SAM POV
Wala akong ibang nararamdaman kundi lungkot, di ko maisip kung pano na ako kapag wala si kuya, kapag hindi ko na sya kasama. Mabuti sana kung sa kabilang bayan lang kame lilipat pero hindi e, sa China pa talaga ang layo-layo kaya nun. Tapos next month na pagkatapos ng graduation kame aalis, para tuloy ayoko ng grumaduate. Pero finals na nanamin next week. Pano kaya kung hindi ko ipasa ang exams? Ugh kahit naman bumagsak ako ng finals sure parin na makaka-graduate ako. Kaya rin siguro ngayon lang nila sinabi kase alam nila kung ano ang pwede kung gawin. Dahil kung nalaman ko lang ng ma-agap sisiguraduhin kung hindi ako gra-graduate haist ang sama naman ng iniisip ko. Kase naman hindi ako sanay na malayo kay kuya Gio. Kaya lang, pano naman sila lola at lolo tama rin naman kase sila mommy na, they are old enough kaya gusto nila na makasama kame. Simula pa kase noon hindi ko pa sila nakakasama, madalas lang sa video call ko sila nakakausap at kapag pumu-punta sila dad sa china hindi ako sumasama kase ayaw ko ngang malayo kay kuya. I even tried to talk to them kaya lang buo na ang desisyon nila.
"hey Sam! Are you okey" tawag sakin ni kuya na dahilan para mabalik ako sa pag-iisip. Nandito ako sa kwarto, nakaupo sa may bintana habang pinagmamasdan ang paligid.
"Kanina ka pa ba dyan?" pansin ko kase na parang kanina pa sya, kampante syang nakaupo pahiga sa bed habang ang mga kamay ay ginawang unan at taimtim akong pinag-mamasdan.
"OO kanina pa, hindi mo nga lang napansin ang pag pasok ko kase ang lalim ng iniisip mo. Tapos nakita pa kitang nag e-evil smile siguro may binabalak kang masama ano?" lokong tanong nya pero pansin ko na ang mga ngite nya ay hindi umabot sa mata.
"Na-isip ko lang, pano kaya kung e fail ko ang final exams? Makakagraduate kaya ako" natatawag sagot ko pero nanatili parin ang lungkot saakin
"HAHA crazy, kahit hindi ka mag take ng final exams gra-graduate ka parin. Kaya, wag mo ng subukan pa yang balak mo" natatawag sagot nya, tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa bed tumabi ako sa kanya, hinila ang mga braso nya at sumandal dito at niyakap sya ng mahigpit
"Kuya gusto ko kapag nasa China na kame wala paring magbabago satin ha?" pakiusap ko na hindi magawang tumingin sa kanyang dahil pakiramdam ko at any moment babagsak ang mga luha ko.
Hinawakan nya ang aking baba at iniharap sa kanya ang aking mukha. Nag-katitigan kame, kita ko ang bakas ng lungkot sa kanyang mata. Inilapit nya ang kanyang mukha saakin at hinalikan ang aking noo napapikit ako sa kanyang ginawa.
"Walang magbabago Sam! Kahit nasa China kana hanggang sa pagbalik mo ganito parin tayo! At ikaw paring ang Sam na love na love ko" ngiting pag sisiguro nya "tsaka hindi naman ibig sabihin na kapag umalis ka ay hindi nanatin magagawa yung mga dati nating ginagawang magkasama" nagtaka naman ako sa huli nyang sinabi, anong ibig sabihin nya pano naman mangyayare yun e magkaibang lugar na kame. Napansin siguro nya ang pagtataka ko kaya pinitik nya ang nuo ko. "what I mean is pwede naman tayong magkita everyday" mas lalo naman akong naguluhan sa sinabi nya. At napatawa naman sya sa naging reaction ko "Pwede tayong mag videocall everyday, kung gusto mong kumain na kasabay ako or matulog katabi ko pwede naman, yung nga lang virtual lang" ngiting sabi nya napa pout naman ako dahil sa idea nya. Pero tama naman sya pasalamat nga, kase sa panahon ngayon madali nalang ang lahat, dahil sa technology "kaya dapat kapag nasa China kana lagi tayong mag se-set ng time para mag-usap para kahit malayo ka na alam parin natin yung nang-yayari sa bawat isa" dagdag pa nya habang nakatitig parin saakin
"kaya wag ka ng malungkot dyan" ngite nya sabay pisil sa pisnge ko "aray naman kuya ang hilig-hilig mo talagang pisilin ang pisnge ko kaya pa namumula eh" asar na sagot ko sa kanya at nag pout lang ulit.
