga sa pagka-childish na kahit na 14 years old na e gustong-gusto paring naglalaro sa park. Halos maliliit na mga bata na lang ang nakikita kong naglalaro don, kaya lang pag hindi naman ako sumasama o pumapayag e umiiyak sya o kaya'y magtatampo kaya no choice din ako kundi sundin ang gusto nya, hindi ko rin kase sya kayang tiisin ayaw na ayaw ko kapag nakikita syang malungkot
And take note, 4th year high-school na kame at kung nagtataka naman kayo na sa murang edad nya e 4th year na sya, yun ay dahil gusto nya na classmates' kame. Naaalala ko nung mga bata kame, una akong eni-enroll para mag-aral kase mas matanda naman ako sa kanya, kaya lang hindi sya pumayag. Gusto nya na kapag nag-aral ako ay dapat mag-aral din sya. Hindi pa pumapayag nun sila tita kase hindi pa naman pweding mag-aral ang edad nya kaya lang hindi sila tinigilan ng iyak ni Sam, kaya walang din silang nagawa, buti na nga lang at kilala ng parents ko ang may-ari ng school kaya pinayagan nila si Sam.
Kaya simula nursery hanggang ngayon na 4th year highschool ay classmates' kame and seatmate din. Ayaw nya rin kasing pumayag pag hindi kame magkatabi. And oo nga pala kahit mas bata sya sa karamihan pero di maikakaila ang talino nya, simula noon hanggan ngayon ay lagi syang nasa top, kadalasan e nasa top 2 sya at syempre ako ang rank 1. Haha yabang ba?
Madalas rin kaming pagkamalan na magkapatid kase simula maliliit palang kame hanggang ngayon ay hindi na kame mapaghiwalay. Tsaka lagi nya rin kasing bukang bibig ang kuya Gio! malingat lang sya ng sandali at hindi ako makita sumisigaw na agad sya ng 'kuya Gio, kaya kadalasang iniisip nila na little sister ko si Sam. Ok lang naman kase para sakin she's my only little sister na sobra kung mahal. For me she's the most important person in my life, ayaw ko kapag nasasaktan sya o nalulungkot, pero madalas ayaw ko kapag may nagkakagusto sa kanya na lalaki o kaya kapag lumalapit sya sa iba. May iba akong nararamdaman, para akong nagagalit, natatakot at nalulungkot na hindi ko ma explain kung bakit ano iyon at hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ano bang ibig sabihin nun. Iniisip ko na lang na paka normal lang kung ano man ang nararamdaman ko kase para sakin she is my sister na ayaw kong maagaw ng kahit sino! Na gusto ko akin lang ang kapatid ko!
"knock knock" katok sa pinto na dahilan ng pagbalik ko sa realidad.
"Anak gising kana ba?? Andyan ba si Samanth?" katok ni mom sabay bukas ng pinto
" why mom? Tulog pa po si Sam" sagot ko sa kanya habang dahan-dahang inaalis ang pagkakayakap ni Sam. Tumingi ako sa orasan. 9am na pala matagal rin pala akong naka-titig kay Sam habang natutulog.
" Nakatulog pala yang bata na yan. Ang agap kasing pumunta rito" ngiting sabi nya habang tinitingnan si Sam na himbing na himbing sa pagtulog.
"Andyan ang tito at tita mo, kaya gisingin mo na si Sam at sumunod kayo sa ibaba at may pag-uusapan tayo" sabi nya habang kapansin pansin na parang may lungkot ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan si Sam. Bakit anong meron? Ano ang kaylangan namin pag usapan?
"Sina tito Nat and tita Trish po? Bakit? Ano pung pag-uusapan natin" pagkukumperma ko kung parents ni Sam ba ang tinutukoy nya.
"Yes anak, bumangon na kayo at sumunod sa baba" pahayag nya habang palabas ng kwarto. Hindi nya sinagot kung tungkol saan ba ang pag-uusapan. Agad kung pinutol ang mahimbing na pagkakatulog ni Sam ay syang ginising
" Sam wake up! Nasa baba ang parents mo may pag-uusapan daw" gising ko habang kinukurot ang mapupula ngang pisnge para sya ay magising. Dahan-dahan naman nyang iminulat ang mga mata. Nasinag pa sya sa liwanag ng araw kaya iniharang nga ang kanyang mga palad
"Kuya anong oras na? tanghali na ba? Bakit ngayon mo lang ako ginising? Hindi nanaman tayo makakapunta ng park nito kase sobra na ang sikat ng araw" sunod sunod nyang tanong habang naka pout na nakatingin saakin. Napangite naman ako dahil ang cute nya habang nag rereklamo
"puro paglalaro ang nasa isip mo!" pitik ko sa kanyang noo " di mo ba narinig ang sinabi ko? Nasa baba ang parents mo at mag pag-uusapan daw tayo" sagot ko habang bumabangon sa bed at tumayo sa may gilid nito. Habang sya ay nag indian set habang naka pout na nakatingin saakin.
