Chapter 4 - 3

Freya's P.O.V

Nagulat ako ng pumasok siya sa room!!! B-BAKIT?! SIYA YUNG PAPALIT SA EDUC 15 INSTRUCTOR NAMIN!!!

Pagkapasok niya lahat ng babae nakanganga. Paano kasi napakagwapo. Sabi sainyo eh. Ang iba nagbubulungan na at sinasabing ang gwapo daw niya ang iba parang kinikilig.

Nakayuko lang ako at ayaw ko siyang matingnan sa mata, syet ah!! Yung dalawang luka gulat ding nakatingin saakin at bigla namang ngumisi si Xienna. Tung plat na to!! Alam kong may binabalak tung bruhang to!!!

Nagulat ako ng magtaas siya ng kamay. Sit!! Waaahhh!! Tiningnan naman niya ako at saka ngumisi..

Napayuko ako ulit at naiiyak na!! Waaahh! Ito namang katabi kong lukang kaibigan. Pinipigilan ang tawa. Gustong gusto talaga ang nangyayari. Mamaya, bibigwasan ko sila.

"Sir, kayo po ba ang bagong teacher."

Nakahinga naman ako ng maluwag at pinandilatan ng mata si Xienna.

"Yes, I am your new instructor at papalit kay Sir Macla."

Tiningnan naman niya ako.. Waaaahh!! Wag mo akong tingnan Sir!! Agad naman akong napaiwas ng tingin.

"Ahum. Nakalimutan kong magpakilala."

Sinulat naman ni Sir ang pangalan niya sa board.

Matthew Tizon.

Humarap siya saamin at tiningnan niya ako, this time hindi na ako umiwas. Baka anong sabihin nito. Pero... Waaaahhh!!! Nakakalunod yung tingin niya!!! Tiningnan niya lang ako at nagsalita.

"My name is Matthew Tizon and you can call me Sir Matt for short. And I am your new instructor for this subject."

Napalunok naman ako ng laway. Hindi ko na nakayanan at agad ding umiwas ng tingin. Napatingin ako kay Gale na may paniningkit na mata.

"Totoo ba talagang wala kayong relasyon? Eh sa paraan ng pagpapakilala niya, parang ikaw lang ang estudyante sa loob."

Bulong nito saakin..

"Gale, kung magtatanong ka ulit. Alam mo na mangyayari ah."

Sabay pat ko sa likod niya.

"Nakakatakot ka luka ka."

Magsasalita sana ako ng magsalita ulit si Sir.

"Class!"

Napatingin ako kay Sir at nakatingin pala siya saakin!! Waaahh!!

"I am approachable, if you have a problem you can come also we can friends outside. But it doean't mean na hindi niyo na ako irerespeto. I am your teacher, you should also respect me as a teacher. Is that clear?"

Napatango nalang ako wala sa oras! Waaaaahh!! Parang ako kasi sinasabihan niya or maybe ako talaga!!

Hindi na siya nakatingin saakin at nakahinga naman ako ng maluwag. Again.

*deep sigh*

"I think, it's meant to you?" Xienna

"Wag mo ng sabihin saakin plat. Alam ko na."

"Now class, nagpakilala na ako. Its your time to introduce yourself to me."

Gusto kong umiyak promise.. Gustong gusto!

Halos matae na ako kasi malapit na saakin..

"C-Cr muna ako."

Bulong ko kay nila Xienna at Gale. Tatayo sana ako pero pinigilan nila ako.

"Ops. Ops. Saan ka pupunta?"

"Naman mga luka. Palabasin niyo naman ako."

Hinila nila ako paupo. Agad akong napayuko at umiiyak kunwari.

My gash!! Yung puso ko!! Lalabas na ata!!

At ayun its my turn at medyo natagalan before ko naprocess sa utak ko na ako na.

"Miss?" Sir Matt

"Ah!!"

Tiningnan niya ako kaya agad akong napatayo.

"I'mFreyaReyes!"

Mabilis at mahina kong sabi. Agad akong napaupo without looking him.

"Miss, sory di ko naring. Pwede ulitin mo."

Napapikit naman ako ng mariin. Tumayo ako.

"F-Freya R-Reyes, that's my name po."

Napatingin ako sakanya at kita ko sa mukha niya ang amusement? Ngumisi siya at napatango.

"Owh, Freya. Goddess of Love. I will remember that.".

Shiiiiiiittt!!! Sir wag mo akong ngitian ng gaaaannyaaaan!!

Agad naman ako napaduko at gustong gusto kong magpakain ngayon now na!!

"Freya, goddess of love. I will remember that."

Bulong saakin ni Gale sabay tawa. Tumayo na siya at nagpakilala na.

"Ha. So, hindi ka kakalimutan ni Sir Matt dahil sa ginawa mo." Xienna

Sabay tawa din nito. Tiningnan ko naman siya ng masama.

****

Nagdiscuss lang si Sir pero panay din ang tingin niya saakin na para bang may nagawa ako or more like may nagawa talaga ako.

Agad din siyang natapos at nagpaalam na sa klase.. Lumabas na din siya ng room at nakahinga naman ako ng maluwag.

"Waaaaahhh!! Gusto ko ng magshift!!" Ako

Nakaramdam naman ako ng batok mula kay Xienna.

"Tumigil ka nga diyan. Diba may trabaho ka pa. Gumora ka na. Baka mahuli ka pa."

"Uo na.. Huhuhu."

"Teka muna, diba si Sir Macla yung dating amo mo?"

"Oo, bakit?" Ako

"So, si Sir Matt yung bago mo-"

Di ko siya pinatapos at agad ding napatayo. NAKALIMUTAN KO!!! SYET!!!

