Aris Note// Warning curse words//
Freya's P.O.V
"Sheeeett!!! Ang gwapo ng asawa kooooooooo!!! Ryan Gold!!! I want to buy you!!!"
Sa kakasigaw ko ay biglang may tumilapon na tsinelas sa ulo ko.
"Putek! Aray ko, sino bang nambato!!"
Sabay lingon ko sa likod ko at pagkakita ko kung sino. Uhmm.. Si mama pala nambato saakin na galit na galit..
"Bata ka!!! May exam ka bukas, pinaggagawa mo!!!"
Sabay lapit saakin with matching palo ng tsinelas.. Agad akong napatayo at nakipagpatintero kay mama.
"Mama!! I can explain!"
"Kay laki laki mo na, yan mga mukhang babae pa ang inatupag mo kaysa magaral!!! Naiintindihan mo ba sila ah!! Nakakaitindi ka ng intsik ah!!"
"Ma! Di po intsik, koreano po. Koreano!"
"Ah, ngayon sumasagot ka pa! Malapit ka ng gagraduate tapos yan inaatupag mo bata ka!!! Tingnan mo anak ng kumare natin!! Napakatalino, maganda at napakamasunurin pa!! Dahil yan sa mga intsik na yan!! Tumatamad ka na!!"
Sabay palo nito saakin dahil naabutan ako, napahinto naman ako.
"Ma!! Hindi po ako anak ng kumare mo! At isa pa ma, di kaya ako tamad!"
"Hindi tamad? Eh, hindi ka nga lumalabas ng kwarto dahil dyan sa kakanuod mo ng mga intsik na yan!"
"Ma, hindi nga sila intsik! Koreano po, koreano!!!"
"Wala akong pakialam!! Dahil din yan sa mga pinapanuod mo, walang nanliligaw saiyo bata ka!! Babae ka ba talaga?!"
"Ma, kasalan ko bang walang nanliligaw saakin, ayaw mo yun ma? Single akong gagraduate."
"At single ka ring tatanda!!"
"Ma naman eh, bakit niyo po pinipilit na magkaroon ng boyfriend ah! Yung ibang magulang nga dyan, halos ikulong nila mga anak nila sa bahay. Tapos kayo."
"Kung hindi kita pipilitin, magaalala ako sa magiging kinabukasan mo, tamad ka na nga. Palagi ka pang nasa loob ng bahay."
"Ouch ma ah. Di kaya ako tamad. Sadyang prefer ko lang manuod ng kdrama"
At ayun, nakipagbabakbakan ako sa syudad ng manila. At wala akong nagawa at nagaral na lang. Nakuha kasi laptop ko at cp ko kaya wala akong nagawa. Napabuntong hininga naman ako.. Ah nakalimutan ko magpakilala ako nga pala si Freya Reyes. Nasa 23 na at nasa 4th year college. 9 months nalang at gagraduate na. Adik sa Kdrama, novels at anime kung napapansin niyo. Kaya siguro ganito si mama, di ko rin siya masisisi. *deep sigh* Pati ako nagalala rin sa sarili ko. Ewan ko rin kay mama bat gustong gusto niya ako magkabf. Ang hassle kaya, mahahati pa oras ko. Baka nga, wala na rin akong time manuod at magbasa. And I hate it. Novels, kdrama and Anime is my blood. Hahaha! Charot. At isa pa, hindi rin ako magalala kung wala akong makakasama sa buhay, may mga asawa naman ako eh. Hehehe.. Lahat ng nababasa at napapanuod kong lalaki ay asawa ko. Walang pakialaman, ganun rin kayo. Atsaka, I prefer the imaginary bf than this reality bf. Walang forever sa reality, sasaktan ka lang. Hindi ako nega, sadyang ito na talaga ang REALITY. At lalo na ring mas gwapo sila kaysa sa mga nakikita ko araw araw. Hindi sa napapangitan ako, sadyang perfect lang talaga mga asawa ko.