"tungkol san daw ba ang pag-uusapan?" curious na tanong nya, kibit balikat lang ang naging sagot ko
"kaya bumangon ka na dyan at puntahan mo na sila. Susunod nalang ako pagkatapos kung maligo" tumayo sya sa may kama at pinantayan ako, inilapit nya ang mukha saakin at inamoy ako
" hmm hmm oo nga kuya maligo ka na, ang baho mo na kase" tawang asar nya at tumalon ng bed patakbo palabas ng kwarto at ng makalabas ay sumilip sya sa may pinto at benelatan ako, napatawa ako dahil para syang bata. Alam ko naman na nagbibiro sya dahil kahit ilang araw akong di maligo ay mabango parin ako.
Pag katapos kung magbihis bumaba ako agad, nasa may hagdan palang ay rinig na rinig ko na ang boses ni Sam
" Dad ano po ba yung pag-uusapan natin? Bakit pati sila kuya kasali?" pangungulit ni Sam habang hawak hawak ang kamay ng ama na para bang may gusto sya na hindi pa ibinibigay.
"Ayaw ako sagotin ni mommy kaya ikaw nalang mag sabi?" habang tumitingin sa mom nya at babalik sa ama na para bang humahanap ng kakampe
"Nak antayin na lang natin si Kuya Gio mo, ok" pakiusap ng ama sa kanya, pout lang naman ang isinagot nya. Sigurado ako kanina nya pa kinukulit ang magulang para sabihin kung tungkol saan ba ito.
Napansin ni Sam ang pagdating ko at agad itong bumitaw sa kanyang daddy at lumapit saakin
"sa wakas dumating ka narin, kanina ko pa sila kinukulit pero wala man lang akong nakuhang sagot tsk" simangot na bungad nya
"Mom, dad, Tito, Tita tungkol saan po ba ang pag-uusapan natin" paumpisang tanong ko at umupo, sumunod naman si Sam na tumabi saakin.
Nandito kame ngayon sa may sala, nakaupo sila sa may mahabang sofa at kame naman ay nakaupo sa may tapat nila. Bakas din sa mga mukha nila ang lungkot ay pangamba kung pano sisimulan ang pag-uusap. Ng una ay wala ni isa sa kanilang gustong magsalita.
Iba ang nararamdaman ko sa pag-uusap na ito, parang ang bigat ng atmosphere sa kanila.
"Bakit hindi po kayo nagsasalita? Buntis ka ba tita? O ikaw mom? Magiging ate na po ba ako?" excited na tanong nito dahil sa kanyang naisip. Natawa sila sa inosenting tanong ni Sam na dahilan ng pagkawala ng katahimikan at na bawasan rin ang bigat ng atmosphere.
"Not that anak! Dad ikaw na nga ang magsabi sa mga bata" pahayag ni tita, sabay tingin kay tito kita ko parin na may kunting pangamba sa kanila. Kita sa mga mata ni tito na hindi nya alam kung pano mag sisimula.
"Sam, anak after nyo grumaduate pupunta na tayo ng china" nakita ko ang pagtatanong sa mga mata ni Sam, hindi nya maintindihan ang ibig sabihin ng ama
"what do yo mean tito? Ano pong ibig sabihin ng sinabi nyo?" pagtatakang tanong ko, ano ang ibig sabihin nya ng sinabi na pupunta sila ng china? Mag babakasyon ba sila? sa isang pahayag nya ang dame kong katanungan.
"Mag babakasyon po ba tayo?" pagtatanong ni Sam na dahilan upang magtinginan ang matatanda.
"Hindi bakasyon anak, doon na tayo maninirahan" ng sabihin ni tita ang mga salitang iyon biglang na blanko ang aking isipan. Ano? Doon na sila titira? Pano na ako?
"Mom, dad bakit po? Ayaw ko. B-bakit pa nating kaylangang umalis dito" Umiiyak na pakiusap nya, yong saya nya kanina ay napalitan ng lungkot lumapit na din sya sa kanyang magulang para pakiusapan ito.
