Chereads / Evander Perez: The Son of an Elite / Chapter 2 - Chapter 1: I Hate Her

Chapter 2 - Chapter 1: I Hate Her

Kasalukuyang naglilipit na ng mga gamit si Evander matapos i-dismiss ang kanilang klase. Inilalagay na sana niya ang laptop sa isang bag na pinaglalagyan nito nang biglang tumawag ang kanyang ama.

"Hello, Papa." Kanyang mabilis na tugon gamit ang Spanish accent. Sinabihan siya ng kanyang ama na agahan niya ang pag-uwi dahil may mahalaga raw silang pag-uusapan.

Mabilis na niyang niligpit ang mga gamit at naglakad palabas ng classroom. Huminto siya saglit sa paglalakad para i-text ang isa sa bodyguard niya na si Marcus de la Cerna. Magdadalawang taon na rin ito nagtatrabaho sa kanila simula nang tumungtong siya sa kolehiyo at nang lumaganap ang balitang nagkalat raw ang mga rebelde sa buong ciudad ng San Dionisio.

Sampung minuto ang nagdaan bago siya nakalabas ng school campus dahil sa sobrang lawak ng paaralan na 'yon at maraming mga pasikot-sikot na daraanan.

Kaagad siyang tumakbo nang makita ang kotse na naghihintay na sa kanya.

"Akala namin mamaya pa ang labas mo ng school, Mr. Evander Perez?" Nagtatakang tanong nito at kinuutan siya ng noo ng binata dahil sa pagtawag sa kanya sa buong pangalan. Ayaw niya kasing tinatawag siya sa ganoon dahil nagmumukha siyang famous. Ayaw niya ng center of attention kaya madali siyang mairita sa tuwing tinatawag siya ganoon.

Sikat ang apelyidong Perez sa school pati sa buong lugar nila dahil sa kanyang ama na isa pinakamayaman at impluwensyang senador ng bansa na si Callistro Perez at isa rin itong negosyante. Ang kanyang ina naman ay isang mahusay na abogado na si Zaria Perez.

"Sorry! Hindi na mauulit. Bigla lang ako nagtaka na maaga kang makakauwi ngayon." Biglang bawi na lang ni Marcus sa kanyang sinabi. "Nakapanibago lang..." Dagdag pa nito.

Mga ilang sandali pa ay nakarating na sila sa mansion. Kaagad dumiretso si Evander patungo sa mini office ng kanyang ama na kung saan doon sila mag-uusap muli. Wala siyang ideya kung ano ang kanilang pag-uusapan.

Habang siya naglalakad sa pasilyo, nakasalubong niya si Kenneth na isa butcher dito sa mansion.

Iniabot niya ang mga gamit rito na ipinagtaka naman ng katiwala.

"Ano po gagawin ko dito, Sir Evan?" Naguguluhan nitong tanong.

Hindi sumagot ang binata at dumiretso lamang ito sa opisina ng kanyang ama. Iniwan niya si Kenneth ng wala man lang pasasalamat. Sanay na siya rito. Naglakad siya patungong silid upang ilagay ang mga bitbit niyang gamit saka umalis.

Nanatili lamang kalmado si Evander nang pumasok siya sa opisina ng kanyang ama. Nakita niya rin ang ina nito na kapwa nakabihis pa mga ito at mukhang galing sa isang business trip.

Magtatatlong linggong nawala ang kanyang mga parents at ngayon lang niya ito nakita muli.

"Please take a sit." Maotoridad na utos sa kanya ng ama. "Papasukin na siya dito." sabi nito sa kausap sa telepono. Di-maiwasan ni Evander na mapaisip kung ano ang kanilang pag-uusapan at akala niya sila lamang ang mag-uusap.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae na mas bata sa kanya ng dalawang taon. Kayumanggi ang kulay nito, may katamtamang pangangatawan at may 5'5 na height.

Tinignan ng binata nang pagtataka ang dalaga at sinimangutan niya ito pagkatapos.

"Maupo ka, Yssa." saad ng kanyang ina. "Sa katapat ni Evander." Turo nito sa pwestong kinauupuan ng binata.

"What do you mean by this?" Nagtatakang tanong ni Evander sa kanyang mga magulang.

"Young lady, this our son. Evander Perez. Siya 'yong tinutukoy kong pagsisilbihan mo habang wala kami." Kaagad na pagpapakilala ng ama ng binata sa babaing kaharap niya ngayon. "Evan si Miss Yssa Carpio, your personal maid."

"No, 'Pa! I don't need that damn maid." Sarkastikong tugon ni Evander. "I am not a kid anymore. Di ko kailangan ng alalay."

"Yes you need to." Giit ng ama.

