Chereads / A life with a boyband / Chapter 8 - Start of something WAR

Chapter 8 - Start of something WAR

XANDER GONZALES

Tumatakbo ako palayo sa bahay naming nasusunog at kasama ko si Ate Zca na iika-ika kung tumakbo.

"Ate jan ka lang, may sasagipin lang ako" wika ko sa kan'ya at bumalik ako nang dumating ang truck ng bumbero

At biglang vibrate ang aking orasan..

Napadilat ako at pinalo ang orasan na napakaingay. Isang panaginip nanaman. Tinignan ko ang orasan at 6:00am na.

"Oh.. not again!"

Nagmadali ako tumayo at nag ayos ng dapat aayusin. Dahil 1st day ko sa school sa Domestricity Academy at pwede ang civillian kaya nag-civillian muna ako. Nag ayos ako ng buhok ko at kinuha ang bag na maliit. Nagbike agad ako palabas ng Subdivision. Napansin ko ding may bumusinang kotse at si Kuya Arven 'yun na kasama si Nicole. Nagmadali ako nagbike at sinundan sila.

Nang makarating ako sa school ay naunang bumaba si Nicole sa kotse at kinawayan ako ni Kuya Arven. Tinignan lang ako ng masama ni Nicole

"I'll go ahead na Kuya"

"So where is your room?"

"It is in 2nd floor Kuya" sabay irap niya sakin

Umiling na lang ako at pumunta sa parking lot para ikadena ang bike ko.

Naglakad lang ako sa hallway papuntang high school department at tumbad sila Marco at Bryan sakin.

"Welcome to Domentricity Academy Bro!" sabay ni Marco at ni Bryan

"Thanks" ngiti ko lang sa dalawa

Naglakad na kaming tatlo sa hallway at maraming tao ang nakatingin sa amin lalo na ang mga girls.

"Yan ba yung new student sa D.A? Ang gwapo"

"Artista yan eh"

"TFK member yan shox!"

Meron din mga negative mula sa mga ibang section na kasamahan ng mga bakla.

"Mas gwapo pa din si Master Venice"

"Binayaran siguro sina Ma'am Principal"

May iba din na mabuti ang bati sa akin at sinalubong kami ni Carl at MJ, naglakad kami papunta sa isang room ang pangalan "Section A: St.Joseph". We're in 4th year high school, a freshmen applying for graduating students.

"Bro yung fix paki" ani MJ

Hinagis ni Bryan yung fix at natamaan sa ulo si Carl.

"Hoy! ano ba iyan pre.." reklamo ni Carl

Nakaupo lang ako sa harapan at may katabi akong babae.

"Hey handsome.."

Nakita iyon ni Marco at Bryan.

"Uy Cheska grabe 1st day na 1st day" wika ni Bryan

"Bakit ba?! Hmmp.."

At tumayo na lang siya at lumabas ng room. Natawa na lang ako at tumayo nang biglang pumasok si Jha at Kyla na may kasamang dalawang babae.

"BOOYS" ani Kyla na parang nagtotour-guide

Biglang lapit si MJ.

"Sa section natin andito ang sikat na banda ang FBS"

Sabay turo ni Kyla sa'min isa isa

"Wait is that..."

Familiar ang boses niya. Lumapit ako at nakita ko si Abigail Shin, ang pinsan ko. Lumapit ako at inakbayan

"My cousin"

At inakbayan ko siya.

"Ano ba?!" irita na sagot ni Abby

Hahanpasin na dapat ako nang tumakbo ako at nagtawanan na kami.

Bakit andito tong malandi kong pinsan?! She's not supposed to be here.

Narinig kong nagbell na kaya lumabas na kaming lahat. Paglabas ko ay nakapila na ang iba sa nakita nila. Si Venice? Isang SSG president? Nakalagay sa nameplate niya at naglalakad pasalubong samin.

"Yang mayabang na yan mapapatalsik na yan bukas" sabi nung nasa kabila

"Kaya nga, buti natalo sila sa battle of the band noong nakaraan"

"Sino nga ba nakatalo?"

