Chereads / A life with a boyband / Chapter 13 - Memories

Chapter 13 - Memories

KIMBERLY ABAN

Hindi ako nakatulog sa mga ngiti niya at ngayong 2:00am gising pa din ako, hindi ko ineexpect na siya makakaduet ko akala ko si bryan. Ngayon lang ako hindi nakatulog ng dahil sa kanya. Sumilip ako sa bintana ko at sarado iyon. Wala akong ingay na naririnig kaya nagbukas na lang ako sa laptop ko at tumbad saakin ang flood messege mula kay Marco.

Marco: KAMI NA NI YANNAH !!

Nireplyan ko iyon

Kimberly: congrats

Nagpunta ako sa gc namin at usap usapan ang mga nangyari, nangunguna si jha at mj

MonJhay: ang saya sana araw araw na lang ganun

Jhaesa: edi napagod yung dalawa

Kimberly: sinong dalawa

Seen by Jhaesa

MonJhay: edi kayo ni xander, magiging issue yan

Kimberly: si venice? Well idc akala naman niya papatulan ko pa siya sa mga pinag gagawa niya

Jhaesa: mukhang kinakalaban niya bebeko hindi porket naging ex ni venice kapatid ni carl.

Sineen ko lang ang chat nila at may napansin ako chat kay fresco.

Fresco: Nawala alaala ni xander.

Kimberly: Magkaiba si xander at john paul ok?

Tinignan ko ang litrato na hawak ko na nakuha ko sa kabilang bahay kung saan may nakaiwan nun. Ang nakalagay doon ay pangalang "paul loves krams". Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at nagbukas ng cabinet nang may nagring sa phone ko.

Marco

09*********

"Hello? Madaling araw na ah?"

"Pwede humingi ng favor?" -Marco

"Ano nanaman ba"

"May isesend akong picture sa email mo, tignan mo kung natatandaan mo, nakuha ko yon sa wallet ni xander" sagot niya ng mahinahon

Tinignan ko agad ang email ko at nakita ko ang picture na nakalagay "EST 2003". Bigla ko naalala ang isang post ni xander sa page nila na Those four kids na last ep nila ay title na EST 2003 kaya nagdesisyon akong tawagan ulit si marco

"May album ang TFK na EST 2003 ang title"

"Sige ako nang bahala" sagot lang niya

Bumalik ulit ako sa cabinet ko at nakita ang isang kahon na medyo maliit. Binuksan ko iyon at tumbad saakin ang litrato namin ng kababata kong si jon paul. Hindi ko alam ang apelydo dahil baguhan pa lang siya noong natira siya sa zazaman dagat.

FLASHBACK

2002

May isang bata ang lumabas sa isang baru-barong bahay, isang gwapo, makinis ang balat na mala amerikano ang dating pero mukhang dugyot sa suot, punit na sando at short na mahaba. Kasama niya si fresco na isa ding dugyot.

"Laro tayo" -paul

At nakipaglaro naman ako, habulan kami sa gilid ng dagat, nagtatampisaw, nagpunta sa dagat ang tita ni paul at kinuhanan kami ng litrato pero ang isa pang litrato ay nakaakbay si paul saakin.

"Ayan, dalawa pinadebelop ni tita, tag isa tayo" -paul

"Salamat, sulatan natin"

"Hindi ba mababababoy yon?"

Ginawa ko sinulatan ko ng EST 2003 ang likod ng litrato hawak ko kaya ginaya din niya iyon.

"Hindi kita makakalimutan krams" at hinalikan niya ang pisngi ko

"Yak kadiri ka, hindi kita gusto" at tinulak ko siya

Umiyak ng malakas si paul at pinatahan ko naman iyon.

"Bata pa tayo"

"Friendly kiss lang yon eh" tulo na ng sipon ni paul

Bilang ganti, kiniss ko din siya sa pisngi.

"Oo na paul, promise walang kalimutan?"

"Promise" sabay yakap niya saakin

END OF FLASHBACK

Nawalan ako ng balita noong umalis sila noong 2003. At hanggang ngayon hindi ko pa din siya nakakalimutan. Kamusta na kaya siya? Tinignan ko ang litrato na sinend ni marco at ng hawak ko.

"Hindi siya to.." bulong ko lang sa sarili ko.

XANDER GONZALES

Isang mabangong amoy ang tumbad sakin pag gising ko. Tumayo agad ako at pumunta sa kusina. Nadatnan ko si abigail na nagluluto.

"Goodmorning my favorite cousin, how's your sleep?" Bungad agad niya

"Good. By the way, where's nicole?"

"Pinauwi ko na, tumawag si tita saakin eh at pauwiin ko na daw siya" -abigail

Nagkuskos lang ako ng mata ko at wala ako gaano maalala dahil nagbar kami at si nicole ay pinalabas ng guard dahil nalaman na underage.

kinuha ko yung wallet sa bulsa ko, pero may napansin akong may nawawala, ang litrato namin ni krams kaya nagmadali akong umakyat at ginulo ang kamang pinaghigaan ko.

"What's wrong?"

"Did you see my photo? M-may nakalagay sa likod na EST 2003?"

"H-hindi eh, ano ba yon? Importante ba yon?"

"Did you put that on trash?"

"W-wala ako tinapon ng picture kagabi"

"Importante ba yon insan?"

"THAT IS IMPORTANT TO ME! YOU DON'T KNOW THAT?" sigaw ko sa kanya

"XANDER PICTURE LANG YON, YOU'RE ACTING LIKE A CHILD"

Binagsak ko ang upuang nasa tabi ko at lalong kinabahan ang pinsan ko

"IT IS IMPORTANT TO ME, ITS MY LAST MEMORY I'D LEFT WHEN I WAS A KID, IF YOU DON'T MIND, WELL ITS THE LAST ONE, YOU KNOW WHAT THE DOCTOR SAID!"

Napayuko ako at kinuyom ang kamao ko. Umalis ako sa harap niya at Pumunta sa salas, hinalungkat ulit ang wallet ko, nakita ko ang kapirasong litrato ni krams at kapirasong litrato ko na magkadikit. Hindi ko namamalayan na nagdudugo ang ilong ko at pagtayo ko ay bigla ako bumagsak nang may sumali saaking babae.

Pag gising ko ay nasa liwanag ako at puti lang ang nakikita ko, pag tingin ko sa may pinto ay nakita kong naguusap sila tita at abigail kasama ang doktor ko na nirecommend sakin noong unang uwi ko.

"Nawala po ba ang memorya ni xander?" Tanong ng doktor

"O-opo dok, naaksidente siya noong sampung taon siya" -abigail

"Well, kung may alaala man siya noong bata na naalala niyo, unti-untiin nyo lang, naiistress kasi siya pag binibigla niya kung sino yung mga nakapaligid sa kanya noong bata siya,may tendency na masiraan siya ng ulo" paliwanag ng doktor kila abigail

Pinikit ko ang mata ko ng marrin at may sumagi sa isipan ko na Eunice ang pangalan. Napadilat ako at naiwang tulala

"Dok, may picture siyang hinahanap saakin at pilit niya kinukuha iyon" paliwanag ni abigail sa doktor

"That his last memory, mga bukas o sa makalawa mawala na ang memorya ni xander noong bata pa siya, hinahanapan pa namin ng lunas ang ganyang kaso, maiwan ko muna kayo" sabay alis ng doktor

Nakita ako ni nicole na tumutulo ang luha ko, kailangan ko mahanap si krams, eunice. At sana hindi nila malaman yung pagkatao ko.

End of chapter 13