"Your father is right, Evander. You need a personal maid na mag-aalaga at mag-a-assist sayo." Giit naman ng kanyang ina.

Nginisian niya lang ito at tumayo sa kanyang kinauupuan, "I said I don't need her." saka niya pinalinsikan ng mga mata si Yssa saka padabog na lumabas ng opisina.

"Nakakatakot mo naman po anak niyo." sambit ni Yssa habang gulat pa rin siya nangyari.

"Sorry, young lady pero kailangan mong pagsilbihan ang anak namin sa ayaw at gusto niya kung gusto mo pa ring magtrabaho dito sa mansion. Is that clear?" Maotoridad muling saad ni Mr. Perez.

"Di po kaya...." Pinutol na kaagad ang kanyang sasabihin nang inunahan na siya nito.

"Gawin mo lang ang trabaho mo at wala ng pero-pero." Dagdag pa ni Callistro. "Kami ang nagpapasweldo sayo kaya sa ayaw sa gusto ni Evander, aalagaan at babantayan mo siya nang mabuti."

"Lahat ng nagaganap sa kanya dito sa mansion o kayang mga ginagawa ay ire-report mo sa amin." Dugtong naman ni Mrs. Perez. Napatango lang ang dalaga bilang sagot.

No choice si Ysa kundi ang tanggapin ang inalok na trabaho dahil mas kailangan niya ang kumita kundi magugutom siya. Kailangan na lang niya tiisin ang pagiging rude ng kanyang amo kaysa natutulog lang siya sa kalsada. Challenging ito sa kanya pero kakayanin pa rin para mabuhay.

"Naiintindihan mo Miss Carpio?" muling tanong ni Mr. Perez.

"Opo, Sir Callistro." Buong tiwala sa sarili niyang sagot na kanina lang halos mawalan na siya ng lakas nang makilala ang anak ng mag-asawa.

"Mabuti kung gan'on. Maari ka ng umalis at puntahan mo na inyong kwarto na ibinigay namin sayo." Matapos ang usapan may tinawagan ito sa kabilang linya.

"Felicidad, pakidala na si Miss Carpio sa kanyang silid para makapaghanda na siya para bukas."

Mga ilang sandali pa ay dumating na rin ang mayordoma na si Felicidad.

"Ihatid mo na siya sa silid niya, Feli." sambit ng ina ni Evander na si Zaria.

"Sige po, Ma'am Zaria and Sir Callistro." kaagad na sagot ng Ginang saka sabay na sila ni Yssa lumabas ng opisina ng mag-asawa.

Hinatid na nga ni Felicidad si Yssa sa magiging silid nito. Inabot niya sa dalaga ang hawak na susi ng kwarto.

"Nabasa mo na ba lahat ng home rules and regulation?" Istriktong tanong ng may edad na babae sa dalaga.

"Kaunti pa lang po." agad na sagot ni Yssa habang nililibot niya ang paningin sa buong silid.

Aaminin niyang napamangha siya sa ganda ng interior designs nito at lawak. Dati rati natutulog lamang siya sa matigas na papag at magkakatabi pa sila matulog. Ngayon mag-isa lang siya at makakatulog pa ng mahimbing sa isang malambot na kama.

"Mayroon ka pa bang itatanong sa akin?" Muling tanong ng mayordoma sa kanya.

"Wala na po Aunty Feli." sagot rin niya pagkalapag ng kanyang mga gamit.

"Kung gayon maiiwan na kita rito dahil marami pa akong aasikusuhin." sabi nito at naglakad na rin palabas ng bedroom.

"I hate her!" saad ni Evander sa kanyang isip matapos makausap ang parent nito. "I am not a kid anymore to take care of me. Kaya ko namang mag-isa. Kaya kong alagaan ang sarili ko." dagdag pa ng binata.

Nauubos na rin ang kanyang pasensya kung bakit hindi siya hinahayaan na wala ng personal maid. Maliwanag naman sa kanila na kaya niya.

Ngayon may bago nanaman silang nai-hire at halatang kinulang din sa height ang itsura nito, mukhang di rin mapagkakatiwalaan.

Sa totoo lang, sobrang naiinis siya sa mga babae hindi dahil sa mahina ito kundi sa pagiging matanong at maingay. Halos lahat ng i-hire na mga personal maids niya ay ganoon.

Para hindi na niya maisip pa ang tungkol roon ibinuklat na muna ang libro sa Physics dahil bukas may recitation nanaman sila.

KINABUKASAN. Alas-kwatro pa lamang ng umaga, nakahanda na lahat at isa na roon si Yssa. Dahil iyon ang tamang oras ng kanilang paghahanda at pagtatrabaho sa loob ng mansion.

