Nanatiling gulat na gulat si Yssa nang makita niya ang mukha ni Evan, nakakalmado lang ito pero ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila.
"What are you doing here? How did you get into my room?" Bungad na tanong sa kanya ng binata. Hindi nakapagsalita kaagad si Yssa dahil di alam ang sasabihin.
Ilang segundo pa bago siya nakaisip ng sagot. Magsasalita na sana siya nang kaladkarin siya palabas ni Evander.
"Don't dare enter my room kundi mas malala pa ang gagawin ko sayo!" Bulyaw nito sa kanya saka sinarado ang pinto.
Muntik nang ma-out balance si Ysa sa pagkakatulak sa kanya ni Evan. Tatayo na sana siya nang biglang tumakbo palapit sa kanya si Kenneth.
"Kuya Ken!" sambit niya lang.
"Ayos ka pa ba, Miss Yssa? Ano nangyari?" Tanong nito sabay alalay sa kanya para makatayo. "Pasok muna tayo sa kwarto mo."
"Salamat." sabi ni Yssa matapos nakapasok na sila ng silid habang nakaalalay sa kanya si Kenneth at pansamantala siyang umupo.
"Ano may pilay ba?" Nag-alalang tanong ng binatang butcher kay Yssa kaya napangiti siya. 'Mabuti pa 'to mabait'. Bulong ng dalaga sa kanyang isipan.
"Ayos naman. Wala akong pilay." Napatangu-tango lang ito bilang sagot.
"Matanong ko lang, gan'on ba talaga ang anak ni Sir Callistro? Walang manners!" Medyo naiinis na tanong ni Yssa kay Kenneth.
"Baka, kasi nagsisimula pa lang ako magtrabaho dito ganyan na siya pero pinagtitiisan na lang lahat. Anak siya ng isa sa pinakamayamang Senador ng Pilipinas at malaki ang pinapasweldo kaya ayos lang sa kanila kahit di tinatrato nang tama ni Sir Evander." Kwento nito sa dalaga. "Maliban lamang sa mga naging personal maids niya na madalas sinasaktan at minumura pa niya."
Sa huling sinabi ni Kenneth napakunot ng noo si Yssa sa nalaman. Hindi niya akalain na ganoong klaseng lalaki ang taong 'yon. Professional ang magulang pero ang anak wala tamang asal.
"Hindi ba siya naturuan ng good values ng parent niya?" Di siya nagdalawang isip itanong iyon kay Kenneth.
"Busy kasi pareho ang magulang niya at di natutukan. Iyong Yaya niya noong bata pa ang nag-alaga sa kanya, kaso di niya kayang disiplinahin rin si Sir Evan kaya wala na siya ngayon at mas pinili mag-ibang bansa na lang." dagdag pa ng binata saka napatingin ito sa orasan.
"Sige, Miss Ysa may gagawin pa ako. Iwan na kita." sabi na lang ni Kenneth at napatango lang ang dalaga.
Hinintay na lang ulit niya makaalis ang binata sa kwarto nito bago muling ituloy ang paglilinis roon. Naisipan niyang kumuha ng tubig muna sa kusina sa hawak niyang tumbler.
"Yssa!" Tawag sa kanya ni Leah Peñafiel na pinaka-closest niya sa lahat ng tao dito noong unang pasok pa lang ng dalaga. "Sa wakas, nagkita tayo ulit."
"Oo nga eh." Nakangiting tugon niya pagkatapos nagsalin na ng tubig mula sa pitsel sa kanyang tumbler.
"Himala, umabot ka na isa't kalahating araw bilang personal maid ni Sir Evan." sambit nito. "Dahil 'yong last na nag-work sa kanya na sinundan mo, wala pang 24 hours umalis kaagad."
"Hindi na ako magtataka kung bakit." Sarkastikong pahayag ni Yssa.
"Pero ikaw, nakatagal. Sana umabot ng one week." saad ni Leah.