"Yung bagong member daw ng FBS, mukhang mabait daw" sabay tili nung dalawa

Nakita iyon ni Venice kaya hinila niya ang dalawa.

"Do you know what is policy here?"

At akmang sasampalin yung dalawa nang umawat si Carl

"Tol, sumosobra ka na"

Halatang galit sa mukha ang aura ni Carl at binitawan yung dalawa at hinila si Carl na sinundan namin nila Marco at MJ. Nakapunta na ang iba sa gymnassium.

"What's your problem dude, ako padin ang SSG president kaya wag kang umasta na parang savior dahil ako padin ang hari dito!" ani Venice

Tinulak ni Venice si Carl at napaatras ng ka'onti si Carl

"Don't you dare to hurt my friend, you know what Ma'am Cherry said" sagot ko lang na aaksyon na.

Nasa tabi ko si Donnie at inawat na wag makialam

"Wow, a new hero" at natawa siya ng malakas

Akmang susuntukin na ko ni Donnie nang hinampas ni MJ si Donnie sa likod at sinuntok ni Carl si Venice.

"'Di bale na ako ang nauna pero kayo.. ang lalaki na ng ulo niyo"

Nagulat kami at napaatras si Carl nang marinig kong may isa pang bell at sabay sabay kaming tumakbo pabalik sa court.

Nadatnan naming tapos na ang ceremony at announcement na.

"Goodmorning students, old and new students. Welcome to Domentricity Academy, I'm here to introduce the SSG officers from 2014-2015"

"The first is the President from Section C here's Venice Clark"

Umakyak si Venice na may pasa sa bibig. Nagulat si Carl na wala naman iyon kanina.

"The second one is Vice President in Section A is none other than Carl Franco"

Umakyat si Carl at nagtinginan sila ng masama.

"The sargent at arms, ang kambal ni kamatayan, the daredevil twins, Xenon Valentino and Frank Valentino, the tresurer is Kimberly Aban and lastly the auditor is MJ Ramos. At dahil we hiring for new face of SSG we're having a voting"

Parang hindi na kagulat gulat sa kanila ang magkaroon ng voting in first day of school pero 'di na nakakapagtaka.

"The requirement is you have a grade not lower than 83"

Nagbulungan yung ibang estudyante sa gym at nakatayo lang lima.

"The lineup will start now.." sabi sa MC na kinagulo ng lahat.

Kinalabit ako ni Kim.

"Gawa tayo, tayo tayo"

"Ako campaign manager ha?" payabang na sagot ni Yannah

May kasama si Marco.

"Sama niyo to. Si Goo, treasurer" at hila ni Marco kay Goo

Hinila ako ni Kim. To be honest, naawkward na ako.

"Xander will be the president, I am the vice president. Walang secretary kaya sargent is Marco and Domenic and treasurer is Goo, lastly the auditor is Cheska"

"What?!" gulat ni Goo

"Why baby?" palanding sagot ni Cheska

Hinila ni Yannah si Cheska.

"Tama na landi ok? Ano naman name"

"Why did you ask yourself"

"The Changer" sabat ni Marco

"Oo yun na lang" dugtong niya

Sa kabila naman ang nagpili sa Venice pa din at si Donnie pa din ang manager.

Pagkaraan ng isang oras sa gym na nakaup na sa mga gilid sa taas ay tinawag na ng MC ang mga pangalan.

"Oh the 5 list here we chose only 3 names the first one is Dominican Clark which is Venice team, the second one is Dark changer which is Jessica team and last The changer which is Xander team"

Tumayo kami at isa isa sila nagexplain ng plat-forms. At nang sa akin na natapat ang mic ay hindi agad ako nakapagsalita.

"I may not be the chose one but i will sure that i will protect you from bullies and harrasments around here" at yun ang line na napasok sa isip ko pero isa din akong bully sa dati kong school.

Nagsitayuan ang ibang estudyante at nagpalakpakan sila. Nagtilian yung iba at tumatalon yung iba.