Pumila ng lahat ng mga maids sa dining room at pinumunuan ito ni Felicidad. Tinitignan muna ng mayordoma ang attendance ng bawat isa. Samantalang si Jaime Sandoval naman ang namamahala sa mga butchers.

"Ikaw Miss Carpio habang hindi pa gising si Sir Evander may oras ka pa upang lubutin ang buong mansion para maging familiar ka at di na maligaw." bilin nito sa kanya. "Teka, nabasa mo ba na huwag papasok sa mga lugar o silid na hindi authorized pumasok?" Tumatangu-tango lang siya bilang tugon.

"Good. Dapat sa loob ng dalawang araw kabisado mo na ang lahat ng alintunin rito at mga lugar dito sa mansyong ito." Muli itong bilin sa kanya.

"Opo, Auntie Feli." sagot niya kaagad nang walang alinlangan. Matandain naman siya sa bawat detalyeng pinag-aaralan o tinuturo sa kanya.

"Sige! Magsimula na ng trabaho." Maotoridad na sagot nito saka sila nagsialisan at nagpuntahan sa kani-kanilang destino.

Pagkalipas ng isang oras ng paglilibot ni Yssa at kasabay ng pagbabasa niya ng mga alintuntunin dito sa mansion. Naglalakad na sana siya pabalik sa kanyang silid nang biglang nakasalubong nito si Felicidad na may dala-dala na itong pagkain.

"Pakihatid lahat ng ito kay Sir Evan." agarang utos nito sa kanya at kaagad niya itong kinuha. Pagkatapos tumalikod na ang mayordoma sa kanya.

Huminga siya nang malalim habang naglalakad palapit sa silid ng binata. Nakakaramdam siya ng kaba sapagkat nakita niya kahapon kung ano naging reaksyon nito. Nakakatakot ang presensya, anumang oras maaari siyang lamunin nito ng buong-buo.

Dinig niya rin kanina sa usapin ng mga maids dito wala raw na personal assistant ang tumagal sa lalaking 'yon. Isang araw pa lang nagre-resign na kaagad.

Inaabot tuloy si Ysa ng pagkaduwag sa narinig baka isa rin siyang di makatagal at umalis na rin sa trabaho. Paano na siya? Titira na lang siya sa kalye? Iyon ang kinababahala niya.

Nang huminto siya sa harapan ng silid ng binata muli siyang huminga ng malalim saka kumatok ng dalawang beses.

Walang sumagot kaya kumatok ulit siya at isinabing nakahanda na ang almusal. Ilang segundo bago siya pinagbuksan nito. Isang walang kaemosyon-emosyong mukha ng binata na bumungad sa kanya.

Hindi na siya nagdalawang isip ilahad ito sa binata.

"Good morning. Breakfast po..." Nakangiting saad niya rito subalit kinuha lamang sa kanya ang tray saka siya tinalikuran at siniraduhan ng pinto.

"Napakawalang modo ng isang 'to ah." Naiinis niyang puna. "Siguro kung di ko lang talaga kailangan ng trabaho, di ako magtitiis dito." dagdag pa niya saka umalis at napag-isipang pumanhik muna ng kusina.

Matapos ang isang oras, lalabas na sana siya ng kwarto nang kanyang marinig ang boses ng binata. Tila may kinakausap ito sa phone. Napansin niyang sinarado ng binata ang silid nito bago naglakad palayo.

"Explain it to me later." Dinig ni Yssa sa nagsasalitang si Evander saka na ito muli naglakad papalayo.

Pinalipas muna niya ng limang minuto bago mapagdesisyong pasukin ang silid ng amo. Mayroon siyang duplicate ng susi nito. Dahan-dahan siyang naglakad palapit roon saka binuksan.

Napakamot ng ulo si Ysa sa kanyang mga nakitang kalat sa silid. Hindi niya alam kung ano uunahin.

"Maliban sa pagiging manhid, napakatamad din pala ng lalaking 'yon, tzk." saad ng dalaga at sinimula na niya pagliligpit ng kalat. Pinulot niya isa-isa ang mga gamit na nakalapag sa sahig. Mahigit bente-minutos na siyang naglilinis, lumalagapak na sa kanya ang pawis sa mukha.

"Ibang klase din talaga ang lalaking 'yon masyadong irresponsable. Ayaw ng personal maid pero salahula naman." muling saad ni Ysa matapos pulutin ang mga nakakalat sa sahig.

Lumipas muli ang sampung minuto ng kanyang pag-aayos at paglilinis ng buong kwarto nang biglang bumukas ang pintuan. Napalunok siya at natigilan sa kanyang ginagawa.

Napalingon siya sa kanyang likod at nakita niya ang may isang 6'1 na taas na base sa kanyang hula, walang ka-emosyong nakatingin lang sa kanya.