"Oo aabot ako kahit ilang buwan pa dahil kailangan kong tiisin ang pagiging monster ng boss natin kaysa sa kalye ako tumira." sagot ni Yssa.
"Bakit naman?" tanong ni Leah.
"Wala akong matitirhan." sagot agad ng dalaga.
"Ulila ka na pala?" Napatangu-tango lang si Yssa bilang tugon.
"Pero bilib din ako sa fighting spirit mo. Nagawa mong tiisin si Sir Evan. Kung ako siguro 'yan, di pa umaabot ang gabi. Lumayas na kaagad ako." Sa kanilang kwentuhan, biglang natigilan si Leah sa pagsasalita nang makita si Felicidad na papalapit sa kinaroroonan nila.
"Ang aga-aga nagtsi-tsismisan agad kayong dalawa!" Sermon nito sa kanila. "Oh ikaw Miss Carpio bakit nandito ka?" Tinaasan siya ng kilay nito pero di siya nagpatinag.
"Kumuha lang po ako ng tubig." mabilis na sagot ng dalaga.
"Kung gayon, dapat nasa kwarto ka na ni Sir Evan at nililinisan mo na 'yon kaya sibat na." Pagtataray pa nito kay Yssa kaya sumunod na lang siya.
Dumiretso na uli ang dalaga sa kwarto ng binata upang ipagpatuloy ang kanyang paglilinis.
Mahigit tatlong oras niyang nilinisan ang buong bedroom nito nang makaramdam siya ng pagkagutom. Naglakad na siya palabas nang makita niya si Leah na may dala-dala itong pagkain.
"1:30PM na hindi ka pa kumakain kaya pinadalhan na lang kita rito." bungad ng kaibigan.
"Salamat. Sakto nagugutom na rin ako." Nakangiting tugon ni Ysa.
"Sige. Iwan na kita kasi baka makita tayo ni Auntie Feli na nagkukwentuhan ulit." Pagpapaalam nito sa kanya.
"Sige. Kakain na rin muna ako." Sinimulan na ni Ysa kumain dahil tumutunog na ang tiyan niya.
"Enjoy your meal." saka na naglakad palayo si Leah upang bumalik sa trabaho nito.
Napansin niyang tambak na ang labahin ni Evan kaya napadesisyon na niyang ipa-laundry. Nagpunta siya sa labasan patungo ng kusina na kung saan naroon ang laundry. Nagtungo siya roon pero di niya alam kung paano ito gamitin. Natatanging washing machine lang ang ginagamit niya noon. Saktong dumaan si Leah at tinawag niya ito upang magpaturo.
Pagsapit ng 4:00 ng hapon nang napagdesisyunan ni Evander na umuwi na ng bahay matapos manatili sa library ng dalawang oras para mag-review sa College Algebra dahil bukas magbibigay ang professor nila ng quiz. Simple lang sa kanya ang Math subject pero kailangan niya pa rin talaga mag-review para maka-perfect score ulit.
Library at bookstore ang pinakamadalas puntahan ni Evan. Hindi kasi siya mahilig makipaghalubilo sa ibang tao dahil ayaw niya ni isa sa kanila pumasok sa buhay niya at higit sa lahat magbigay ng tiwala. Minsan kinakausap niya si Tommy na kanyang seatmate kapag may importante siyang ipapagawa rito.
Naglalakad nang palabas ng school campus si Evan. Maya-maya sinalubong kaagad siya ng kotse. Napansin niyang nagtatawanan ang kanyang dalawang body guards na si Marcus de la Cerna at Taylor Garcia na pinakamisteryoso at tahimik sa dalawa nitong kasama, at ang driver naman nito na si Martin Eleaza na matagal na ring naninilbihan sa kanya.
Naka-poker face lang siya na kunwari wala siyang napansin habang papasok ng kotse na dahilan upang magsitigil ang tatlo sa kanilang asaran.