"Tita, tito b-bakit kaylangan sa china pa po? Okey naman po kayo dito diba? Tsaka bakit kaylangan pag ka graduate namin agad?" ramdam ko ang pagtulo ng aking mga luha habang tinatanong sila "Mom, dad pigilan nyo po sila please" umiiyak na pakiusap ko sa magulang ko. Kita ko ang lungkot sa kanila lalo na't nakikita nila na ganito kame.
"Mom, Dad bakit po ba kase?" umiiyak na pakiusap ni Sam. Nakita kung nagbuntong hininga si Tito bago sumagot.
"Alam namin na ganito ang mangyayare kaya nahirapan kame ipaalam sa inyo agad, ang totoo nyan matagal na dapat sa china kame nakatira kaya nga lang nung sinubukan namin na paghiwalayin kayo ng ilang araw ay hindi nyo kinaya"
"Naalala nyo ba Gio noong unang beses tayong nagbakasyon na hindi natin isinama si Samantha? Sinadya namin ang pangyayare nayon dahil noon palang ay may plano na sila na manirahan sa China. Kaya lang hindi naman namin inexpect na sa loob palang ng dalawang araw na magkahiwalay kayo ay pareho na kayo agad nagkasakit dahil sa kahahanap sa isat isa" dagdag na paliwanag ni mommy. Naalala ko, elementary kame ng mangyare yun. Tandang tanda ko ang pangyayaring yun dahil yun ang kauna-unahang beses na nagkalayo kame ni Sam, na sa loob ng dalawang araw ay umuwe agad kame dahil sa sobrang pagkamiss namin sa isat isa, natatandaan ko na pareho kaming nilagnat ng panahon nayon dahil din sa pagkalungkot, OA mang isipin pero totoong nang-yari yun.
"Gusto ng lolo at lola ni Sam na sa china na kame manirahan para rin makasama nila ang kaisa-isa nilang apo. Sobra silang nangungulila kay Sam, at isa pa sa dahilan ay gusto nila na ma e-turn over ang business sa amin kase wala naman ibang mag ma-manage nun kundi kame rin" paliwanag samin ni Tita. Tahimik lang kaming umiiyak ni Sam at iniintindi ang paliwanag nila.
Lumapit si tito kay Sam at mahigpit itong niyakap at para narin patahanin ito sa pag-iyak.
"Sam anak, ayaw mo bang makasama ang lolo at lola mo? Kung noong mga bata pa kayo ni Gio pumayag sila na mag stay pa tayo pero ngayon anak nag makaawa sila na sana ay pagbigyan naman natin sila" madamdaming pahayag nya tumingin si tito saakin at kita ko ang lungkot sa mga mata
Lumapit si mom and dad sakin at napayakap ako sa kanila
"Sshh Gio wag ka ng umiyak, lalo lang malulungkot si Sam kapag ganyan ka" pag-aayo sakin ni mam, pero hindi ko naman mapigilang hindi umiyak
"tsaka hindi naman habang buhay ay magkakahiwalay kayo, at kahit naman nasa malayo na si Sam ay pwede nyo parin namang kumustahin ang isat-isa pwede namang kayong mag tawagan araw araw. Mas madali na nga ngayon dahil sa technology" pag papagaan ng loob sakin ni dad
"At Sam once na mag 18th years old kana we can ask your grandparents na payagan kang bumalik ng Philippine kapag gusto mo. Sigurado naman kame don na pa-payagan sila dahil nasa tamang edad kana" sagot ni tita ay niyakap din ang anak. 18th years old? 14 palang si Sam ngayon ibig sabin apat na taon pa para makapag decide syang makabalik ng Pilipinas.
"Mom, dad nalulungkot po ako" parang batang sabi nya habang patuloy parin ang pag patak ng mga luha
"I know anak, pero wala naman tayong magagawa. Kaylangan nating pagbigyan ang lolo at lola mo, lalo na ngayon na matatanda na sila." sagot ni tito habang pinapahid ang mga luhang pumapatak sa mata ni Sam
Alam kung buo na ang desisyon nila at wala na kaming magagawa pa don. Masakit man pero kaylangan namin tanggapin na magkakalayo na kame ni Sam. One month nalang at gra-graduate na kame ibig sabihin one month ko nalang rin syang makakasama. Hindi ko naiisip kaylan man na darating ang pagkakataon na ganito.