Anong itsura ko. Hehehe. Nakakahiya, well.. Ahum, ka char uuy. Hahaha.. Ahum! May short hair , at syempre bangs na rin.. Hehehe.. Wag niyong imaginine si Dora, hindi ganun itsura ko, pambihira. Kilala niyo si Do bong Soon? Ganun, hairstyle ko, pagkanood ko kasi ng Strong Woman, ginaya ko hairstyle ng bidang babae. Hahaha. Ako na adik. May katamtamang laki, hindi laki ng dede. Wala ako nun, saklap men. Wag niyo na itanong kung flat ba ako. I mean, hindi ako gaano kaliit at hindi rin ako ganun katangkad. Average lang. Ganun.. Matangos ang ilong, naks. May maliit na labi at malaki ang mata. Kaya lagi akong tinutuksong tarsier. Syet kainis. Sa Korea, maganda na ako eh. *sigh* Yun lang, kayo na bahala magimagine sa mukha ko, tamad si Author katulad ko. Charot.
Ilang araw na rin nagdaan at tapos na ang exam week kaya halos excited na akong umuwi ng bahay kasi ibig sabihin.
PWEDE NA! PWEDE KO NA MAKITA MGA ASAWA KO!!!!
"Huy luka, naano ka dyan bakit panay tingin mo sa orasan. May date ka ba?" Gale
Si Gale, ang koreanang kaibigan ko. Yes, half korean at half filipino siya. May mataas, straight at itim na buhok, isali niyo na rin yung bangs niya. At yes, napakaputi kaya naiinis ako sa lukaret na ito. Syet, sana ganyan din itsura ko. At lalo ng nakakadagdag ng inis, malaki yung hinaharap niya.
"Wag mo nga ako ngitian ng ganyan, nakakainis. Bakit ang ganda mo, hayop ka?"
"Freya? Suntukan, gusto mo?"
"Hahaha? Nagaaway na naman kayo, pambihira Freya. At isa pa, bakit nga panay tingin mo dyan sa orasan ha?"
"Yan nga rin tanong ko sakanya. May boyfriend ka na ba ha? Graduate ka na ba talaga sa SFU? Single Forever University?"
Napangiti naman ako ng makita ko si Xienna. Myembro rin kasi siya ng WDO stands for Walang Dede Organization. Hahaha.. Kulot at mahaba ang buhok nito at maliit din, bilugan ang mukha at may matataas na pilik mata. Kaya minsan, naiinis din ako sakanya.
"Huy baby bra at luka, wag kayong ano dyan. Sadyang may naghihintay sa bahay ko."
"Ah! Yung kaadikan niya." Gale
"Bawas bawasan mo nga yang bisyo mo Freya at anong baby bra ah! Ikaw nga nagbabra ka pa, eh wala ka naman ding dede."
"Xienna, alam nating dalawa mas malaki akin ng konti. Honesty is the best policy baya. Pero.. Sory guys, but this is my life."
Tumunog na ang bell at napangiti ako ng malapad.
"Narinig niyo yun? Hudyat na para makita ko sila. Babye!!!!"
Agad akong tumakbo palabas at ayun. Hababg nagtatakbo mukha akong tanga kasi tumatawa ako. Eh excited eh.
Pagkadating ko sa bus stop ay biglang umulan. Syet buti nakaabot ako. Ilang minuto na ang nagdaan at walang bus na dumadaan kaya nangangati na ako!!! Bakit kung saan nagmamadali ako walang dumadaan!!
"Kainis naman yan oh!! *sigh*"
Napatingin ako sa ulan at napaisip.
"Gagraduate na ako, ano bang gusto ko sa buhay? Maging teacher? Eh, tamad naman akong magaral. Bakit kasi ito kinuha ko? Bakit kung saan pa ako gagraduate saka ko pa narealize na ayaw ko sa course ko... At isa pa, masama ba talagang maging ganito? I'm stuck of this addiction and hell parang drugs na hindi ko matigil tigil. Pero dahil sakanila... Naging makulay buhay kong boring.. Kaya nga nagbabasa ng novels, nanunuod ng kdrama at anime ay dahil gusto kong tumakas sa nakakapagod na reality... At ewan, kung tama ba talaga ginagawa ko.."
"Magiging mali pag napasobra, you can manage your time between the reality and imagination"
Napalingon naman ako sa biglang nagsalita.. Syet!! Napalakas sabi ko!!? Nakakahiya... Atsaka, b-bakit ang gwapo niya. Wit muna!!! Panaginip ba to!!?
Ngumiti siya at syettttt!! SABIHIN NIYO PANAGINIP TO KASI LET** ANG GWAPO MGA MENNN!! WIT MUNA, WATTPAD STORY BA TO!! WAAAAHH!