"Pupunta po ba tayo sa National Bookstore, Boss Evan?" Tanong ni Taylor sa kanya.
"Hindi." Maikling tugon ni Evander saka dumungaw na lang siya bintana ng kotse.
Napatango na lang sa kanya ang driver saka pinaandar ang sasakyan.
"Ang tipid niya talaga mag-reply." Bulong ni Taylor sa sarili pero narinig iyon Martin at sumang-ayon lang din ito. Masasabi niyang tahimik siya at misteryoso pero di tulad ng kanilang boss na halos ayaw magsalita. Nagiging tahimik lang siya kapag may tao siyang kasama na di kilala.
Mga ilang sandali ay nakarating na rin sila sa munting mansion. Tumigil ang kotse sa harap nito saka unang lumabas si Evander at sumunod ang tatlo. Nagtinginan lang sila pagkatapos dahil sa personality ng kanilang amo.
Naglalakad sa pasilyo si Evander nang makita niyang nakabukas ang pinto ng kanyang kwarto. Diretso siyang pumasok, binuksan ang ilaw at nakita niya si Yssa na mahimbing na natutulog sa kanyang kama.
Wala sa kung anu-ano hinila niya ang kasuotan ng dalaga dahilan upang ito magising. Nanlaki ang mata ng kanyang personal maid nang makita siya.
"Stubborn!" sambit ni Evander habang kinakaladkad si Ysa palabas ng silid. "Do I have many times to tell you, uh? Don't dare enter my room." dugtong pa ng binata. "Hindi ka ba natatakot sa gagawin ko sayo?"
Walang bakas sa mukha ng dalaga ang takot dahil buo ang tiwala niyang hindi mangyayari iyon sa kanya.
Napangisi si Yssa, "Sino ba tinatakot mo?" Tinarayan rin niya ang binata. "Saka ito yung utos ni Sir Callistro at Ma'am Zaria para pagsilbihan ka. Hindi ka naman ang nagpapasweldo sa akin di ba?.... Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang hinawakan siya ni Evan sa kwelyo nito nang napakahigpit.
"I don't care basta tigilan mo panghihimasok sa buhay ko. Do you understand?" Habang hawak pa rin ang kwelyo ni Yssa.
"Ano ba? Nasasakal ako!" saad ng dalaga nang halos di na siya makahinga.
"You're tough. You are a mess too." dugtong pa ng binata. "Hindi ka nadadaan sa pasabi."
"Nasasakal na ako? Gusto mo na ba ako patayin dahil sa hindi ko pagsunod sayo?" Nagawa pa niyang sigawan si Evander kahit nahihirapan na siya ganoong sistema. "Patayin mo na ako! Para wala ng mangugulo dito."
Bigla na lang siya binitawan ng binata at muntik nanaman siya ma-out balance. Tinignan lang siya nito at sinaraduhan ng pinto.
Mga ilang minuto papasok na siya ng kanyang kwarto ng hagisan siya ng mga punda ng unan, sapin sa higaan at kumot ni Evander na ikinapagtaka niya.
"Clean it. Ayaw kong humiga sa kama pinagdungisan ng isang katulad mo!" huling sabi ng binata saka padabog na sinarado muli ang kanyang kwarto.
Walang ibang ginawa si Ysa kundi pulutin ang mga pinagkalat ng amo at idinala ito sa laundry upang labhan. Pagkatapos, kumuha siya ng mga bagong punda, sapin sa higaan at kumot saka dinala kay Evander.
Kumatok ito subalik wala nanamang sumagot. Sinubukan niya ulit hanggang sa limang beses pero di pa rin siya pinagbubuksan. Kaya napag-isipan niyang dumukot ng duplicate key sa kanyang bulsa at binuksan ang silid.
Sa pagpasok niya, nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita habang isang matalim naman na titig ang ginawad sa kanya ni Evander.