"Wahaaaahuhuhuhu!! Mga luka! Anong gagagawin ko huhuhuhuhu!! Makikita ko siya uliiiitt!! My gas! Anong nagawa ko at bakit ginaganito- Wait. Huhuhuhuhu!! May nagawa nga ako!!!"

"Tumahimik ka nga diyan, Freya. Nagmumukha ka ng baliw. Pinagtitinginan na tayo." Xienna

"Hahahaha! Yan kasi sa kakanuod ng kdrama. Patay ka talaga.. " Gale.

"Gale, wag mong sisihin ang mga baby ko, wala kasa-"

Di ko natapos ang pageemote ko ng bigla akong batukan ni Xienna.

"Baby Bra naman eh!!"

"Luka ka, pumasok ka na dun.."

Tapos agad ding siyang ngumiti na para bang sinasabing good luck in evil way.

"Dimonyo ka talaga plat ka. Sige na dun na ako. Ipagdasal niyo sana ako.. Huhuhu"

****

Nandito na ako sa harap ng office at syeeeeettt!! Kinakabahan ako!!! Papasok ako o hindi? Hinawakan ko ang doorknob.

Papasok?? Papasok na ba ako? Hindi?? Pumasok ka na Freya, trabaho mo ito.

Pumikit ako at pinihit ang pinto pero...

Waaaaaggg!! Stop!! Stop!! Stop!!

Bintawan ko agad ito at umikot ikot na parang baliw. Waaaahhh!! Di ko kayang pumasok!!

Wait muna..

Huminto na ako sa kabaliwan ko at tumingin ng diretso sa pinto..

Freya, inhale, exhale, inhale, exhale.. Ok lang. Kaya mo.. Pumasok ka na. Na may ngiti.. Go!!!

Bahala na nga!!!

Pinikit ko ang mata ko at agad binuksan ang pinto...

"SIR!!! PATAWARIN MO SANA AKO!!!"

Hinintay ko na may maglanding man lang o sigaw o ano ba. Pero wala talaga siya.. Dinahan dahan kong dinilat ang mata ko pero...

SYET!!! WALA SI SIR!!

Nakahinga naman ako ng maluwag.. Mabuti naman..

"Freya! Its okay.. Mas okay yung matagal para may thrill..."

.....

.....

....

.....

.....

.....

"SHIT!!! AYAW KO NG THRILL!!!"

"Miss Freya?"

Humarap ako sa likod ko at pumasok na pala si Sir na may kunot ang noo..

Napalaki ng literal ang malaki kong mata so basically lumabas na yung mata ko. Set!!

"S-SIR!!"

"What are you doing here? Wait.."

Nagulat na lang ako na tinakpan niya katawan niya na para bang bababoyin ko siya.

Waaaaahhhh!! So ako na ngayon ang rapist ngayon!!

"S-Sir, W-Wait!! D-Di ako nandito para nakawan ka ng halik-ah!!"

Napatigil ako at napatingin kay sir ng gulat. Pati rin siya ay gulat ding nakatingin saakin..

Tatlong beses muna ako kumurap at agad ding umiwas ng tingin. Ganun din si Sir, napaiwas din ng tingin..

Waaaaaahhhh!!! Syet! Ang awkward ah!!! Looooonggggyaaaaaaaaaa!!

Agad din akong lumuhod kasi NAMAN MALI TALAGA GINAWA KO!!!

"Sory talaga Sir!! Sory talaga sa ginawa ko!!"

Napapikit na lang ako ng mariin...

Kainiiiiis!!

"T-Tumayo k-ka diyan.. B-Baka may biglang pumaso-"

Di nga nagkamali si Sir, bigla talagang pumasok ang Dean namin dito..

Nagkunwari agad akong may hinahanap..

"Nasaan na ba yung ballpen... Sory sir, hahanapin ko muna.."

"S-Sige... Baka nasa ilalim nakita ko yung gumulong diyan.."

"Ahum.."

"Ah.. Ma'am Bermudes.. Nandito ka pala.."

Agad naman akong napatayo at tiningnan naman ako ni ma'am ng nagtataka..

"Good afternoon po ma'am.."

"Good afternoon din. By the way Sir Matt, alam mo na pala na siya ang SA mo."

"Ma'am??"

Mukhang di pa nga niya alam dahil gulat itong nakatingin kay ma'am..

"Di mo pa alam?"

"Y-Yes ma'am"

"Sory sa late notif. Siya ang SA mo.. Si Miss Freya.. Juat ask her if you need something.. I'm here to tell you that.. Miss Freya, ikaw na bahala kay Sir Matt ha.."

"O-Ok ma'am"

"So I need to go.. "

"Thank You Ma'am" Sir Matt at ako

Sabay ngiti ni Sir ng pilit.. Kita talaga sa mukha niya na hindi talaga niya nagugustuhan ang nangyayari...

Lumabas na si Ma'am at nagtinginan naman kami ni Sir sabay iwas agad ng tingin...

Napakagat na lang ako ng labi..

I really need this job pero...

Anong gagawin ko!!!

"I-I just ask you.. K-Kaya wag kang lalapit saakin kung hindi kita tinatawag.. And kung tatawagin kita dapat lumapit ka lang saakin na may distansya.."

Napanganga nalang ako... Wah... Chincha.. Yes, inaamin kong mali talaga ginawa ko pero...

Ngumiti nalang ako ng pilit...

"I understand you Sir.. And sory ulit sa ginawa ko.. "

Agad akong umupo sa table ko and promise ang awkward talaga mga puteeeekkk!!!