"Sory, kung kinausap kita. I just want to answer your questions?"
Lord, pwede na ko mamatay. Kasi talaga ang gwapo eh!!!! Ang tangkad, may adams apple ang lolo niyo te! Napakaputi at may messy hair pa ang putek!! Napakahaba ang pilik mata at may napakalalim na mga mata na para bang bituin sa langit. Charot! Atsaka be, ang ganda ng biceps niya set! Atsaka, ang sarap halikan yung wet niyang lips!!! Waaaaahhh!! Nagiging manyak na akooooo!! Akala ko ba prefer ko ang mga asawa ko!!! Napalunok naman ako, nagtataksil na si suk.
"Hehe.. S-Sory kung ang ingay ko. Please, kalimutan mo na yung sinabi ko."
Hindi na ako tumingin kasi kung titingin pa ako baka maniniwala na akong nasawattpad na ako. *sigh*
"Don't worry.. Atsaka sanay naman akong makinig ng mga problema eh. You can't decide what your going to do in the future, right?"
Beh, chismoso lang yung lolo niyo.. Sayang gwapo sana.
Ngumiti ako ng pilit at tumango.
"Don't wory about your future, just go and do your best in your present. Malapit ka ng gagraduate and it doesn't mean na wala ka ng magagawa sa magiging future mo. Your course is not the one who decide your future. It all depends in your descision and also in God's plan. Di mo alam, yung pagiging teacher talaga ang magiging profession mo or there is something more than you expect."
Sabay ngiti nito, napanganga naman ako.
"P-Pero, ang s-sabi nila.. Wala akong kinabukasan at ramdam ko din yun.."
Ngumiti siya ng kaytamis na ikinatigil ng puso ko..
"But it doesn't mean na tama sila. Kung maniniwala ka sa sasabihin nila. Wala ka na talagang magagawa but if you believe in yourself, you can do it."
Napangiti ako.. Hindi ko siya kilala pero naniniwala siyang kaya ko.. Naalala ko yung napanood ko sa kdrama. Please, kahit ngayon lang. Gusto kong maging kdrama ang buhay ko, kahit ilang segundo lang.. May humintong bus. At patungo ito sa lugar namin.. Huminga naman ako ng malalim.. At nararamdaman kong hindi ko na siya makikita. Gagawin ko ito, hindi naman niya ako kilala eh.. Lumapit ako sakanya at nagtaka naman siya sa ginawa ko.. Tiningnan ko siya sa mata at ngumiti.
"Thank You.."
At sabay hinalikan ko siya..
Agad akong tumakbo sa loob ng bus at hindi na tiningnan ang naging reaksyon niya. Napangiti naman ako at napahawak sa lips ko.. Waaaaaahhh! Nakakahiya akooooo!!! Magnanakaw na ako ng halik!! Ito kasi eh, kasalanan to ng mga napapanood ko. Huhuhuhu! Ang sama ko na, pero... Hindi ko naman pinagsisihan ang ginawa ko at isa pa, hindi naman niya ako makikita ulit eh..
Biglang huminto ang bus at pagkakita ko kung sino ang pumasok sa bus ay yung lalaking hinalikan ko... Syeeeeet!! Nanadya ka ba, tadhana!!! Reality!! It hits me!!! Tiningnan niya ako ng kunot ang noo! Waaaaahhh!! Sino bang baliw na hindi magagalit matapos halikan!! Nang isang total stranger!!! Im doomed!!
Agad akong napatayo at napasigaw.
"WAAAHH! MANONG MALING BUS SINAKYAN KO!!!"
Mabuti nalang dalawang pinto ang mayroon itong bus na ito at sa kabilang pinto ako dumaan.. Hindi pa humihinto ang ulan pero agad akong bumaba at nagtatakbo... NAKAKAHIYAAAA AKOOOO!!!
Bakit ayaw makisabay ni tadhana. Huhuhu.. Iba yung expectation ko eh!! Akala ko hindi siya sasakay sa bus! Kainis!!
Sana di ko na siya makita!! Please tadhana, sana hindi ito kagaya nung napanood kong kdrama na hinalikan niya tapos roommate niya pala. *sigh* Hindi naman ako nagboarding house hindi yun mangyayare hahahaha.... Hah... Wit.... Hindi nga ba?