Why is that? Is there.. some kind of bullies here? Some abusive people?

"Wow that's a nice speech Mr. Gonzales, now the voting line is now open, you can now vote on the room 205-210. You can have your break"

Bumaba ako sa stage at natigilan ako nang harangin ako ni Carl.

"Pare, ikaw lang.."

"Ikaw lang naglakas ng loob about sa bullying and harrasments" ani nung isa na nasa likod ko

"Pre hindi sya maru--"

Pinahinto ko sa pagsasalita si Carl at tumango ako sa lalake.

"Simula noong namuno si Venice puro bullying ang nagaganap madalas kaya naging onti ang estudyante last year"

"I see"

"Marunong ka mag tagalog?" Tanong nito

"Yes..konti"

Umalis yung lalake sa harap namin at si Venice papunta sa amin.

"A new friend huh" sabay ngisi niya

"Bullies.. hmm.. paano kaya kung ang leader ng banda mawala?"

Alam ko agad ang tinutukoy ni Venice, si Carl.

"Hindi.ako.natatakot" paaccent kong sagot

"With accent, trying hard, you're not Filipino"

Lumapit si Venice at bumulong sa'kin.

"Welcome to hell Mr. Trying hard"

At tumawa sila. Binunggo nila ako habang naglalakad. Naiwan si Carl na tulala sa akin, nagulat yata sa tagalog ko.

Naginit ang labanan sa 1st day pa lang ng school at mabuti na lang next week pa ang regular class. Sila MJ at kanyang phone, tulala lang sa text, si Bryan naman kasama si kyla sa kabilang upuan at kasama nila mga kaklase naming babae. Kami lang tatlo ang nasa dating pwesto, si Carl at Marco kasama ko.

"Tropa?" -Marco

Nagtatalo ang dalawa sa cs namin daw. No need but kung yun ang gusto nila..

"Par" -Carl

"Gag* parang tanga" -Marco

"Tol"

"Short" -Marco

At nagtawanan ang dalawa sa corny nilang joke. Natawa na din ako.

"So..what is it?"

Papunta sa'min si MJ

"Pare"

Nagtinginan ang dalawa. Napatingin sakin si Marco nang umupo sa tabi ko si Kim

"Boys, sigurado akong panalo na si Xander"

At hinawakan niya ang braso ko nang pumiglas ako

"Don't touch me"

"Ang arte mo talaga noh?"

"So what?"

"Daig mo pa ang babae"

"If I we're you, just shut your mouth"

"And what would I"

Napatayo siya at tinatarayan ako.

"Cause you are nonsense!"

Sabay tayo ko din at nagpipigil ako ng galit. malapit ko na to patulan

"You too, GAY!"

At naghiyawan ang mga tao sa cafeteria. Nagtitinginan na sila samin pati sila Carl. Nakakahiya tong ginagawa namin. Hindi ako makapagpigil.

"You're slut"

At natahimik sa cafeteria. Umalis agad ako roon baka kung ano pa masabi ko sa kanya. Pagkalabas ko ay nadatnan ko si Abigail na kasama si Donnie at si Venice kaya lalo ako nag-init at tumakbo papuntang garden.

"That...that...f*cking girl. SHE.RUIN.MY.DAY" sabay hagis ko ng bato sa may bulaklak at napaupo ako sa damo

Natahimik din ako nang tinignan ko ang phone ko na ang cover si Kim, naiwan ko noong nakaraang gabi ang phone ko sa kwarto nang walang password kaya nag-picture siya.

"Damn..."

Tinitigan ko yon ng masama bago ibato. Nakayuko lang ako at may babaeng lumapit sakin at inabot ang phone ko.

"Pag binato daw ang phone ibig sabihin walang kwenta ang nagbigay niyan"

Tumingin ako sa kanya, blonde ang buhok, nakacroptop at maganda. Bigla ako tumayo at pinagpag ang black ripped jeans ko.

"Nathalia"

At inabot niya ang phone ko.

"Xander"

End of chapter 8