"Sus, enjoyin mo na yan kase kapag nasa China kana wala ng gagawa nyan sayo" pang-aasar nya sakit at pinisil pa nya lalo ang makabila kung pisnge. Naramdaman ko naman na parang may namumuong luha ang aking mata kaya para hindi nya ito mapansin at niyakap ko nalang sya ng mahigpit. Napansin ko rin kase na kahit binibiro nya ako pero yung mga mata naman nya punong-puno ng lungkot. Alam ko na dinadaan nalang nya sa tawa para hindi ko mapansin kung ano ba talaga ang nararamdaman nya.
" Kuya mamimiss kita ng sobra. Ng sobra sobra" hikbing sabi ko ay may hinigpitan nya ang yakap saakin
"Ma mi-miss din kita ng sobra sobra Sam" paos na sabi nya na halata mo naman na pinipigilan lang nya ang pag-iyak. Matagal kaming magkayakap hanggang sya na ang bumitaw
"Wag ka na ngang umiyak dyan! Hindi kana cute kapag ganyan ka" pagpapatahan nya saakin at pinahid nya ang patak ng mga luha ko sa aking pinge. Nakita ko na basa rin ang kanyang pinge kaya pinahid ko rin ito "ikaw rin naman ah" pout na sabi ko habang pinapahid ang luha nya
"Sige na dapat enjoyin nalang natin itong one month, bago kayo umalis" ngiting sabi nya at pinisil naman ang ilong ko. Kainis naman si kuya lahat nalang ng parti ng mukha ko pinag-didiskitahan
"Kaya sa loob ng one month bawal tayong malungkot or pag-usapan ang pag-alis mo, dapat tulad parin tayong ng dati nung hindi pa natin nalalaman yung tungkol sa China" nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi yun "at oo nga pala kapag nasa China kana bawal kang makipag kaibigan sa lalaki or kahit maging malapit man lang" dagdag na paalala nito.
"Bakit bawal akong makipag friend sa guy?" pout na tanong ko. Na kita ko na nag seryoso ang kanyang mukha
"Basta bawal at kapag nalaman ko na sinuway mo ako magagalit ako sayo" seryosong sagot nya, ayaw kung magalit sya saakin kaya wala akong nagawa kundi tumango sa paalala nya
"Opo, hindi ako makikipag friend sa guy, babae lang ang e fri-friend ko kaya wag ka ng magalit dyan" pout paring sagot ko. Bakit ayaw nya akong makipag friend sa guy e sya naman guy din. Tsk "Good" sabay akap nya saakin
Inalis ko ang pagkayak nya at iniharap sya "Kuya dapat pag-alis ko humanap ka ng maraming kaibigan ha? Para naman kahit na malayo ako mayron ka paring makakasama. Ang sungit sungit mo pa naman kaya wala kang masyadong kaibigan eh" bukod kase sakin halos walang masyadong lumalapit sa kanya kase para sa kanila ang sungit daw ni kuya, sinasabi ko naman na mabait ito pero ang lagi lang nilang sinasabi, saakin lang naman daw mabait si kuya Gio pero sa iba daw masungit na ito.
Hindi pa sya sumasagot nung una kaya "kuya mag promise ka na kapag nasa China na ako maghahanap ka ng mga kaibigan" pangungulit ko at kinuha ang kamay nya at pinilit ko syang mag pinky promise "ayan na sealed na kaya wala ka ng magagawa kundi tuparin yung promise" satisfied na sabi ko. Natawa naman ito dahil sa sapilitang pag propromise nya. "Sa pilitan Sam? But don't worry kapag nasa China kana mag hahanap ako ng mga kaibigan kase sigurado rin naman ako na hindi mo ako titigilan kapag wala akong naipakilala sayo" natatawang sagot nya at pinitik ang nuo ko. Binigyan ko naman sya ng masamang tingin. Kanina pinge, tapos ilong ngayon naman pati nuo, injured na ang mukha ko. Pero biro lang hindi naman talaga masakit yung ginagawa nya at alam ko na sobra ko itong mamimiss kapag umalis na ako.
**
Sa loob ng one month kinalimutan namin ang tungkol sa China. Pinilit naming maging masaya at gawin ang parati naming ginagawa. Maliban nalang na mas lalo kaming naging mas malapit na kapag nasa school kame ay hindi mo kame mapaghihiwalay maliban nalang kung may mag c-cr na isa saamin.
Alam narin ng mga kaibigan ko ang tugkol sa pag-alis ko pa China. Nung una nalungkot sila pero okey lang daw kase kahit sila naman din pag ka-graduate ay sa ibat-ibang school na papasok, wala rin kasing senior high sa pinapasukan namin, kaya normal lang daw na magkahiwalay-hiwalay kame.
At pag nasa bahay naman kame ni kuya Gio ay ganon rin, hindi mo kame mapag-hihiwalay, madalas pa nga na tabi kaming matulog, pina-payagan naman kame kase alam nila na nilulubos lang namin yung one month dahil matagal na ulit bago kame mag-kasama.